DPChallenge |
Liwanag siya na parang bahagyang nagliliyab---parang "glow" ng ilaw sa flashlight pag yung flashlight ay nasa likod ng mga halaman. Pero sa lakas nito, parang flashlight ng higante. Naalala ko tuloy nung minsang pumunta ako sa Bataan nung college pa ako. Pag gabi at nasa highway ka, me glow sa dulo nang highway kung saan andun yung Bataan Nuclear Plant.
Nuclear plant sa me north ng Project 8?
Kaya nung Miyerkules Santo, mga 9 ng gabi, nag bike sina Prof at Pareng Babes kasama sina Mr. Bean, Totoy Golem at Dagul. Pinag-kasya nila ang kanilang mga sarili sa 2 bikes---ma-diskarte din ang mga lekat. Binagtas nila ang kahabaan ng Tandang Sora, from Quirino hanggang sa Commonwealth. Kahit gabi na, mainit ang panahon. Buti dumadampi ang hangin sa mukha nila sa pagba-bike.
Wala na ang Amihan ng December at February, nawala na ng gitnang March, kaya mainit na talaga ang panahon. Wala na rin halos katao-tao at sasakyan sa Tandang Sora dahil nag-uuwian na ang mga tao sa probinsya. Parang nakakatakot tuloy sa Tandang Sora. Naka-panood ka ba ng episode ng The Walking Dead? Parang ganon. Pero hindi ganon.
"Ayun yung liwanag!" ika ni Pareng Babes na angkas ni Prof. "Parang sa gawi pa doon. Ano-ano ba ang mga lugar doon?"
"Ano yan e," sagot naman ni Dagul sa kabilang bike, angkas ni Totoy Golem," Ugong, Bagbag, Bagbaguin at San Bartolome. Pero malayo na mga yun! Pupunta pa ba tayo dun?"
"Parang galing kasi dun ang liwanag. Pinag-tataka ko lang, bakit abot-tanaw ito sa Project 8?" ika ni Prof.
"Ang lalong kataka-taka, bakit kelangan nating malaman?" reklamo ni Mr. Bean. "Biro mo gabing-gabi nagba-bike tayo dito! Ano nanamang kalokohan ito?"
"Baka gaya ito nung bitwin nung Pasko," sagot ni Pareng Babes. Sinusundan natin ang liwanag kasi patungo ito sa lugar nang kapanganakan ni Hesus!"
"E ano tayo? Tatlong Hari?" sabi ni Dagul.
"Di ka ba madunong mag-bilang? Limang Hari tayo ah!" sabat naman ni Golem.
Biglang singit ni Prof: "Oy! Semana Santa ngayon! Hindi Pasko! Walang bitwin at tatlong hari sa istorya nang Holy Week!"
Nang bandang mag-hahating-gabi na, nag-pasya si Prof na bumalik nalang sa Project 8. Pag-liko sa General, diretcho sila sa Save More and then sa Short Horn. Nung nasa Short Horn na sila, sa me bandang Toro Hills, pinag-masdan nila ulit yung ilaw sa north ng Project 8. Papa-wala na ito. Nag-almusal muna sila ng pares at nilagang baka sa kanto ng Road 14 at Short Horn.
Kina-umagahan, Huwebes Santo, nasa me terminal ng tricycle ang mga Ocho Boys at nagtatalo sa kung ano yung mahiwagang ilaw na tanaw sa Project 8 pag gabi. Sa katahimikan, umaalingaw-ngaw ang mga tinig nila at namamayani. Bahagyang naging parang Ghost Town ang ibang bahagi ng Project 8. Nasa bakasyunan na ang karamihan ng mga tao.
Finally, Biyernes Santo na. Lilitaw pa rin kaya ang mahiwagang liwanag?
Naki-usap ang mga Ocho Boys ke negosyanteng Akong---siya yung me hardware dyan sa Road 20---kung pwede silang mag-tambay sa gabi sa roof deck ng bahay nitong 4 floors ang taas. Pumayag naman ang mabait na si Sir Akong, "pero kayo bayad P50 each ha!" ang pahabol niyang kondisyon. OK naman ito sa mga Otcho Boys na naghahanap ng adventure nitong Holy Week.
Kaya ayun! Andun sa roof deck lahat ng bida dito sa Kwentong Otcho! Lahat sila, pati sina Aling Lory na me karinderia, at Aling Lydia na me sari-sari store. Pati si Sikyong Pedro. And later, pati na rin ako naki-gulo na! Andun kaming lahat ng 9 pm nung Black Friday! Kumita nang maganda sa amin si Sir Akong!
Mamyang konti, lumabas na ang mahiwagang liwanag! Medyo nakakatakot ang itsura niya, parang me sasabog! Yellow ang glow niya at parang tumitibok---bahagyang mamamaga at liliit. Pinanood namin ito hanggang 11 pm at namangha. Ano ito? Sinyales ng katapusan? Konektado ba ito sa mga serye ng lindol sa Mindoro at Batangas noon, at yung isa pa sa La Union ilang taon na, at yung recently, sa Davao?
Tapos, nangyari yung kinaka-takot ko!
Biglang me umangat na bilog na bagay na siyang pinagmumulan ng mahiwagang liwanag! Lumipad ito sa himpapawid at naglibot! Minsan, tila lalapit pa yata sa amin!
"Ay! UFO!" sigaw ni Aling Lory. "Me flying saucer sa atin! Katapusan na ng mundo!"
"Nilulusob na tayo ng mga alien!" sigaw naman ni Prof. "Baka China yan!" sigaw naman ni Mr. Bean.
Nagka-gulo na nga sa roof deck ni Sir Akong at sa mga kapitbahay na nabulabog namin. Naglabasan sila at nakita din nila ang UFO. Nag-novena na sila Aling Lory at Aling Lydia. Yung mga Ocho Boys naman nag-sisi ng kasalanan nila. "Babayaran ko na po ang utang ko ke Aling Lory! Promise, Lord!" sigaw ni Totoy Golem.
"Hindi na po ako manonood ng porn!" kumpisal naman ni Prof. Nabisto pa tuloy.
Mamyang konti, nagbago-bago ng kulay ang liwanag ng UFO at tapos mabilis itong puma-itaas sa langit at biglang nawala!
Tumahimik sandali ang lahat habang naka-nga-nga kami sa langit. Tapos, nagsalita na si Mr. Bean. "Ikaw at ang lahi mo ang me kasalanan nito!" sabi niya ke Sir Akong.
"Ha? Ako wala paki-alam dyan UFO na yan ha! Basta kayo bayad lang sakin, oke na ako!" sabi ni Akong.
"Hindi! Ikaw ang me kagagawan nito!" giit ni Mr. Bean. "Ikaw at ang China! Gusto tayong sakupin ng China, at ikaw Sir Akong, ang secret agent nila dito sa Project 8!"
Well, sinubukan ko silang awatin, pero useless. Umuwi nalang ako dahil Biyernes Santo---bawal ang mag-ingay hanggang Sabado de Gloria. Kayong readers, sundan niyo nalang sa news kung ano yung mahiwagang liwanag na yon. Tiyak ko, ibabalita ni Mel Chanco at Kuya Kim ito. Teka....Chanco? Chinese yun diba? Ang Kim naman Koreano.