Summer na--March 08 to be exact. Me pasok pa mga schools pero tyak ko summer vacation na ang laman ng utak ng mga estudyante. Parang mali ang scheduling at dapat mag-adjust ang mga schools. Iba pa rin pag kalahati or three-fourths ng March summer vacation na.
Photo by Anthony Young on Unsplash.
Anyway, nag-usap-usap ang mga Ocho boys sa tricykelan. Una tungkol sa Russia at "Ukren," ika ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Grabe topak ni Puteng!" giit nya, at muntik pang mapa-mura. Buti na-awat agad ni Badong. "O-o-o!!! Pwera mura! Magmamahal na Araw na!" At tapos na-uwi sa Level 1 ng Covid ang usapan, tapos sa eleksyon. Syempre debate yan, Pink versus Red. Nagka-initan ng konti, kasi din summer na, kaya mainit. At tapos nabanggit ni Totoy Golem ang nayon nila.
"Sa probinsya namin, presko ang hangin kahit tag-init! Tabing bundok kasi at me palayan at kakahuyan. Me malinis na ilog pa nga!" ika nya. "Kubo-kubo lang mga bahay kaya maaliwalas!"
"E di tara nang magbakasyon dun!" suggestion ni Dagul. "Tignan natin kung totoo mga sinasabi mo!"
"O nga! Baka puro drawing lang yan!" hamon din ni Pareng Babes na nanunubok ang tingin.
E di ayun na. Nag-diskusyon na tungkol sa bakasyon. Mahabang talakayan. Ba't nga raw ba hindi sila magbakasyon? Di pa nila nagagawang sama-samang mag-bakasyon. Di lang outing-outing. BAKASYON TALAGA! "Siguro mga 3 days, 2 nights, Di ba?" ganadong wika ni Gerald d Dyaryo-Bote. Kinontra naman ni Totoy Golem. "Three days 2 nights ka dyan, kala mo naman me pera ka!" pang-mamata nya. "Aba! Wag mo kong subukan!" palag naman ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Wag mo kong subukan baka ilabas ko bank istetmen ko!"
"O wag kayo mag-away!" awat ni Sikyong Pedro. "Mahal na Araw na! Magmahalan at magpatawaran!"
"O, inom nga muna kayo!" sabi ko habang hinagisan ko sila isa-isa ng bottled water na binili ko sa malapit na grocery store. Dose lang naman ang isa, mura lang. Ako nga pala si Jaden Mero, ang me akda nitong blog na ito. "Wala bang gin?" pabirong tanong ni Dagul. "Gin? Anu pulutan?" tanong ko naman. "Nilagang okra," sabi ni Badong. "Sige, balang araw darating tayo dyan," sagot ko naman.
Pero nagpatuloy ang usapan sa bakasyon. Siryoso ang Ocho Boys. Kita mo sa mga mukha nila habang nagdi-discuss na seryoso sila. At type nila pumunta sa nayon nila Totoy Golem. Mamimingwit daw sila ng dalag at hito sa ilog, huhuli ng palaka sa bukid at magha-hunting ng baboy ramo sa bundok--at marami pang iba. "Pero mga parekoy, me mga kwentong kababalaghan dun ha. Warning-an ko na kayo," saad ni Golem na parang nanakot. "Me mga nagpapakita dun!"
Lalo namang nagustuhan ng Ocho Boys yon. Adventure! Nagkaisa lahat! Unanimous vote! "Edi landslide vote na yan!" Sigaw ni Pareng Babes. "Parang BBM!" Kumontra agad si Mr. Bean. "Hindi! Parang Leni!" Di rin papahuli itong si Sikyong Pedro. "Hindi ah! Parang Ping!" Pinatigil ko sila. "Teka! Kelan nyo ba gusto lumakad?" tanong ko.
"Bukas!" sabay-sabay sila.
"Teka," awat ko. "Di pa alam ni Prof! Kelangan kasama si Prof. Magtatampo yun!"
After a lot of discussions, napagka-sunduan ng grupo na March 11 na ang alis. Para daw maka-ipon pa ng pera na pang grocery at pang-palengke doon. Kantyaw naman ng iba. "Pamalengke? Kala namin magha-hunting at mamimingwit lang tayo?" tanong nila. "Yun pala mag-gro-grocery lang!" Tawanan at tuksuhan. "Mga susyal kayo! Rich kasi kayo!"
Nangisi si Gerald d Dyaryo-Bote. "Inggit lang kayo! Wala kayong bank estetmen!"
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!