Di ka uuwi sa probisnya at dito ka lang sa Ocho? OK, sama-sama tayo. Dito rin lang kami ng mga Ocho Boys sa Project 8. Walang nag-invite samin magbakasyon o mag-solve ng mysteryo sa probinsya kaya dito kami tatambay. Kung gusto mo kami makasama, dito kami madalas sa may Mercury Drug sa Short Horn o kaya dyan sa Road 20 malapit sa Lotto.
Bisita Iglesia sa Ocho
Kahit dito ka lang sa Ocho pwede. Unahin mo sa Our Lady of Perpetual Help sa Congressional Village. Tapos sa Immaculate Conception sa Premium Street. Tapos daan ka ng Santo Cristo Chapel sa Road 20 and then kabig ka sa Holy Family Parish sa Taas, corner ng Actuarial and Assistant. Pwede mo din pala unahin ang Ina ng Laging Saklolo sa Sitio Militar tapos daan ka na din sa Sto. Nino sa Bago Bantay.
O nga pala, meron din Our Lady of Annunciation Parish of the Incarnation sa Mindanao Avenue near Tandang Sora. Gusto mo lakarin mo lahat yan (penitensya ka) o mag-tricycle ka---upahan mo mga Ocho Boys. Ano kaya subukan mo mag Grab angkas? Ipa-uso mo kontrata, ikot Bisita Iglesia, i-aangkas ka sa lahat ng chapels na yan. Magkano kaya?
7 Last Words sa Youtube
Punta ka sa Toro Hills plaza, dun sa basketball court, sumilong ka sa lilim ng mga puno, dun sa medyo tahimik, at dun ka makinig o manood ng 7 Last Words sa youtube o kahit anung site. O kaya dun ka sa plaza ng Holy Family sa Taas, merong kapihan dun. Kape ka habang nakikinig at nagsisisi ng kasalanan. Sana lang bukas yung coffee stand dun. Kung sarado, baka bukas yung Kape Tito. Masarap din mga pastries nila dun. Kung sarado lahat, unuwi ka nalang.
Food Trip sa Project 8
Libutin mo yang Short Horn, andaming kainan dyan. Pero kung sarado sila, punta ka ng palengke ng Save More (o sa Save More grocery mismo) at bumili ng isda at seafoods. Agahan mo na, I mean, mamalengke ka ng Lunes or Martes Santo palang, tapos i-ref mo para me pang foodtrip ka sa Holy Thursday at Good Friday. Wag kakalimutan ang uling, sili, toyo at suka. Mag-ihaw-ihaw ka habang inaalala mga nagawan mo ng atraso at kasalanan. Pati pag-mumura mo. Pagka-kain mo, magsisi ka at magbagong buhay.
Walking Pilgrim sa Junction
Nagawa na naming mga Ocho Boys ito minsan. Mga alas-sais or 5.30am, lumakad ka na at umikot sa Ocho. Kung gusto mo, daanan mo mga chapels na nabanggit na, or lakad ka lang para mag-muni-muni. Effective yan pag maaga pa lang. Nakaka-bait at nakaka-payat pa. Ang suggestion ko, lakarin o kahabaan ng COngressional or Short Horn or General Avenue. O kaya Benefits, OK na yun.
Mas OK yung sa Tandang Sora Junction, yung pampuntang Walter sa Quirino. Merong walking area dun, maganda, mapuno at tahimik. Madami ding joggers and walkers. Saan ito? Sa dulo ng General Avenue, kaliwa ka sa Tandang Sora. Then konting lakad lang makikita mo na yung bagong junction dun. Kumanan ka dun at bubulaga sayo yung walking and jogging paradise na ito. Sige, pa-uso natin yung Walking Pilgrim.
Pabasa
Nung bata ako, andami kong nadidinig na pabasa all over Ocho. Andami nyan, naka microphone pa and loud speaker. Ngayon, di ko na napapansin. Pero I'm sure, meron pa rin yan. Maghanap ka at makinig o lumahok sa Pabasa. May libreng pa-meryenda yan, for sure. Pwede ka din makinig nalang sa radio o online, pero iba pa rin yung andun ka mismo.
Halo-Halo
Mag-halo-halo ka buong Holy Week para magpa-lamig. Saan patok ang halo-halo sa Ocho? Try mo sa Kabigting sa TDK Bldg, Congressional Ave, Bago Bantay, o kaya sa Pares Retiro sa Short Horn. OK din halo-halo sa Leoning's sa Short Horn din. Baka open din ang Nila's Halo-Halo sa Short Horn pa din, medyo katapat ng Baliwag Lechon Manok. Unique daw halo-halo nila. Puntahan ko nga sa Holy Wednesday para ma sampolan.
Basta ang importante, alalahanin mo ang ginawa ni Hesus sa krus para sa kasalanan mo. Imbis na tayo ang mamatay dahil sa kasalanan, siya nalang namatay, para iligtas tayo. Pag naniwala ka ng wagas sa ginawa Nyang yan, at itu-on ang buhay mo sa Kanya, OK ka na sa Diyos. Yan ang mahalaga pag Semana Santa, hindi lang yung outing o bakasyon.