Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Friday, April 25, 2025

Ba't Pag Walang Kuliglig, Madami ang Mabubuang?


Kanina bumili ako ng pandesal early in the morning para sa kape ko tas narinig ko yung kuliglig somewhere sa mga malalaking puno ng mangga. Pag summer sa Ocho, madami yan, lalo na nung bata ako. Naalala ko tuloy nung elementary ako sa Ocho, bumalik ako sa pagka-bata. Ganyan din daw feeling ni Prof Pekwa na sa Ocho din lumaki at nag-aral sa Toro Hills.

Si Mr. Bean naman sa GSIS Elementary School sa Premium Street nag-aral. Nilalakad lang nya from sa may Short Horn (nung dun pa sila nakatira) dahil dati medyo ma-puno pa sa Ocho kaya madaming lilim, masarap maglakad. At sabi din nga nya, pag summer may madidinig kang mga kuliglig, lalo na mag ma-Mayo na. Nag-iingay sila pag uulan o kaya pagkatapos umulan. Kanina ngang umaga me mga kuliglig, kaya malamang mamyang hapon uulan. Kaya bantayan nyo mga sinampay nyo.

Minsan, sa takip-silim meron ding mga kuliglig at matining ang ingay nila habang nilalamon ng dilim ang nagmamaliw na liwanag ng dapit-hapon. Parang nagbabadya ng mysteryo sa mga ka-punuan ng mga hardin at plaza, habang ang mga bata ay nagbabalikan na sa kanya-kanyang tahanan. Mas nakakatakot ang pagsapit ng dilim pag merong mga kuliglig, at nagiingay sila hanggang mawala na ang liwanag. Humihinto sila pag madalim na talaga, tila nagtatago na din sa anumang kababalaghang mangyayari. 

Nung teenager pa si Totoy Golem (isa sa mga Ocho tricycle boys), naaaliw sya ng mga kuliglig na ani nya'y "nag-aawitan" doon sa mga ka-siksikan ng mga mayayabong na dahon ng acaia at mangga sa plaza ng Toro Hills. Nagbibigay kagaangan sa nabibigatan nyang isip at damdamin pag madami syang prublema, gaya ng Algebra at Science na pirmi nyang binabagsak. Anya, buti pa ang mga kuliglig, walang Math na dapat ipasa. Di nila kelangan mag-cheat sa test. Basta kumakanta lang sila sa tinig na dire-direcho hanggang dulo, gaya ng boses ni Mr. Bean, sabi nya.

Kaya importante ang kuliglig at mga dambuhalang puno na tirahan nito. Hayaan nating manatili ang ilang mga puno sa Ocho, at dagdagan pa nga natin, para dumami pa ang mga kuliglig at iba pang mga hayop na kinakanlong ng mga puno---at mga mysteryo, syempre. Saan magtatago ang mga White Lady kung walang puno? Tandaan, pag wala mga kuliglig, madaming tao ang mabubu-ang dahil sa Math, at iba pang prublema.


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Tuesday, December 1, 2020

Basta't "SALE" Ito Ingatan Mo


Napansin mo ba? Twing papasok ka sa mga malls pirming naka "sale" sila. Yan ang napansin ni Boy isang araw na nasa mall sila ni Bisoy at Badong. Araw-araw nalang me "sale" daw. E di lalo na itong mag-papasko. Kunwari me sale para mag kandarapa kang mamili.

Photo above by Markus Spiske on Unsplash

"Kita mo yang pitchel na buy-one-take-one for P300 'only'?" ika ni Boy. "Bakit, pag walang sale maniniwala kang P300 ang isa nyan? Weh!"

"Ibig mong sabihin pre...ibig mong sabihin...P400 talaga isa nyan?" sabi ni Badong.

"Engot! Ibig kong sabihin, sa totoo lang, P150 naman talaga isa nyan. Kunwari lang 'sale' at kunwari buy-one-take-one for only P300!" paliwanag ni Boy.


Ad: Attract people with your strong personality.

Tawa si Bisoy. "E dili ko nga bilhin yan sa tig P150 ang isa! Tignan mo, manipis at malutong na plastik. Madaling mabasag yan! Isang untog lang nyan basag na!"

"Na-isahan ka sa 'sale' nila. Hindi ka naka-mura. Kumita pa sila!" dagdag ni Boy. 

Sa lakas ng usapan nila napapa-lingon na mga sales ladies sa kanila. Parang gusto nilang umimik pero di nila magawa kasi nga customer is always right. Never left. Hehe. Naka-ngiti lang sila, kahit yung supervisor nila. Palakad-lakad lang kina Boy and company na makukulit.

"E yang pants na yan. Sabi P700 na lang daw yan," turo ni Bisoy. "Dati daw P1,400 yan. Pero kasi 'sale' kaya P700 nalang daw. Hahaha! E las week nung wala pang sale nakita ko P350 lang talaga yan!"

"Ibig mong sabihin pre...ibig mong sabihin...pag sale mas mababa presyo?" banat nanaman ni Badong.

"Ang ibig sabihin, Badong, kumita pa sila ng doble ngayong 'sale' daw!" paliwanag ni Boy uli, medyo asar na ke Badong sa pagka slow nya. "Gets mo na?"

"Aaah!" ika ni Badong na parang na-gets na nga nya talaga. "Pag pants doble kita nila!"

"Saan ba me sale talaga pag me 'sale'?" tanong ni Bisoy. 

"Punta ka na lang ng Divisoria. Walang sale dun pero parang 'sale' ang mga presyo." sabi ni Boy. "Kaya lang me Covid kaya mahirap pumunta dun. Siksikan pa. Kaya dito ka nalang. Magpa-scam ka nalang kesa ma-Covid ka.

Ad: Get a FREE copy of this e-book.

"Naka-mura ka nga, baka tamaan ka naman ng Covid," segunda ni Bisoy.

"Ganon?" ika ni Badong. "Mga kawawa pala mga tindera dun e."

Nagtinginan sila Boy at Bisoy. "Bakit?" Tanong nila.

"Pwede mo silang murahin..."

ARAL: Kaya dapat maging-wais tayong mamimili. Hindi porket sale papatulan na natin. Mag research din pa minsan-minsan. Mag matyag. Pagka na dadaan sa mall or department stores, silipin din mga prices pag walang sale. Tapos pah me sale na, compare ang prices during sale at walang sale. At tignan din ang quality ng items. Minsan pag sale di mo na ini-inspect ang item kaya pag uwi mo me sira pala. Yun palang sale na shirt or shorts me sira pala pagka-tahi o me tas-tas. Mga ganon ba. 

Sayang pera.

CASTS

Review lang--baka nalimutan nyo na ang Ocho Boys (Kalog Boys)--eto sila: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

Wednesday, November 11, 2020

Ginabi Si Ulysses


OK pa nung hapon kahapon. Kahit nga alas sais ng gabi OK pa rin, although me katindihan na ang ulan. Chine-check ko parati sa news kung ano na lagay ni Ulysses. Huling nadinig ko 140 kph pa din sya at me bugsong 190 kph---at masasagi daw ang NCR. Malakas din yon ah. Safe kaya ang Project 8? Nakaka-kaba din. Pano kung mag direct hit?

Photo by Rachel Claire from Pexels.

Yun ang madalas kong maisip. 

Pero umasa pa rin akong di na sya magpaparamdam dito sa QC, or sa Project 8. Kasi nga late afternoon na wala pa rin sya. Sabi nga ni Mr. Bean at si Badong kanina sa karenderia over coffee, FAKE NEWS lang daw. Tawa sila ng tawa nung na-daan ako matapos mamili ng kandila, posporo, tuyo, itlog at bigas---mga kelangan pag me bagyo---dyan sa Road 20. Napaka OA ko daw. Panik buying. Ewan ko sa kanila. Buti pa si Sikyong Pedro namili rin para handa sya---namili ng gin, Red Horse at konting pulutan. At least nag-ready sya, di ba!

Eto na. Nung alas syete, nag iba na ihip ng hangin. Lalo na nung 9:00 pm. Ginabi si Ulysses, madami atang dinaanan pa. Lagalag. Delikado yung me malakas na bagyong tatama malapit sa inyo pag gabi na. Ayaw maniwala nila Mr. Bean at Badong na peligroso yon. Kaya nung kasagsagan na---mga hating-gabi at ala una ng madaling araw---tumodo na si Ulysses, hanggang alas sais ng umaga. 

GRABE! Ang tagal din noon ha! Parang nagustuhang tumambay ni Ulysses sa QC at Ocho.

Sumilip ako sa bintana ng 1:00 am. Madilim tas mahangin. Nakita ko yung mga nagsisi-likas. Pati nga yung White Lady dun sa puno ng Balete sa kanto lumikas na rin dahil basang-basa na sya. Bitbit nya mga paraphernalia sa pananakot--mga wigs, ketchup, white dresses (naputikan na yung iba) at mga makeup. Pumara ng tricycle, pero kumaripas naman ng harurot yung driver. Naglakad nalang si White lady---buti me payong sya.

