Aba, e di nagalit si Derek. "Oy, tao ako. Anung ibig mong sabihing mas masahol pa sila sa tao? Hinahamak mo ba kami?"
"Oy, wag ka sumali sa usapan. Kami lang ni Lydia ang naguusap!" sagot ni Prof.
"Aba, at bakit hindi ako sasali sa usapan? Ano ako, hayop?"
"Wala akong sinasabing ganyan, Ang sabi ko lang ke Lydia, mas masahol pa sa tao itong dalang aso na to!" balik naman ni Prof ulit.
"Ibig mong sabihin, labis na ang kasamaan ng tao? Mas mabait pa ang mga hayop sa kanila?" ask naman ni Derek.
"Bakit? Hindi mo ba alam?"
"Ang alin?"
Umayos ng upo si Prof at nagsimula: "Di mo pala alam. Ganito yan. Nung unang panahon, nag-usap ang bundok at dagat. Tinanong ng dagat, 'Ano sa palagay mo ang kulay ng bitwin?' Sumagot naman ang bundok: 'Ano pa, e di kulay pilak.' Ganun na lamang ang tamis ng pagsasamahan ng bundok at dagat..."
Nagpatuloy sa kwento si Prof. At palibhasay Prof ngang tinuturing sa Otcho, nakinig naman sina Pareng Babes at Aling Lydia. Me authority, ika nga, kasi si Prof, kahit di naman talagang professor. Naka-salamin lang kaya mukang genius.
Lumayo na ng lumayo sa talagang usapan, hanggang nakarating na sila sa panahon ng Kastila at Hapon, tapos ke Arnold Schwarzenegger, at nagtapos sa, "The Martian," yung palabas ni Matt Damon.
Tawanan silang tatlo. Ginabi na sila.
"O pano, ma-una na ako at gabi na. Inaantok nako," ika ni Prof.
Nung wala na si Prof, nagusap ang dalawa.
"Ano na nga ba yon?" tanong ni Pareng Babes.
"Alin?"
"Yung pinag-uusapan namin ni Prof kaninang umaga?" sabi ni Babes.
"Yung bundok at dagat?"