Tuesday, September 29, 2015

Mas Malaking Hiwaga Kesa sa Hiwaga ng Gold Ship sa May Romblon

www.snipview.com
Nagiisip ako ng iluluto sa tanghali habang naglalakad papuntang Talipapa sa Nori. Adobong manok nalang para madali, naisip ko, Tapos, habang nagcha-chop yung tao ng suki ko, natanong ko province nila.

"Romblon kami, kuya," ika ni suki.

Nanlaki mga mata ko. "Romblon! Maganda doon!'

Halatang sumigla na silang dalawa. Nag-kwento na ng kung anu-ano tungkol sa Romblon. Nakaka-bagok ding tumunganga sa talipapa na yung tao mo lang ang kaharap mo parati. Kaya pag me naka-kwentuhan sila, ganado rin.

So, nag-kwento na nga sila, lalo na yung mahiwagang dagat daw banda roon sa kanila. Nabanggit ko kasing pag ganitong mga buwan (October to November), mahirap daw maglayag ang mga barko roon. Masyadong mahiwaga ang alon. Nung nabanggit ko yung "mahiwaga" ginanahan na silang mag-kwento.

Kaya nga binigyan ako ni suki ng matatabang parte ng manok.

Me bulubundukin daw kasi doon na me "magnet" kaya parang nahihigop ang mga barko kahit di naman malakas ang alon sa dagat. Minsan naman, bigla daw magiging ma-alon. Tapos, nawawala ang ibang mga banka o barko ng ganun nalang.

E di syempre, napahinto ako at nakinig sa kanila. Minsan, nag-aagawan pa silang mag-amo sa pagsalaysay sakin ng mga hiwaga. Pag kwentuhan nga naman, sumisigla ang mga tao. Tapos, na-singit ni suki ang tungkol sa mahiwagang gintong barko na nagpapakita sa me Sibuyan Sea. Nakita pa nga daw ito ng Philippine Navy at sinundan ng kanilang speed boat. Pero wala din.

Delikado daw sundan ito. Ma-e-engganyo ka daw kasing sundan ang all-gold ship na to. At pag sinundan mo, yari ka. Mahiwaga kang maglalaho sa karagatan. Katakot naman yan.

Marami daw hiwagang bumabalot sa karagatang yon dahil me mga ginto daw sa mga bundok na pinangangalagaan naman ng mga mahiwagang nilalang. Sabi ko, "Ah oo, napanood ko nga yan minsan sa TV! Mahiwaga nga daw!" napanood ko ito sa "Misteryo."

Ang huling nabanggit ni suki ay nung nag-shooting daw sila Eddie Garcia banda doon. Barilan daw. Pero nung natapos na at pinanood nila yung take, lahat daw sila walang ulo! Di na daw natuloy ipalabas yung pelikula.

Tawanan kami.

Ngayon, ang prublema ko, ito--di ko alam kung paano makakawala sa kwentuhan nung dalawa. E, ganadong-ganado pa naman sila. Pero kelangan ko na ring mamili sa kabilang tindahan ng mga sangkap sa adobo ko.

At last, dumating si Mrs ni suki at kinalabit siya, parang sinasabi, "Hoy! Tama na yan! Hanapbuhay ka muna!" Sunod agad si suki. Dun ko nakita, tigasin pala si suki, hehehe. Yun ang mas malaking hiwaga.

Thursday, September 24, 2015

Ang Dinadayong Natural Resort sa Otcho

senorenrique.blogspot.com
Actually, baka di mo pa alam, me dinadayong natural resort dito sa Otcho. Libre ito at talaga namang natural creek ang lugar at masarap pag-piknikan din ng pamilya. Me mga cabins doon or pawid na--di ko lang alam kung pwedeng upahan. Me mga nakatira kasi.

"Talagang nililiguan ng mga tao yan, kuya!" sabi ni Bong na taga-bakery (yung suki kong bakery sa village), lalo na ng mga bata!" Nasa bakery niya ulit ako at bumibili ng pandesal.

Madalas akong tumambay ng sandali doon para sa kwentuhang kalog at tawanan. Alam nila akong palabirong neighbor.

"Yak!" sabi ko. Di ko ma-imagine yung dumi ng ilog. Doon kasi ang labasan ng lahat ng kanal dito sa village at kahit na sewer yata. So me mga lumulutang-lutang na kung anu-ano don! Tapos doon da-dive yung mga bata!

At me mga baon pa silang pagkain. Dun sila nagla-lunch--picnic baga--kasi me mga bato-bato doon na pwedeng upuan at pahingahan. Nasa ilalim pa ng malaking punong mangga. Me lilim. At the best siya pag me bunga yung mangga! O di ba?

Tapos sabay dive.

Sa ilalim naman ng tulay sa ilog, me mga squatters (yun yung mga pawid at "cabins" na nasabi ko kanina). Sabi ng iba, doon daw nakatira yung mga kawatan--ewan ko kung totoo. Pero hindi sila dapat nakatira doon.

Minsan, pag baha daw at nabubulabog yung mga lungga ng sawa sa ilog, naliligaw daw yung iba sa bahay nila Bong. Buti nalang daw magaling yung mga pusa nilang itim pumatay ng sawa. Kaso yung isang pusa, nawawala kaninang umaga. Panay daw ang layas at nanliligaw. Sabi ko, talagang ganon ang mga pusang lalaki, lalo't mating season.

Yung mga squatters under the bridge, madalas daw nakaka-kita ng mga ahas sa ilog.

So, totoo nga--me mga ahas sa ilog.

"Pwede ka palang mag-tayo ng resort dyan sa likod mo, Bong! Kikita tayo dyan!" sabi ko.

Tapos, me kanong dumating, bibili yata ng pandesal. "O, tamo!" dagdag ko. "Me turista ka na agad!" Tawa si Bong. Yung kano naman, di alam ang nangyayari. Sabi lang niya: "Do you still have pandesal, Bhong?"

Ang Maliit na Punerarya


Me maliit na punerarya sa me labasan sa lugar namin, dito sa Otcho. Cute siya (pero ayaw ko sa kanya, no!), at ang nakakatawa, pinagigitnaan siya ng bilihan ng karne na me bigasan, at maliit na restaurant na me kahoy-kahoy kunwaring bakod. Biruin mo, bilihan ng sariwang karne, small punerarya at restaurant. Sa dako pa roon, me small bakery, suki ko.

Pag dadaan ang sinasakyan kong jeep doon, madalas di ko maiwasang mapa-tingin at mapa-ngiti. Me customer kaya ito? Wala naman akong nakikitang naglalamay dito pag gabi. Basta pag-nadaan ka, makikita mo yung glass door at mamamataan mo yung puting kabaong na nakatagilid (masikip kasi sa loob) at me mga ginintuang design. Sa glass window niya makikita mo naman mga gamit pang-burol--mga ilawan, podium, pulpito at minsan mga korona.

Sa kalapit na bakery (suki kong bakery), tinanong ko: "Me binuburol ba dyan?"

"Wala naman, kuya!" sabi ni Bong, tatawa-tawa. "Nagbebenta lang sila ng ataol."

"Me buy-one-take-one ba or seven-day free trial man lang?"

Lalong natawa ni Bong sakin.

"E, bumubili ka ba sa katabing tindahan ng baboy at karne?" tanong ko.

"E, kumakain ka ba sa katabi ding restaurant?" tanong ko ulit.

"Ay, hindi kuya, kasi beer house yan talaga. Di ako nagbi-beer house."

"Ba't yung puting kabaong na display--noon ko pa yan nakikita. Three years na yata yan dyan. Walang bumibili?" tanong ko ulit.

Natawa ulit si Bong habang inaabot yung binili kong pandesal. "Nakaka-takot naman sir, pag nabili yan! Ibig sabihin, me nangailangan!"

"Bakit, wala bang nangangailangan dito satin mula 3 years ago?"

"Wala po siguro kuya!"

"Aba!" sabi ko. "E di effective pala ang pandesal mo!"

"Po? Bakit po?"

"E di ba with malunggay ito? Pampa-haba daw ng buhay ang malunggay, di ba?"

Lols nanaman si Bong. "Ikaw talaga, Kuya Jad!"

"Anong oras ba kayo nag-sasara ng bakery?"

"Mga 10 pm po."

"E, last question, Bong--wala naman kayong nararamdaman pag gabi?"

Nag-isip muna si Bong at saka sinabi: "Nararamdaman? Gaya po ng ano? Multo?"

"Baka, di ba? Di ko alam. Punerarya yan e. Meron ba?"

"Wala naman po!" agad na sagot ni Bong. di ko alam kung dahil sure siya sa sagot niya or gusto lang niya kontrahin agad yung sinabi ko. Kapag sinasabi daw ng bibig, nagiging totoo--yun ang paniwala ng ibang tao. Kaya pag ayaw nila sinasabi mo, naka-kontra agad sila. Minsan, kakatok-katok sila sa mesa at sasabihing, "Knock on wood."

"Alam mo kasi, yang me katabi kang punerarya, minsan nang-aakit ng ligaw na kaluluwa yan at..."

"Ay teka kuya!" mabilis na sabi ni Bong, pinutol yung sasabihin ko sana. "Me naka-salang pa akong mga pandesal, baka masunog, hehehe!" Sabay alis. Mamyang konti, narinig kong tinawag niya asawa niya: "Nits, samahan mo nga ako...este...tulungan mo nga ako dito sa mga pandesal! Dalian mo!"

Tatawa-tawa akong lumayas. "Di bale, bukas naman bibili ako ng pandesal uli," sabi ko sa sarili.

Wednesday, September 23, 2015

Si Donya Buding at Si Sikyong Pedro

www.123rf.com
Astang mayaman si Donya Buding--madalas me yosi (at social pa hawak niya sa yosi), class ang pag-lakad, class ang pagka-taba at me pagka-suplada pa minsan. Donya nga. Pero actually, namumulot lang ng mga mabebenta sa basurahan si Donya Buding.

Wala namang kaso yon--marangal na trabaho yon kesa manglimos. Kaya lang, nakukuha pa niyang mag-yosi. Wala na ngang pera, me bisyo pa! Hindi pa healthy bisyo niya!