Halos di ako nakatulog---hindi dahil ke Ulysses o sa White Lady---dahil sa mga text ni Mr. Bean at Badong. Nilipad na daw ng hangin ang bubong at muskitero nila, ano daw dapat nilang gawin. At brownout, tapos wala pa silang makain, gutom na daw sila. Sabi ko, matulog. Yun ang dapat nilang gawin. At yun ang deserve nila. Pero di ko na sinabi yun.

Bandang alas sais ng umaga, nung di na delikado lumabas, pinatuloy ko na sila sa bahay ko. Basang-basa sila at nangangatog sa lamig. Nag-kape kami habang ngi-ngisi-ngisi ako sa kanila. Mamyang konti, dumating na din sina Totoy Golem at Dagul. Wala daw silang makain. Para namang bago yon. Me bagyo o wala, wala talaga silang makain. Inutusan ko silang bumili ng pandesal at itlog sa bakery, dagdag sa almusal namin. Pinagluto ko silang apat. Masaya naman sila.

Tapos, nag-almusal na kami ng 7:30 am habang nakikinig ng radyo at nagkwe-kwentuhan. Masarap ang pritong itlog at tuyo sa sinangag at pandesal. Mainit na kape. Tapos kwentuhan, tawanan habang nakikinig sa radio, sa balita at sa drama. Pati nga si Prof naki-salo samin nung nadaaan sya e. Mga importanteng bagay yan para malampasan ang mga bagyo sa buhay.

Sunday, June 21, 2020

Ba't Ayaw Talaga Nila Mag Mask

Buti sila naka-mask. Mabuhay kayo!

They hate wearing masks talaga. Ang aga-aga makikita mo nasa labas ng walang mask--o kung meron man, nasa baba. And you know why they do that? Just to avoid being penalized. Sa QC kasi mga 6 months imprisonment at meron pang P50K na penalty. Tuloy pa ba ngayon yon? Yun kasi news nung April 2020. Di ko alam kung binago na. [Picture above from this page].

Ang mask kasi sinusuot hindi lang para wag ka makulong o magbayad ng penalty. Sinusuot yan sa dalawang dahilan pa:

  1. Wag ka makahawa.
  2. Wag ka mahawa.
Ayaw Mag-Multo

You never know if you have the virus or not. You may be asymptomatic and passing the virus to others unawares--although there's no proof yet that this is possible--that being asymptomatic can be a way of infecting others. But to be doubly sure, we assume that it can--na pwede kang maka-hawa. This is why we wear masks. Kaya wag matigas ulo.

Pero ayun si Thanos (bansag ko sa ka-barangay kong sa baba sinusuot ang mask nya), lakad ng lakad sa kalye minsan walang mask, minsan naman me mask nga pero nasa baba naman nya. Di nya suot yon dahil nag-iingat sya sa health nya at ng ibag tao. Suot nya yon kasi ayaw nyang mag-multo, este mag-multa pala. Mali yung sub-title ko sa itaas. Dapat, "Ayaw Mag-Multa." Sorry, tao lang po. Kayong mga ka-ocho, wag kayong Thanos ha!

Di Macho

Isa pa, di daw macho tignan pag naka-mask. Can you believe these people? Feeling nila di ka tunay na lalaki pag naka mask ka. O mahinag nilalang ka. Or worse, ma-drama ka daw masyado. Para virus lang e, pa-mask-mask ka pa at naka face shield pa. Arte mo. Tipong ganon. But the truth is, the virus is really deadly. Hindi biro-biro. Wag mo nang intaying tamaan ka at pahirapan ka--o patayin ka. Tapos mahawa pa pamilya mo.

Kalokohan Lang

Meron pang mga nagsasabi, fake news daw ang Covid 19. Wala daw virus talaga. So ano yung mga nasa news? Kahat-isip? Yung mga pinakita nilang pinahirapan talaga sila ng virus? Yung special news ni Howie Severino? Ano yun, mga kalokohan lang? I call these guys Smart Alecks. They laugh at those who take the virus seriously and claim that there is no virus--or if there is, it's not fatal. Mas deadly pa daw ang common flu na mas madaming namamatay. 

Ano to contest, padamihan ng namamatay?

Ke mas konti pa namamatay sa Covid kesa sa flu is not the issue. What is, is that Covid can kill and many in fact have died. Hindi ito kontes. Palibhasa mahilig ang iba sa beauty contest kaya lahat nalang sa kanila contest. Kaya rin pag na puna mo lang ng konti si President Duterte dilawan ka na daw agad. Ma-puri mo lang siya ng konti, DDS ka na daw agad. Lahat sa kanila contest. Yung kampihan mentality pinsan yan ng contest mentality.

And they both belong to the makipot family--makipot pagiisip.

Mahawa Ka na, Wag Lang Marumihan Mask Ko

Finally, there are folks who'd rather cough or sneeze at people than have their masks tainted with it. Naka-mask sila. Pero pag uubo or babahing, aalisin mask nila. Hehe. Gaya ni ate sa Western Union sa Walter Mart. Customer sya, naghihintay, medyo kasunod ko. Buti nalang naka physical distancing kami at naka mask at face shield ako. Nung bumahing siya, hinubad agad mask nya para di nya mabahingan. 

Actually, I see a lot of folks doing this--saving their masks by taking them off when they cough or sneeze. Why they do this--what's going on in their minds--I don't know. It's a big mystery. Probably a mystery for the Ocho Boys to solve.

Friday, June 19, 2020

Trike, Hike or Bike?


Tricycle o lakad? Yan ang pamimilian mo ngayon pag me pupuntahan ka. Except if you have your own car, motorcycle or bicycle. Or you hire a car to take you somewhere and take you back home later. From what I heard, it costs P500 to hire a private car to take you somewhere in the city. Kaya kung malapit lang pupuntahan mo na medyo malayo pag lalakarin mo, tricycle ka na. [Picture above by Dmitry Abramov from Pixabay].

Going to Munoz, for instance, you take a tricycle to Road 20 and then a tricycle to SNR. Then you walk from there going to EDSA or to the LRT station. Some walk from there to the MRT station at Trinoma. I heard a guy who walks from the MRT station there to Project 8 everyday. 

I can't imagine having to go to work from here to Manila or Makati. Yes, you can take LRT or MRT respectively, but what I can't imagine is the time you consume waiting in line to ride a train. Kasi konti lang ang pinapapasok at a time. Biro mo yung ganon, tapos aaw-araw yon. Ang hirap. Buti nalang I work from home. Kaya work from home na dapat. Lahat ng office work gawing work from home na para malaki mabawas sa mga commuters.

At yung bike lane. Daming pictures showing na ginagamit na parking ng kotse o delivery pick-up ang bike lane, although bawal na dapat. Ang dapat lakihan ang multa. But here's the pitfall--I see some traffic people given the authority to apprehend traffic violators abusing their power. They stand there on the highway, not to help ease traffic, but to catch erring drivers even if they do very minimal violations. 

Na pa-kabig lang ng konti (konting-konti lang) yung driver ko minsan hinuli na. Walang patawad. Di naman nag-i-issue ng ticket. Satsat lang ng satsat na P2,000 daw babayaran ng driver ko sa opisina nila. Syempre, alam mo na ibig sabihin non. So I tend to doubt strict implementation of traffic penalties. Kasi na kokorap lang. 

Buti nalang wala pang penalty sa maling paglalakad, except of course, jay walking. What I mean is, if you just lean a bit to your right while walking, a traffic officer would approach you to issue a ticket for "swerving." Baka mamya magkaron ng ganyang batas. It's possible. Just look at how some law maker thought of taxing online sellers who are just trying to make ends meet. Good that the Palace overruled this by saying that incomes lower than P250K a year are exempt. 

But wait. That means if you make P20,000 a month you'd be taxable na. Pero what's P20K a month? Kaliit na mababawasan pa. Don't think P20k is big these days. Barya nalang yan. At first glance it looks good--below P250K a year is tax exempt. But on closer look, you're not given leeway to really build a good business. Sana man lang nilakihan ang margin---like P500K a year and up is taxable. Diba? That means dapat P40K income mo a month bago ka ma-tax. Sounds fair enough.

Kahit saan ka bumaling pinahihirapan buhay mo. Hirap ka mag commute pag employment ka. Pag nag business ka online tataxan ka naman. Is government helping us or punishing us?

Now, going back to trike, hike or bike, lahat pahirap. Sana man lang me konting ginhawa. Like, putting up walking sheds along highways and main roads for walkers (hindi yung zombie na walker ha), safe bike lanes, and more tricycle units. I don't know if they'd resurrect jeepneys. This might be the death sentence for them. And then what they call modern "jeepneys" today don't look one bit like jeepneys. It's a gross misnomer. They look like mini-buses. 

