Ang lalaking itim.
Mga isang oras ding naka-upo sina Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas (apat na hari) sa tapat ng white house sa Project 8. Earlier, me itim na anino daw na nagpapakita dito. Kababalaghan siguro. Pero alam nilang apat na me kalokohang magaganap, hindi kababalaghan. Merong hindi tamang nangyayari sa white house na gawa lang ng tao, hindi multo.
Photo above by David East on Unsplash.
Maya-maya, me tumalon sa bakod galing sa loob ng white house. Naka-itim ito. Pag-landing nya, nagulat sya sa apat na hari. Nagulat din sa kanya sila Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas. Saglit silang na-freeze lahat, di alam kung ano ang gagawin. Nakita ng apat na hari na malayong multo ang nakikita nila. Tao ito! Kaya napasigaw si Totoy Golem. "Hooy! Anong ginagawa mo dyan?" Sabay pito ni Sikyong Pedro. "Prrrt!!!"
Karipas ng takbo ang lalaking itim. Ngayon, nasiguro nilang walang kababalaghan sa white house. Pero ano ang pakay ng lalaking itim? Kasabwat ba nya si Lola Oyang? Pati kaya si Gerald d Dyaryo Bote ay sangkot? Sangkot saan? Krimen ba ito? Hinabol nila ang lalaking itim pero mabilis itong naglaho sa mga madidilim na bahagi ng kalsada. Palos ito sa takbuhan, akyatan at pagtakas. Parang atleta sa pag-galaw. Hindi pwede si Lola Oyang yun, ika ni Sabas.
"Obvious ba?" sabat ni Golem.
"Wag kayong pakaka-siguro!" ika naman ni Sikyong Pedro na frustrated detective. Dahil sa kakapusan sa pera ng family nya, di na nya natapos ang kursong Criminology. Di pa nga nya natapos ang first year. Kaya nag security guard sya. At least, medyo konektado, sabi nya sa sarili noon. "Malay ba natin kung me super powers si Lola?"
Nagka-tinginan sila Golem, Sabas at Dagul.
Na-kwento ng apat na hari sa Ocho Boys ang kaganapan sa white house at ang habulan na sumunod. Nag-tawanan lang ang mga Ocho Boys at na-uwi na ang usapan sa bakasyon nila. Doon sa baryo nila Totoy Golem. "Hayaan nyo na nga yang white house na yan!" sabi ni Mr Bean. "di tayo yayaman dyan! Atlis sa bakasyon mabubusog tayo at mag-e-enjoy! Di ba Golem?"
Alanganing tumango si Golem. Maganda sa baryo nila pero me konti lang syang pangamba, lalo na sa gabi. "Siguro sa dami namin matatakot na ang mga elemento na magparamdam," sabi nya sa sarili. At sa kulit ng mga Ocho Boys, baka magsi-layas lahat ng kaluluwang ligaw. Hehe, natawa pa sya sa sarili.
Na-delay pa nga ang bakasyon. Ang plano kasi, aalis kami ng March 11. Pero dahil anlaki ng natalo sa ilang Ocho Boys sa e-sabong, umabot tuloy ang alis namin ng April 11. "Biruin nyo, isang buwan ang antala!!!!" sabi ko sa kanila. "Wala talagang matinong kahihinatnan yang sugal!" pangaral ko. Para namang mga maamong aso (hindi tupa) ang mga mokong na nakinig sakin. "Dahil dyan, kelangan mag-bible study tayo doon sa baryo ha!"
"OPO!" sagot ng lahat. Natawa lang si Prof.
Kaya Lunes Santo, humayo kaming lahat nang alas kwatro ng umaga sakay ng dalawang van. Buti't sinagot ni Mang Cardo ang rent sa van at drivers nito, plus nagpa-lakip pa ng Php 10K sa amin ni Prof, dagdag pang gastos daw ng Ocho Boys sa bakasyon nila. Si Mang Cardo ay mysteryosong milyonaryo sa Ocho na nakatira somewhere near Short Horn Road. Para sa background check ke Mang Cardo, click here. Tuwang-tuwa naman ang mga Ocho Boys, syempre. "Sana pala tinaya ko na yun ipon ko!" sigaw sa galak ni Pareng Babes, sabay tingin sa akin at takip ng bibig. "Taya sa lotto, Jaden," habol nyang paliwanag.
Kaya ayun, tinahak namin ang Mindanao Avenue papuntang NLEX.
[Itutuloy]