I love jeepneys. Well, I admit that old, dysfunctional and trashy ones should be phased out, but not the traditional look of the jeepney. If the thing runs good and is in tiptop shape, why not let it ply the roads? Instead, they changed jeepneys to mean minibuses. I don't know whose bright idea it is to call those white minibuses jeepneys. THEY ARE NOT. They're minibuses.
They're Not Jeepneys
Jeepneys are different. Anybody with commonsense knows that. Ang jeepney hango doon sa mga army jeeps na iniwan ng mga Kano after Word War II. Yung ang history nun. The white minibuses we see today are in no way connected to that, so they shouldn't be called jeepneys. Why can't they just call them minibuses? Kaninong IQ nanggaling na jeepneys yon?
Pag tagal ng panahon, mawawala na sa kamalayan ng mga kabataan ang tunay na jeepney. Dagdag sa kamang-mangan yan. Andami na ngang di alam ng mga kabataan ngayon tungkol sa kasaysayan ng bayan, dadagdag pa to. Hindi na nga nila alam paano maglaro sa kalye, maglaro ng tumbang preso, luksong tinik at baka, at di nila kilala mga puno na laganap sa prubinsya.
Tanunin mo magaaral ngayon, malamang di nila alam kung ano ang puno ng aratilis sa puno ng abokado o bayabas. Nung kabataan ko kahit sinong bata sa Manila alam yon. Ngayon/ Di nga nila alam kung ano ang sinigwelas. Pag inalok mo, weirdong-weirdo sila. Lalo na makopa at mabolo.
Nung napanood nga nila yung Heneral Luna, nagtaka sila ba't naka-upo lang si Mabini. Kaya di nakapag-tataka na balang araw, hidni na rin nla alam kung ano ang jeepney.
Jeepney has become a national symbol. Pag makulay, ma-sining at mahabang jeep alam na ng lahat jeepney yan. Ang mga turista excited sumakay dyan. E sa minibus? Ano excitement nila dun? Madami silang mas magagandang buses sa bansa nila. Pero wala silang jeepney. Asan ba yang secretary ng Tourism? Naiisip ba nila to?
Sa Inner Roads Daw
Pag nilagay mo sila sa inner roads, masasagasaan naman mga tricycles at pedicabs. Mawawalan sila ng pagkakakitaan. Madami nanaman ang magugutom. At masyado silang malaki at mahaba para sa inner roads. Andami pa namang makikipot na kalsada sa Manila. Naka daan ka na sa Tandang Sora? National Road yan pero ang kipot. Lalo na yung hindi national road. At doon sa maliliit na subdivision, parang pang-kariton lang mga kalye nila.
Ipaubaya na ang inner roads sa trikes at pedics. O sa Cadi-lakad. Sana hayaang pumasada mga magagandang jeepney sa major roads din. Gaya ng mga rutang papuntang MRT o LRT.
Regulate Lang
I-regulate lang ang pasada nila. Huwag na yung mahahabang ruta, gaya ng Ocho hanggang Vito Cruz. Masyadong mahaba. OK na yung rutang Project 8-Munoz, halimbawa, o SM North to Munoz, or SM North to UP. Medyo malayo-layo yun pero at least generally less traffic ang ruta.
At dapat me limit ang units per prangkisa para limitado din ang bilang ng nasa lansangan. Tutal pwede namang co-pilot or barker ka muna pag di ka nakaka-drive. Or alternate schedules. MWF isang driver. TTHS yung isang driver naman. Sunday pala-bunutan.
Pano Physical Distancing?
In jeepneys, I think as long as passengers wear masks and face shields, it's okay for them to sit side-by-sde. Or stay one seat apart. Lagyan lang ng X yung di pwedeng upuan. Basta bawal mag-usap. Bawal umubo o bomahing ng walang takip sa bibig--kahit na me mask at face shield ka pa. At ang bumahing at umubo obligadong mag spray ng alcohol sa paligid nya.
Mga suggestion lang naman yan. Kung mali e di sorry.