Wednesday, March 16, 2022

Port Eye Daw ni Rald


Mysteryosong Bakasyon 3


"Port eye?" ulit ni Derek. "Baka terd eye ibig mong sabihin," pag-tama nya. "Nakakakita ka pala ng di namin nakikita! Meron kang sick sense!" excited nyang bulalas. Kumunot ang noo ni Golem. First time nya narining yung sick sense. "Me sakit ka sa mata, Rald?" tanong nya ke Gerald d Dyaryo Bote.

"Basta ang tawag nila sa probinsya namin, port eye. Kasi yung terd eye daw yung mata sa likod. Alam mo nangyayari sa likod mo kahit di mo tinitignan," paliwanag ni Gerald. "Yung port eye yung nakakakita ka ng mga kaluluwa at multo," dagdag nya. "Sa paglilibot ko sa Ocho dahil sa pangangalakal ko, sari-sari nakikita kong kababalaghan!" 

Nagitla ang mga Ocho boys. "Yung pip eye naman yung me malaking tigyawat ka sa noo!" biro ni Mr. Bean. Walang natawa. Ang focus ng lahat ay sa kababalaghang nangyari.

"Ibig sabihin, multo ang pumasok sa bakuran namin at tinulak ako?" tanong ni Lola Oyang. 

"Siguro. Di ko tyak kasi duda ako," sagot ni Gerald.

"Ba't ka duda?" halos sabay-sabay na tanong ng mga Ocho Boys.

"Kelangan bang manulak ng multo?" puna ni Gerald.

"Di ba pwede ring manulak o manakit ng mga multo?" sabi ni Badong. Biglang sabat naman ni Sabas. "Hindi pwede yun. Madaya pag ganon. Scam!" 


Natapos ang usapan nila sa pagyaya ni Derek na mag-kape muna sila sa karenderia ni Aling Lori. Sabay bili na rin nila ng biskocho na galing pa daw Laguna, ika ni Aling Lori. "Isa pang masarap sa Laguna yung ubeng halaya. Masarap din sa kape yun! Ngayong summer paparoon kami ni Boyet doon at bibili ng mga kakanin. Bumili kayo sakin ha!" 

"Pero teka, mabalik ako dun sa bahay na puti, dun sa me nakitang itim na tao daw itong si Gerald. Palagay nyo multo talaga yun?" tanong ni Mr. Bean. "Nilibot natin ang lugar at sumilip tayo sa mga bintana ng bahay pero wala tayong nakitang tao. Baka nga mumu yun!" conclusion nya.

"E dito sa karenderia ni Aling Lori, me nakikita ka ba?" tanong naman ni Pareng Babes ke Gerald d Dyaryo Bote. "Tumingin-tingin naman si Gerald sa palibot. "O..o...wag mong sabihing me multo din dito sa karenderia ko!" babala ni Aling Lori. "Baka masira ang negosyo ko!" Natawa si Mang Boyet.




Kinagabihan, maalinsangan ang panahon kahit alas onse na ng gabi, at habang nagbabantay si Sikyong Pedro sa gate ng subdivision, merong tatlong aninong papalapit sa kanyan. Marahan silang lumakad, waring nagiingat na di sila makagawa ng masyadong ingay. "Ready na kayo?" bulong ni Sikyong Pedro sa kanila. "Op kors," sabi ng tatlo. "Sige, dito ka muna Pareng Babes, bantay sa gate," bulong uli ni Sikyong Pedro. "Sure!" sagot naman ni Babes habang umiinom ng ice-cold bottled water para ma-ibsan ang init ng summer night.

Tumuloy na si Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas (ang tatlong anino) papunta sa puting bahay at umupo sa gutter ng kalye sa tapat nito. Magmamatyag sila at titignan kung me mga kahina-hinalang galaw sa loob ng puting bahay--mysteryo man o kababalaghan o KABALBALAN. Medyo duda kasi sila na me multo talaga sa bahay na yon--at duda din sila sa "port eye" ni Gerald.