And sana mura na lang ang rubber shoes and hiking so hoes to help Juan walk to and from work. And also make good bikes cheap enough for ordinary folks to buy. Di ba mga ka-ocho?

Tuesday, May 19, 2020

How To Be Happy Outdoors While Staying Covid-Free


The first day when Modified ECQ was put in place, multitudes of people flocked to the streets and malls to see what's happening. Some say they terribly missed SM malls. A few of them were out to gladly report for work for the needed income. And most of them seemed totally unmindful about the deadly virus. In short, a lot of them wanted to enjoy the limited freedom made available. [Picture above from this site].

Parang me mga ka-ocho nga akong nakita sa news e. Isa ka ba dun? Hehe.

We can't blame people aching to go out after being locked down at home for some 3 months, more or less. But what we worry about is the probability of them ending up with the virus and spreading it all over, especially in their homes and barangays. Mas nakakatakot pag asymptomatic carrier ka. You will be spreading the virus without anyone knowing it.

But we all have the right to be happy. But then, this right might be the very thing that would get us in trouble and end up in the ICU or crematorium--not to mention the scary second wave scenario. So, how do we do it? How do we become happy outdoors again while staying Covid free? To many of us, happiness is roaming around or traveling. Sa totoo lang, happiness to Pinoys is malling and shopping. 

Pero wag naman tayong mamasyal ngayon or gumala-gala lang. Alis lang tayo ng bahay pag kelangan talaga. Yung pag-gala me katuturan at urgent talaga. Paano bang gumala ng di napepeligro ng Covid 19? Pwede kaya ito?

Here are some vital tips, aside from wearing masks, observing social distancing and always washing your hands:

1. Avoid crowds. Kung pupunta ka sa SM, piliin mo yung rutang hindi ma-tao. Medyo loner muna tayo. Umiwas sa mga tao. Better if you can walk to it. From Munoz to SM is only 15 minutes or less. Mag-payong ka. Magdala ka ng bottled water but DO NOT drink when exposed to the public or amid crowds. Choose a place where you are isolated and drink quickly there. DON'T touch the mouth of the bottle with your hands.

2. Don't touch. Kahit ano, don't touch hangga't maaari. Not even your face--lalo na your eyes, nose or lips. Don't touch handrails, doors, door knobs, or anything with your bare hands. So always bring tissue paper with you and use that to hold things, if you need to hold them--lalo na pag sasakay sa jeep or tricycle, or bababa. And always bring a small bottled and sprayable alcohol to clean your hands with, lalo na pag inaabot mo ang sukli. 

But even with hands sprayed with alcohol, don't touch your face.

3. Less Talk. If not necessary, don't talk with anyone. Remember, the virus can only travel if released from the mouth. When people talk they release tiny vapors from their mouths, and these vapors can float and travel some distance. So it's safe if we talk less with people. Bawal muna chikahan at chismisan. Yung chismis bawal talaga yan. Ayaw ni Lord. We can respond with a nod, a shake of the head, with eye movements or with hand signals. 

If you have to talk, maintain distance. NEVER go near to anyone. If you can't hear them, place a hand on your ear to signify that you can't hear them. 

4. Less Aircon. Avoid places with full air-conditioning. The virus travels better in enclosed places with air-conditioning. So big, super cool malls are not recommendable, really. Well, they have significantly reduced their air-cons na rin yata. Opt for small shops with few people inside. If you have to go to a big mall, choose less cooler places. And don't stay there too long. Bawal tambay. Tumambay ka sa bahay nyo. Unlimited.

5. Breathe well. Some experts say it's not healthy to have a mask on for long hours, definitely not the whole day. You might inhale your own carbon dioxide and that could be fatal. If you have to take a break to breathe deeply, get out of enclosed and air-conditioned places and breathe deeply outside where no one else is around. Make sure no one is within 20 feet from where you are. It's risky to inhale deeply where a guy 20 feet or less away just sneezed or coughed. 

6. Walk. Walk, walk, walk as long as this option is possible. It's safer to walk than ride in buses, jeeps or tricycle. Definitely not in cabs or grabs. Know were shortcut routes are, but always be mindful of safety. Don't take paths that are dark and prone to crimes. Iwas sa riding in tendem. Stay in major routes but avoid crowds. And don't walk on really hot times of the day to avoid heatstroke. 

7. PRAY. Last but not least, always ask God's covering and protection. The safest place on earth is in God's hands. So pray before you leave home, pray as you're out there, and pray when you get back home (pray that God disinfect you). To make sure your prayers are heard by God, you have to have a close relationship with HIM. How? Confess your sins to him, repent of them and receive Jesus Christ as Savior and Lord, fully surrendering your life and life plans to him everyday. 

Suggestion lang naman yan. Kung iba paniniwala mo, OK lang. No problem. Stick with your belief. I respect that.

When Back Home

Now, when you're back home from the outside world, do this. Stay in a secluded part of your house, like your garage or porch or just at the main door, and rest there for a while. Don't touch anything and leave your shoes OUTSIDE for disinfecting later. Have everyone hide (hide talaga hehe) or stay away from you. After a 15-minute rest, go straight to the bathroom and bathe. 

After bathing, collect your used clothes and put them straight to your laundry basin. Let it soak there with water and soap for 10 to 15 minutes then wash. Don't let used clothes loiter in the dirty clothes basket for long. Baka me Covid yun kumalat pa. Wash them immediately. Then spray your shoes well with alcohol, especially the soles, and let them dry in a place far from people in your home. 

Pag ganito ugali natin araw-araw, pede tayong mag-saya at magpunta sa mga lugar na kelangan natin puntahan talaga. Pero the best option is STAY HOME pa rin. Wag gumala ng walang importanteng dahilan. 


Taglish Section

Saturday, May 16, 2020

Kahit GCQ Pa Yan, Mas Masarap sa Bahay Ka Lang


Modified Enhanced Community Quarantine. o modified ECQ. Ibig sabihin ECQ na me konting pagka-iba para ang mga establishments na kelangan ng gumana e gumana na. Yung mga essential services o mga serbisyong kelangan talaga natin. Gaya ng ilang sangay ng gubyerno o mga kainin o grocery. [Picture above from this site].

Pero ngayon, doble ingat dapat. Kasi mas dadami ang mga taong nasa labas at ma-e-expose sa karamihan. Kaya mas malaki ang chance na magka-hawaan (wag naman sana). Kaya kung di ka naman kelangan lumabas, stay home ka na lang uli. Wag ka mamasyal sa mall o kung saan man.

Maliwanag ha.

Ang GCQ Ay Hindi Magic

Hindi ibig sabihin wala nang virus. Komo modified ECQ o kaya GCQ na, nawala nang bigla yung virus. Hindi ganon. Ano yun, magic? Pinayagan lang ng government maka-labas ang ilang tao para gumana ulit economy natin at maging available na ulit ang mga importanteng establishments. Yun lang yon. Hindi ito panahon ng galaan o istambayan ulit sa kalye o mag-mall.

Minsan me nakita akong picture ng mga tao, andami nila sa mall, para bumili ng milk tea ata yon. Yung iba para bumili ng donut. Mabubuhay ka ng walang milk tea at donut. OK lang kung bibili ka ng gamot o grocery items. Pero milk tea? Gumawa ka nalang sa bahay nyo. Mas healthy pa.

Pano Gumawa ng Milk Tea sa Bahay

Meron kang tea bag? Kahit anong klase o brand. Ibabad mo sa kumulong tubig for 3 minutes. Lagay mo yung tubig sa baso at lagyan ng gatas at asukal (mas maganda brown). Lagyan ng malamig na tubig at yelo. Alugin. Ayun! Me milk tea kana. Kitam? Gusto mo lagyan mo ng mga prutas--saging, apple, avocado, sinigwelas o caimito. Try mo caimito, kaka-iba yon. Pag di mo trip lasa, tapos mo.

Pano Gumawa ng Donut sa Bahay

Kung me pandesal ka o tasty? Bili ka lang dyan sa kanto (dapat me quarantine pass ka ha). Butasan mo sa gitna. Pahiran mo ng honey, butter na me asukal o peanut butter. O kaya strawberry jam. Kahit anung meron ka dyan. Pwede nang donut yan, kesa magka-Covid pag lumabas ka. Para donut lang magkaka-Covid ka pa. Di ba kalokohan? O kaya Sky Flakes or Fita tapos toppings mo sardinas o Century Tuna. Mas masarap kaya sa pizza yan.

Mamasyal Online

You don't really need to go out to roam around. Nood ka lang ng videos sa FB or Youtube. Sure ko madaming die-hard na mag se-selfie sa malls at parke pag GCQ or vi-video ang pagliliwaliw nila. Panoorin mo nalang, safe ka pa, imbis na lalabas ka at expose mo pa sarili mo sa Covid. Ako nga panay ang pasyal nitong lockdown. Nanood lang ako ng past trips ko sa Youtube or yung Youtube ng iba. Or yung Biyahe ni Drew or yung PINASarap ni Cara David. OK na yon!

