"E di para mabilis lumaki mga sisiw mo!" sagot ni Derek.
"Pampa bilis bang lumaki ang booster?" taka naman ni Pareng Babes. "Ibig sabihin ang booster na pang Covid ay para mabilis lumaki ang Covid? Parang nakakatakot ata yan!" Tinignan sya ng mga Ocho Boys sa tricykelan kung nagjo-joke ba sya o serious. Muka syang serious. Napatingin si Badong sa kanya ng matalas. "Siryusu ka Dung?" ani Badong.
"Bakit? Di nga. Kung ang booster ay pampa-bilis lumaki ng Covid, bat pako magpapa-booster?" tinimbang ni Pareng Babes. "Nag two doses nga ako ng bakuna para ma-proteksyunan, tas papa-booster ako para lumaki ang Covid?"
"Siryusu ka nga," ika ni Badong. "Anbili-babel!"
"Teka, iba naman yung booster para sa sisiw!" sabat bigla ni Victor the taho vendor. Natatawa sya. "Para yun sa mga sisiw na nagka-Covid!" paliwanag nya. "Anu ba kayo!"
"Kita mo na, Pareng Babes!" balik ni Badong. "Sabat ka ng sabat e para sa sisiw na na-Covid pala yun! E anu naman ang simtomas ng Covid pag sa sisiw?"
Pumormang genius si Victor sa pagkaka-upo. "Syempre, namamalat, masakit ulo, lagnat, sipon, ubo at panghihina. Kaya nga dapat naka-mask para wag magka-Covid."
"Mask para sa sisiw?" usisa ni Badong.
"Mask para sa inahen. Sa nanay. Sino mag-aalaga sa sisiw pag nagka-Covid ang nanay? Kaya habang inaasikaso ng nanay ang sisiw, naka mask siya," paliwanag ng taho vendor.
"Me mga saltik talaga kayo no!" sabing asar ni Totoy Golem. "Anung sisiw at inahen pinagsasabi mo, Victor? Booster sa speaker ng computer ko sinasabi ko para OK panonood ko ng Netflix! Isa ka pa, Pareng Babes!"
"Si Derek nagsimula nito no!" protesta ni Pareng Babes. "Siya nagsabing booster ng sisiw ang topic nyo!"
"Teka, asan na si Derek?" hanap ni Totoy Golem, halatang ready na itong batukan si Derek.
Pero buti nalang dumating si Prof Pekwa, galing sa pagjo-jogging. Inalam nya kung anu pinag-hihimutok ng buchi ni Totoy Golem. Nung nalaman nya, nagpaliwanag sya:
PROF: "Ang Covid booster pang alalay yan sa 2 doses na na-una. Kasi ayon sa ibang pag-aaral, mga 6 months lang, humigit-kumulang, ang epekto ng vaccines. Kaya baka (baka lang naman daw) kelangan ng booster pang alalay, lalo na sa Omicron. Pero kung ayaw mo, edi pag-isipan mo muna. Mag-research ka pa ng ibang latest news about boosters. Maliwanag?"
PROF: "Ang Covid booster pang alalay yan sa 2 doses na na-una. Kasi ayon sa ibang pag-aaral, mga 6 months lang, humigit-kumulang, ang epekto ng vaccines. Kaya baka (baka lang naman daw) kelangan ng booster pang alalay, lalo na sa Omicron. Pero kung ayaw mo, edi pag-isipan mo muna. Mag-research ka pa ng ibang latest news about boosters. Maliwanag?"
Isa-isa silang pumunta sa karenderia ni Ate Lori. "Nakakagutom yung paliwanag mo, prof," sabi ni Badong.
Baka interested ka malaman kung ano ang cryptocurrency at pano kumita dito,
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!