Saturday, May 16, 2020
Kahit GCQ Pa Yan, Mas Masarap sa Bahay Ka Lang
Modified Enhanced Community Quarantine. o modified ECQ. Ibig sabihin ECQ na me konting pagka-iba para ang mga establishments na kelangan ng gumana e gumana na. Yung mga essential services o mga serbisyong kelangan talaga natin. Gaya ng ilang sangay ng gubyerno o mga kainin o grocery. [Picture above from this site].
Pero ngayon, doble ingat dapat. Kasi mas dadami ang mga taong nasa labas at ma-e-expose sa karamihan. Kaya mas malaki ang chance na magka-hawaan (wag naman sana). Kaya kung di ka naman kelangan lumabas, stay home ka na lang uli. Wag ka mamasyal sa mall o kung saan man.
Maliwanag ha.
Ang GCQ Ay Hindi Magic
Hindi ibig sabihin wala nang virus. Komo modified ECQ o kaya GCQ na, nawala nang bigla yung virus. Hindi ganon. Ano yun, magic? Pinayagan lang ng government maka-labas ang ilang tao para gumana ulit economy natin at maging available na ulit ang mga importanteng establishments. Yun lang yon. Hindi ito panahon ng galaan o istambayan ulit sa kalye o mag-mall.
Minsan me nakita akong picture ng mga tao, andami nila sa mall, para bumili ng milk tea ata yon. Yung iba para bumili ng donut. Mabubuhay ka ng walang milk tea at donut. OK lang kung bibili ka ng gamot o grocery items. Pero milk tea? Gumawa ka nalang sa bahay nyo. Mas healthy pa.
Pano Gumawa ng Milk Tea sa Bahay
Meron kang tea bag? Kahit anong klase o brand. Ibabad mo sa kumulong tubig for 3 minutes. Lagay mo yung tubig sa baso at lagyan ng gatas at asukal (mas maganda brown). Lagyan ng malamig na tubig at yelo. Alugin. Ayun! Me milk tea kana. Kitam? Gusto mo lagyan mo ng mga prutas--saging, apple, avocado, sinigwelas o caimito. Try mo caimito, kaka-iba yon. Pag di mo trip lasa, tapos mo.
Pano Gumawa ng Donut sa Bahay
Kung me pandesal ka o tasty? Bili ka lang dyan sa kanto (dapat me quarantine pass ka ha). Butasan mo sa gitna. Pahiran mo ng honey, butter na me asukal o peanut butter. O kaya strawberry jam. Kahit anung meron ka dyan. Pwede nang donut yan, kesa magka-Covid pag lumabas ka. Para donut lang magkaka-Covid ka pa. Di ba kalokohan? O kaya Sky Flakes or Fita tapos toppings mo sardinas o Century Tuna. Mas masarap kaya sa pizza yan.
Mamasyal Online
You don't really need to go out to roam around. Nood ka lang ng videos sa FB or Youtube. Sure ko madaming die-hard na mag se-selfie sa malls at parke pag GCQ or vi-video ang pagliliwaliw nila. Panoorin mo nalang, safe ka pa, imbis na lalabas ka at expose mo pa sarili mo sa Covid. Ako nga panay ang pasyal nitong lockdown. Nanood lang ako ng past trips ko sa Youtube or yung Youtube ng iba. Or yung Biyahe ni Drew or yung PINASarap ni Cara David. OK na yon!
Wag ng mag-inarte. Para wag ma-karne-norte. Anu yung karne-norte? Di ba me isang joke na ang tawag nung isang lalaki sa Covid 19, "Corn Beef 19"? E di karne-norte. Gets mo?
Seriously, mas deliakdo lumabas ngayon dahil mas madaming tao ang makaka-halubilo mo sa daan. Mas mahirap mag social distancing, lalo na karamihan ng mga nagliliwaliw at pasaway mga hindi nag-o-observe ng social distancing at magagalit pa pag pinansin mo. Ayaw din mag mask. Just imagine sila mga kasama mo. Kaya stay home ka nalang.
Tutal yan daw ang new normal--stay home. Pag "new normal" yan na ang kalakaran mula ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!