Di ko alam real name niya. Basta't nakikita ko siya, Donya Buding agad nasa isip ko. Medyo mabait din siya, kasi pag-hahalungkat siya ng basura, di niya kinakalat. At pinapagalitan niya yung ibang halungkat-basura na nagkakalat ng basura. Halos araw-araw andyan sila sa kalye namin, nag-che-chek ng basura. Minsan, trash checker tawag ko sa kanila.

Ito namang si Sikyong Pedro--isa sa mga security ng village--siya ang tiga-sita at habol sa mga trash checkers. Walang patid na habulan yan. Prrt doon, prrrt dito. Di naman nahihinto ang trash checking sa village. Sige pa rin. Pero parang na-e-enjoy na din nila ginagawa nila--sila Donya Buding at Sikyong Pedro. Habulan dito, habulan doon. Gumaganda daw health nila.

Bakit Sikyong Pedro?

Di ko alam tunay na pangalan niya. Basta, sikyo siya tapos kamukha niya yung kakilala kong "Pedro" dati. Tapos, parang tunog "Senyor Pedro," yung masarap na litsong manok dun sa kabilang ibayo. Kaya naisip ko, Sikyong Pedro. See?

Si Sikyong Pedro, dala nya pamilya nya dito sa village at pinatitira sila somewhere dun sa plaza. Me simpleng bahay sila dun, kasama yung tatay ni Sikyong Pedro. Ang tawag ko naman sa kanya, Kapitan Pedro. Tuwing makikita nya ako, nagsasaluduhan kami, kaya tingin ko tuloy sa kanya, kapitan sa Katipunan. Mga 90 years old na siya siguro.

Minsan, sa kakahabol sa mga trash checkers, nadapa si Sikyong Pedro. Subsob ang mukha. Doon na nagumpisa siyang madestino sa kabilang gate. Nagiging "bayolente" na daw siya. Siya na nga nadapa, siya pa bayolente ngayon. Natawa na lang ako. Kaya tuloy minsan, ang tingin ko sa kanya parang mukhang trash checker na din siya. Madalas yata kasing masubsob.

Probably Your Funniest Zombie Nightmare

What if one day you suddenly find yourself in the company of your worst (actually funniest) zombie nightmare? And this because you got too careless about accepting friends on Facebook! And much worse is, you're the prettiest girl in your high school!

Wild stuff that won't happen to you? Well, that was what Ciara also thought. But one day it happened! And the lesson she wouldn't forget from this adventure was--never get too careless about accepting friends on FB!

Ingat-ingat lang pag me time!

This is my first English mystery-adventure e-book! It's titled "The Facebook Post Mystery Adventure." I'm Jaden Mero, an associate blogger on Expert Builder Blog together with other bloggers making up that site. And I'm also an associate blogger for MTrackers--a mystery-detective fiction with location in Project 8, QC. Different authors write about MTrackers and this e-book is my first.

And yes, you might unknowingly add a friend who's a zombie or something similar. The profile pic looks cute but when you meet the guy face-to-face, it's like watching The Walking Dead. So, never "eyeball" a stranger from FB. What happens if you do? Well, this e-book may give you a good idea. Ciara actually went on a long, adventurous and dangerous trip out of Manila just to solve the Facebook post mystery.

Imagine a pretty high school girl out in the dark hillsides of a far-away province in the Philippines, alone, trying to figure out zombies and other dangerous creatures--with so much fun and laughter--all because of one FB mistake! What would happen to her? Would she finally be eaten alive or infected with the virus and spread it everywhere?

Para malaman mo buong kwento, kumuha ka na ng PDF copy mo ng e-book now! Simply click on this link and buy via Paypal. Pagka bayad mo, dadalhin ka agad ng Paypal sa Expert Builder Blog namin para click yung download link!

Tuesday, September 22, 2015

The 6th Room

www.pinterest.com
Good news! Sideline! Me magpapalinis ng bahay at bakuran sa halagang P500 bawat tao. Tatlong tao lang kelangan. Pinatulan nila Pareng Babes, Prof, at Mr. Bean. Kaso, nung nalaman nilang 400 square meters yung lote, tumawad sila. Dapat daw 4 sila. Matapos ang mahabang negotiations, pumayag din me-ari.

Kaya sinama nila si Dagul. Sasama din sana si Totoy Golem kaso apat na sila. Five is a crowd na. Next time nalang. OK naman si Totoy Golem, maunawain. Kaya OK ang samahan ng Kalog Boys talaga.

Punta sila sa dulo na yata ng Project 6--pinaka-sulok. Pa-sikot-sikot, pa-liko-liko. Tapos, bumaba na sila ng jeep at naglakad pa. Nagtanong-tanong, saan po ba ang Villa Medusa? Tinuro sila banda roon--"Ah, doon pa yon sa me dulo!"

Sa wakas natunton din nila. Ang laki pala! Parang di kaya ng isang araw! Pero a contract is a contract, ika nila. Ang kontrata ay isang araw kaya kelangan tapusin nila ng isang araw. Alas otcho pa lang naman ng umaga kaya sinimulan na nila. Si Prof at Mr. Bean sa loob ng 2-level na bahay, sina Dagul at Babes sa bakuran.

Binuksan ng caretaker yung bahay at tinuro sa kanila kung anu-ano ang dapat linisan. "At huwag niyong paki-alaman ang pang-anim na room," mariing sinabi niya. Nagka-tinginan sila Prof at Robinson. Para namang magnanakaw sila. Tapos, lumabas na si caretaker para sila Babes naman ang bigyan ng instructions.

"Ang lawak pala nire!" sabi ni Mr. Bean. "Limang kwarto!"

"Sige, tatlong kwarto sa itaas sayo, akin yung dalawa sa ibaba plus yung CR. Yung pang-anim na kwarto sa itaas, yun daw ang masters, kaya wag mong paki-alaman yon. Maliwanag? Ano, game ka?" tanong ni Prof.

Pumayag si Mr. Bean. Seems fair naman. Hala, linis sila. Pero habang kanya-kanya silang linis ng mga kwarto, parang me nadidinig silang me kumakaluskos sa pang-anim na room--sa master's bedroom. E sabi ni caretaker, walang tao sa bahay. Di alam ni Mr. Bean na dinig din ito ni Prof sa ibaba, and vice versa. Di nalang nila pinapansin.

Sa labas, nililinis na ni Dagul yung likod habang si Babes naman sa harap. Pero feeling ni Babes, parang me sumisilip sa kanya from the window ng 6th room. Si Dagul naman, me sumisitsit daw from the window ng 6th room din, yung masters. Ah, siguro sila Prof at Robinson lang yon. Walang magawa. Pero teka--sabi ni caretaker walang ibang tao dun.

Later, nung magla-lunch time na, nag-break muna sila. Nagtagpo-tagpo sila sa garahe. Nilabas nila mga baon nila at nagka-sundo na bumili din ng i-ihawin para exciting naman ng konti. Natutunan nila sakin yung mag-isip ng something para maging lalong exciting ang trabaho. Kaya lumabas muna sina Dagul at Mr. Bean para mamili ng isang bangus sa kalapit na palengke. Habang nasa jeep, nagka-kwentuhan sila tungkol sa misteryo ng 6th room.

"Ha? Hindi pala kayo yung sumisitsit?" laking gulat ni Dagul.

Sila Prof at Babes naman, nagka-kwentuhan din about the master's bedroom. "Ha? Hindi pala kayo yung sumisilip sa bintana?" gulat na tanong ni Pareng Babes.

"Pano kami sisilip dun e naka-kandado yung masters at hindi binuksan ni caretaker. Di ba caretaker?" Hindi ito sumagot ke Prof.

Dumating na sila Dagul at Mr. Bean at nag-ihaw-ihaw na sila. Ang laki ng bagus sa halagang P100 lang. Ang taba! Dapat, P130 ito, natawaran lang ni Mr. Bean. Share-share din sila ng mga baon nilang ulam--itlog maalat ke Dagul, nilagang itlog ke Pareng Babes, tuyo ke Prof at dilatang Ligo ke Mr. Bean.

After lunch--mga bandang 3 pm--tulong-tulong na nilang nilinis yung sala, kainan at kitchen. So, andun na silang lahat sa loob ng bahay--at nadidinig nilang apat ang mga kaluskos sa itaas, sa masters. Me tao talaga, ika nila.

Nung natapos na sila, nag-wash-wash sila at hinintay ang bayad nilang tag-P500. Tapos, bago umalis, di na niya natiis--tinanong na ni Prof yung caretaker. "Sabi mo walang tao dito. Nadidinig namin me gumagalaw don sa itaas, sa masters."

"Tama naman sabi ko diba? Sabi ko 'walang tao dito.' Ba't, sino ba nagsabing tao yung nadidinig nyo?"

Nanlaki mga mata nila sa isa't-isa at tapos ke caretaker!

"A-anong ibig mong sabihin? Me mga multo?" tanong ni Mr. Bean.

"Mga sawa po yon. Imbis na aso, mga gutom na sawa po ang alaga naman dito para sa security. Lima sila."

Nakatulog Ka na ba Sa Bus--nang Nakatayo?

www.dailymail.co.uk
Walang biro--nakakatulog ako sa bus ng nakatayo. Minsan, pauwi kami galing Batangas kasama ko mga barkada at girlfriend ko. Tulog ako habang nakatayo sa bus hanggang umabot kami ng Pasay--syempre nakatayo ako sa tapat ng girfriend kong nakaupo.

Posible pre.

Kaya since then, sa Manila madalas ko tong ginagawa pag siksikan, tayuan, sa bus tapos inaantok nako. Kahit pa sa MRT. Di ako talo sa pagod at puyat.

Ba't ko nagagawa to? Imagination at practice lang, pre.

Kanina naman, papunta akong Crossing sakay ng bus. Nakaupo ako. Me katabi akong girl na parang medyo conscious sakin. Di ko alam why. Tapos, naki-kiskis yung braso nya sa braso ko. E di syempre me nakakakilabot dun, kaya iniiwas ko.

All of a sudden, me naghihilik! Tahimik yung bus kasi sobrang traffic approaching Ortigas kaya dinig na dinig mo yung hilik. Kakahiya naman yun. Si girl naman sa tabi ko, super curious makita kung sino yon. E nahihiya din siyang lumingon sa direction ko, kaya pa-simple siyang lumilingon to see kung sino yung mystery snorer.

Kahit di ko siya tinitignan, nakikita ko panong susulyap muna siya sakin, at pag mukang di ko siya nakikita, susulyap siya sa sides para makita kung sino yung naghihilik.

