Buti sila naka-mask. Mabuhay kayo! |
Ang mask kasi sinusuot hindi lang para wag ka makulong o magbayad ng penalty. Sinusuot yan sa dalawang dahilan pa:
- Wag ka makahawa.
- Wag ka mahawa.
Ayaw Mag-Multo
You never know if you have the virus or not. You may be asymptomatic and passing the virus to others unawares--although there's no proof yet that this is possible--that being asymptomatic can be a way of infecting others. But to be doubly sure, we assume that it can--na pwede kang maka-hawa. This is why we wear masks. Kaya wag matigas ulo.
Pero ayun si Thanos (bansag ko sa ka-barangay kong sa baba sinusuot ang mask nya), lakad ng lakad sa kalye minsan walang mask, minsan naman me mask nga pero nasa baba naman nya. Di nya suot yon dahil nag-iingat sya sa health nya at ng ibag tao. Suot nya yon kasi ayaw nyang mag-multo, este mag-multa pala. Mali yung sub-title ko sa itaas. Dapat, "Ayaw Mag-Multa." Sorry, tao lang po. Kayong mga ka-ocho, wag kayong Thanos ha!
Di Macho
Isa pa, di daw macho tignan pag naka-mask. Can you believe these people? Feeling nila di ka tunay na lalaki pag naka mask ka. O mahinag nilalang ka. Or worse, ma-drama ka daw masyado. Para virus lang e, pa-mask-mask ka pa at naka face shield pa. Arte mo. Tipong ganon. But the truth is, the virus is really deadly. Hindi biro-biro. Wag mo nang intaying tamaan ka at pahirapan ka--o patayin ka. Tapos mahawa pa pamilya mo.
Kalokohan Lang
Meron pang mga nagsasabi, fake news daw ang Covid 19. Wala daw virus talaga. So ano yung mga nasa news? Kahat-isip? Yung mga pinakita nilang pinahirapan talaga sila ng virus? Yung special news ni Howie Severino? Ano yun, mga kalokohan lang? I call these guys Smart Alecks. They laugh at those who take the virus seriously and claim that there is no virus--or if there is, it's not fatal. Mas deadly pa daw ang common flu na mas madaming namamatay.
Ano to contest, padamihan ng namamatay?
Ke mas konti pa namamatay sa Covid kesa sa flu is not the issue. What is, is that Covid can kill and many in fact have died. Hindi ito kontes. Palibhasa mahilig ang iba sa beauty contest kaya lahat nalang sa kanila contest. Kaya rin pag na puna mo lang ng konti si President Duterte dilawan ka na daw agad. Ma-puri mo lang siya ng konti, DDS ka na daw agad. Lahat sa kanila contest. Yung kampihan mentality pinsan yan ng contest mentality.
And they both belong to the makipot family--makipot pagiisip.
Mahawa Ka na, Wag Lang Marumihan Mask Ko
Finally, there are folks who'd rather cough or sneeze at people than have their masks tainted with it. Naka-mask sila. Pero pag uubo or babahing, aalisin mask nila. Hehe. Gaya ni ate sa Western Union sa Walter Mart. Customer sya, naghihintay, medyo kasunod ko. Buti nalang naka physical distancing kami at naka mask at face shield ako. Nung bumahing siya, hinubad agad mask nya para di nya mabahingan.
Actually, I see a lot of folks doing this--saving their masks by taking them off when they cough or sneeze. Why they do this--what's going on in their minds--I don't know. It's a big mystery. Probably a mystery for the Ocho Boys to solve.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!