Wag ng mag-inarte. Para wag ma-karne-norte. Anu yung karne-norte? Di ba me isang joke na ang tawag nung isang lalaki sa Covid 19, "Corn Beef 19"? E di karne-norte. Gets mo?

Seriously, mas deliakdo lumabas ngayon dahil mas madaming tao ang makaka-halubilo mo sa daan. Mas mahirap mag social distancing, lalo na karamihan ng mga nagliliwaliw at pasaway mga hindi nag-o-observe ng social distancing at magagalit pa pag pinansin mo. Ayaw din mag mask. Just imagine sila mga kasama mo. Kaya stay home ka nalang.

Tutal yan daw ang new normal--stay home. Pag "new normal" yan na ang kalakaran mula ngayon.

Friday, August 19, 2016

Si Manang Yakult

danka08.deviantart.com
Suki ko siya dati nung me tindahan ako sa Otcho. Binabagsakan niya ako ng mga yakult para ibenta---kung baga, yakult pusher si manang.

Kaya tawag ko sa kanya sa isip ko---Manang Yakult.

Napaka-sipag ni manang---siya ata ang pinaka-matagal nang Yakult seller sa Project 8, QC. Sabi niya sakin minsan, sa me San Jose daw siya nakatira---somewhere doon. Bagtasin mo lang ang Road 20 going to AMA at banda roon siya nakatira.

Dati nga medyo bata pa si manang, pero ngayon medyo me idad na. Pero active pa rin sa paninda. Palibhasa na-e-exercise sa kaka-lakad araw-araw tulak-tulak ang Yakult cart niya.

Ang di ko lang alam kung umiinom din  siya ng Yakult to stay healthy. Alam mo na yang mga nagtitinda, minsan sila mismo hindi nakakatikim ng produkto nila.

Parang karpentero---ginagawa nila bahay ng iba pero sila mismo minsan walang sariling bahay. O kaya yung sapatero.

Madalas kong nakikita si manang sa Road 20---dyan sa me Agueda Alley banda. Naghahatid ng Yakult. Pag nakikita niya ako, nag-he-hello pa rin, although matagal na panahon na nung kumukuha ako sa kanya ng Yakult ng bultuhan.

Minsan aabutan pa rin niya ako ng isang pack ng Yakult (5 bote).

Baka kilala nyo rin si Manang Yakult. Paki kumusta nyo na lang ako. Ka-nyo, si Jaden Mero, at na feature siya dito sa Kwentong Otcho.

Hirap lang, ni minsan di ko natanong pangalan niya...

Wednesday, April 20, 2016

Siya ang Dapat Nating Iboto

en.wikipedia.org
Umpukan nanaman sa kainan ni Aling Lorie sa kanto. Fully booked ang mga seats. Andun ang mga empleyado, ibang trike drivers, mga vendors at syempre the Otcho Boys.

Ang topic, sino ba dapat iboto for president?

Syempre, si Prof ang namumuno sa discussion. Parang nangangampanya sa mga kumakain.

"Ganito yan e," sabi niya, "kelangan natin yung matinong magsalita, hindi nagnanakaw, me pakinabang talaga, malusog at tunay na Pilipino. Kaso mo, lahat ng kandidato, kabaligtaran!"

"Ba't ba kasi hindi tumakbo ng presidente si Gordon e," sabi ni Mr. Bean.

"Noon ko pa hinihintay tumakbo si Victor Wood!" sabat naman ni Pareng Babes.

"Prof, OK naman si Digong, di ba?" pasok ni Sabas.

"Oo nga!" sigaw ng karamihan sa mga kumakain.

"Kelangan natin yung diretso at matapang magsalita!" sagot ni Prof.

"Si Digong nga!" sabi ni Totoy Golem.

"Hindi!" sabi ni Prof. "Kelangan natin me puso para sa bayan!|

"Si Grace Poe me puso!" sabi naman ni Dagul.

"Hindi siya!" sagot ni Prof. "Kelangan natin matuwid!"

"Si Mar nasa daang matuwid!" sabi ni Sikyong Pedro.

"Hindi," sabi ni Prof. "Kelangan natin hindi umuurong sa laban!"

"Si Miriam, matapang!" sabat ni Lowie.

"Hindi din!" sigaw ni Prof. "Kelangan natin sapat ang karanasan sa laban ng mga Pilipino!"

"Alam ko na! Si Binay me karanasan!" sabi ni Gerald.

"Hindi sabi e!" sagot ni Prof.

"E sino ba dapat iboto natin?" halos sabay-sabay na sabi ng lahat.

"Si John Arcilla" ika ni Prof.

Nag-isip lahat...

Kung nag-tataka ka rin, panoorin mo ang Heneral Luna.

Tuesday, March 22, 2016

Himala sa Otcho Nitong Mahal na Araw

en.wikipedia.org
"Mahal na Araw"...ba't ba Mahal na Araw ang tawag e sa English naman Holy Week? E di dapat Loved Day (o Costly Sun?).

Yan ang muni-muni ni Pareng Babes minsan pag Semana Santa na. Dati, nagbabasa ng Pasyon ang mga Kalog Boys ng Otcho. Pero ngayon, muni-muni nalang. Mula nang nawala na ang mga orig at mga damatan ng Otcho--sila Aling Pepay, Aling Merced at Aling Mitring--nawala na rin ang tradition ng Pabasa.

Naalala ko nung bata pako (teenagers kami sa high school), me tatlong lugar sa Otcho kung saan nadidinig yang Pabasa--dun yata sa me gawing Records Street, tapos sa me Ofelia yata, at dun sa me bandang Branches. Naka-mic yung mga nagbabasa kaya dinig ko sila mula umaga ng Miyerkules hanggang hapon ng Biyernes. Habang naka-salampak lang ako sa sopa ni lola at nag-aantay mag-Sabado (dahil Sabado pwede na kaming mag-ingay at maglaro) nadidinig ko ang umaalon-along mga boses nila.

Nakaka-aliw naman. Ang totoo nga, na-mi-miss ko sila today. Hinahanap-hanap ng tenga ko ang mga tinig nila pag ganitong Mahal na Araw.

Ngayon, andun nalang at mag-uumpok ang mga Kalog Boys sa tindahan ni Aling Lydia o kaya sa kainan ni Ate Lorie. Minsan andun sila sa barbershop sa Claims o kaya sa me Road 20. Hihingi sila ng Indian Mango kela Mang Rubio dyan sa Assistant tapos ngangatain nila habang nagkwe-kwentuhan.

Ganyan nalang ngayon ang Holy Week nila.

So, ngayong Holy Wednesday, hinahanda na ng mga yan yung mga Indian mango nila, sa-malamig na sago't gulaman, kornik at fishballs. Bawal ang karne kaya wala muna silang barbecue.

Malamang andun silang lahat ngayon sa bahay ni Prof at inaayos ang lahat-lahat (at nag-aasaran din, lalo na sila Dagul, Totoy Golem at Mr. Bean). Tapos, mamya, dadalhin na nila lahat sa kainan ni Ate Lorie or tindahan ni Aling Lydia.

Ngayon, eto ang himala...

Walang nag-mumura!

Kasi, kanina nadaan ako sandali sa bahay ni Prof pagka-palengke ko sa Super Palengke dyan sa Benefits. Nakinig ako sa kwentuhan nila habang nagbabalat sila ng isang kaing yata yun ng Indian mango. Aba, nag-uusap-usap sila pero walang nag-mumura!

Parang nakaka-miss tuloy yung mga murahan nila. Hehe...joke.

Ganito usapan nila. Watch this...

"E kung di ka pala naman...ahh...ah...kaka-iba...tinamaan ka ng hangin, hindi ganyan magtalop nyan!" sigaw ni Dagul ke Mr. Bean.

"Oy, oy, oy! Mga...ah...ah....hilong talelong kayo! Mahal na Araw ngayon, wag kayo maingay!" sabat naman ni Prof.

"Palibhasa para kayong mga...ah...ah....mga kandidato....mga plastic! Akina na nga yang fishballs at ma prito na!" sabi naman ni Derek.

"Oy! Oy! bukas pa pri-prito yan! Gusto mo bang malanta yan bukas, ha, kulas ka!" sabi naman ni Mr. Bean.

Well, at least, kahit nagtutuksuhan at nag-aasaran pa rin, iniiwasan nilang mag-mura talaga. Kaya naman pala nila e. Sana panghabang-buhay na!

Thursday, February 18, 2016

Mas Masahol pa Daw sa Hayop, Biruin Nyo?

www.lifehack.org
Nag-bangayan itong sila Pareng Babes at Derek habang naka-tambay sa store ni Aling Lydia. Yung dalawang aso kasi nag-landi-an sa harap nila sa kalye. Tapos sabi ni Prof, bastos daw yung mga aso, mas masahol pa sa tao.

