Thursday, October 1, 2015

Minsan Tiba-Tiba Ka Rin

theredpillconsortium.blogspot.com
[Eto yung part 1]

Syempre sabi ko, pwede pang tumawad--"Nego pa yan," inulit ko pa. Ibig sabihin, negotiable pa. OK, tatawag nalang daw siya ulit.

Madami pang tumawag na inquiries sa bahay na pinapa-benta sakin. Me tumawad pa ng P800K. Pero itong isa ang muntik akong mabilaukan. Nag ring cellphone ko, tapos, ang tanong agad:

"Ano last price mo?"

"Yung bahay ba tinutukoy mo? Sa Novaliches?" tanong ko. Malay ko ba, baka mamya akala niya call boy ako, or yung lalaking mababa ang lipad. Kaya siniguro ko muna.

"Yun nga," mabilis niyang sagot. "Ano last price niya?"

"One point four," sabi ko rin agad. Kelangan me ready ka nang sagot para professional ang dating.

"OK, meet tayo halfway," sagot niya. "One point two."

"Hanggang one point three lang pwede, pre," sabi ko. Actually, papayag pa ako ng P1,250,000 para at least me P50K ako, pero nag-OK na siya sa one point three! Ba! Mukang tiba-tiba yata ako dito ha!

Gusto nya daw makita yung bahay, kaya nag sched kami ng tripping. After office hours lang daw siya pwede kaya nagkita kami ng 5pm isang araw somewhere sa Quirino Avenue. Maganda kotse niya at mukha namang me kaya talaga. Pormal at diretso makipagusap tong lalaking ito. Gusto daw niya ng bahay sa malayong lugar na me privacy at tahimik talaga pero hindi naman outside Metro Manila. Kaya sabi ko, perfect itong property na to sa kanya.

"Tignan natin," malamig na sabi niya, parang yung mga salita ng mga boss ng sindikato.

Medyo madilim na nung nakarating kami. Lalong tipong haunted house ang dating ng bahay tuloy. Sabi ko sa sarili, patay! Baka hindi magustuhan, kasi nakakatakot ang itsura. Pero tinignan ko reaction ng mukha ni buyer--ang ganda ng ngiti niya.

"Wala na ba talagang tawad, pre?" tanong niya.

"Yun na yon, bro."

"One point three," sabi niya sa sarili habang hinahaplos ang baba niya at nagiisip. Pero naka-ngiti pa rin siya. "Clean title to, ha?"

"Clean title ito," sabi ko habang tutungo-tungo.

"Sige, paki handa mo na papeles."


Nung inabot ko ang title na nasa name na niya at yung deed of sale at iba pang documento, niyaya muna niya akong kumain sa Max sa SM North. Bahala daw akong umorder. "Ba!" sabi ko sa sarili. "Di yata't tuwang-tuwa talaga ito sa nabili niyang property! E, kung ako ang me pera, di ko bibilin yung bahay at lote na yon--parang pugad ng zombies at mga maligno! Pero eto, papakainin pa ako sa Max!"

Nag-order ako ng fried chicken (syempre) sinigang na baboy at spring rolls. Dinagdagan niya ng kare-kare, chopped suey at sisig tofu. Tapos, nag ice cream pa kami!

"Me pamilya ka na, Mr. Illustre?" tanong ko.

Na-ngiti siya--yung parang ngiti ng boss ng sindikato na me papatayin--at sinabi niya: "Actually, I'll get married in 5 months. I want to surprise my would-be wife about the property. Pagagandahin ko siya with all the features my wife wants in a house."

Tumungo-tungo ako habang nilalantakan ang mga gulay ng sinigang. Pagka-kagat ko ng fried chicken, tinanong ko siya: "Me architect ka na, sir?"

Pormal niyang pinunasan ng table napkin ang bibig niya, at sumagot: "Actually, wala pa nga. Can you recommend someone, Mr. Jaden Mero?"

"Jad na lang, Mr. Illustre!"

"Sige, Jad. And just call me Pete."

Siniguro ko munang makasubo ng mga gulay ng kare-kare with a little bagoong at saka ako nagisip. Architect? Pwede si Marvy dito! In fact, inalok na ako ni Marvy minsan na pag meron daw akong referral, he will give me 5 percent commission ng total cost! Pera nanaman ito, kung sakali!

Pumayag makipag-meet si Pete ke Pareng Marvy tungkol sa design and construction ng bahay. Sana magka-deal sila. Pag-uwi ko, tinawagan ko agad si marvy para kontakin niya si Mr. Pete Illustre. After a day, tumawag si Marvy sakin--it's a go daw! WOW! Biro mo, na-hit ko yung P100K commission sa pagbenta ng property, ngayon naman mahi-hit ko yung 5 percent commission!

After 3 days, tumawag ulit si Marvy sakin. "Pre, three point five and total cost ng project! In-approve na ni Mr. Illustre! Kaya me P175K commission ka sakin!"

Lahat-lahat, P275,000 ang kinita ko noon! Easy money lang kung baga. Of course, nahirapan ako sa paglakad ng mga papeles, pero it was all worth it! Laki ng kita ko!

Ano ginawa ko sa pera? Dun ang simula ng kwentong kalog ko.

[Itutuloy]

No comments:

Post a Comment

My thoughts, experiences and stories. Pang tanggal stress ni Jaden Mero at makapag-share ng Kwentong Kalog sa inyo. Importanteng maaliw at tumawa minsan-minsan!