Friday, October 30, 2026

Pasaherong Namimili ng Sasakyan


Sya si Gary, delivery rider sa umaga, Angkas rider naman sa gabi. Nakilala ko sya isang gabi nung hinatid nya ako sa Project 8 from Cubao. On the way, wala syang tigil sa kwento, especially about sa mga rides nya dito sa Ocho. Marami daw mga mysteryoso daw. Sabi ko, bakit naman?

Example. Meron daw street sa Ocho na may malaking puno ng mangga. Pag malalim na daw ang gabi, bandang 11 pm or 12 midnight, meron daw nagpaparamdam or nagpapakita. "Ano? White Lady nanaman?" sabi ko, dahil trending ang White Lady pag ganitong mag-u-undas. Sabi nya hindi daw White Lady. 

"Hooded, sir. Basta hooded jacket na walang muka. Minsan black, minsan blue. Minsan lalaki, minsan babae."

Anong street uli? tanong ko.

Basta yung may malaking puno daw ng mangga.

Andaming streets dito na may malaking puno ng mangga! sabi ko.

"Basta may malaking mangga, sir!"

Eto storya nya:

Kakahatid lang daw nya sa isang pasahero near papasok ng Paradise. Pag labas nya ng gate ng subdivision at paakyat sa bridge going to Road 23, andun yung hooded person or ghost, naka-tayo sa dulo ng bridge. Pag daan daw nya, nawala daw bigla ito, and then suddenly bumigat daw yung motor nya sa likod. Pag silip nya sa side mirror, naka-angkas na yung tao sa kanya. Walang muka. Hooded jacket lang. Wala nga daw yatang paa. Pantalon lang.

"Asan yung malaking puno ng mangga dun?" tanong ko.

Tumahimik sya sandali. "Wala bang mangga dun, sir?" 

"Sa may bridge? Wala. Dun sa ibaba ng bridge meron ata."

"Anyway sir, basta yung hooded multo biglang naka-angkas na sakin. Syempre nagulat at natakot ako. Hininto ko yung motor at tumakbo na ako!"

"And then?"

"Buti naka-tyempo ako ng barangay patrol. Humingi ako ng saklolo at kinuwento ko sa kanila nangyari."

"Naniwala sila?"

"Syempre hindi, sir. At least sinamahan nila ako sa tulay at na-recover ko motor ko."

"Di sila naniwalang may hooded ghost sa tulay?" tanong ko.

"Di sila naniwala. Kasi andun daw yung hooded multo sa kanto ng Road 18 at Shorthorn, hindi sa bridge. At di daw sumasakay sa Angkas yun."

"Saan daw?"

"Sa GSM..."


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.


Experience organic barley grass in its original, unsweetened form with Santé Barley Max NZ Plain. Made with BioGro-certified organic young barley grass from New Zealand, it delivers naturally occurring nutrients, dietary fiber, and antioxidant plant compounds in a convenient powder. Gluten-free, with no added sweetener.

Sunday, March 1, 2026

Naalala Ko Yung Kababalaghan Nung 1990


Siguro nung 1989 or 1990--mga ganung year--naalala ko lang nung nagpunta kami sa Indang, Cavite para magsukat ng lupa. Nyugan yon. Kasama ko pinsan ko, si Eddie, taga-Ocho, sya may-ari ng nyugan. Tapos, sinama ko si Badong at si Sabas, members ng Ocho Boys (mga dakilang trike drivers). Masukal kasi yung nyugan, madaming kakawate at matataas na talahib. Tapos ma-ahas pa daw dun. 

Kaya sinama ko yung dalawa, pang pa-in sa ahas. Kung may ahas, sila itutulak namin para makain. Masaya naman silang sumama dahil libre chibog at pasyal--at di nila alam na sila ang pa-in sa sawa. Sumasama sana si Sikyong Pedro pero duty sya sa gate ng area namin sa Ocho. Naiiyak-iyak sya nung paalis na kami sakay ng lumang oto ni Eddie. Binaybay namin ang Road 20, Shorthorn, Congressional, at EDSA. Madilim pa, alas-kwatro.