Aba, e di nagalit si Derek. "Oy, tao ako. Anung ibig mong sabihing mas masahol pa sila sa tao? Hinahamak mo ba kami?"

"Oy, wag ka sumali sa usapan. Kami lang ni Lydia ang naguusap!" sagot ni Prof.

"Aba, at bakit hindi ako sasali sa usapan? Ano ako, hayop?"

"Wala akong sinasabing ganyan, Ang sabi ko lang ke Lydia, mas masahol pa sa tao itong dalang aso na to!" balik naman ni Prof ulit.

"Ibig mong sabihin, labis na ang kasamaan ng tao? Mas mabait pa ang mga hayop sa kanila?" ask naman ni Derek.

"Bakit? Hindi mo ba alam?"

"Ang alin?"

Umayos ng upo si Prof at nagsimula: "Di mo pala alam. Ganito yan. Nung unang panahon, nag-usap ang bundok at dagat. Tinanong ng dagat, 'Ano sa palagay mo ang kulay ng bitwin?' Sumagot naman ang bundok: 'Ano pa,  e di kulay pilak.' Ganun na lamang ang tamis ng pagsasamahan ng bundok at dagat..."

Nagpatuloy sa kwento si Prof. At palibhasay Prof ngang tinuturing sa Otcho, nakinig naman sina Pareng Babes at Aling Lydia. Me authority, ika nga, kasi si Prof, kahit di naman talagang professor. Naka-salamin lang kaya mukang genius.

Lumayo na ng lumayo sa talagang usapan, hanggang nakarating na sila sa panahon ng Kastila at Hapon, tapos ke Arnold Schwarzenegger, at nagtapos sa, "The Martian," yung palabas ni Matt Damon.

Tawanan silang tatlo. Ginabi na sila.

"O pano, ma-una na ako at gabi na. Inaantok nako," ika ni Prof.

Nung wala na si Prof, nagusap ang dalawa.

"Ano na nga ba yon?" tanong ni Pareng Babes.

"Alin?"

"Yung pinag-uusapan namin ni Prof kaninang umaga?" sabi ni Babes.

"Yung bundok at dagat?"

Tuesday, February 9, 2016

Ba't In-Love Ako sa Summer

www.youtube.com
Ayan na, magtatag-init na naman. Excited na naman  ako. Amoy ko na ang simoy at misteryo ng summer--yun bang tumingin ka lang sa lansangan na-aaninag mo na ito. Lipas na ang tag-ulan at dahan-dahan natutunaw na rin ang lamig ng February.

Although, syempre, malamig pa rin sa madaling araw. Kanina nga ang lamig e. Sobra. Nakita kong naglalakad sila Totoy Golem at si Prof bibili siguro ng pandesal ke Bong. Nangangatog sila sa lamig. Si Totoy ke-laki-laking tao nilalamig.

Minsan lang, parang ang bilis dumaan ng summer. Mamyang konti pasukan nanaman sa school ng mga bata dito, naka-uniformna sila imbis na shorts, sinelas at shirt lang. Minsan, nakaka-panlambot pag pa-wala na ang summer.

Ang dami kasing alaala ang hatid ng summer--noong bata pa ako sa Otcho, yung mga bakasyon ko sa La Loma at San Juan, La Union, nung high school, nung college, at yung mga ligaw-ligawan blues. Nung nagpa-tuli kami ni Arturo, yung mga summer camps, nung umakyat kami ng barkada ko noon sa Baguio, at syempre yung mga sweet times namin ng GF ko.

Lahat yan I remember pag summer na. Kaya dinadahan-dahan ko ang mga araw ng summer.

Gaya nyan, pihado aakyat kami ng Tagaytay this summer, baka dalawang beses pa. At baka mapunta din kami ng Rizal, Laguna, sa RRC. Madami kaming gimik ng mga Kalog Boys pag summer.

Mantakin mo--sila Prof, Dagul, Golem, Pareng Babes, Mr. Bean, si Lewy (o Louie), si Sabas, Derek at Roy--baka si Gerald din, Sikyong Pedro at kahit si Badong na kina-aasaran ng marami. Dalawampu!

Aba! Masaya yon!

Yun nga lang, kelangan ng pera. At pag pera ang pinag-usapan, madami ang aangal dyan.

frank.itlab.us
Masaya din yung gawi nila Prof, Pareng Babes at Mr. Bean, yung sasakay sila sa iisang bike at pilit nilang pagkasyahin mga sarili nila doon. Gaya ng picture sa kaliwa.

Bike ni Babes yun na kakarag-karag. Pag sinakyan nilang tatlo, kawawa talaga. Pero kung saan-saan sila nakakarating gamit yun--minsan kahit hanggang Pangasinan pa.

Pero pag si fat-guy Derek ang sasakay, tinatakot nilang nilalabag daw niya ang Cruelty Act Against Bikes sa civil code daw. Mga loko talaga. Pero masaya ang ganon, tawanan.

Kaya, eto, February 10 na. Ilang araw nalang summer na talaga. Sakin kasi, pag-lampas ng February 14, summer na officially. Umpisa na ng saya, adventure at misteryo.

Sunday, February 7, 2016

Bakit Malakas ang Hangin

mycartoonthing.com
Pag ganitong February, lumalakas ang hangin, lalo na sa Otcho. Hindi dahil sa hanging amihan o climate, pero kasi andyan si Badong. ang hari ng hangin sa Otcho. Pero, on second thought, of course medyo dahil sa amihan an rin at climate. Damay na rin yun.

Si Badong ay tiga-amin, malapit sa street namin, at minsan sumasama siya sa Kalog Boys. Minsan lang, kasi parang halata niya rin na asar sila Totoy Golem at Dagul sa kanya. Takot siya sa dalawang siga na to na nagbago na rin mula nung sinaman ko sila sa bible studies ko.

Minsan nga, "Bading" ang tukso nila ke Badong kasi pag ang lalaki daw e sobrang daldal at puro lang dakdak, parang hindi daw lalaki. So bading daw. Natatawa lang ako pero minsan naaawa rin ako ke Badong.

Minsan lang.

Kasi mahangin naman talaga. Gusto siya parati ang bida at siya parati ang tama. Siya lang ang magaling. Walang ibang bukang bibig kundi siya at yung mga bagay na na-a-accomplish niya.

Pero me ganon talagang mga tao. Parte na sila ng buhay. Sila ang dahilan kaya minsan nasasanay tayong mag-pasesnsya---pero yung iba naman, kaya sila napupundi agad. Nakakasawa din kasi minsang ikaw na lang na ikaw ang iintindi sa mga mayayabang.

Pero ika nga ni Lord, love your enemies. Kaya kahit mga unlovables, matutunan na nating pag-tyagaan minsan. Yan ang kewentong otcho natin today sa Chinese New Year's Day.

At, oo nga pala, Februaru na kaya malapit na an g summer! Excited na ang Kalog Boys sa summer! Sana patuloy na maging mahangin sa summer--nang hindi si Badong ang dahilan.

Friday, November 27, 2015

Bakit Mga Driver ng Punerarya ang Solusyon sa Grabeng Trapik

www.turbosquid.com
Ayoko na ng trapik. Grabe kagabi (actually halos gabi-gabi), galing lang kami ni Pareng Babes sa Fishermall at papuntang Otcho, akala mo bumiyahe kami galing Pangasinan!

Kahit saan lumusot ang taxi, trapek! Lalo pa nga kami na-ipit sa Project 7 e.

Una, walang masakyan sa Fishermall kasi ang daming tao. Naglakad kami banda doon sa De Vera, baka me bumaba doon from mga jeepney.

Wala!

Nag-tricycle kami (medyo bingi pa yung trike driver) hanggang Frisco at doon, ang dami ding tao, mga mukhang hopeless lahat mga mukha nila!

Buti nalang me taxing pumara. Sakay agad kami ni Pareng Babes kasi parang mga zombie yung mga taong tumakbo patungo sa amin para agawin yung taxi samin.

Pero sobrang bagal yata ang pag-drive niya.

Tapos ayun, naiipit na kami sa Juan Luna at sa mga kalye doon.

No choice na kundi makipag-kwentuhang Otcho sa driver. Buti nalang ma-kwentong kalog din ito. Inaliw kami sa mga istorya niya.

Dati daw siyang driver ng punerarya. No wonder ganun ang takbo namin. Tinanong ni Pareng Babes ba't wala na siya sa punerarya. Ang dami daw nagreklamo sa pagmamaneho niya--pati mga patay naiinip. Joke niya yon. Tawa-tawa siya nung kinikwento niya to. Kung baga, biro lang kunwari ang dating niya.

Pero kami ni Pareng Babes, alam namin katotohanan yon. Kung ako ang patay, magrereklamo din ako sa Tulfo brothers.

