Wattpad |
Nang mas malapit ako, napa-lingon sila sakin at ngumiti na medyo nahihiya. Lalo na si inday. Tapos, parang guilty na sinabi sakin, "Meron pong nagpaparamdam!"
"Me mumu ba?" tanong ko, naka-ngiting nakaka-loko.
Tumawa silang dalawa pero tawang nagsasabing totoo ang aking sinabi---me nagmumulto daw sa bahay nila inday dyan malapit sa tapat ng bahay namin! Medyo nanlaki din ang mga mata ko pero parang exciting! Magugustuhan ito ng mga Otcho Boys at pati mga Jogging Boys na madaling araw palang nasa kalye na!
And talking of Otcho Boys, biglang sumulpot sila Prof at Pareng Babes (me sa-multo din itong dalawa kasi minsan biglan na lang silang lumilitaw at nawawala). Parte sila ng mga Otcho Boys.
"Ano ba yan! Summer na summer, me multo?" pagtataka ni Prof. "March 10 palang, no!" Tatango-tango naman si Pareng Babes.
"Di ba tapos na ang Undas, last year pa?" dagdag naman ni Ate Lydia.
"Bah! Minsan pag summer nga nagpaparamdam mga yan!" katwiran naman ni inday. "At lalo na pag Mahal na Araw or Semana Santa! Nasa paligid lang daw mga yan!"
"Oo nga. Sabi nila nagliligid daw mga kaluluwa pag Biyernes Santo!" arya naman ni Pareng Babes. "Namamasyal at nananakot bago mag-Ester Sunday!"
Kamot ng ulo si Prof. "E ang layo pa nang Mahal na Araw!" sabi niya. "E, ano naman ang ginawa mo nung kinalampag ang bed mo?" tanong niya ke inday.
"Nag-takip ako ng kumot! Nanlamig ako! Nakakatakot!"
Maya-maya, eto na si Ondoy, asawa ni Inday. Pupunta daw saglit siya sa Munoz para bumili ng Biogesic. Masakit daw ulo niya dahil di siya nakatulog. "Bat di ka nakatulog?" tanong ko.
"Etong si Inday, and likot matulog. Sinipa ako at nahulog ako sa bed! Ang lakas pa humilik! Sa galit ko, pinagsisisipa ko ang bed tuloy!"
Nagka-tinginan kaming lahat.
"Tapos, sumigaw ba naman! Me multo daw! Lalo tuloy akong di naka-tulog! Takot ako no!"