Alam ko maganda ang Indang, Cavite. Naparon na ako noon nung grade 3 or 4 ako, kasama ko ibang mga pinsan ko. Merong lumang bahay sila Eddie dun, tinayo daw nung panahon pa ng mga Kastila. Bato sa ground floor at kahoy sa second floor, yung wood design nung sina-una, hindi ginamitan ng pako, puro interlocking wooden joints lang.

So, andun na nga kami. Malamig noon dahil February, at sabi ni Eddie malapit lang sila sa Tagaytay. Pag dating namin hapon na dahil ang dami naming dinaanan, at may inayos na papeles pa si Eddie sa municipyo ng Trese. Gumagapang na nga yung lamig sa nyugan nila ng bandang 4pm. Lalo na nung alas-sais na. Malapit sa sabungan at mga pinyahan ang nyugan nila Eddie, at nag occular lang muna kami dun sa property. Gubat talaga. Pinag-pitas kami ng buko nung caretaker at uminom ng fresh buko.

Nung gabi, nag-ihaw kami ng tahong na binili namin sa palengke ng Indang. Antataba ng tahong. Nagluto din kami ng tulingan na binabaw lang sa sinaing. Ang sarap ng dinner namin, grabe! Tapos pinapak namin yung natirang tahong habang merong beer sila Eddie, Sabas at Badong, at ako naman 7-Up lang. OK na ako dun. Andun kami sa labas ng ancestral home nila, sa may porch. Maginaw na.

Tapos tumambay kami sa balkonahe. Ang balkonahe nasa second floor at nasa labas ang stairs. Ganon nung sina-una. Tapos may pasukan sa balkonahe papuntang mga bedrooms. Yung lumang bahay ni Eddie--parang small mansion ang dating--madaming secret passages kaya merong mysteryo minsan. Madami daw nagpaparamdam dun. Sabi-sabi, meron daw naka-baong ginto sa property.

Nung madilim na, kwentuhan na ng mga kababalaghan. Nung bandang 10 pm, may biglang aninong kumakaway sa may gate. Natigilan kaming apat. Mukang kababalaghan yung anino. Walang naka-kibo samin. Tapos nagsalita yung anino. "Eddie! Jaden! Kayo ba yan?" Nagtaka kami. Bakit alam mga pangalan namin. Napag-alaman namin, si Sikyong Pedro pala. Di daw sya nakatiis kaya sumunod sya after duty nya. Nasama na pala sya minsan ni Eddie dun kaya alam nya pano pumunta at naka-habol sya.



Nakasama namin sya sa kwentuhan, at tapos nung 12.30 pm, natulog na kami, kanya-kanyang bedroom. Apat kasi yung bedroom sa taas. Si Sikyong Pedro sa salas sa ibaba. Bahala sya pag may nagparamdam sa kanya dun. Dun daw namamalagi yung White Lady. Tawa kami ng tawa. So, meron bang kababalaghang nangyari samin? Meron.

Bandang alas-dos, may mga yabag kaming narinig, sa balkonahe, tapos bumaba sa hagdan papuntang living room sa ground floor. Doon kay Sikyong Pedro! Tapos umakyat nanaman. Di ako naka-kibo. Gising din kaya mga ka-Ocho ko? Nadinig din kaya nila? Nung breakfast kina-umagahan, kwentuhan na. Nadinig din pala nila Eddie, Sabas at Badong yung mga footsteps. Si Sikyong Pedro, tahimik. Tulala. Baka sinaniban? "Nadinig mo din ba, Sikyong Pedro?" tanong ni Eddie. 

"OO!" sabi ni Sikyong Pedro. "Panong di ko madidinig, e ako yon." Nagulat kami at nagtawanan habang nagkakape. "Bakit akyat-panaog ka?" tanong ni Sabas. "Hinahanap ko yung CR. Ihing-ihi na ako!" Tawanan ulit. Nung nagpa-remodel kasi sila Eddie, nilipat nila yung CR sa likod ng bahay. Dati nasa harap sa may porch. 


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Experience organic barley grass in its original, unsweetened form with Santé Barley Max NZ Plain. Made with BioGro-certified organic young barley grass from New Zealand, it delivers naturally occurring nutrients, dietary fiber, and antioxidant plant compounds in a convenient powder. Gluten-free, with no added sweetener.