Pero biglang liko siya sa maliit na daan at sinabi: "Dito ako noon shumo-short cut pag naghahatid ng patay sa morge."

Aba! In less than 15 minutes nasa Otcho na agad kami. Nakita na lang namin nasa Short Horn na kami! Mga P150 lang binayad ko.

OK din pala mga taxi drivers na dating driver ng punerarya. Baka nga sila ang solusyon sa trapik.

Thursday, October 22, 2015

Gamot sa Hangin

runsickboyrun.blogspot.com
Me mga taong madalas me hangin sa tyan. Kahit ilang beses dumighay o umutot, mamyang konti me hangin nanaman sila sa tyan.

Ganon sina Sabas, Dagul at Totoy Golem.

Kaya ayaw ko silang magkakasama, lalo't me lakad ang barkada. Kapag walang choice kundi kasama sila, tinitiyak kong magkakahiwalay silang tatlo. Mantakin mong magsabay-sabay silang maglabas ng masamang hangin. Talagang itatanggi kong kasama ko sila. Terrorism yon.

E minsan, nagkataong nagkita-kita kami sa SM North. Nanlaki ang mga mata ko nang eto na silang tatlo, magkakasama, papalapit sakin at all smiles pa. Tuwang-tuwa silang makita ako. Kinabahan naman ako sa kanila, lalo na ke Totoy Golem. Pag malaking tao kasi, malakas din ang hangin noon!

Patay!

At eto pa--ang lakas ng loob nilang magyayang manood ng sine! Pag malamig kasi, gaya ng fully aircon na lugar, mas malamang magiipon sila ng hangin sa tyan. Mas delikado yon.

Buti nalang action yung palabas--sigawan, barilan at sabugan ng bomba. E di sige, OK, pumayag ako. Di ko kasi kayang biguin ang kaligayahan ng mga kaibigan ko, lalo na tung tatlong ito na mga mababangis na kriminal dati pero nagpasyang magbago na mula nung naging barkada nila ako--nung napasali sila sa Kalog Boys.

So nood kami ng sine. Bumili sila ng popcorn para daw snacks habang nanonood. Kaso, pag carbohydrates gaya ng popcorn, mas lalong lolobo tyan mo sa hangin. Napa-ngiwi ako, pero andyan na yan e. Me magagawa pa ba ako?

Medyo kalagitnaan na nung nadinig kong nagpapasabog na sila--hindi yung mga bida sa pelikula kundi yung tatlo kong kasama. Pa-simple sila, pero dahil matalas talaga ang mga tenga ko, nadidinig ko mga utot nila. Parang me timer pa--yung isa sumabog, tapos after 30 seconds yung isa naman, at after 30 seconds ulit, yung isa naman.

Dun ako tumayo at sinabing magsi-CR lang ako. Gusto ko isigaw sa sinehan na hindi ko sila kasama at kilala. Pero mali ang decision ko na mag CR kunwari. Kasi nung pagtayo, pansin ko na dun nagtinginan yung mga tao sakin. Akala nila ako yung nagpasabog!

Anu ba?!

Yung mga me silencer o "suppressor" pa naman ang matindi. Yun ang kumakalat at perwisyo talaga--hanggang likod ng sinihan umaabot. Nung nagpasabog sila ng di-silencer, nagbukasan ang mga flashlights ng mga ushers sa loob ng sinehan at kung saan-saan tinutok ang ilaw, hinahanap siguro ang source ng bomba.

Nung nakita nilang ako lang ang tumayo during the explosions, lahat ng flashlights tumutok sakin. Parang yung presong tumatakas sa kubli ng dilim tapos na ispatan ng mga spotlights.

E di syempre, tuloy-tuloy na akong lumabas ng sinehan. Nakakahiya nang bumalik. Hinantay kong matapos yung sine at inabangan ko silang lumabas. Naka-smile pa ang mga pahamak.

Tapos, sabi ni Golem sakin: "Jad, magkakakain ka ng nilagang kamote, at pati balat kainin mo. Gamot talaga yun sa hangin sa tyan. Grabe ka rin palang kabagan?"

Magpro-protesta na sana ako nang sinabi naman ni Dagul:

"Hwag ka nang ma-dyahe samin, pre! Naintindihan namin. Ganyan din kami!"

Tapos, inakbayan ako ni Sabas na para bagang kino-comfort niya ang isang nabigo sa pagibig: "Wag mong dibdibin, friend. Ganyan ang buhay,"

Tuesday, October 20, 2015

Trabaho O Libangan?

Wala pang mga tambay
sa internet shop..
Parang "Negosyo o Bayan?" sa pelikulang Heneral Luna. Ito naman, trabaho o libangan? Hindi libingan ha! (Although malapit na ang Undas).

Nagiging paboritong tambayan na rin ng mga Kalog Boys yung internet shop dyan sa me labasan, sa me terminal ng mga tricycle sa Assistant Street. Me dalawang hakbang sa pinto ng harap ng shop, tapos bangketa na. Dun sa mga hakbang at sa bangketa naka-upo ang mga tambay dyan--yung mga Kalog Boys nga at ilang tricycle drivers.

Ang parang tumatayong presidente or "kuya" ng mga tambay dyan si Lowi. Madalas siya dyan. Minsan kasama niya sina Pareng Babes at Professor Pekwa or Prof. Syempre, andyan din sila Dagul at Totoy Golem--sila ang mga tagapag-tanggol ng Taas--yung area ng Otcho na kinabibilangan ng Assistant, Finance, Accounting, Actuarial, Assets, Personnel at Adminstration Streets. Kasama na rin yung Records at parte ng Road 20.

Pero mabait naman sina Dagul at Totoy Golem. Lalo na si Lowi. In fact, mababait ang mga Kalog Boys dahil ako ang nagtatag nyan. Ako si Jaden Mero, taga Taas din. Since 1968 pa ako nakatira sa Otcho.

Minsan, me mga nakakapansin sa mga tambay at nagcri-criticize. Nagsasayang daw ng oras. Naka-tambay lang daw doon at sinasayang ang mga buhay nila. E palibhasa, mga wala din silang magawa, kaya pinakiki-alaman nila buhay ng me buhay. Madalas mga working guys itong mga kritikong ito at mga retired na empleyadong nakatira doon--mga feeling sosyal at mataas. Pag daan nila doon, napapansin nila itong mga tambay at siguro naiinggit.

Natanong ko tuloy minsan--me mga makabuluhang libangan ba kayo? Kasi kung meron, di nyo na mapapansin ang ginagawa ng ibang tao. Kaya nyo napapansin at pinapatulan--boring din siguro mga buhay nyo. Madaming tao ang naghahanap ng trabaho at gustong magtrabaho, kahit anung trabaho.

Pero bihira lang ang taong me makabuluhang libangan. Ang libangan, pinipili. Sa trabaho, madalas di ka pwedeng mamili.

"Hindi lang basta tambay yan," sabi ko minsan. "Libangan yan."

Walang sinuman ang pwedeng magsabing walang kwenta ang ginagawa ng isang tao. Lahat ng ginagawa natin, me kwenta satin. Maaaring sa iba walang kwenta ito. Pero satin, mahalaga ito. Kaya kanya-kanyang trip lang yan. Walang basagan ng trip.

Ano ang libangan mo?

Ako, mag-blog sa Kwentong Kalog at iba ko pang blog. In fact, ang pagba-blog sakin, trabaho at libangan. Yun ang the best! Yung tipong libangan lang ang trabaho mo. Naglalaro ka lang tapos kumikita ka. Yung ibang tao, kumikita ng malaki sa libangan nila--gaya ng mga PBA at NBA players. Gaya ng ibang artista.

Alam nyo, ang kulang nalang sa mga tambay at Kalog Boys dyan sa labasan yung kikita sila ng pera habang naglilibang sila sa kwentuhan. Kunwari, magtinda sila ng fishballs, kikiam, sa malamig at iba pa--yun bang parang kooperatiba.

Pero kahit di sila kumikita sa pagtatambay nila, mahalaga pa rin sa kanila ang ginagawa nila. Me kabuluhan sa kanila yon. Wag nating matahin (kahit pa malaki mata mo). Ang libangan ay isa sa mga dahilan kaya nasa katinuan ng isip ang isang tao, kahit madaming prublema yan.

Di ba nga, yang mga empleyado, subsob sa trabaho mga yan para one day makapahinga sila ng mabuti habang ginagawa nalang nila ang libangang gusto nila? O, e di sa libangan din nauuwi ang lahat ng trabaho. E itong mga tambay, naka-una na! Naglilibang na agad sila!

Ano sa palagay mo?--trabaho o libangan?

Sunday, October 18, 2015

Matindi din si Bagyong Lando

drownintoabyss.wordpress.com
Alam ko namang me paparating na bagyo, pero hindi masyadong na-highlight sa balita. Or, hindi lang ako masyadong nakakapanood ng TV nitong mga huling araw siguro? Kaya kaninang madaling araw, nagulat ako sa lakas ng hangin. Grabe ang pag-pito nito!

