Tuesday, May 7, 2024

Alamat ng Ice Candy


Pag tag-init, kelangan alam mo ang alamat ng ice candy. Nagsimula yan sa tindahan ni Aling Asyang sa hilagang parte ng Quezon City, malapit banda sa Ocho. Nag titinda sya ng sari-saring prutas at mga pang-grocery. Syempre me yelo din sya. Uso na yelo nung 1950s kasi 1913 naimbento ni Fred W. Wolf ang prididyer at 1950s dumating yan sa Pilipinas. Di ko alam kelang dumating yan sa Ocho. Siguro nung 1963?

So si Aling Asyang abala sa pagtitinda nung summer ng 1953, madaming kutsero at taxi drivers ang nag-stopover sa store nya at bumibili ng samalamig---sago't gulaman pa ang tawag. Isang gabi, dahil sa sobrang pagod, basta nilagay nalang nya lahat ng paninda sa plastic na supot at tinambak sa freezer compartment, ika nya para walang mapanis. So nagtigasan lahat yun buong gabi. Kinabukasan, ayon! Nakita nya na nahalo ang mga prutas sa yelo, gatas at arnibal. Napa-iyak sya. Paano mabebenta yan e, nagka-halo-halo na. 


Shorthorn Road


Una, naisip nyang ibenta as halo-halo. Kaso nasa plastic bag at dumikit na dun sa plastic lahat. Sa puntong yon, dumating si Mang Andy, asawa ni Aling Asyang, at uhaw na uhaw ito. "I need water with yelo," ika nya, at gusto din nya ng mga malamig na prutas. Anything malamig, pero wag namang solid yelo lang. Nakaka-ngilo daw. E sabi ni Asyang, wala, dahil tumigas lahat sa freezer. Yelo lahat. Kahit tubig wala. 

Sa desperasyon ni Mang Andy, sinunggaban nya ang plastic bag na me halo-halong laman at yelo, kinagat ang plastic at sinpsip---flavored yelo na sya. "Aba masarap! Matamis, parang yelong candy!" sabi ni Andy, at tuloy-tuloy na ninamnam ito. Nag try din yung ibang nakakita at nagustuhan nila. Masarap na dessert daw at nakakapag-pa-pawi pa ng init. "Ano ba to?" tanong nila.


Jersey Road


E wala pang Tagalog ng candy noon. At di naman sila sanay tawaging "ice" ang yelo. Kaya sinabi nalang nila, "yung tinda ni Asayang at Andy!" Kaya gumawa ng madaming ganito si Aling Asyang, nakalagay sa plastic bag at pinapa-yelo. Twing me bibili, sasabihin lang ng bibili, "Yung tinda ni Asyang at Andy, isa." Kinalaunan, nakilala na ito sa "Asyang-Andy." Tapos, shinort cut pa, naging, "As-Andy." 

Di ba mahilig tayong mga Pinoy sa shortcut? Yung Quiapo nga dati (before pandemic) shinorcut ng mga barker ng "Kapo." Tas yung Project 8 naman, "Jeket." Buti hindi sinabi ni Willy, "Bigyan ng jeket yan!" 😂 Teka, napalayo na alamat natin. Back to the alamat.

Hanggang sa, yun na nga. Tinagwag nang, "As-Andy," and later, "Ays-endi." 

Hindi naman ice candy yan talaga, kundi, "As-Andy." 😂 Kaya baguhin nyo spelling.

--------------------------------

MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Friday, April 19, 2024

Ang Lalaki sa Manager Street


Minsan, early morning ng April na hindi pa mainit, naglalakad si Derek sa Manager St. papuntang Claims at Dalsol (walking para sa health daw, sabi nya), napansin nya ang isang lalaki na papunta din sa Benefits St. Ito din yung lalaking nakita nyang naglalakad sa Sinagtala, malapit sa Pizza Hut at RCBC sa Congressional Avenue, nang minsang me pinagawa sya tungkol sa electronics banda doon. 

Oo sure nya, same guy. Around 30 years old, mataba, medyo kulot na hindi naman, naka-long sleeves, naka-kurbata at me hawal na attache case. Parang attorney na salesman na medrep. Papasok na siguro sya that early morning, siguro sa Unilab. Mukang magaling na ahente, mukang malaki ang kita. Pero walang kotse. Siguro di pa kumokota. Madaming naglalaro sa isip ni Derek habang pinagmamasdan ang lalaki na nasa kabilang side ng kalye. 