Mukang girl din yung snorer. Lalong nakakahiya.

Maya-maya, lalo pang lumakas yung hilik. Natatawa na kami.

Kaya kung alam mong naghihilik ka, wag kang mangangahas matulog sa public vehicles.

Mamyang konti, bumaba na sa POEA si girl na katabi ko. Ayun! Malaya na kong matulog ng todo. Wala na akong ma didikitan--baka akala nanananching pa ako. Di ko ugali yun.

Pero eto na hassle. Mamyang konti, me tumabi saking guy na amoy pawis. At later, nung nasa jeep naman ako when I came from DOH, me lalaki nanamang amoy pawis at medyo inubuhan pa ko. Pareho silang parang kulang yung sabon na ginamit nung nilabhan shirts nila. Di ba sila nagbababad sa Tide? Pero sige, OK lang. Mag pasensya nalang.

Later, pauwi na sakay ng aircon bus, I did what I loved doing inside buses--natulog ako. Pero awa ng Diyos, nakaupo ako.

O nga pala, plug ko lang itong bago kong English e-book about an adventure ng isang magandang dalaga na mahilig mag Facebook. Dahil sa FB, kung saan-saan siya napuntang lugar at kung anu-anong weird na adventures ang nadanas niya. At kasama niya ang mga companions na unexpected makasama ng isang pretty girl sa adventures niya.

Kaya beware how you make friends sa FB. Sana hwag niyong pamarisan ito, hehe..

If you want to buy, just click here. Sa Paypal ang bayaran. Pagka-bayad mo, dadalhin ka ng Paypal sa Expert Builder Blog kung saan me download link. Click mo yun para makuha mo PDF copy mo ng e-book.

Sunday, September 20, 2015

Ba't Me Dalang Baril si Marcela sa School

www.concealedweaponpurse.com
Hindi pa naman siya nakakaabot sa FEU. Nasa jeep palang si Marcela. At bago siya umalis ng bahay, nag-ipit ako ng maliit na baril na plastic sa hand-carry niyang folder nang di niya alam.

Bakit kanyo?

E di pag bukas nya non sa school, makikita ng mga classmates niya me dala siyang "baril," toy plastic nga lang. O, di ba masaya yon?

Wala akong magawa e. Tapos kalog pa ko.

Kaso, sa jeep pa lang, binukas na niya yung folder. E, ang kwento niya, bago niya buksan yung folder, me sumakay na cute na guy at umupo sa tapat niya. Pinapa-kyutan daw siya. Dahil nako-conscious naman itong si Marcela, naisip niyang kunwari buksan yung folder niya para kunwari magre-review siya.

Pag bukas niya ng folder--Tada!--tumambad sa kanila yung baril! Nagulat silang pareho nung cute na guy. Di daw alam ni Marcela ang gagawin niya, at nung tinanong niya sa sarili pano napunta yung gun sa folder niya, ako daw agad naisip niya--ako, walang iba kundi si Jad Mero! Sino pa ba?

Tinignan nya daw agad yung cute na guy kung ano ang reaction. Nag-kengkoy daw ang expression ng mukha at tumingin nalang sa labas. Parang natatawa. Parang sinasabi daw ng mukha ni cute guy--"Naku ha! Me baril siya! Takot naman ako nyan!"

Syempre, inis-na-inis si Marcela sakin. Ako naman, habang nasa bahay at nagbabantay ng tindahan ni nanay, tawa ako ng tawa sa sasapitin niyang yon. Nagtataka mga bumibili. Na-kini-kinita ko na kasi mangyayari. Pag-bukas ng folder--BULAGA!--me baril! Isang bala ka lang! Holdup to! Hahaha! At nakakatawa pa yung itsura nung baril kasi color yellow at wasak yung dulo ng barrel--nginata yata ng daga!

At least, yellow, pam-babae, di ba? Di nakakahiya.

Di daw niya alam kung saan ilalagay yung baril. Paranoid na rin siya, kasi naisip niya, kung itatapon niya ito, baka me pulis na makakita at hulihin siya for possession of deadly weapon. Kung pababayaan niya sa folder, makikita ng mga classmates niya, tiyak! At kung ilagay naman niya sa bulsa ng pants niya, baka makapkapan siya ng female sikyo sa FEU at makita--me dala siyang baril! Education pa man din ang course niya at graduating! "Sino babarilin mo, mam?"

Minabuti niya, iwan na lang niya sa keep ito. Kaya, pasimple siya, unti-unti niyang siningit ito sa likod niya, sa singit ng upuan. Tamang-tama, siksikan sa jeep, di na ito mapapansin. Aahh! OK na, ika niya.

Kaso, nung pababa na siya sa Lerma, nadinig niya si cute guy: "Ah miss, yung baril mo, naiwan mo yata.."

Sarap daw sapukin.

Nagbantay Ka na ba ng Mansion?

heritageconservation.wordpress.com
Isang araw pinakiusapan kami ni uncle--bantayan daw muna namin yung malaki nyang bahay sa Otcho sa QC.

Pero hindi yang picture sa kaliwa, ha. Arlegui mansion yan sa me Malacanang. Pinost ko lang dyan kasi magarang mansion yan.

Pero parang ganyang mansion siya.

Nagbantay ka na ba ng mansion sa buhay mo, kahit saglit na pag-babantay lang?

Anyway, nasa US si uncle noon at yung mga usual tao ng mansion nya nag day off lang. So, punta kaming mag-pi-pinsan dun--ako, utol kong dalawa, at pinsan kong tatlo. Nga pala, kasama din si Uncle Tom Rod, utol ni uncle na nasa US.

So pito kami. Masaya! Nagpasyal muna kami sa paligid ng mansion--to see what was new (me mga bumabalot na misteryo din kasi sa malaking bahay na yon)--at tapos kwentuhan na kami sa sala. Tawanan, syempre. Bumabanda ang alingawngaw ng tawanan namin sa mga sulok-sulok ng mansion. Minsan nga parang me humahalong ibang alingawngaw. Napapa-hinto ako para marinig kung meron nga, at napapa-tingin naman sina Banong at Ton sakin.

Pero tuloy ang tawanan. Where I am, there's lol! Forte ko kasi ang kwentuhang kalog. Mamya pa, nagpadinig na si Uncle Tom Rod (di niya tunay na pangalan)--tom-guts na daw siya. So, ako kasi ang mahilig magluto sa tropa, pumunta ako sa kusina kasama si Banong para maghagilap ng maluluto sa ref.

Hmm...konti nito, kapraso noon, tira-tira. Halatang di namalengke yung mga kasambahay bago sila nag day off--kamias, kamatis sampalok, sibuyas, kalamansi, kangkong, labanos, okra, talong, at siguro mga 2 kilong baboy. "Sinigang!" naisip ko agad. Pina-balatan at hiwa ko ke Banong ang mga sangkap. Nag-saing na ko.

"What ba iluluto mo?"

"Sinigang." sabi ko ke Banong.

"Perpek!" sabi niya. Alam niya kasi kung pano ako magluto. "Chef Jaden" tawag ng iba sakin.

Tinanong din ng mga kasama namin niluluto ko. Nung sinabi kong sinigang, parang duda mga mukha nila. "Madunong ka magluto?" ask nila. Kasi, ang itsura ko, mukhang pang-internet lang ako. Ako yung tipong di madunong sa bahay. Pero, sabi nga ni Melanie Marquez, "Don't judge me, I'm not a book."

Ang katotohanan ng lahat ay nasa pruweba. Nung hinain ko na yung sinigang at naamoy nila, they concluded unanimously--"Madunong ka pala magluto, Jad!"

"Anong madunong?" sagip ni Banong. "Magaling kanyo! Amoy pa nga lang yan, solve na kayo!"

Kain-kain kami. Ang sarap! Ang sarap lalo na ganung salo-salo kayo sa isang malaking bahay na pare-pareho kayong hindi tiga-don. Me mystery and adventure in the air pag ganon, diba? Syempre, nag-kwento ako ng mga misteryo tungkol sa bahay habang kumakain kami--mga imbento ko lang. Mga kwentong kalog. Natatawa sakin si Uncle Tom Rod. Yung iba naman, kagat na kagat sa kwento ko. Di na sila natuto.

Kaya kahit tanghaling tapat, yung mga babaeng pinsan (tatlo sila) nagpasama samin sa basement para jumingle lang. Hehehe. Effective, di ba? Kaya nga kwentong kalog king ako.

Mga almost 6 pm, medyo pa-dilim na, dumating yung mga kasambahay. After miryenda, nag-kanya-kanyang uwi na kami. Ako naman, dahil binata pa ako non, gumimik muna kaming tatlong magpipinsang lalaki. Saan? E di jumigle kami sa McDo--nakakatakot yatang jumingle dun sa mansion--tapos kaming tatlo lang sa basement? Wak na, no!

Saturday, September 19, 2015

Debate ng Dalawang Snatcher

etsy.com
Umabot naman sa college si Tito at high school si Toto, ewan ba't nag-decide sila maging mga snatcher nalang. Siguro dahil mas madali ang trabaho? Ewan lang--hindi madaling trabaho ang mang-snatch, sa palagay ko lang. Tignan nyo tong Kwentong Kalog na to.

Si Tito at Toto, nagpapalitan kung sino ang frontliner o sideliner. Frontliner ang tawag nila sa mang-iisnatch talaga. Sideliner yung gagawa lang ng eksena o aakit ng attention para di mapansin yung frontliner. Para walang away, salitan sila araw-araw.

Kaso, nung huling snatch nila, si Tito ang nagsilbing lookout, sideliner, tapos frontliner pa. Si Toto lang ang sumalo nung bag at itinakbo ito para di alam ng biktima kung sino hahabulin. So, sino na ngayon ang frontliner at sino ang sideliner?

TITO: Oy! Nag multi-tasking ako nung huling lakad natin. Kaya toka mong mag frontliner ngayon!

TOTO: Hindi, kelangan sundin natin ang timetable--schedule kong mag-frontliner noon, kaya lang pinapelan mo. Yabang mo kasi e. Kaya ikaw dapat ang frontliner ngayon. Di ko kasalanan yon, no!

TITO: Unfair yan. Ano, double jeopardy? Delikado ako noon, delikado nanaman ako ngayon?