Niyanig pa ang bahay namin. Kahoy lang kasi itaas ng bahay namin kaya medyo nagagalaw pag me bagyo. Kabado din ako sa bubong namin, baka kako tangayin. Kaya di ako masyadong nakatulog. Pray lang ng pray.

Ang kakaiba ke Lando, mula ala-una ng umaga hanggang alas dos ng hapon, bumabayo ito. Andun ang mata sa norte--nag-landfall ito sa Aurora--pero ang lakas ng epekto nito dito sa Metro Manila kahit na 170 kph lang ito na me gustiness na 220 kph. Kinabahan ako--nag-iba ba ng direksyon ito at papunta na ng Metro Manila?

Naalala ko ang bagyong Yoling nung late 1960s na nag direct hit sa Metro Manila.

Kapag 5 am, binuksan ko ang TV for news updates. Wala! Ano ba namang mga media ito! Dapat alam nila na pag ganto, magtataka ang mga tao ba't ang lakas ng palo ng hangin gayong sa Aurora ang landfall at aakyat ang bagyo pa-norte, sabi ng balita. E, ba't ganito sa Manila? Kelangan ng mga tao ng update para malaman nila kung nag-iba ba ng direksyon nito at tatama sa Manila.

Kaso, pag-bukas ko sa TV, ang palabas, "Si Darna at ang Babaeng Tuod"!

Hello! Anung klaseng serbisyo publiko yan sa kasagsagan ng bagyo! Dapat man lang me one-liner na balitang tumatakbo sa ilalim ng screen na nagsasabi ng typhoon update from Pagasa.

Sa isang channel naman, si Bro. Eddie Villanueva. OK, sige, nanuod muna ako noon. Pero ang tagal na, wala pang update kahit saan. So, binuksan ko ang radyo.

Alam nyo sabi ng radyo, yung isang kilalang radio station sa pagbabalita? Masarap daw ang sinangag at tuyo sa ganitong panahon. OK lang sana yon kung me update. E kaso, wala! Anung paki-alam ko sa sinangag at tuyo pag ganitong ang lakas ng bagyo?

Wala pa daw silang makuhang update tungkol sa "pinsala" ng bagyo. Hindi pinsala ang kelangan namin--updates kung asan na yung bagyo at saan ito papunta. Sabi nung anchor, di daw makarating pa yung mga reporters nila or nung disaster agency sa mga probinsiya kaya wala pa silang ma-i-report. E di sana kumuha muna sila ng updates sa Pagasa about where the typhoon presently was and its direction!

Kesa sa nag-ngangangawa siya roon ng walang katuturan! Andyan lang naman ang Pagasa sa QC.

Anyway, nung mga 7 am na, gumayak na kami ng sweetheart ko at lumabas para bumili ng makakain at maki-balita. Ang lakas ng hangin talaga, parang nasa Metro Manila ang mata ng bagyo. Punta kami ke Bong sa bakery--yung suki ko. Nag share kami ng kwentong kalog, tawanan, at sabihan ng karanasan kagabi habang malakas ang hangin.

Tapos, punta kami ni sweetheart sa kalapit na talipapa, sa babuyan at bigasan. Nakinig kami sa mga kwentuhan ng mga mamimili at mga tindero. Parang OK lang naman yung bagyo sa kanila, parang--wala lang!

Punta naman kami sa grocery. Dami ring namimili ng mga dilata. Pero dito malimit ang nagkwe-kwentuhan. Siryoso mga tao dito. Yung ibang tindahang nakadikit sa grocery sarado pa. Tapos, punta kami sa talipapang nayon (ang tawag ko dito talipapang nayon kasi parang prubinsiya ang dating, sa ilalim ng dambuhalang puno andun ang tindahan) at nakinig din sa mga kwentuhan ng mga mamimili. Dito naman, mga ulam na lulutuin ngayong bumabagyo lang ang usapan. Me tikim ng tikim ng lansones. Meron ding makulit na tanong ng tanong kung magkano ito at iyon. Wala silang paki-alam sa details ng bagyo.

O nga naman. Ang importante, me kakainin.

Wala akong nakitang mga Kalog Boys o yung iba pang mga kakilala ko, gaya nila Aling Lory at si Aling Lydia. Sarado mga tindahan nila. wala kasing pasok.

Finally, pauwi na kami. Feeling namin ni sweetheart, nag-adventure kami ng todo. Malakas pa rin ang hangin--in fact, ngayong sinusulat ko ito (4.30 pm) malakas pa rin ang ihip ng hangin. Mabagal ang takbo ng bagyo--kaninang umaga, 3 kph ang takbo nito. Ngayon daw, 15 kph.

Tawag ko nga ke Lando, bagyong tamad.

Pero ito ang kasarapan ng pag naguuulan gaya nito--ang lunch namin kanina sinangag at tuyo with talbos ng kamote and kamatis. Nakuha ko yung idea dun sa anchor man nung radio station kaninang umaga. O, di ba? San ka pa?

Saturday, October 10, 2015

Ba't Buti Nalang Naimbento ang Bintana

photoseko.blogspot.com
Pag gising ko sa umaga, ang hanap ko agad bintana. Kaya nagpalagay ako ng small window right in front of our bed. Kita ko agad mga ibon, puno at malalayong tanawin sa umaga kasi nasa second floor bedroom namin.

Just imagine kung di naimbento ang binata.

Una, wala kang hangin except through the doors. Ibig sabihin, papasok lang ang hangin sa front and back doors (kung bukas sila) at medyo iikot lang sa loob ng bahay kung bukas din mga doors ng rooms.

E ano kung walang bintana, kung me aircon naman buong bahay?

Eto pangalawa--di mo alam kung umaga na or gabi pa. E ano, me relo ka naman or cellphone na magsasabi exactly kung anung oras na. OK, pero..

Eto pangatlo--di mo alam kung ano na nangyayari sa labas. Kunwari me bagyo, lindol, barilan o sunog, di mo malalaman unless maya't maya lumalabas ka. Just imagine, ang lakas ng bagyo pero di mo alam kung ano na nangyayari sa labas, unless buksan mo main door mo.

Delikado yun.

Or, me kumakatok sa main door mo at di mo masilip kung sino yon. Baka magnanakaw, kriminal, zombies or white lady. Kung naniningil ng utang yon, di mo makikita at di ka makakapagtago. O, joke lang yan ha, mamya me makitid ang utak na magsasabing ang utang dapat binabayaran, hindi iniiwasan. Minsan me mga taong di makakuha ng joke e.

Anyway, pano ma-e-enjoy ang harana nung unang panahon kung di naimbento ang bintana? Pano nila kakantahin yung, "Dungawin mo, O, irog..."? Saan dudungaw si irog? Sa pinto? At pano bubuhusan ng tubig nung nanay yung nanghaharana kung walang bintana? Sa pinto din? Ang hirap yatang magbuhos ng tubig sa pinto. Mas madali sa bintana--pa ibaba, me tulong ang gravity.

Tanong mo pa ke Aling Lydia dyan sa kanto.

Isa pa--isipin mo kung lahat sa loob ng bahay mo dingding. Kulob ka sa loob at para kang preso. Hindi malaya ang isip mo. Para kang nasa nitso. In fact, ang pinagka-iba nang kwarto sa nitso ay bintana, bukod sa cabinet, table o electric fan. By the way, October na, malapit na Undas. Madami tayong kwentong kalog tungkol dyan.

Kaya buti nalang nilagay ng Diyos ang idea ng bintana sa mga tao nung unang panahon. Matalino talaga si God, walang tatalo. Yung simpleng idea ng bintana, malaking blessing na dapat nating ipagpa-salamat. Thanks po, God! Kundi dahil sa Iyo, boring ang bahay ngayon--ke mansion, townhouse or class na condo pa ito--kung walang bintana.

Wednesday, October 7, 2015

Nadumi Ka na ba sa Daan?

giphy.com
Third year college ako noon nung una kong nasagupa ang karanasan na to--yung madumi ka sa daan.

Well, hindi naman talaga sumabog right there and then. Hindi siya bumigay--pero ayan na, sasabog na at pag di ka pa na-upo sa trono agad, tiyak magkakalat ka.

Nasa NTB ako noon ng FEU, sa 7th floor. Umalis kasi ako ng bahay noon ng di bumibisita sa CR namin. Hindi din ako nag breakfast noon. Diretso nako sa FEU kasi sabi ko isa lang naman yung subject ko at one hour lang. Uuwi agad ako. Safe.