Sa Benefits huminto ang lalaki at mukang naghihintay ng jeep. Nilapitan sya ni Derek na nasa mood mangulit ng mukang dayo. "Nakita kita sa Sinagtala nung isang hapon. Taga dun ka ba?" tanong nya na nakangiti. Muka naman friendly si Derek minsan. Pero madalas muka syang bulldog. Sa bagay, naka-ngiti naman minsan ang mga bulldog.

Tumango lang ang lalaki. Naka-tunog sya na makulit type si Derek. Yung parang nabaliw dahil sa matinding gutom.

"Attorney ka no?" Tanong ni Derek.

Ngumiti and lalaki tapos umuling. "Di po."

"Medrep?"

Umiling uli ang lalaki na lalong nangiti. Ibig sabihin, lalong hindi sya medrep.

"Salesman"?

Umiling uli ang lalaki.

"Eh, ano ka?"

Mukang alangan sumagot ang lalaki, kaya naisip nya na magpakilala nalang. "Eh, sir, ako nga pala si Floro." Inabot nya kamay nya at nagkamayan sila ni Derek.

"OK Floro, ako si Derek, Rek for short. Na-iintriga lang ako sayo. Ano ba trabaho mo?"

Gusto sanang sabihin ni Floro na, "anu ba pakialam mo?" kaya lang hindi sya taga-Ocho at baka mapasama pa sya. Ayaw nya magulpi. Kaya naging patient nalang sya. "Nakakahiya po, sir, hehe" sabi nya.

Nagduda ng tingin si Derek. "Di ka naman kaya pusher o druglord?"

"Naku, sir, hindi po!" tanggi ng lalaki.

Dumating ang jeep pa-Munoz at naka-hinga ng maluwag si Floro. At last, matatapos na interrogation sa kanya ni Derek. Pagsakay at pag-upo nya, nagulat sya nang nakaupo na din sa harap nya si Derek. "Me bibilhin lang ako sa Walter," paliwanag ni Derek nung nakita nyang nagulat si Floro.

Bumaba si Floro sa me Mercury Drug sa Congressional, at gayon din si Derek. Nag-abang si Floro sa EDSA, at inaasahan nyang aakyat na sa footbridge si Derek. Pero tumayo din dun si Derek sa tabi nya. "Sir, doon po ang Walter," sabi ni Floro. 

"Alam ko," tugon ni Derek. "Dito ako lumaki no!"

"Eh, bat po nakatayo kayo dito? Me iba pa ba kayo pupuntahan, sir?"

Tumingin lang sa malayo si Derek. Me kutob sya na me masamang ginagawa si Floro, at yun ay ginagawa nya sa Project 8. Hindi maari yun, ika ni Derek sa sarili. Di ko papayagang sa Ocho nya pa gagawin yun. 

Pinara ni Floro ang parating na bus at sumakay na sya. Aba, sumakay din ang Derek. Umupo si Floro sa likod, at tinabihan sya ni Derek doon. Di naman umalma si Floro dahil karapatan ni Derek umupo kung saan nya gusto. Lumapit na ang kunduktor ke Derek. "Saan ka sir?" tanong ng kunduktor.

Lumingon si Derek ke Floro. "Saan tayo?"

"Po?" 

"San tayo pupunta?"

"Malay ko sanyo sir," sagot ni Floro. "Di naman tayo magkasama."

Nilingon ni Floro ang kunduktor. "Sa Monumento, isa."

"Monumento din ako," sabat ni Derek. 

"Kala ko po sa Walter kayo?"

"Me Walter din dun, papasyalan ko. Bakit ba?" sabi ni Derek. 

Pagbaba ni Floro sa Monumento, naglakad sya sa Victory Liner Terminal at sumakay sa bus. Ganun din si Derek. Tinignan lang nya si Derek pero di sya uli umalma. After all, lahat ng tao me karapatang sumakay sa Victory Liner. Umandar na ang bus at nag-relax na si Floro. Katabi nya si Derek na patingin-tingin sa kanya, tinging me hinala. 

Maya-maya, eto na ang kunduktor. "San kayo, sir?" tanong nito ke Derek. 

"Ewan ko sa kanya?" sabi ni Derek sabay turo ke Floro ng nguso nya. 

"Abra, isa," sabi ni Floro.

Nanlaki mata ni Derek. Natauhan sya. Mapupunta sya ng Abra ng di oras. Isang daan lang pera nya dahil ang original plan nya ay mag walking lang sa Ocho, mag dalandan juice sa Dunkin sa me Shorthorn para ma-refresh, tapos mag tricycle pa-uwi. E bat ngayon nsa bus sya pa-Abra? "San po kayo, tay?" usisa ng kunduktor sa kanya. 