TOTO: Me pa double-double ka pa dyan porke't naka-abot ka ng college! Para walang away, bato-bato pick tayo!

Pumayag naman si Tito. Bato-bato-pick sila. Nanalo si Tito, so si Toto talaga ang frontliner ngayon. Kakamot-kamot ng ulo ito habang naglakad na sila papuntang Cubao. "Basta, walang iwanan ha. Alalayan tayo dapat!" sabi nalang niya ke Tito.

"Shore!" sagot naman niTito.

Mamyang konti, me na-ispatan silang lalaki. Halos naka-lawit na ang mamahaling cellphone sa bulsa sa likod nito plus me naka-lawit ding matabang wallet! Nangaakit!

"Yon o!" sabi ni Toto. "Konting cover lang kelangan, masusungkit ko agad yan!"

"Sshh! Anu ka ba?" warning ni Tito.

Paglapit nila, me napansin si Tito. "Pare, mukang patibong! Atras!"

"What! Bakit?"

"Di mo ba namumukhaan yung lalaki? Si Duterte yan!" sabi ni Tito.

"Duterte?" nagkamot ng ulo si Toto. "Nasa Davao yun, no! Di yon gigimik dito sa Cubao! Magsing-tunog nga ang Davao at Cubao, pero hindi si Duterte yan! Anu ba? Tumatanda ka na yata e!"

"Sinasabi ko sayo si Duetrte yan e. Kaya nga halos ibigay ang cellphone at wallet--dahil patibong yan. Si Duterte yan!"

"O siya, sige, sige! Aalamin ko para matigil ka lang. Kakausapin ko para makita ko ang mukha talaga!" pagyayabang ni Toto.

Nilapitan niya yung lalaki at naki-sindi kunwari. "Pare, makiki-sindi nga!"

Hinarap siya nung lalaki: "Maki-sindi? Huli ka! Bawal ang paninigarilyo dito sa QC!"

Laking gulat ni Toto na si Duterte nga ang lalaki--mukha, tapang at pag-salita. Duterteng-Duterte! Si Duterte talaga! Anong ginagawa niya sa Cubao?

"Sige," sabi nung lalaking kamukha ni Duterte. "Dun ka sa prisinto!"

"Teka sir!" protesta ni Toto. "Wala kang kapangyarihang manghuli sa Cubao. Sa Davao ka lang!"

"Cubao-Cubao ka dyan!" lalong nagalit yung lalaki. "Sinong sinasabi mong taga-Davao? Ako?"

"Di ba sir, si Duterte ka?"

"Duterte pala ha! Sige, lamunin mo yang sigarilyo mo! Tapos, ikukulong kita!"

Takbo agad si Tito, nagmamadali. Kahit anung magyari, determinado siyang umalalay ke Toto. Bumili siya ng Fruit Soda at inabot ke Toto.

TOTO: Anu yan?

TITO: Panulak..

Kapag Walang Pera Si Sabas

fineartamerica.com
Ano ginagawa mo pag wala kang pera? Ano feeling? Yun bang, lahat naman ginagawa mo para kumita--masipag ka naman--pero wala talaga. Mailap talaga ang pera. Ganon ka ba? Hassle no? At dumadating pa sa puntong nakakainis na.

Tanong mo sa sarili, ano ba prublema?

Ganyang-ganyan inilarawan sakin ni Sabas yung sitwasyon niya. Nagka-kwentuhang kalog kami kanina, nagsimula muna sa tawanan, pero mamyang konti nauwi sa siryosohang usap--tungkol nga sa financial life niya. Di ko alam na ganon na pala nangayayari sa kanya--bankrupt siya. Pero me work naman siya. Me sweldo rin. Yon nga lang, kapos.

Di ka ba naiinis sa idea na "kapos"? Ang hirap mag-work pero kapos pa rin ang kita mo.

Di ko rin siya mapautang o maabutan man lang. Sabi naman niya, di naman daw kelangan. Gusto lang niya ng me mahingahan (kala ko nga sabi niya "me mahingan" yun pala "me mahingahan" or release) para gumaang-gaang ang loob niya. Buti nalang--kasi wala rin akong pera. Kapag walang pera si Sabas, kelangan daw niya ng me kausap lang.

"Ang mabigat lang pag andyan na yung mga bills tapos wala ng gatas si baby at diaper. Nakakataranta lang," sabi niya, ngingiti-ngiti. OK naman siya sa tingin ko, nakakangiti pa e. At minsan pa-joke-joke pa. Kalog pa rin. Healthy naman pananaw ni Sabas sa buhay.

Naisip ko nalang painumin si Sabas. Niyaya ko siya sa tindahan ni Aling Lydia sa kanto. Andun sila Dagul, Totoy Golem, at Mr. Bean umiinom din. Mamyang konti, dumating din si Professor Pekwa at Pareng Babes. Kumpleto ang Kalog Boys. Umorder ako ng dalawang Fruit Soda. RC naman ang binabanatan nila Dagul, Totoy Golem at Mr Bean. Busog pa daw sila Prof at Babes. Kako sa sarili, OK to, mas masaya usapan at maaaliw si Sabas.

Nauwi usapan sa anong ginagawa namin pag wala kaming pera.

"Actually, pag wala akong pera umuutang lang ako ke Aling Lydia! Buti mabait itong financier ko!" sabi ni Mr Bean. React naman to the max si Aling Lydia. Ni-recite agad ang listahan ng utang ni Mr Bean sa kanya. "Oy Robinson! Kulang pa nga yang listahan na yan kasi yung iba hindi ko na nalilista! Hindi ako nagtayo ng tindahan para magpautang lang!"

Tawanan.

"Ako, liligid lang ako sa mga village-village at maghahanap ng bahay na ma-damo ang harapan. Sisingilin ko lang ng P100 per linis!' sabi naman ni Dagul. "Kaya sakin, pagpapala ng Diyos yang mga tamad maglinis ng harap nila. Nawa dumami pa sila. Actually, sa dami nila, regular na trabaho ko na to. Nakakabuhay na ng pamilya at nakaabot na rin sa college yung dalawang anak ko!"

"What!" nagulat si Pareng Babes. "Ganon ka laki kita mo dyan? At regular pa? E ganyan na rin gagawin ko! Ba't pa ko mag-se-sales?"

"E di kontra ka pala sa programa ni kapitan na 'Tapat ko Linis Ko'?" usisa ni Aling Lydia.

"Ano pa!" sagot agad ni Dagul. "Walang magawa yang si kapitan e! Pati negosyo ko pinakikialaman!"

"Alam nyo, pag kinulang kita ko sa palengke at wala akong pera, nagba-barker lang ako dyan sa terminal ng jeep sa labasan!" sabat naman ni Totoy Golem. "Sabihin mo lang sakin Sabas pag kelangan mo ng pera. Isasama kita mag-barker! Kaya lang dun ka sa kabilang terminal."

Nangiti lang si Sabas. "Hindi ganun ka-ganda boses ko, pre!" sabi niya.

Napa-tingin lahat kami kina Prof at Pareng Babes. Ano naman kaya gimik nila? "Kami naman, galing lang kami sa SC para magka-pera ng konti," sabi ni Prof.

"SC?" tanong ko. "Supreme  Court? Pano kitaan dun?"

"Ano kayo, abugado?" sabi ni Totoy Golem. "Yung tiwali?"

"Scrap Center--yung bagong tambakan dyan sa labasan. Si Derek pala me-ari non," sagot ni Pareng Babes. Si Derek ay yung bago kong binansagang "Cruel Driver" sa isip ko. Scrap pala business non. "Ba! Pera din kapag nakarami ka ng kalakal!" dagdag ni Prof.

Ako nalang at si Sabas ang di pa sumasagot. Hinihintay nila kaming mag-share. "Ako kasi online ang trabaho ko," finally, sabi ko. "Pag gusto kong gumawa ng extrang pera, gagawa lang ako ng mas madaming articles. Ganun lang. Pero nakaka-pagod din sa mata minsan!"

"Ong line? Parang Ong Bak?" tanong ni Prof.

"Online! Hindi Ong line" pagtuwid ni Mr Bean. "Oo nga, ganyan ang trabaho nitong si Jaden. Matalino yan e! (Nag-blush ako, syempre) Dapat mag-writer ka rin, Prof! Prof ka nga e, di ba?" Biro naman ni Pareng Babes.

Tawanan uli.

Dahil tawag ko ke Vicente ay Prof (binansagan ko siyang Professor Pekwa sa isip ko kasi--pero di nila lahat alam yon. Ang alam lang nila, Prof ang tawag ko) nakiki-"Prof" na rin silang lahat ke Vicente. Tuloy, di na Vicente Almar pangalan niya sa lugar namin--Prof na. Basta sabihin mo lang "Prof" alam na ng mga tao yon.

"E ikaw, Sabas?" halos sabay-sabay nilang tanong. "Ano naman gimik mo pag wala kang pera?" tanong ni Aling Lydia. "Ano nga ba work mo?"

"Office work ako ate--di lang ako pumasok ngayon kasi wala nga akong pera." sagot ni Sabas. Saglit siyang nag-isip at saka nagpatuloy. "Maliit lang sweldo ko sa office. Pag walang pera...pumapatay ako."

Tumahinik lahat. Nagka-tinginan kami. Ano ito, gun-for-hire? Nakita ko parang me iniisip sila Dagul at Totoy Golem. Pareho silang mga siga dati na tumigil na sa kalokohan at bumarkada nalang samin at namuhay ng normal. Parang bubwelo sila. Nakup, magkaka-gulo pa yata!

"I mean, pumapatay ako ng baboy. Natuto akong mag matadero sa tiyuhin ko noon sa Batangas." na-ngiti si Sabas. "Hindi na nga pala pagkakatay ang tawag namin ngayon sa pagkatay ng baboy. Pag-patay na, para maiba naman. Katuwaan lang namin sa Blumentritt yun. Sorry kung nagulat ko kayo," pagpaumanhin niya.

Naka-hinga kami ng maluwag.

Sumabat si Aling Lydia: "Akala ko talaga Sabas, mamamatay tao ka. Papayari ko sana itong si Mr Bean dahil ayaw magbayad ng utang niya!"

