Minsan, early morning ng April na hindi pa mainit, naglalakad si Derek sa Manager St. papuntang Claims at Dalsol (walking para sa health daw, sabi nya), napansin nya ang isang lalaki na papunta din sa Benefits St. Ito din yung lalaking nakita nyang naglalakad sa Sinagtala, malapit sa Pizza Hut at RCBC sa Congressional Avenue, nang minsang me pinagawa sya tungkol sa electronics banda doon.
Oo sure nya, same guy. Around 30 years old, mataba, medyo kulot na hindi naman, naka-long sleeves, naka-kurbata at me hawal na attache case. Parang attorney na salesman na medrep. Papasok na siguro sya that early morning, siguro sa Unilab. Mukang magaling na ahente, mukang malaki ang kita. Pero walang kotse. Siguro di pa kumokota. Madaming naglalaro sa isip ni Derek habang pinagmamasdan ang lalaki na nasa kabilang side ng kalye.
Sa Benefits huminto ang lalaki at mukang naghihintay ng jeep. Nilapitan sya ni Derek na nasa mood mangulit ng mukang dayo. "Nakita kita sa Sinagtala nung isang hapon. Taga dun ka ba?" tanong nya na nakangiti. Muka naman friendly si Derek minsan. Pero madalas muka syang bulldog. Sa bagay, naka-ngiti naman minsan ang mga bulldog.
Tumango lang ang lalaki. Naka-tunog sya na makulit type si Derek. Yung parang nabaliw dahil sa matinding gutom.
"Attorney ka no?" Tanong ni Derek.
Ngumiti and lalaki tapos umuling. "Di po."
"Medrep?"
Umiling uli ang lalaki na lalong nangiti. Ibig sabihin, lalong hindi sya medrep.
"Salesman"?
Umiling uli ang lalaki.
"Eh, ano ka?"
Mukang alangan sumagot ang lalaki, kaya naisip nya na magpakilala nalang. "Eh, sir, ako nga pala si Floro." Inabot nya kamay nya at nagkamayan sila ni Derek.
"OK Floro, ako si Derek, Rek for short. Na-iintriga lang ako sayo. Ano ba trabaho mo?"
Gusto sanang sabihin ni Floro na, "anu ba pakialam mo?" kaya lang hindi sya taga-Ocho at baka mapasama pa sya. Ayaw nya magulpi. Kaya naging patient nalang sya. "Nakakahiya po, sir, hehe" sabi nya.
Nagduda ng tingin si Derek. "Di ka naman kaya pusher o druglord?"
"Naku, sir, hindi po!" tanggi ng lalaki.
Dumating ang jeep pa-Munoz at naka-hinga ng maluwag si Floro. At last, matatapos na interrogation sa kanya ni Derek. Pagsakay at pag-upo nya, nagulat sya nang nakaupo na din sa harap nya si Derek. "Me bibilhin lang ako sa Walter," paliwanag ni Derek nung nakita nyang nagulat si Floro.
Bumaba si Floro sa me Mercury Drug sa Congressional, at gayon din si Derek. Nag-abang si Floro sa EDSA, at inaasahan nyang aakyat na sa footbridge si Derek. Pero tumayo din dun si Derek sa tabi nya. "Sir, doon po ang Walter," sabi ni Floro.
"Alam ko," tugon ni Derek. "Dito ako lumaki no!"
"Eh, bat po nakatayo kayo dito? Me iba pa ba kayo pupuntahan, sir?"
Tumingin lang sa malayo si Derek. Me kutob sya na me masamang ginagawa si Floro, at yun ay ginagawa nya sa Project 8. Hindi maari yun, ika ni Derek sa sarili. Di ko papayagang sa Ocho nya pa gagawin yun.
Pinara ni Floro ang parating na bus at sumakay na sya. Aba, sumakay din ang Derek. Umupo si Floro sa likod, at tinabihan sya ni Derek doon. Di naman umalma si Floro dahil karapatan ni Derek umupo kung saan nya gusto. Lumapit na ang kunduktor ke Derek. "Saan ka sir?" tanong ng kunduktor.
Lumingon si Derek ke Floro. "Saan tayo?"
"Po?"
"San tayo pupunta?"
"Malay ko sanyo sir," sagot ni Floro. "Di naman tayo magkasama."
Nilingon ni Floro ang kunduktor. "Sa Monumento, isa."
"Monumento din ako," sabat ni Derek.
"Kala ko po sa Walter kayo?"
"Me Walter din dun, papasyalan ko. Bakit ba?" sabi ni Derek.
Pagbaba ni Floro sa Monumento, naglakad sya sa Victory Liner Terminal at sumakay sa bus. Ganun din si Derek. Tinignan lang nya si Derek pero di sya uli umalma. After all, lahat ng tao me karapatang sumakay sa Victory Liner. Umandar na ang bus at nag-relax na si Floro. Katabi nya si Derek na patingin-tingin sa kanya, tinging me hinala.
Maya-maya, eto na ang kunduktor. "San kayo, sir?" tanong nito ke Derek.
"Ewan ko sa kanya?" sabi ni Derek sabay turo ke Floro ng nguso nya.
"Abra, isa," sabi ni Floro.
Nanlaki mata ni Derek. Natauhan sya. Mapupunta sya ng Abra ng di oras. Isang daan lang pera nya dahil ang original plan nya ay mag walking lang sa Ocho, mag dalandan juice sa Dunkin sa me Shorthorn para ma-refresh, tapos mag tricycle pa-uwi. E bat ngayon nsa bus sya pa-Abra? "San po kayo, tay?" usisa ng kunduktor sa kanya.
"E teka, hindi ako pupuntang Abra. Ipara nyo na ako sa tabi!" sigaw ni Derek.
"Ay di po tayo pwede pumara, sir. P2P po tayo hanggang Abra," pa-inis na sagot ng kundutor.
"E, wala akong pera papuntang Abra!"
"Eto sir," biglang sabi ni Floro sa kunduktor. "Ako na magbabayad para sa kanya."
Tinikitan ng kunduktor si Derek.
Saglit na nakahinga si Derek. Sumandal sya at nag-relax. Pero me naisip sya. Nilingon nya si Floro na me pagaalala. "Teka, wala nga akong pera. Pano ako babalik sa Manila nito?" tanong nya.
"Ano po ba trabaho nyo? Bat wala kayong pera?" tanong ni Floro.
"Ume-extra lang ako sa tricycle sa Ocho!"
"Ah, OK.....OK naman pala sir. Wag ka mag-alala."
Nagtaka si Derek. "Bakit? Anu ibig mo sabihin?"
"Pwede kayo mag tricycle sa Abra. I-rerekumenda ko kayo sa TODA dun."
Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!