Pero bigla nalang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Kinilabutan sila sa biglang pag-palit ng temperatura, at tila me dalang kung-ano yon mula sa kabilang daigdig.



MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Monday, March 7, 2022

Mysteryosong Bakasyon 2


"Saan ba prubinsya nyo?" tanong ni Prof.

Kanina kasi, habang nag-uusapan ang Ocho Boys about bakasyon kila Totoy Golem (habang kumakain sa karenderia ni Aling Lori) na-daan si Prof. Sinabihan nila agad si Prof tungkol sa bakasyon grande nilang 3 days-2 nights at interesado naman ito. Sumagot si Totoy Golem ke Prof. "Sa La Union, sir! Sa dulo ng San Grabiel sir!" proud na proud na sinabi ni Golem. 

"Sure ka?"

"O naman Prof!" sagot ni Golem.

"Kasi nung isang summer sabi mo sakin sa Dagupan probinsya mo. Tapos nung isang summer ulit sabi mo sa Catanduanes kayo. Tapos me isang summer sabi mo sa Romblon."

Kamot ng ulo si Golem. "Madami po akong probinsya, Prof. Hehehe!" Agad iniba ni Golem ang usapan. Sabi niya: "Teka, kain ka muna Prof! Upo ka dito!" Nagbigay daan ang mga Ocho Boys para maka-pwesto si Prof ng kumportable. Hinainan ni Aling Lori ng kalderetang baka, menudo at tortang talong--mga favorites ni Prof. Syempre, me libreng mainit na sabaw--na "pinag-kuluuan ng medyas ni Mang Boyet" (asawa ni aling Lori) "at nilagyan lang ng paminta, sibuyas at ilang dahon ng malunggay," biro ni Pareng Babes.

Humigop si Prof ng sabaw at nilingon si Mang Boyet. "OK medyas mo ha!" 



"Healthy po yan, me malunggay," sagot ni Mang Boyet na waring siryoso sa binabasa nyang tabloid. Walang lingon-lingon. Natawa lang si Aling Lori. "So, final na ang March 11, sa Biyernes?" tanong ni Aling Lori habang nagpupunas ng ibang lamesa na wala ng customer. "Me sasakyan na ba?" Napa-tigil lahat ng Ocho Boys at nagka-tinginan sila. Di pa pala nila natalakay yun. "Haay nako! Pano kayo makakarating sa La Union nang walang sasakyan?" sabi ni Prof sabay tapal sa noo nya. 

"Gerald, alam ko wala kang pamasahe kaya magsimula ka ng maglakad!" biro ni Dagul. 

Biglang umalis si Gerald d Dyaryo-Bote at tumakbo. Nagulat silang lahat. Di yata't napikon si Gerald at nilayasan sila. "O, matampuhin pala yang si Gerald?" sambit ni Pareng Babes. "Di na mabiro. Biglang naging ma-drama!" Kinantyawan nila si Gerald kahit wala na ito doon. "Kung kelan naman tumanda dun pa naging maramdamin!"

Walang anu-ano, biglang me sumigaw sa di kalayuan. Tinig ito ng isang babae sa bahay na puti dun sa tabi ng malaking fire tree. Mga 50 meters ang layo nito sa karenderia kung saan nagpapahinga at nagkwe-kwentuhan ang mga Ocho Boys kasama si Prof. Saglit na natulala silang lahat, pero inutusan sila ni Prof. "Tignan nyo nga kung ano yun!" Agad namang pumunta sila Totoy Golem at Dagul, dalawang malalaki ang katawan, nasa likod nila ang ibang Ocho Boys. Kung baga, silang dalawa ang frontliners pag me gulo sa lugar nila.