Friday, September 18, 2015

Di Sadyang Katatawanan sa ER

www.menshealth.ph
Tinakbo namin sa ospital noon ang panganay namin. Inadmit at dun muna kami ni Mrs natulog nung gabi. Tahimik dun sa ospital na yun pag malalim na ang gabi--parang kami-kami lang yata andun. Me isang nurse, yung receptionist minsan wala, tapos yung guard syempre nasa labas. Me isang janitor na nagliligid.

Minsan si Mrs ang namamasyal. Minsan ako. Dun lang naman kami nagliligid sa palibot ng maliit na ospital na yon. Tyempo, si Mrs ko ang naglilibot para ma-relax nung biglang me sinugod sa ER. Mukang grabe daw, sabi ni Mrs sakin.

Pinasok agad sa ER yung pasyente at hiniga. Hinihika daw. Yung janitor ang nangunang magdala sa ER, habang umaalalay yung mga kamag-anak. Nakita ni Mrs, naghihingalo na yung pasyente. Wala pa yung duktor or nurse. Tapos, malalagutan na yata ng hininga.

Kaya itong si janitor, nag perform na ng CPR sa pasyente. One, two, three--blow. One, two, three--blow. Bumilib si sweetheart ko! Madunong si mamang janitor! Alam ni Mrs ko, kasi medtech siya. Ang galeng daw!

Pero, sinamang-palad si pasyente. Tigok. E, teka, asan si dok at nurse? Ayun, mamyang konti, dumating sila para declare na dedo na si patient. Matapos hinanapan ng vital signs, pinapasok na ke dakilang janitor yung bangkay sa morge. Parang ganun lang. Wala lang. Tapos, back to normal lahat. Tahimik nanaman. Medyo kinabahan ako. Di bale, andyan naman si Lord.

Well, yung duktor ng anak namin, magaling yun. Kaso, nung tinakbo namin sa ospital si panganay, ang pinaka malapit ay yung ospital na yon. Ok naman si eldest namin in the end, kasi magaling nga si dok, awa ng Diyos. Praise God!

Pero kawawa naman yung hikaing pasyente. Ba't ganon? At dapat me award si Mr Jani--Best and Most Daring Employee of the Year! Or, baka duktor din si mamang janitor, second course lang niya ang sanitation and floor management?

Wag Kang Bibili sa Tindahan ng Hating Gabi


Noong 1989, nagtayo si nanay ng tindhan after she retired sa Malacanang. Sa labas lang ng bahay yung tindahan, accessible sa kalye agad. Summer non at me liga sa plaza.

So, kahit hating-gabi, bukas pa kami kasi mga 1 am natatapos yung liga ng basketball. Didiretso mga players sa amin para ubusin ang softdrinks namin at iba pang paninda.

Ang nagbabantay sa tindahan non, ako, sister ko, pinsan at pamangkin. Newly opened ang store tapos summer pa, kaya excited pa kami.

Nagku-kwento ako para maaliw kami. Nasa me rehas ako ng store at nakikita ko ang kalye. Nakita ko, me paparating na dalawang katulong, magkayakap, parang natatakot. Bibili sila ng softdrinks.

Bigla, me naisip ako--OK na kwentong kalog to.

Nung mga 10 feet away sila from the store, nagkwento na ako ng kababalaghan. Medyo nilakas ko boses ko. Sabi ko:

"Basta, nakita daw nung mga kabataan yung white lady. Talagang white lady--nakalutang daw sa hangin!"

E di nagulat mga kasama ko. Pero nung nakita nila yung dalawang katulong, na-gets na agad nila. Me kalokohan akong ginagawa. Me kwentong kalog akong niluluto--at ito'y para takutin yung dalawang katulong.

"Pabili po ng Coke!" sabi nung isang katulong. Halatang nadinig na nila yung unang banat ko sa kwento. Makikita mo sa mukha nila--parang yung mga mabibiktima sa shake, rattle and roll. Kaya nagpatuloy ako:

"Kaya mula noon, nagpapakita na daw yung White Lady dyan sa me puno ng mangga dyan!" tinuro ko yung malaking puno ng mangga na tiyak na daraanan nila. "O, salamat ha!" sabi ko sa kanila pag-abot nila ng bayad.

Nung aalis na sila, pinahabol ko pa: "Mararamdaman mo daw yung buhok ng White Lady sa balikat mo pag andyan na siya."

Sabay bulong ng utol ko sakin: "Wala ka talagang magawa no!"

After ilang sandali pa, nadinig namin yung dalawang katulong kumaripas ng takbo at nagsisisigaw. Grabe ang tili nila kahit wala silang nakita. Nasa imagination lang nila ang lahat, nilikha ng kwentong kalog ko. Kaya wag kang bibili sa tindahan ng hating-gabi, lalo't ako ang naka-tao sa tindahan.

Tawa ng tawa mga kasama ko.

Thursday, September 17, 2015

Kilusang Sabado Nights sa Plaza


Minsan, nagka-bright idea mga barkadahan dito samin. Nagkaron sila ng samahan--samahan ng mga tomador kapag Sabado nights. Ang siste, ang lahat ng manginginom dito samin ay maguumpok sa plaza pag gabi ng Sabado bitbit ang kanya-kanyang mga pulutan. Tapos, ambagan nalang sa alak.

O diba? Galeng na panukala. At syempre, hindi ako kasali. Baka ubusin ko lang pulutan nila, magalit pa sila sakin.

Pero si uncle ko kasali. Excited yun basta't inuman. Nagluluto siya ng isang kalderong pulutan para dalhin dun sa plaza--sang damukal na paksiw na isaw, kaldereta, kilawing talaba, bulalo, adobong pusit or madaming pritong taba. Masasarap! Pero pampabata.

So lahat sila dito--mga college students, young professionals, businessmen, laborers, adults gaya ni uncle, at iba pa--kasali. Masaya, kung tutuusin at bonding pa nga ng community. Solidarity kung baga. Unity. Fraternity. Brotherhood. At pihado, ang daming sari-saring kwento dun at istoryahan. I love stories and anecdotes. Type ko rin yung mga tipong kwentong bayan. Mga alamat.

Ang ayokong-ayoko lang yung yabangan at bidahan. Yung mas magaling siya or sila.

Dahil college ako non, feeling ko I missed something by not being there to enjoy the whole thing. Biro mo, andun silang lahat tapos ako wala. Ba't ayaw ko pumunta? Hindi kasi ako umiinom, at ayaw nila yung ganon. Kill joy. Sayang, na enjoy ko sana to the max yung kwentuhan, lalo na yung mga kwentong kalog--at yung mga pulutan.

Pag-uwi ni uncle, tinanong ko agad kung anu-ano ang mga pulutan--inihaw na malaking tuna, sari-saring isdang inihaw, mga barbecue at pork chops, me litson pa raw, at iba't ibang putahe. Naglawaya ako sa kwento ni uncle.

forum.philboxing.com
Tungkol naman sa mga kwentuhan, madalas daw about work and career. Serious at medyo formal. Wala sigurong kwentong kalog or konti lang--pasingit-singit lang. Syempre, I imagined, ang nanguna sa kwentuhan mga career people at businessmen. Mga bossing. Sila daw mga maliliit at laborers, tahimik lang nakikinig sa say ng mga "successful."

Well, that's life, I guess. This world is for big shots.

Kaya madalas tama din ako--mas maganda yung nagiisa ka lang or ka-kwentuhan mo 2 or 3 lang na kasangga mo talaga. At least sold out at OK na kayo sa mga kwentong kalog lang. Walang pasiklaban.

Ilang buwan lang, nadinig ko nabuwag na yung Kilusang Sabado Nights nila. Na bore na daw yung mga maliliit sa kwento ng mga big-time. Sayang, di man lang ako nakatikim ng inihaw na tuna.

Wednesday, September 16, 2015

Walang Awa sa Sasakyan

hairstyle-artist-indonesia.blogspot.com
KAWAWA  NAMAN YUNG MOTOR.
Hindi sila carnappers o car thieves. In fact, minsan parang mas masahol sila sa carnappers, sabi ni Professor Pekwa nung minsang nagka-tambayan mga K Boys (Kalog boys) sa tindahan ni Aling Lydia sa kanto.

Masyado daw nilang pinahihirapan ang mga sasakyan nila. Bibili ng maliit na sasakyan e ang laki ng size nila ng di hamak, ika pa ni Prof. Nag-ngangalit si Prof habang ngina-ngata ang Fita at tinutulak ito ng Fruit Soda. "Maliwanag na car abuse yon!" dagdag pa niya.

"Battered vehicle pa kamo," sabat naman ni Pareng Babes. "Me mga karapatan din yang mga sasakyan, no!"

"At me mga pamilya rin yan," sabi naman ni Mr. Bean. Gaya ni Professor Pekwa, di din tunay na pangalan ni Mr. Bean ang Mr. Bean. Bansag ko lang yon sa kanya sa isip ko. Kamukang-kamukha niya lang kasi. Pati paglakad.

Sumipsip na rin ako ng malamig na Fruit Soda ko--Aahh! Sarap! Tapos tinignan ko ang mga kausap ko--siryoso ba sila? Or siryosong ma-mental hospital? "Me mga pamilya rin yan"--iba ding bumanat itong si Mr. Bean. Di ako magtataka kung biglang mangagat nalang ito.

Kaya naman me bago akong bininyagang character para sa Kwentong Kalog--si Cruel Driver. Kapitbahay namin siya pero new neighbor. Dun siya sa bandang itaas ng street nakatira. Mukhang businesman siya, kalbo, malaki at mataba, pero ang liit ng car niya. Actually, napaka-liit na van na parang pinilit siyang isiksik sa loob.

Di ko alam kung makakalabas pa siya dun.

Pag pinapa-takbo niya yun, parang hirap na hirap umandar. At parang puputok ang sasakyan dahil sa kanya. Kawawa yung van talaga. Sabi nga ni Pareng Babes, ba't di nalang mag-commute? Exercise pa sa kanya. Parang gusto ko na ring maniwalang there's such a thing as car abuse, at me mga pamilya rin yang mga yan.

Pag siniryoso mo mga usapang Kalog boys, maloloko ka talaga. Kaya remember, kwentong kalog lang ito. Nilalarawan ang mga totoong pangyayari at mga tunay na tao pero tinatago lang sa mga bansag na pangalan.

