Monday, May 18, 2020

Papapasukin Ba Natin Mga Anak Natin?


Madaming magulang ngayon ang undecided. Gusto nila pag-aralin mga anak nila pero pano yan, me Covid 19? Nakakatakot, di ba? Di sila maka-decide. At ayaw muna nilang enroll mga anak nila tutal August pa naman ang target month. Pagiisipan muna nila mabuti. At yan ang tamang gawin. Isip-isip tayo.

Photo by Mic Oller from Pexels.

Pero ano nga ba? Pag-aaralin ba natin mga anak natin? 

Sabi naman ng karamihan, OK lang mag start ang classes pag me approved nang vaccine o gamot. Para safe nga naman mga bata. Pero kelan ba yang vaccine na yan? Puro lang sila sabi na ginagawa na at malapit nang magawa. OK, pero kelan nga? Hindi pwedeng puro istorya lang. Hindi ka mapapagaling sa Covid ng istorya lang. At sino unang susubok nyan? Mga anak natin? Safe ba yang vaccine na yan?

Sana pag-isipan din ito ng mga kinauukulan. Pag pinapasok nila sa school mga bata at nagka Covid sila, ano ba magagawa ng mga kinauukulan? Wala---basta iiyakan lang nila at sasabihang "hero" daw. Siguro sasagutin ang pang cremate. Yun lang. Hindi yan ang assurance na kelangan ng mga parents. We need to be assured that our kids will be safe at school.

Home Schooling

OK, meron daw home schooling. Alam nyo ba to? Boto ako dito. Hindi na kelangan lumabas mga bata para mag school. Sa bahay nalang--if they have internet connection and PC or smartphones. Kaya dapat me ka-akibat na pa-utang yan para makabili ng PC at magka-internet connection yung mga wala pa. At pa-bayaran sa kanila ng hulugan. Sino magpapa-utang? Yung schools na siguro or government. Sila na rin sisingil. Sana pwede through SSS loan. Something like that.

Maganda ang online schooling. Meron din classroom yan, recitation, quiz, long test at periodical exams. at lahat yan sa bahay lang. Pwede ding me "field trip" at projects. At siguro konting programs. Lahat online. O di ba safe? Mababantayan pa mismo ng mga magulang.

Kaya boto ako dito. 

At malamang, mas mura ang matrikula, kasi bawas na ang gastos sa field trip. Tapos pwedeng babaan na ang singil sa iba---tulad ng graduation fee at miscellaneous (sa mga private schools).  Bawaas din sa gastos sa school bus or pamasahe. Bawas din sa baon. Ang dagdag bayarin lang e yung kunsumo ng kuryente sa bahay. Konti lang naman--internet lang, PC, ilaw at electric fan. 

The Big One

E di ba takot din tayo sa sinasabing "The Big One"? Yung sinasabi ng mga experto na malakas at malawakang LINDOL daw na pwede o baka tumama sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas. "Daw" palang ha, hindi pa sure ito. Baka lang "daw" mangyari dahil sa indications ng mga "faults" sa ilalim ng lupa. 

(Wag nawa mangyari, sa awa ni Lord), pero kung sakaling magka-gayon nga, at least nasa bahay mga anak natin, kasama natin. Nakakatakot kasi yung andun sila sa school building o nasa kalye naglalakad pag biglang tumama yung Big One. Pero pag-dasal natin na wag na. Pwede namang ipaki-usap ke Lord yan.

Training Online

At mas maganda kasi maging bihasa na ang mga bata sa internet at online. Kasi sa trend na dinulot ng Covid, mas kelangan ng mga companies ang mga empleyadong sanay sa internet at PC. Magiging laganap na ang online jobs at businesses. Baka mawala na sa sirkulasyon ang mga traditional jobs na papasok ka pa at ma-tra-traffic. Mas magha-hire sila ng mga taong internet literate o yung bihasa na sa computer at internet.

Kaya OK na OK ang online schooling for elementary, high school at college. Bukod sa safe na, mas advantage pa para sa mga anak natin.Yun nga lang, kelangan natin mag-invest ng internet connection at magandang computer. Kung 3 anak mo, tatlong computers or laptop bibilin mo. Medyo mabigat. Kaya nga sana me credit plan ang schools para dito, or ang gubyerno. 

Anyway, magandang investment ito. Hindi lang ito basta gastos--ito ay investment. Mag invest tayo para sa future ng mga bata. Tutal, and computer o laptop, pag maingat na gagamitin, pwedeng mag-tagal ng 3 o 5 taon. Ito ngang PC ko 10 years na OK pa rin. Me mga sakit na sya pero OK pa naman. Magandang investment, di ba? Madami na akong kinita dito sa 10 years, hehe.

Kaya pag-handaan nyo na ang online schooling ng mga anak nyo habang August pa ang pasukan (me sabi-sabi January daw). Oo nga pala, ang Ok na internet connection ay Converge. Ililipat ko itong sakin sa Converge kasi sabi ng kapitbahay ko OK daw. Wala masyadong sakit ng ulo di tulad ng iba. Puro sakit ng ulo binibigay sakin. Super BAGAL pa.

So, excited na ba kayo? I'm sure excited mga anak natin sa online home schooling, mga ka-ocho!

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!