Pag-silip nila sa medyo naka-uwang na gate ng puting bahay, nakita nila si Gerald d Dyaryo-Bote. Inaalalayan nito ang isang matandang babae na nakaratay sa baldosa ng garahe. "Ano yan Rald?"tanong ni Golem. "Nawalan ng malay si manang!" sagot ni Gerald. Pumasok ang mga Ocho Boys sa garahe at tumulong, ang iba ay pinaypayan si lola. "Kumuha kayo ng tubig!" sabi naman ni Pareng Babes. Me kumuha nito sa karenderia at pinainom si lola nang magka-malay na. 

"Ano ba nangyari, Rald?" Tanong uli ni Golem.

Si lola ang sumagot. "Me nakita akong lalaki! Hindi, hindi lalaki....pero teka...oo lalaki ata!" medyo magulo ang description ni lola. "Sino po ba kayo, lola? Parang ngayon ka lang namin nakita sa lugar namin," sabi ni Badong. "Ako si Oyang, pinsan ng may-ari nitong bahay. Pinababantayan ito sakin habang nasa States ang pinsan kong may-ari. Kahapon lang ako nagsimulang magbantay dito."

"Oo nga. Bakante nga itong bahay na to, matagal-tagal na rin," puna ni Mr. Bean. "E, sino po ba yung lalaking nakita nyo? Magnanakaw ba?" tanong ni Mr. Bean. Umiling-iling ang matanda. "Muka syang lalaki, pero hindi naman. Pero mukang lalaki," anang lola. "Ah, tomboy!" sigaw bigla ni Badong, na parang nanalo sya sa lotto. "Baka bading!" sabat din ni Mr. Bean. Napa-simangot ang matanda sa kanila. "Ibig kong sabihin, muka syang tao---lalaki---pero parang iba at puro itim lang ang nasa mata nya!" Kitang-kita ang hilakbot sa mukha ni lola. 

"Kaya ka ba biglang napa-takbo kanina, Gerald?" tanong ni Golem. 

Tumango-tango ito.

"Kala namin nagtampo ka na e," sabi ni Dagul. "Kala namin nag-bes actor ka na!"

"Pang Pamas," singit ni Derek, isa sa mga Ocho Boys na tricycle driver din.

"Ako pa! I hate drama, no!" english ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Nakita ko kasing me itim na aninong sumlpot mula dyan sa malaking puno na yan at pumasok dito sa gate ni lola. Kaka-ibang tao sya kaya bigla akong tumakbo papunta dito, lalo na nung me nadinig na akong sumigaw. Baka kako me masamang ginawa ang nilalang na yon! Ayun nga, pagdating ko dito, nakita ko nahimatay na si lola!"

"Teka," urirat ni Golem, "nakita mo yung itim na aninong kakaiba? E nakatingin din kami sa gawi dito pero wala man lang---ni-isa---sa amin ang nakakita din nito? WHY, Gerald? WHY? Why are you see it?"

Parang ayaw sumagot ni Gerald, halata nya kasing wrong grammar si Golem. Ayaw din nyang sumagot sana kasi baka hindi sya maintindihan pero nakita nyang nakatitig lahat sa kanya, pati na si lola Oyang. Kaya sumagot na sya...."may port eye ako..."


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

Mysteryosong Bakasyon


Summer na--March 08 to be exact. Me pasok pa mga schools pero tyak ko summer vacation na ang laman ng utak ng mga estudyante. Parang mali ang scheduling at dapat mag-adjust ang mga schools. Iba pa rin pag kalahati or three-fourths ng March summer vacation na. 

Photo by Anthony Young on Unsplash.

Anyway, nag-usap-usap ang mga Ocho boys sa tricykelan. Una tungkol sa Russia at "Ukren," ika ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Grabe topak ni Puteng!" giit nya, at muntik pang mapa-mura. Buti na-awat agad ni Badong. "O-o-o!!! Pwera mura! Magmamahal na Araw na!" At tapos na-uwi sa Level 1 ng Covid ang usapan, tapos sa eleksyon. Syempre debate yan, Pink versus Red. Nagka-initan ng konti, kasi din summer na, kaya mainit. At tapos nabanggit ni Totoy Golem ang nayon nila. 