Misteryo ng Nawawalang Pustiso

balakista.blogspot.com
Me kumakatok sa pinto ko. Accessible kasi ang pinto ko agad from the street. Wala kasi kaming gate or bakuran or front yard. Basta pinto agad. Kaya ayun, madali lang kumatok samin.

Sinilip ko sa bintana--si Pareng Babes. Malungkot.

"O pre, anong atin?"

"Pare, nawawala ang pustiso ko," bungad agad ni Babes. "Di ako maka-alis ng bahay. Me importanteng appointment pa naman ako--bibili na itong customer ko, pre!"

Matagal akong napatitig sa kanya. "Ah, halika, pasok ka muna!" sabi ko nalang. "Kape?"

"Pag gising ko kaninang madaling araw," sabi niya habang umuupo sa small sofa namin, "nasa baso ko pa. Naligo lang ako, nawala na," dagdag niya habang nakatitig sa sahig namin. Kausap niya yung sahig namin. "Paano ito, pre?"

Nagisip ako. Pano nga ba to? Ano ba kinalaman ko sa nawawala niyang pustiso? Nasa bahay lang nila yun somewhere, at dapat sila ni Mareng Mila ang namu-mrublema nito, hindi ako. Ano? Ako ang maghahanap ng pustiso niya sa kanila?

"Hinanap mo na ba sa lahat-lahat sa inyo, pre?" tanong ko para magbigay ng clue. "Baka nasa drawer o cabinet o nahulog kaya sa ilalim ng kama or baka nasa ref?"

Nasa ref? Anung kalokohan yun? Pag di mo alam ang sasabihin, kung anu-ano tuloy nasasabi mo. Kwentong Kalog ang labas tuloy.

"Tinignan na namin sa lahat--pati sa ref at kisame--wala talaga pare," sabi niya sa malungkot at walang pag-asang tono. Ano ba, maiiyak pa yata ako.

"Pre, pwede ka namang lumabas ng bahay kahit walang pustiso. Wag ka lang tatawa," sabi ko nalang sa kanya na pilit kong binigyan ng pormal at siryosong tono, para naman hindi nakakatawa ang dating, diba?

Umiling si Babes. ""Pare hindi pwede yun. Pag nagpatawa ang kliyente mo, kelangan tumawa ka. Kelan mong bumenta."

Naisip kong bigla si Merlita. Malakas pa rin kayang bumenta si Merlita kung bungal siya at walang pustiso? Biglang naisip ko rin, pag babae pustisa dapat, hindi pustiso.

E, sino bang huling nasa kwarto mo bago ka naligo?"

"Si Mareng Mila mo."

"O, di ba niya ginalaw?"

"Hindi daw e."

"Hindi mo kaya nadala somewhere nung papunta kang banyo?"

Napatigil si Babes. Parang sabi ng mukha niya: "Oo nga no."

"Baka wala sa isip mo, nalapag mo bigla sa kusina or sala?" dugtong ko. Para kasing nagkakaliwanag na sa kanya ang lahat-lahat.

Maya-maya, eto na si Betong, yung bunso niyang anak na bata. "Tay," sabi niya, hawak ang pustiso ni Babes. "Sabi ko na lumulutang siya sa kanal e! Sabi mo noon hindi"..

Aral: Siryosohin parati ang pakikipagusap mo sa bata. Wag yung ala kwentong kalog lang.

Kaya ang Yabang ni Epal

agimat.net
Ba't ang yabang ni Epal? Naka-meet ka na ng ubod yabang na tao, diba? Yung, ang yabang talaga pre! Kagaya ni Epal. Let's hide him in the name Epal.

Kumakain ako sa bagong Jollibee along Mindanao near Road 20 sa QC. Sarap ng Champ na binabanatan ko ng kagat nang dumating itong si Epal. Umupo siya sa mga friends niyang nauna sa kanya doon. Malapit lang sila sa kinauupuan ko kaya dinig ko harutan nila.

Pansin ko later, Epal was trying to do something. Mukha namang hindi sadya--kasi parang natural na sa kanya ang ganon--ang humanap ng butas or paraan pano niya mapu-prove na he was a lot better than the others. Pa-simple lang pero pag kasing talas ka ni KK (Kwentong Kalog), hindi makakalagpas sa ulirat mo.

So ganon siya. Pirmi siyang me ready unsolicited advices or comments na nagpaparamdam na magaling siya. Para bagang: "Hey, listen up guys! I'm the best! You need my advice! I deserve your admiration and applause!"

Kulang nalang sabihin niya: "Worship me!"

Pero sa totoo lang, yun ang dating niya. Gusto niyang masamba.

Pero, sige lang ako sa Champ ko. Ano ba paki-alam ko ke Epal, lalo't crunchy itong lettuce and tomatoes sa Champ ko? Di ko naman siya kilala. Kaya lang, ang prublema. ang lapit nila sakin at ang ingay ng ere ni Epal, I couldn't help but overhear everything.

Tignan mo conversation nila ha:

FRIEND 1: Guys, napanood nyo yung concert? Ang galing talaga nung tenor, no?
FRIEND 2: Sa Michigan pa daw nag-aral yun!
FRIEND 3: Actually, nabasa ko yung profile nya--madami na siyang na-compose na songs.
EPAL: Ako, madalas ako mag-tenor sa mga concerts namin noon, Di lang sa Michigan, almost all over the US and Europe pa. At ang dami ko na ring na-compose na kanta, man!

Naisip ko, so what? Who's asking about your accomplishments ba? Pero sige lang ako ng kain sa Champ.

FRIEND 2: O nga pala, yung concert nila Biboy sa Saturday na!
FRIEND 3: O nga--and malapit na daw ma-sold out ang tickets! Mga 100 ang capacity nung venue!
EPAL: Pag nagko-concert kami sold out ang tickets 3 days pa lang, and over 500 ang capacity ng venues namin!
FRIEND 1: Siguro manonood ako to get some ideas about concerts and choir singing. Di ko pa kabisado mga ganyan e.
EPAL: You don't go to concerts to learn choir singing. Mali yun pre. I've been doing concerts since I was a kid. Naalala mo yon, pre? Since I was a kid!
FRIEND 2: Oh? Napapanood mo na pala siya noon, pre?
FRIEND 3: Yes pre! galing nga niya e!
EPAL: No one among you had my experiences with concerts. I can show you guys how concerts are done right. Yung right ha, di basta-basta concert!

All of a sudden, parang tumabang yung Champ na kinakain ko. Pati yung pineapple juice ko pumait yata. Tapos, humina din yata yung aircon. Ba't parang gusto kong ihagis yung chair sa harap ko? Anyway, baka napa-praning nanaman ako. Sorry.

Mabuti pa siguro lumabas na ko. OK yung mga banat ni Epal. Dapat lumabas siya sa pelikula or mag compose ng song na ang title, "Here I Am!"

Actually, there are a lot of Epals around, people who habitually look for ways to show how superior or better they are than you. Sometimes, they even do it by putting you down. Ewan kung bakit sila ganon. Kasiyahan nilang gawin yun, at mamamatay sila siguro pag di nila nagawa yun. Boasting is oxygen to them.

Epal.

What do you do with Epals? Ano pa, edi intindihin nalang. Yun naman ang papel ng mga hindi Epal sa mundong ito--umintindi at tumahimik para yung mga Epals maka-bwelo sa yabang nila. Anyway, you always have the option to leave the Epal scene. :D

Ba't ang Lakas Magbenta ni Merlita?

madamenoire.com
Sabi niya siya si Meryl--para swabe ang dating, class--although Merlita talaga name niya. Kelangan daw yata sa sales yon--magpa-cute ng pangalan. Pero hindi yun ang reason kaya malakas magbenta si Merlita.

Biruin mo--top siya parati sa bentahan. Hit niya lahat ng monthly quotas at sobra pa nga. Kaya ang laki ng commissions niya each payday bukod sa bonuses pa ng company sa kanya, like the travel incentives. "What's her secret ba?" tanong ko minsan sa sarili habang nilalantakan ang isang malaking crispy crust tuna sandwich at nilalagok ang isang ice-cold, tall glass of mango puree. Ganyan ako pag frustrated to the max.

OK ba?

Anyway, ganito yon. Una, babae kasi si Merlita. Panahon ng mga babae ngayon sa sales. Mas malakas talagang magbenta mga girls kesa sa boys. Ewan kung bakit pero yan ang general concensus. Noon, sales was exclusively the domain of men. Lalaki lang ang nasa sales noon. Ang mga babae, hanggang sales lady lang sa mga department stores.

Pero some time in the late 80s, nagbago ihip ng hangin. Sumubok ang mga girls sa sales management at marketing at umarangkada. Tinambakan ang mga boys--as in tambak talaga.

Second, ang mga girls sa sales ay mapusok. They know how to maximize their girl power--even over their female clientele. Somehow, na discover nila na me girl power sila and they took it to the highest level. Most men in sales kasi, basta't kumita lang, OK na. Tapos, madalas wala pang dating. Lousy kumilos at pumorma. Laki pa ng tyan.

Not with the girls. Todo ayos at makeup yan maya't maya. Ikaw ba pre nagme-makeup at nagli-lipstick? Dun lang talo ka na. Pusturyosa sila. They wanted to occupy the top seats. Yumabong na kasi noon yung tinatawag na "Women's Liberation" daw.

So, with their girl power, marunong sila mang-braso--and safely get away with it. Hindi pwede sa men yon. Subukan mong mang-braso pag di inupakan ka ng kliyente mo--lalo't maskulado. Si colonel or si general ba maba-braso mo? Pero si Merlita--sexy at malakas ang appeal--kaya nya yon, at gusto rin ni colonel at general yon. Lalo na si CEO.

Madami na akong naging bossing. Lahat sila eto siste--pag me lalaking sales agent na kakausapin sila, they say; "Sabihin mo bumalik nalang. Busy kamo ako!"

Pero pag female marketing officer: "Bata at maganda ba?"

"Yes, boss! Sexy!"

"Sige, papasukin mo. Kausapin ko!"

Third and last, hindi pwedeng "maka-lalaki" ang girls. With boys, mag-suggest sila or mag advice aggresively, baka isipin pa ng lalaking client nila nakaka-lalaki sila. Nahe-hurt ang ego minsan ng male clients, lalo't me position. At madalas, ang deciding officer ng mga companies--yung pipirma sa PO at cheke--mga boys.