"E teka, hindi ako pupuntang Abra. Ipara nyo na ako sa tabi!" sigaw ni Derek.

"Ay di po tayo pwede pumara, sir. P2P po tayo hanggang Abra," pa-inis na sagot ng kundutor.

"E, wala akong pera papuntang Abra!"

"Eto sir," biglang sabi ni Floro sa kunduktor. "Ako na magbabayad para sa kanya."

Tinikitan ng kunduktor si Derek. 

Saglit na nakahinga si Derek. Sumandal sya at nag-relax. Pero me naisip sya. Nilingon nya si Floro na me pagaalala. "Teka, wala nga akong pera. Pano ako babalik sa Manila nito?" tanong nya.

"Ano po ba trabaho nyo? Bat wala kayong pera?" tanong ni Floro.

"Ume-extra lang ako sa tricycle sa Ocho!"

"Ah, OK.....OK naman pala sir. Wag ka mag-alala."

Nagtaka si Derek. "Bakit? Anu ibig mo sabihin?"

"Pwede kayo mag tricycle sa Abra. I-rerekumenda ko kayo sa TODA dun."


MGA TAUHAN: 

Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Wednesday, March 6, 2024

Pag Marso, Dalhin Lahat


Pag Marso, simula ng roadtrip pa-province yan. Masarap umuwi saglit sa probinsya para mag unwind, makalimot, mag refresh, magpahangin, magbakasyon, sleepover, magtanan, mag kape. Kaya excited na ko pag March, me mga nagpapa-utos kasi magbayad ng amilyar sa province, like sa Amador, Tagaytay, or time to check the rice harvest sa Nueva Ecija. Nakaka bato din kasi sa Manila kahit busy ka araw-araw. Nakaka-drain and burnout. Kaya luwas ka muna.

Iba pa yung Mahal na Araw. Mass evacuation yan from Manila to the provinces for a long vacation. Yung sa Marso pang short trips lang muna. Gaya nang magawi sina Mr. Bean at Pareng Babes sa Malolos para magbayad ng amilyar sa municipyo. Mabilis lang naman byahe, sakay lang pa-Munoz tas abang ng byaheng pa-Malolos. Nasakyan nila non UV Express, 45 minutes lang nasa Malolos na sila. Pero syempre, si Mr. Bean, parating me sablay na gagawin yun. Nung nakapila na sila sa bayaran, di pala nya dala yung pambayad.


So nag-call sila ke Prof para sabihin yung bad news. Napa-nganga nalang si Prof and no choice sya kundi utusan si Boy sumunod sa Malolos para dalhin yung bayad. Ayaw naman nyang nagiisa sya so sinaman nya si Bisoy. Hinila na rin nila si Victor kasi tapos na nya ibenta taho nya. Lumakad yung tatlo and after 45 minutes or so andun na sila sa Malolos. Later, nagkita na sila nila Mr. Bean and Pareng Babes. 

Alam nyo nakalimutan nila Boy? Yung resibo ng amilyar last year. Hinanap sa kanila yun. 

So call uli sila ke Prof. Sa yamot, dinala na ni Prof lahat ng kelangang papels, pati diploma nya. Malay ba nya kung ano nanaman ang hanapin sa municipyo. Baka excuse letter? Para sure ba, dalhin na lahat-lahat. Pag dating nya sa municipyo ng Malolos, at matapos magbayad, 12.30 na ng tanghali. Syempre gutom na sila lahat. Naghanap sila ng turo-turo. Sa bandang tulay, me karenderia, at madaming kumakain. Syempre pag ganon, ibig sabihin masarap pagkain dun. Lalo't mga drivers ang kumakain. Magaling ang panlasa ng mga drivers.

So order sila. Yung mga Ocho boys umorder ng:
  1. Inihaw na tilapya at hito
  2. Nilagang baka
  3. Pesang dalag
  4. Inihaw na liempo
Hihirit pa sana si Mr. Bean ng pinapaitan pero humindi na si Prof. Si Mr. Bean kasi ang punot-dulo bat sumablay ang pagbabayad ng amilyar at bakit dumami pakakainin ngayon ni Prof. Syempre tag 3 cups rice bawat isa sa kanila. Tas paguwi mamya, tatambay pa mga yan para maka-miryenda and sa gabi  naman para maka-beer. Ang plano sana ni Prof sila Boy at Mr. Bean lang lilibre nya.

Madami pang kwento itong summer ang mga Ocho Boys. Abangan...


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.