E kaso, nasabit pa ako sa kwentuhan. Kwentuhang kalog kami ni Lito Panlilio (asan na kaya siya?), yung classmate ko na madami ding kwento sa buhay. Ayun, napa-tagal ako hanggang naramdaman ko, ayan na siya--me karga na ako at pababa na. Kaya nag-paalam agad ako, Pababa pa lang ako from the 7th floor, na-feel ko iba na to. So, dahan-dahan ako naglakad.

Sakay ako sa Lerma ng jeep pa-Otcho at pilit pinipigil ang pagbaba.

Mag-taxi nalang kaya ako?

Teka, wala akong ganong pera, at paguwi ko baka mamya wala ding pera erpats ko pambayad sa taxi. Makagalitan pa ako. Tiniis ko nalang yung jeep. Medyo traffic pa. Pilipit ang upo ko sa jeep at malamig ang pawis. Sinubukan kong matulog kunwari. Wa-epek.

Sa Frisco, parang bibigay na ako. In fact, balak ko maglakad nalang sa Munoz papuntang Congressional at kung abutan man ako sa daan, OK lang. lalakad na lang ako pauwi. Wala namang makaka-amoy pag naglalakad ka sa kalye, di tulad kung nasa jeep ako. At maamoy man ng mga tao pag nasa kalye ka, malay ba nilang ikaw yon? E sari-saring baho naman talaga ang nasa lansangan.

Pero bandang Munoz, ayan na! Bumaba ako at dumiretso sa CR ng palengke.

Yung lumang Munoz noon, grabe pa yung CR nila--kadiri. Sa bagay, mga Batang Munoz lang gumagamit noon at mga Sputnik at Sige-Sige. Pati na rin mga BCJ sa lugar. Mga halang ang kaluluwa. Kaya pati pag-dumi doon, alang kwenta na sa kanila.

Fully booked yung CR pag dating ko, buti nalang me bakante. Walang pinto mga toilet doon noon so kitang-kita ka, parang sa preso.

Kaso, kaya pala bakante yung isang toilet, e punong-puno! Up to the rim! Kaya standing room only ka. Pero hindi ako sanay ng standing room only, so half seated ako. Binaba ko lang sa binti ko yung pants ko. Tapos, nilabas ko na. Pumilas ako ng ilang pahina ng notebook ko at ginamit ang mga yon. Pero kulang, so inubos ko na lahat ng pages.

Haay! Success!

Ang kaso mo, dumikit yung underwear ko sa rim. Isusuot ko pa ba yon? E di hinubad ko at iniwan doon. Nag-pants ako nang walang underwear. Nag-iwan ako ng remembrance. O, di ba?

Anyway, nasunog na yung Munoz na yon. Nagkaron na ng bagong Munoz. Pero madalas, pag dadaan ako ng Munoz Market, nangingiti ako at naaalala---minsan me isang gamu-gamo..

Pag dumaan ka ng Munoz at me nakita kang napapa-ngiti, malamang ako yon.

Kahit papano, me natutuhan ako sa karanasang yon--hindi na ako alangang dumumi pag nasa labas ako ng bahay. Kayang-kaya ko na gumamit ng kahit anong CR. Kahit saan. Dati, di ko masikmura yon, Big deal sakin. Pero, dahil dun sa baptism of fire kong yon sa Munoz, nasanay na ako. Now, I can use any toilet--sa fastfood, palengke, mga buildings dyan, sa call center, sa hotel, hospitals, sa mga offices, (di ko pa na-try sa eroplano) at kahit na sa bahay-bahay, makiki-CR ka. Kaya mo yon?

Kelangan kaya mo, lalo't emergency at lalabas na. Lalo na pag nasa sales ka.

Actually, matagal na akong sanay sa ganyan, natutuhan ko nung boy scout ako. Laging handa. Kahit saang sulok ng gubat ginagawa namin yun--kahit dun sa ilog malapit sa private school na pinasukan ko noon sa Otcho. Actually, enjoy pa ako noon.

Pero nung nagbinata na ako, di na. Naging medyo class na ako. Na-revive na lang noon ngang third yeat college ako, yung experience ko sa Munoz.

Kaya wag ka matatakot. Kung nadudumi ka sa daan, maghanap ka ng fastfood or hotel or office building. Mas OK sa mall. Madalas akong me baong tissue paper, just in case. Kung wala, e di bumili ka sa 7-11 or mini Stop. Or, yung ticket mo sa bus.

Minsan, natatanong ko lang sa sarili--pano kaya yung mga holdupper or gun-for-hire? Pag nasa lansangan sila at biglang nadudumi, saan kaya sila nagpupunta? Pano sila papasok sa mall or buildings na me bitbit na baril?

Tuesday, October 6, 2015

Ba't Munggo sa Lunes?

markmalyon.blogspot.com
Pag dating ko sa kainan nila Aling Lory sa me labasan, laking gulat ko--ginisang munggo ang menu gayong Lunes palang! Di ba dapat Biyernes pa ang munggo? Tinignan ko ang mga kumakain--mukang sold out naman sila sa ganon.

Walang reklamo.

Pero me dumating na iba pang manga-ngain, at pagkatapos nilang silayan ang menu sa mga kaldero, nagtanong sila: "Munggo? Di ba Lunes palang?" Parang asar ang mga boses nila.

"Bakit, me batas ba na nagbabawal sa munggo pag Lunes?" tanong ni Aling Lory. "OK yan, healthy! Para mabasawan naman mga taba sa katawan ni Mr. Robinson!"

Pagka-banggit ng pangalan niya, muntik mabilaukan si Mr. Bean. Habol niyang ininom ang tubig niya. "Nananahimik akong kumakain dito, ako ang pagdidiskitahan mo!" sabi niya ke Aling Lory. Ang ganda ng ngiti ni kainan owner, palibhasa naisahan niya si Mr. Bean. "E kasi ikaw ang parating di nagbabayad dito. Oy, Robinson, kelan mo babawasan utang mo? Ang haba na!"

Hehe, pala-utang si Mr.  Bean talaga. Kahit ke Donya Buding na namumulot lang sa basura, me utang siya.

Madaming kumakain sa kainan ni Aling Lory--mga estudyante, teachers, empleyado (mga empleyado ng Maynilad at isang sky cable company), mga kapitbahay, ang Kalog Boys, at me mga foreigners pa. Punung-puno ang loob at labas ng kainan na minsan naming tinatawag na Sisig dahil ito ang specialty nila.

"Bilib ako sa kainan nyo, Aling Lory!" sabi ko.

"Bakit?"

"International na!" sabi ko sabay tingin sa mga kumakain, lalo na sa mga banyaga--mga Amerkano, Chinese, Koreans, bumbay, at me mga negro pa, mga Nigerian yata. Lakas ng tawa niya.

Pansin ko, lahat sila me order na munggo, pati foreigners. Sa bagay, masarap na, mura pa. Trenta lang ang order ke Aling Lory nito, pwede pang half, kaya P15 lang me ulam ka na. Kahit foreigners nagtitipid na rin. Kinakain na rin nila yung dahon ng amplaya sa munggo. In fact, pati nga mga high school students kinakain na rin yung dahon--e dati tinitira nila yon, kinakain lang ni Obama, yung pusa nila Aling Lory. Di daw bagay ang lasa non sa Mountain Dew.

Madalas, parang headquarters din itong kainan ng mga tambay sa Assistant Street, ng mga students, at ng mga Kalog Boys (although ang tindahan nila Aling Lydia ang talagang headquarters ng Kalog Boys--dun sila talaga nakaka-utang pirmi, lalo na si Mr. Bean, Yung utang-kapal ba na taon bago bayaran). Pag malakas ang ulan, pag gabi na, pag summer, o anu pa man yan, nakatambay sila sa Sisig, kwentuhan at halakhakan. Masarap tignan. Minsan parang gusto ko maki-sawsaw sa kwetuhan pero me mga deadlines ako sa mga blog clients ko.

Minsan, makikita mo yang sila Aling Lory at kitchen staff niya at ilang mga dabarkads, nagbubulungan pag bandang 5 or 6 pm na, at mukhang misteryoso mga pinagbubulungan nila. Parang me kababalaghang nangyayari sa village. Parang masarap alamin. Kaya lang, pag naki-tambay ka, tatayo na siya at iaalok sayo ang mga natirang ulam, gaya ng ginisang munggo, kahit Lunes pa lang.

Teka, ba't nga pala nakasanayang pang-Biyernes lang ang ginisang munggo? Dahil pag Biyernes, dagsa ang munggo sa Balintawak. At dahil din sa Mahal na Araw (at ito ang pangunahing dahilan) bawal ang baboy kaya ginisang munggo madalas ang menu pag Biyernes Santo. So, ginawa nilang ganon every Friday na. At healthy daw, kasi gulay at konti lang ang sahog na baboy nito.

Pero hindi sa Sisig. Ang munggo nila, kadaming sahog na pork sisig at chicharon, at yung mga tira-tirang taba at karne sa mga ulam na hindi masyadong nabenta. Ang tawag ko dito, Recycled Munggo.