Ang mga girls sa sales, they can afford to be aggressive and get away with it. Cute pa nga ang dating nila minsan sa mga male clients pag aggressive. And the same often holds true even with their female clients. Madalas, pag nakita ng female clients ang isang young and aggressive female sales agent, natutuwa. Naaalala kasi nila nung kabataan nila.

So, alam mo na ngayon ba't ang lakas magbenta ni Merlita?

Pero wag ka ma-discourage, pre. Pwede ka pa rin sumabak sa sales. Galingan mo lang at habaan ang pasensya. I know.

Suspense to the Airport: Minuto na Lang--Iwan Kaya Ako ng Plane?

worldtravelserver.com
Kabading talaga ako noon. Mga isang oras nalang, aalis na yung plane from Isabela Domestic Airport sa Cauayan. E, tinanong ko sa kondoktor ilang oras ang biyahe papunta dun, dalawa pa daw! Aabot kaya ako? Parang ang bagal pa nung bus na sinasakyan ko.

Ordinarily, OK sana yung biyahe sa bus--madaming magagandang tanawin sa mga bayan ng Isabela sa Norte. Mga ka-lawak na bukirin, luntiang gubat, mga old rustic houses that reminded you of life long ago, mga kalabaw at iba pa. Yung mga ka-sakayan ko, OK din. Me mga dalang makukulit na manok, bigas, gulay, mga prutas at iba pa. Ordinary bus kasi sinakyan ko. No choice.

Masaya sana--kaso mo, iba ang sitwasyon ko--pag di ako nakarating sa airport on time, maiiwan ako!

E birthday pa naman ni sweeetheart ko noon! Di pwedeng di ako makarating ng Manila that day and time! So pray ako ng pray ke Lord, pero cool pa rin ako. Ganon madalas itsura ko--kahit super tense na ang situation, I naturally look cool lang. Wala naman kasi matutulong ang pagka-taranta, sabi ni Lord.

Tingin ako ng tingin sa wrist watch ko. Naku po, 15 minutes nalang! Tapos, di ko pa alam saan sakayan ng trike papuntang airport. Buti nalang, me matandang babaeng nagmagandang loob--sasamahan daw niya ako sa sakayan ng trike.

Finally, nakababa na ako. Sinamahan ako ni Good Samaritan sa sakayan ng trike at pinabaunan pa ako ng magandang ngiti. Sweet naman. Tinignan ko relo ko--mga 7 minutes!

Buti 3 minutes lang ang biyahe. Yung 4 minutes nasa compound na ko ng airport. Pero lalakad pako dala ang luggage ko sa departure area. Kaya ba ng 4 minutes? Naririnig ko na yung warning sa paging system. One minute nalang. WHAT??? Siguro late yung relo ko!

Takbo na!

Nakasulat sa mukha ng lahat ng tellers sa airport---"Late ka na! Ano ba? Buti umaabot ka pa! Buhay ka pa!"

Sabi naman ng mukha ko--"Oo, Oo na! Alam ko no!"

Sa departure area, nagre-ready na yung plane. Tamang-tama, agad pinaakyat na mga pasehero. Huuh! Just in time, man! See you soon, sweetheart! Miss na miss ko na si sweetheart ko after spending 3 days sa Isabela talking to clients and government officials. Training director ako noon ng isang fertilizer company.

Sa plane, katabi ko mag-ina. Cute yung little girl. makulit. Nginingitian ko. Pleased naman si mother sa smile ko--kala niya siguro para sa kanya smile ko. Di no! Para ke baby mo smile ko!

Lumipad na kami after the nakakatakot na kumbulsyon ng plane. Babagsak kaya ito? Bahala ka na, Lord ha. Una maliwanag sa labas, kita mo mga bundok at maliliit na bahay at sasakyan. Pero after mga 30 minutes near Manila, I saw nothing but white! Malakas ang ulan! Yumayanig ang plane. Mag seatbelt na daw kami, sabi ni captain.

Sinulyapan ko mga stewardess. Nakaupo sila at naka seatbelt na, pero me peke sa mukha nila. Kunwari nagtatawanan sila pero halatang pilit ang tawa nila. Nababasa ko ang pag-aalala sa likod ng cool faces nila. Magaling akong bumasa ng mga mata. Expertise ko yan, dulot marahil ng years of training ko sa Filipino martial arts.

Dapat lalapag na kami eh. Pero na extend pa. Ang tagal naming pa-ikot-ikot sa ere. Tapos white lang sa labas ng bintana. Ang lakas ng ulan! Nag-aalala na si mother sa tabi ko. Pero si baby niya enjoy lang. Tinignan ko si mother ng reassuring look ko, sinasabing, "Don't worry, everything's going to be fine." Parang napayapa naman siya.

Or was it the other way around? Ako yata yung napayapa ng smile niya. Anyway, di ko na matandaan. Siguro, both ways, para walang away. OK?

At last, lumapag na kami. Thank you, Lord talaga! Iba Ka! Nagmamdali akong pumasok sa NAIA airport para makalabas na. Ang sarap ng feeling na nasa Manila ka na ulit. Tinitignan ko paligid ng airport, naka-ngiti ako. Nagtataka mga tao. Thank you, Lord talaga!

Sa labas, pila sa taxi. Nayayamot na ko--miss ko na si sweetheart talaga. Tapos--oops! Ba't amoy suka! Lagot! Sumabog yata yung baon kong apple cider vinegar. Ba't kasi isang bote pa ang dinala ko! Sa pila sa taxi, hinahanap ng mga tao saan nanggagaling yung amoy suka. Nakikihanap din kunwari ako. Malay ba nila, e lahat kami me luggage.

At last, nasa taxi na ako. Nilagay ko sa back compartment luggage ko para matago yung amoy suka. Tinignan ko mga tall buildings around--aba! Yung upper floors nila covered with clouds! Ganon ka-baba ang ulap! Kaya malamig! "Parang Baguio!" sabi ko sa cab driver.

Text, text kami ni sweetheart.

At last, nakarating na rin ako sa QC office namin at dun sa entrance palang sa ground floor, nakita ko na si sweetheart, naghihintay sakin! Oh God, thank you! Ang sarap ng buhay! "Happy birthday, sweetheart ko! Tsup!"

Tuesday, September 15, 2015

Gabing-Gabi na, Istoryahan pa Kami sa Indang

freshink.blogspot.com
Taong 1991 ata yon, niyaya ako ni Eddie, isang engineer, na magsukat ng lupa nila sa Indang, Cavite. Excited ako kasi matutulog daw kami dun sa ancestral home nila--talagang old, old house, panahon pa ng kastila. Parang gaya ng nasa picture sa kaliwa--pero hindi yan syempre.

So punta kami next early morning gamit ng karagkaring pulang Volkswagen niya. Ilang oras din bago kami dinala ng oto niya dun. Malalaman mo kung malapit na kayo sa Indang--dumadami ang kagubatan at mga malalalim na ilog. Ga-bangin ang lalim. At malalaman mo din kasi hikahos na yung Volkswagen.

Tuwing tatawid kami sa tulay, sinusulyapan ko yung lalim ng mga ilog--parang Amazon River ang itsura nila. Me mga sawa or buwaya kaya don?

Finally, Indang Cavite! Malapit lang daw ito sa Tagaytay kaya malamig pag gabi.

Pinasyalan namin ang masukal na lupain nila Eddie. Puro kakawate at nagtataasang niyog. Me sawa kaya dito? Saglit niya kong iniwan sa kotse--pinasyalan niya ang kalapit na sabungan. Ako naman, enjoy ako pag naiwang nagiisang ganon---nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at nakakapag-imagine about the place. I really love to imagine.

Bisyo ko yan.

Me dala din akong papel para magsulat at drawing ng mga nakikita ko. Wala pa kong blog noon kaya hard-copy diary lang.

Ginabi na si Eddie sa sabungan. Ako naman, tinitignan ko yung katapat na mansion at bumubuo ako ng istorya tungkol kunwari doon. Me mga dumadaang chicks sa kalye paminsan-minsan (ka dami palang mistisa sa Indang!), galing yata sa kalapit na mga pinyahan. Bukas daw pupunta kami sa pinyahan para kumain ng fresh pineapple. O, diba? San ka pa?

Anyway, bumalik na rin si Eddie sa kotse nyang bulok at dumaan kami sa palengke ng Indang. Ang daming isda. Ang lalaki! Ang dami ding mga panabas na taga. Naaliw ako sa mga panabas, mahilig kasi ako sa mga bolo at taga.

Tapos umuwi na kami sa ancestral home nila. Nagluto si Eddie habang nagi-istoryahan kami. Gusto ni Eddie pagusapan babae--mga babae niya nung kabataan niya. Gwapo kasi kaya madaming nahumaling daw sa kanya.

Most men are like that--they treat women as toys or trophies. Sa nakita ko kasi ke erpat at ermat ko, ang babae dapat ginagalang. Hehe, di nyo naman ako kilala kaya OK lang na magpasikat ako ng ganyan--na magalang ako sa babae. Pwera yabang yan.

Anyway, dumating din si Caloy, nephew ni Eddie. Tatlo na kaming nagi-istoryahan. Tawanan! Actually, mostly taga-tawa lang kami ni Caloy. Eddie did most of the talking--and bragging. Ganito eksena namin--si Eddie taga-bola, kami mga utu-uto kunwari.

Ang sarap ng kainan namin--nilagang baboy na ang daming gulay! Sarap ng gulay! Tapos, pumunta na kami sa tagiliran ng bahay at nagsimula nang mag-ihaw-ihaw para sa inuman nila. Tahong ang inihaw ko (ako ang tiga-ihaw), si Eddie ang nagkwe-kwento, si Caloy ang errand boy--bili ng ganito, abot ang ganon, kunin ang ganito. Walang humpay kasi mag-utos si Eddie.

Habang lumalalim ang gabi, lalong lumalamig. At sa background ng lumang bahay nila Eddie--yung tipong panahon pa nga ng kastila--para kang nasa shake, rattle and roll na movie. Palingon-lingon ako sa bahay at kapaligiran--you know, just in case.

Eto na, nagka-kwetuhan na ng katatakutan. Ang istoryahang Pinoy madalas nababanggit ang katatakutan. Dito lang sa Otcho, sa QC nato ha, pero madami ding kwento ng kababalaghan. Sa Indang pa kaya?

