Napansin mo ba? Twing papasok ka sa mga malls pirming naka "sale" sila. Yan ang napansin ni Boy isang araw na nasa mall sila ni Bisoy at Badong. Araw-araw nalang me "sale" daw. E di lalo na itong mag-papasko. Kunwari me sale para mag kandarapa kang mamili.
Photo above by Markus Spiske on Unsplash.
"Kita mo yang pitchel na buy-one-take-one for P300 'only'?" ika ni Boy. "Bakit, pag walang sale maniniwala kang P300 ang isa nyan? Weh!"
"Ibig mong sabihin pre...ibig mong sabihin...P400 talaga isa nyan?" sabi ni Badong.
"Engot! Ibig kong sabihin, sa totoo lang, P150 naman talaga isa nyan. Kunwari lang 'sale' at kunwari buy-one-take-one for only P300!" paliwanag ni Boy.
Ad: Attract people with your strong personality.
Tawa si Bisoy. "E dili ko nga bilhin yan sa tig P150 ang isa! Tignan mo, manipis at malutong na plastik. Madaling mabasag yan! Isang untog lang nyan basag na!"
"Na-isahan ka sa 'sale' nila. Hindi ka naka-mura. Kumita pa sila!" dagdag ni Boy.
Sa lakas ng usapan nila napapa-lingon na mga sales ladies sa kanila. Parang gusto nilang umimik pero di nila magawa kasi nga customer is always right. Never left. Hehe. Naka-ngiti lang sila, kahit yung supervisor nila. Palakad-lakad lang kina Boy and company na makukulit.
"E yang pants na yan. Sabi P700 na lang daw yan," turo ni Bisoy. "Dati daw P1,400 yan. Pero kasi 'sale' kaya P700 nalang daw. Hahaha! E las week nung wala pang sale nakita ko P350 lang talaga yan!"
"Ibig mong sabihin pre...ibig mong sabihin...pag sale mas mababa presyo?" banat nanaman ni Badong.
"Ang ibig sabihin, Badong, kumita pa sila ng doble ngayong 'sale' daw!" paliwanag ni Boy uli, medyo asar na ke Badong sa pagka slow nya. "Gets mo na?"
"Aaah!" ika ni Badong na parang na-gets na nga nya talaga. "Pag pants doble kita nila!"
"Saan ba me sale talaga pag me 'sale'?" tanong ni Bisoy.
"Punta ka na lang ng Divisoria. Walang sale dun pero parang 'sale' ang mga presyo." sabi ni Boy. "Kaya lang me Covid kaya mahirap pumunta dun. Siksikan pa. Kaya dito ka nalang. Magpa-scam ka nalang kesa ma-Covid ka.
"Naka-mura ka nga, baka tamaan ka naman ng Covid," segunda ni Bisoy.
"Ganon?" ika ni Badong. "Mga kawawa pala mga tindera dun e."
Nagtinginan sila Boy at Bisoy. "Bakit?" Tanong nila.
"Pwede mo silang murahin..."
ARAL: Kaya dapat maging-wais tayong mamimili. Hindi porket sale papatulan na natin. Mag research din pa minsan-minsan. Mag matyag. Pagka na dadaan sa mall or department stores, silipin din mga prices pag walang sale. Tapos pah me sale na, compare ang prices during sale at walang sale. At tignan din ang quality ng items. Minsan pag sale di mo na ini-inspect ang item kaya pag uwi mo me sira pala. Yun palang sale na shirt or shorts me sira pala pagka-tahi o me tas-tas. Mga ganon ba.
Sayang pera.
CASTS