Wednesday, October 14, 2015

Ligid-Ligid sa Paligid pag me Time (Mga Misteryo ng Buhay)

Eto ang Quiteria, sa Quirino
Highway.
Kahapon nag adventure ako. Minsan kelangan mo lumabas at lumigid-ligid dyan lang sa paligid para ma-relax--ganun lang. Pero huwag mong ismolin ang pagre-relax. Tunay na importante yan sa health. Ang pag-re-relax ay prerequisite ng good health. Sabi ng mga eksperto yan.

So, lumabas ako para sumakay ng jeep sa General Avenue papuntang Tandang Sora. Pumara yung jeep na kinawayan ko--pero teka, ba't sya pumara agad-agad? Dati-rati pahirapang mag-para ng jeep dito. Mahiwaga! Anung kababalaghan ito? Dahil ba malapit na ang Undas at naglipana ang mga kakaibang nilalang?

Sa Tandang Sora, sumakay ako ng jeep ulit papuntang Quirino Avenue sa Quiteria. Dun sa me Shell, nag-picture-picture muna ako--para rin mapakitang totoo itong kwento ko, hindi lang ordinary kwentong kalog.

Ayun yung picture sa taas.

Actually, me kinuha akong contract para sa utol kong magtatayo daw ng lab dyan sa Quiteria. So pag-tawid ko dyan medyo pumasok pa ako ng konti sa loob at pumunta sa isang store. Andun yung contract. Nagpa-kilala ako sa mga staff. Medyo suspetsosa sila, pero nakilala din ako nung isa. Nagpunta na kasi ako dito noon. Ni-receive ko yung contract at umalis. Bumalik na ako sa Tandang Sora, pero sumulyap muna ako sa isang alley doon na parang mahiwaga.

Ang layo ng sakayan, yung pila ng jeep going to UP. Lalakad ka pa ng lampas Dr. Carlos Lanting Medical School, lagpas pa ng Mini Stop. Ang sakayan nasa tapat ng Lanting Maritime School. Pag lakad ko, napansin ko madaming kainan na parang masarap kumain--lalo na yung me offer na Milk Tea. Parang masarap yung burger nila. Me mga turo-turo din. Ano kaya, kumain muna ako?

Pero hindi nalang. Di ko type yung place. Pag di mo feel yung place, wag ka magtatagal doon. Yan ang natutuhan ko sa SIMA Streetfighting Arts.

So, banda roon, sakay ako ng jeep to General Avenue. Ang tagal din ng pila bago lumakad yung jeep. Sa harap ako sumakay, tabi nung matabang driver. Parang di mapakali yung driver--takot yata sa itsura ko. Tapos me tumabi saking cute na girl, high school lang siya sa tingin ko. Me malalim siyang iniisip. Mukang di naman in-love. Siguro tuition fee iniisip niya. Exam week na kasi.

Baba akong General at sumakay ng jeep doon going to Quiapo. Umulan pa. Tinignan ko yung ibang pasahero--parang abala sila, tingin ng tingin sa relo nila. Teka, teka--parang me misteryo silang tinatago. Ba't sila nagmamadali? Late na kaya sila o me ginawa silang bagay na kelangan na nilang makaalis sa lugar na yon?

Hmm...

Di kaya sila mga sindikato o secret agents?

Eto naman ang Save More sa
Benefits Street, Super Palengke.
Sa Benefits Street, sa me Save More, bumaba nako. Umaambon pa rin. Diretso ako sa admin office ng Super Palegke. Oops! Wala si manager! Andun lang yung assistant niya, yung mukhang tulala parati. "Ay, baka lunch time pa dadating si mam!" sabi niya sakin na halatang gusto na niya akong umalis agad. "Nagpa-general checkup siya sa St. Luke's."

"OK, kunin ko nalang telephone nyo. Tatawag nalang ako mamya sa kanya."

"Ay sir, di po namin pinamimigay telephone namin!" sabi niya. Na-insulto pa ako.

