Friday, August 19, 2016

Si Manang Yakult

danka08.deviantart.com
Suki ko siya dati nung me tindahan ako sa Otcho. Binabagsakan niya ako ng mga yakult para ibenta---kung baga, yakult pusher si manang.

Kaya tawag ko sa kanya sa isip ko---Manang Yakult.

Napaka-sipag ni manang---siya ata ang pinaka-matagal nang Yakult seller sa Project 8, QC. Sabi niya sakin minsan, sa me San Jose daw siya nakatira---somewhere doon. Bagtasin mo lang ang Road 20 going to AMA at banda roon siya nakatira.

Dati nga medyo bata pa si manang, pero ngayon medyo me idad na. Pero active pa rin sa paninda. Palibhasa na-e-exercise sa kaka-lakad araw-araw tulak-tulak ang Yakult cart niya.

Ang di ko lang alam kung umiinom din  siya ng Yakult to stay healthy. Alam mo na yang mga nagtitinda, minsan sila mismo hindi nakakatikim ng produkto nila.

Parang karpentero---ginagawa nila bahay ng iba pero sila mismo minsan walang sariling bahay. O kaya yung sapatero.

Madalas kong nakikita si manang sa Road 20---dyan sa me Agueda Alley banda. Naghahatid ng Yakult. Pag nakikita niya ako, nag-he-hello pa rin, although matagal na panahon na nung kumukuha ako sa kanya ng Yakult ng bultuhan.

Minsan aabutan pa rin niya ako ng isang pack ng Yakult (5 bote).

Baka kilala nyo rin si Manang Yakult. Paki kumusta nyo na lang ako. Ka-nyo, si Jaden Mero, at na feature siya dito sa Kwentong Otcho.

Hirap lang, ni minsan di ko natanong pangalan niya...

2 comments:

  1. Meron din ako kakilala si manong magtataho naman. Kapag nakikita ko sya, nadududrog ako. Kase matanda na sya tapos pasan pasan parin nya yung tinda nyang taho. Kaya kahit sakto na lang talaga pera ko, napapabili ako sa kanya para lang ma-ease yung nararamdaman ko. Feeling ko nakatulong ako kahit papano. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, Sherry, nakatulong ka...at malaki na ring tulong yon. Thanks sa mga kagaya mong me malasakit sa kapwa! :D

      Delete

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!