Medyo ginabi si Pareng Babes sa pamamasada ng tricycle. Kelangan kasing maka ipon ng pera pang-uwi sa probinsya nitong Undas. Ilang araw nalang kasi pyesta na ng mga patay. Sa Save More sa Project 8, me sumakay pa sa kanyang mag-ina bandang 11:45 ng gabi at bumaba malapit na sa Baesa. Tapos, nag-decide syang umuwi na. Mag-hahating gabi na din at malamig ang hangin. Parang nakakapanayo ng balahibo. Di nya alam kung bakit. Sabi kasi ng iba, baka namamasyal na daw ang mga kaluluwa.
Photo by Kolya Korzh on Unsplash.
Pag daan nya sa isang kanto, me babaeng pumara sa kanya. Isasakay ba nya ito? E alas dose na?
"San ka miss?" tanong nya.
"Mendez," sabi lang nito. Di ma-aninag ni Babes ang mukha ng babae sa dilim (mahina ang ilaw sa poste) pero mahaba ang buhok at naka-uniform na puti. "Nars siguro," anya sa sarili. "Sige, last trip na to," ika sa sarili, at sinakay ang babae. Pansin lang nya na hindi gumalaw ang trike sa pagsakay ng babae. Parang wala itong bigat. Karaniwan kasi, gagalaw ang trike pag me sumasakay, di ba? Anyway...
"Siguro payat sya o balingkinitan. Sexing payat? Di ko masyado nakita, nasa dilim kasi sya kanina," sabi nya pa sa sarili. Pilit nyang nilalagyan ng logic ang na-observe nya kasi parang iba na pakiramdam nya. Para ba syang nangingilabot sa hilakbot. Alam mo yun, yung feeling mo pagdadaan ka sa isang lugar tas sabi nila me White Lady daw dun. Medyo ganon.
Nandilat sya bigla nung naisip nya ang White Lady. Teka, ika nya. Teka, di ba naka-puti itong babae? At naka-kubli ang mukha sa dilim? Di kaya?...
Pero di na nya tinuloy ang pinatutunguhan ng utak nya. Wag ganon. Binilisan na lang nya ang takbo ng tricycle para mai-hatid na ang babae at matapos na ang lahat na ito. Ilang minuto pa, at las, nadinig na rin nya ang inaaasam na para. "Farah!" sabi ng babae na medyo pa-sosyal pa ang dating. Huminto si Pareng Babes. "Ba't ka huminto?" Ani ng babae. Nagtaka si Babes. "Sabi mo para, diba?" sagot nya.
"Ibig kong sabihin, Farah ang pangalan ko," sagot naman ng babae. "Anu pangalan mo?" tanong ng babae. Napa-kamot ng ulo si Pareng Babes. Ano to? Parang kursunada pa sya ng chicks na to. Tantya nya, medyo maganda siguro ang katawan nito, sexy. Di ba karamihan ng mga nars ganon? Siguro maganda din ang mukha. Jackpot! Napa-ngisi sya. "Kaya nga ayoko masyadong nagpapa-gwapo eh!" naisip ni Babes, bumilib sa sarili.
"Jas kol me Babes, mam!" sabay pa-andar uli ng trike nya na ala-Coco Martin. "Ayos ito," wika nya sa sarili.
Makaraan pa ang ilang sandali, pumara na talaga ang babae. "Dyan nalang ako sa pag-lagpas ng tulay," anya. Itinigil ni Babes ang trike at naghintay na bumaba ang babae at magbayad. Medyo inayos-ayos pa nya ang buhok para mas OK sya pagharap ng babae. Mas pogi. "Iba talaga pag tipong habulin ka ng chicks," sabi nya sa sarili. "Kahit effortless palong-palo pa rin ang mga babae!" Pag-nagkataon, nars ang madadali nyang GF! Professional! Maaahon na sya sa kahirapan!
Pero teka, ba't antagal ata?
"Miss?" tanong nya. Siguro nagme-makeup pa o nagre-retouch, hehe. "Miss?" tanong nya uli. "Me prublema ba?"
Walang sagot.
Biglang naka-amoy sya ng simoy ng bulaklak. Na-ngiti sya lalo. "Umm, nagpapabango pa! Hehe! Para siguro talagang maakit ako sa kanya!" naisip nya. "Eh miss," sabi nya, "di mo na kelangan magpa-ganda o magpa-bango! Type naman din kita maging sino ka man!" Parang kanta pa ni Rey Valera.
"Walang sagot.
Napa-yuko tuloy si Pareng Babes para silipin ang babae sa sidecar nya. Walang tao...
Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy.
O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!