I-baon ko kaya itong kolokoy na ito sa lupa? Pero sige, OK lang.

"I mean, yung telephone number ninyo," sabi ko nalang ng mahinahon. Binigay naman niya sakin yung number. Naki-gamit muna ako ng CR tapos, lumayas nako. Pero nag thank you din ako nang naka-smile pa. O, san ka pa?

Sa Benefits Street, sa me Save More, nagpatila ako ng ulan. Nag-muni-muni sa adventure ko. Kanina, nasa Quirino Avenue ako, sa Quiteria. Ngayon naman, nasa Otcho ako, sa Save More. Magka-ibang daigdig. Magka-ibang kultura ng distrito. Pareho ko silang nalakaran, nasilayan. Mas maligalig at abala mga tao sa Quiteria, mga nagmamadali. Dito sa Save More mas relax ang atmosphere.

Habang nagiisip ako nang ganon, pansin ko, kanina pa pala ako pinagmamasdan nung isang ale. Naghihintay din siguro siya ng jeep. Masama tingin niya. Akala yata kriminal ako na nagiisip ng krimen. Hoy! For your information, bonafide constituent ako ng Otcho nung 1968 pa no! Ikaw, kelan ka pa dito sa Otcho?

Syempre, sinabi ko yun sa isip ko lang. Sa actual, medyo nginitian ko lang siya. Aba, parang nahiya pa! Nag-blush! Crush lang siguro ako nung ale. Sa bagay, me dating naman ako kahit papano.

Naka-sakay din ako ng jeep, tumila na kasi yung ulan. Bumaba ako sa General. Diretso ako ng Nori Mart, nag-grocery ng pang lunch namin sa bahay--balak ko adobong manok with Del Monte pineapple chunks. Pag-labas ko ng Nori, nakita ko yung favorite Choco-Choco drink ko. Napa-hinto ako. Favorite ko ito e! Bumili ako. Napansin ko rin yung malaki at puting-puting siopao nila.

"Magkano naman yang siopao niyo?" tanong ko ke tindera. Panay ang ayos niya ng mukha niya sa salamin. "Sir, P20 lang po!"

Nag-taka ako. Ang laki-laki ng siopao P20 lang? Aba, me misteryo dito! Ba't ang mura niya? Teka, bumili nga ako.

Pina-upo niya ako sa loob ng maliit nilang store. Open naman siya kaya enjoy kong pinanonood mga tricycle, kotse, van, trucks at mga taong nagdadaan habang kinakain yung siopao. Masarap siya ha! Enjoy ko ding tignan si Lowi sa kabila ng kalye, naka-upo sa me bangketa at tinititigan yung aspalto sa kalye. Malalim ang iniisip. Tuition fee din kaya prublema nito?

O nga pala, kasama si Lowi sa Kalog Boys, di ko nga lang masyadong nakikita lately. Pero eto na uli siya.

Nakita ko ding dumaan yung school bus ni Luwi, yung classmate ko sa Patrick nung elementary. Me business siyang school bus. Marami din sigurong kwentong kalog ito about Otcho kasi pa-ikot-ikot lang ito araw-araw dito.

Masarap palang tumambay at kumain ng siopao at uminom ng Choco-Choco dito pag me time. Habang pinanonood ko ang mga pangyayari sa kalye, eto naman si tindera, kwento ng kwento sakin. Ngini-ngitian ko lang siya, at sinasabi ko din, "Ay ganoon?" paminsan-minsan.

Pagka-ubos ko nung siopao, bumili na ako ng fresh chicken sa katabing tindahan at umuwi. Magluluto pa ako at me mga tatapusing articles para sa mga blog clients ko. Trabaho ulit.

No comments:

Post a Comment

My thoughts, experiences and stories. Pang tanggal stress ni Jaden Mero at makapag-share ng Kwentong Kalog sa inyo. Importanteng maaliw at tumawa minsan-minsan!