Tapos na kaming mag-ihaw-ihaw, kaya umakyat na kami dun sa balkonahe ng bahay. Tanaw namin ang malawak na kadiliman ng Indang--at me malaking paniki pang lilipad-lipad sa lugar. Galing yata doon sa lumang simbahan na abot tanaw namin. Ang tingin ko nga, mananaggal e.

Ang sabi nitong sila Eddie at Caloy, pag alas dose daw ng gabi, minsan me nagpapakitang babaeng naka-puti sa paanan ng hagdan ng balkonahe nila. Me binaon daw kasing kayamanan ang mga hapon doon. E bat di nila hukayin para ma-sure? tanong ko. Di daw nila sinisiryoso.

E tapos, pag-tingin ko sa relo ko, mag-a-alas dose na.

Tinignan ko yung paanan--WOW! Madilim at parang Ok ngang tambayan ng mga white lady. Tawa-tawa lang kami. Mamyang konti, nagka-yayaan nang matulog. Kanya-kanya kaming kwarto. Biro mo, lumang bahay na me lumalabas na white lady, tapos kanya-kanya kami ng silid. Ano to, lokohan?

Ang siste pa, exactly 12 ng gabi, nagising ako dahil naiihi ako. At ang CR andun sa ibaba--at kelangan kong bumaba sa hagdan ng balkonahe.

Me Istorya-Istorya sa Bawat Bahay

article.wn.com
Amused lang ako pag naka-sakay sa jeepney or tricycle sa gabi tapos tumitingin ako sa mga bahay-bahay na nadaraanan ko. Sa EDSA or Espanya or Quezon Avenue di pa masyado kasi puro busy business establishments andyan.

Pero sa me Roosevelt Avenue tapos going in sa Otcho sa Congre, andyan na ang mga haybols. Dito na nagsisimulang mabuo sa imagination ko ang mga istorya-istorya sa mga bahay. Bawat bahay, meron nyan. Kunwari, sa bahay nato me istoryang nagaganap or me istoryang kinikwento sa naka-gather na kasambahay.

Iba't-ibang mga istorya yan. Me tungkol sa pamilya, sa work, sa mga kamag-anak, sa abroad, sa school, sa probinsya, sa outing nung nakaraan lang or outing last year, tungkol dyan sa me kanto or dun sa katabing barangay or village, or baka tungkol sa kababalaghan, multo or white lady daw.

Alam mo naman ang Pinoy, madaming istorya-istorya yan.

Or, sa me garahe ng mga bahay--siguro me mga nagiinuman, at syempre di nawawala istoryahan dyan. Kung anu-anong istoryahan. Yung isang bahay na akala mo madalim sa labas at tahimik, yun pala me nagiinumang 3 or 4 sa me likod with matching ihaw-ihaw pa.

Or sa kusina or dirty kitchen nagiinuman.

Gaya sa amin. Nung college ako, mahilig maginuman ang erpat, mga uncle at kuya ko sa likod bahay. Me iniihaw na malaking bangus sa baga habang pa shot-shot sila ng beer or gin. Tapos, pag OK na yung bangus, pakurot-kurot at pa-sawsaw-sawsaw sa toyo with kalamansi. Tapos istoryahan at tawanan. Mga istoryarero mga Pinoy.

Ako naman, palibhasa di umiinom, pakurot-kurot lang sa bangus at panakaw-nakaw ng iba pang pulutan gaya ng mani, kropek o tirang ulam. Minsan me inihaw ding tahong. Masarap din ang inihaw na atay.

Nakikinig lang ako at nakiki-tawa. Masarap makinig sa mga kwento, lalo't me action pa, at masarap silang obserbahan. Enjoy ko talaga. Napag-aaralan ko tuloy ang iba't ibang personalidad at karakter ng tao. Madalas, pala-bida sila.

Kaya pag umuuwi ako sa gabi, I imagine every home I see na me mga nagi-istoryahan. Baka sa isang room or sa sala ng bahay. Baka sa basement or attic or sa likod bahay. Lahat ng bahay tiyak ko me istorya-istoryahang nagaganap--pwera lang kung tulog na sila. Kanya-kanyang kwento yan.

Now, imagine if you could hear them all! Madalas, I imagine na nadidinig ko lahat ng kwentuhan. At minsan, I also imagine that each household storytelling is connected to the other.

Ganito yan.

Si Juan kunwari at si Pedro at Maria, sa bahay nila, nagkwentuhan. Aba, nadinig ito ni Totoy, at siya namang pumunta sa kapitbahay para ikwento and kwentuhan nila Juan, Pedro at Maria. Tapos, napasa-pasa na ang kwentuhan hanggang nakaabot ito sa kanto--at sa kabilang kanto pa! Kaya ang buong neighborhood nag-kwe-kwentuhan sa iisang topic.

Tapos, magtatawagan sila or text sa cellphone nila para maging konektado mga kwentuhan nila. Or, magtatawagan sa landline para kumpirmahin ke ganito at ganyan ang mga kwento.

Yan ang mga nai-imagine ko sa mga bahay-bahay kaya naaaliw ako sa biyahe at di napapansin ang traffic.

Si Professor Pekwa

bruinpisces.blogspot.com
Sa kinauupuan ko, madaling tanawin yung mga dumadaan sa kalye. Maliit lang kasi bahay namin at nasa tabing kalye agad. Pag bukas mo ng main door, BANG! Nasa kalye ka na agad!

Kuha mo?

So, nagla-lunch ako, yung bintana nasa harap ko. Me dumaang babae--yung kasambahay ng isang kapitbahay namin. Pa-charming paglakad niya. Natawa pa ako--ang sexy naman nun maglakad--muntik ko pang nabuga yung food na nasa bunganga ko. Pababa siya sa kanto at palingon-lingon.

Mamyang konti, nakita ko naman si Professor Pekwa, pababa din. Di siya talaga professor--meron lang kasing mga tao na sa biglang tingin, they look like this or that. In the case of Pekwa, mukha siyang professor sa biglang tingin--kelangan bibiglain mo ang tingin.

Why "Pekwa"? Poker face kasi--di mo mahulaan kung anung kartada meron siya. Di ba Tagalog ng poker, pekwa? Tinanong ko minsan si Sir Tony, teacher sa isang school dyan, nung nakasabay kong kumain sa isang kainan dyan sa ibaba. Sabi niya, pekwa daw.

So, Professor Pekwa ang tawag ko, sa isip ko, dito ke Pekwa.

Napa-kunot ang mga kilay ko--parang me milagrong gagawin si sexing kasambahay at si Professor. Me record na kasi itong si Sexy, at si Prof naman kilalang atchay killer sa village. Kaya napa-tayo ako sa kainan namin at pinahaba ang leeg para sumilip sa bintana.

Ayun! Bullseye pre! Nagtagpo nga ang dalawa sa kanto (maghawak kamay pa) at tapos lumiko at nawala!

Umupo ako ulit, nagisip at nangiti. Iniling-iling ko ulo ko. "Kalokohan talaga," nasabi ko sa sarili.

Tapos eto na. Kakasubo ko pa lang ng adobo at kanin (OK pagka-luto ko nung adobo, nakatsamba), nakita ko naman sa bintana si Mrs. Pekwa--syempre, asawa siya ni Prof. Nagmamadaling maglakad!

Naku, yari na! Sana naka-sakay na ng tricycle yung dalawa bago pa sila abutan ni Mrs. Pekwa. Di naman sa kampi o ayon ako sa kalokohan nila, pero ayaw ko kasi ng gulo--lalo na domestic problems. E, lima pa naman mga anak nila Prof--pawang mga college na!

At for sure, pagnag-pangabot yan at nagwala sa kalye, mukhang lalabas ako para umawat. Matagal ko na kasing papel sa village yun--referee.

Sunday, September 13, 2015

Saan ba Papunta ang ALDUB?


OK nung umpisa kasi something new. Kakatuwa, lalo na nung unang napansin ni Yaya Dub na Alden was actually watching her perform. The series that followed were exciting.

Kaso mo today parang tumatagal masyado. Pinapahaba nalang. Di ba sa showbiz, dapat mag "move on" na? Hence, they should also cut short the prolonged frustrated romance series and move on to the next level. But probably the ALDUB creators also are lost as to where they should lead the story. Kasi, showbiz is business nga--nagiisip sila pano pa pagkaka-kitaan ang ALDUB phenomenon.

Better make up your minds, guys, kasi the way things are moving, ALDUB may soon lose its mystery and appeal. Mag-isip na kayo ng bagong eksena. Tama na yang kidnap-kidnap.

Dati-rati dito sa kainan na dinadayo ko, hindi masubo-subo ng mga tao ang kinakain nila dahil tutok na tutok sa ALDUB--ayaw ma-miss ang mga eksena.

Ngayon, they can afford to make subo na. Siguro, ma-miss o hindi, so what? Medyo predictable na kasi ang mga esksena. Alam mo na in the end, hindi matutuloy ang meeting nila. Buti na nga lang nakaka-aliw si Wally at Jose--pati na rin si Paulo. Ingat kayo dyan, GMA!

Tapos, yung katabi ko sa table na kumakain ng paksiw na lechon at igado, nag-comment. Dati daw ALDUB lang nasa focus at nasa sidebar lang sila Jose at Paulo (sidebar, parang blog lang). E naka-halata yata sila na natatabunan na nila Yaya at Wally yung dalawa kaya later umeeksena narin yung dalawa as mga kambal daw ni Lola Nidora.

Pero patuloy ang pagsikat ni Yaya sa social media, ha. (Kaka-dinig ko lang sa kapitbahay ko ngayon, Yaya Dub na daw).

Madami pang comments yung katabi ko pero di ko na inintindi. Ang sarap kasi nung Ginataang Langka. Sobrang creamy! Yung ibang natitikman kong Ginataang Langka dry kasi.

Anyway, kaya later, umorder pa ako ng kalahati--with matching half-rice, syempre.

Pero tinututukan parin ng mga manonood na manga-ngain ang ALDUB. Basta't pag schedule na ng ALDUB, change channel na--lahat gusto GMA 7. Walang kumokontra--except yung sikyo ng village na die-hard fan yata ni Vice. E, di naman siya maka-hirit kasi di naman siya bumibili ng kahit ano sa karinderya--me baon siyang kanin tapos hihingi lang ng sabaw ke Ate Laura.