"Sa probinsya namin, presko ang hangin kahit tag-init! Tabing bundok kasi at me palayan at kakahuyan. Me malinis na ilog pa nga!" ika nya. "Kubo-kubo lang mga bahay kaya maaliwalas!"

"E di tara nang magbakasyon dun!" suggestion ni Dagul. "Tignan natin kung totoo mga sinasabi mo!"

"O nga! Baka puro drawing lang yan!" hamon din ni Pareng Babes na nanunubok ang tingin.




E di ayun na. Nag-diskusyon na tungkol sa bakasyon. Mahabang talakayan. Ba't nga raw ba hindi sila magbakasyon? Di pa nila nagagawang sama-samang mag-bakasyon. Di lang outing-outing. BAKASYON TALAGA! "Siguro mga 3 days, 2 nights, Di ba?" ganadong wika ni Gerald d Dyaryo-Bote. Kinontra naman ni Totoy Golem. "Three days 2 nights ka dyan, kala mo naman me pera ka!" pang-mamata nya. "Aba! Wag mo kong subukan!" palag naman ni Gerald d Dyaryo-Bote. "Wag mo kong subukan baka ilabas ko bank istetmen ko!"

"O wag kayo mag-away!" awat ni Sikyong Pedro. "Mahal na Araw na! Magmahalan at magpatawaran!"

"O, inom nga muna kayo!" sabi ko habang hinagisan ko sila isa-isa ng bottled water na binili ko sa malapit na grocery store. Dose lang naman ang isa, mura lang. Ako nga pala si Jaden Mero, ang me akda nitong blog na ito. "Wala bang gin?" pabirong tanong ni Dagul. "Gin? Anu pulutan?" tanong ko naman. "Nilagang okra," sabi ni Badong. "Sige, balang araw darating tayo dyan," sagot ko naman.

Pero nagpatuloy ang usapan sa bakasyon. Siryoso ang Ocho Boys. Kita mo sa mga mukha nila habang nagdi-discuss na seryoso sila. At type nila pumunta sa nayon nila Totoy Golem. Mamimingwit daw sila ng dalag at hito sa ilog, huhuli ng palaka sa bukid at magha-hunting ng baboy ramo sa bundok--at marami pang iba. "Pero mga parekoy, me mga kwentong kababalaghan dun ha. Warning-an ko na kayo," saad ni Golem na parang nanakot. "Me mga nagpapakita dun!"

Lalo namang nagustuhan ng Ocho Boys yon. Adventure! Nagkaisa lahat! Unanimous vote! "Edi landslide vote na yan!" Sigaw ni Pareng Babes. "Parang BBM!" Kumontra agad si Mr. Bean. "Hindi! Parang Leni!" Di rin papahuli itong si Sikyong Pedro. "Hindi ah! Parang Ping!" Pinatigil ko sila. "Teka! Kelan nyo ba gusto lumakad?" tanong ko. 

"Bukas!" sabay-sabay sila.

"Teka," awat ko. "Di pa alam ni Prof! Kelangan kasama si Prof. Magtatampo yun!" 

After a lot of discussions, napagka-sunduan ng grupo na March 11 na ang alis. Para daw maka-ipon pa ng pera na pang grocery at pang-palengke doon. Kantyaw naman ng iba. "Pamalengke? Kala namin magha-hunting at mamimingwit lang tayo?" tanong nila. "Yun pala mag-gro-grocery lang!" Tawanan at tuksuhan. "Mga susyal kayo! Rich kasi kayo!"

Nangisi si Gerald d Dyaryo-Bote. "Inggit lang kayo! Wala kayong bank estetmen!"



MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.