Hi! mga suki at kapitbahay! Tagal nating di nagkita! Nag-busy kasi nung Pasko, New Year at unang week ng 2017! Grabe!
Pero eto na uli tayo, mag-sharing tayo ng mga kwentong Otcho! Lalo na mga kwentong driver sa Ocho!
Pag-sakay ko minsan sa jeep papuntang Road 20 galeng ng Walter Mart, nadinig ko yung driver at assistant niya, naguusap. Tokhang daw! Aba, kako, delikado yun! Saan kaya yung na-tokhang na yon sa Ocho? Lumapit-lapit pa ako sa kanila nang pa-simple. Eto nasagap ko.
DRIVER: Iba talaga ang sarap! Lalo't me beer!
ASSISTANT: Oo nga! Hahahaha!
DRIVER: Ano? mamyang gabi ulit?
ASSISTANT: Sige ba! Isama natin si Pareng Caloy na tricycle driver!
Aba! Nagustuhan nila yung tokhang! At gusto pa nilang ma-ulit! Mag-sasama pa! Ano kaya ang nangyayari? Nawala lang ako sandali me kababalaghan na!
"Este, mga pare, pwede bang magtanong," ika ko nung di ko na matiis.
DRIVER: Ano yun sir? Saan ba kayo bababa? Naligaw na ba kayo?
AKO: Hindi. Hehe. Tatanong ko lang kung ano nangyari sa tokhang na pinaguusapan ninyo.
Nagka-tinginan si driver at assistant, Nag-ngisi-an.
DRIVER: Ikaw na pare mag-explain, ang gulo mo kasi e!
ASSISTANT: Ikaw na pre!
ASSISTANT: E ano po yon...nagka-inuman kami kagabi. E ang sarap ng pulutan!
"Ano? Shabu?" tanong ko.
DRIVER: Aba hindi po. Tokwa po. Ang sarap po ng anghang niya!
ASSISTANT: Na-tanong namin kung ano itatawag namin sa tokwang ma-anghang na yon.
DRIVER: Napag-kaisahan namin----Tok-hang..."
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!