Wednesday, March 16, 2022

Port Eye Daw ni Rald


Mysteryosong Bakasyon 3


"Port eye?" ulit ni Derek. "Baka terd eye ibig mong sabihin," pag-tama nya. "Nakakakita ka pala ng di namin nakikita! Meron kang sick sense!" excited nyang bulalas. Kumunot ang noo ni Golem. First time nya narining yung sick sense. "Me sakit ka sa mata, Rald?" tanong nya ke Gerald d Dyaryo Bote.

"Basta ang tawag nila sa probinsya namin, port eye. Kasi yung terd eye daw yung mata sa likod. Alam mo nangyayari sa likod mo kahit di mo tinitignan," paliwanag ni Gerald. "Yung port eye yung nakakakita ka ng mga kaluluwa at multo," dagdag nya. "Sa paglilibot ko sa Ocho dahil sa pangangalakal ko, sari-sari nakikita kong kababalaghan!" 

Nagitla ang mga Ocho boys. "Yung pip eye naman yung me malaking tigyawat ka sa noo!" biro ni Mr. Bean. Walang natawa. Ang focus ng lahat ay sa kababalaghang nangyari.

"Ibig sabihin, multo ang pumasok sa bakuran namin at tinulak ako?" tanong ni Lola Oyang. 

"Siguro. Di ko tyak kasi duda ako," sagot ni Gerald.

"Ba't ka duda?" halos sabay-sabay na tanong ng mga Ocho Boys.

"Kelangan bang manulak ng multo?" puna ni Gerald.

"Di ba pwede ring manulak o manakit ng mga multo?" sabi ni Badong. Biglang sabat naman ni Sabas. "Hindi pwede yun. Madaya pag ganon. Scam!" 


Natapos ang usapan nila sa pagyaya ni Derek na mag-kape muna sila sa karenderia ni Aling Lori. Sabay bili na rin nila ng biskocho na galing pa daw Laguna, ika ni Aling Lori. "Isa pang masarap sa Laguna yung ubeng halaya. Masarap din sa kape yun! Ngayong summer paparoon kami ni Boyet doon at bibili ng mga kakanin. Bumili kayo sakin ha!" 

"Pero teka, mabalik ako dun sa bahay na puti, dun sa me nakitang itim na tao daw itong si Gerald. Palagay nyo multo talaga yun?" tanong ni Mr. Bean. "Nilibot natin ang lugar at sumilip tayo sa mga bintana ng bahay pero wala tayong nakitang tao. Baka nga mumu yun!" conclusion nya.

"E dito sa karenderia ni Aling Lori, me nakikita ka ba?" tanong naman ni Pareng Babes ke Gerald d Dyaryo Bote. "Tumingin-tingin naman si Gerald sa palibot. "O..o...wag mong sabihing me multo din dito sa karenderia ko!" babala ni Aling Lori. "Baka masira ang negosyo ko!" Natawa si Mang Boyet.




Kinagabihan, maalinsangan ang panahon kahit alas onse na ng gabi, at habang nagbabantay si Sikyong Pedro sa gate ng subdivision, merong tatlong aninong papalapit sa kanyan. Marahan silang lumakad, waring nagiingat na di sila makagawa ng masyadong ingay. "Ready na kayo?" bulong ni Sikyong Pedro sa kanila. "Op kors," sabi ng tatlo. "Sige, dito ka muna Pareng Babes, bantay sa gate," bulong uli ni Sikyong Pedro. "Sure!" sagot naman ni Babes habang umiinom ng ice-cold bottled water para ma-ibsan ang init ng summer night.

Tumuloy na si Sikyong Pedro, Golem, Dagul at Sabas (ang tatlong anino) papunta sa puting bahay at umupo sa gutter ng kalye sa tapat nito. Magmamatyag sila at titignan kung me mga kahina-hinalang galaw sa loob ng puting bahay--mysteryo man o kababalaghan o KABALBALAN. Medyo duda kasi sila na me multo talaga sa bahay na yon--at duda din sila sa "port eye" ni Gerald.

Pero bigla nalang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Kinilabutan sila sa biglang pag-palit ng temperatura, at tila me dalang kung-ano yon mula sa kabilang daigdig.



MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy. At andyan din si Aling Lori na me karenderia, asawa nyang si Mang Boyet, at si Aling Lydia na me sari-sari store banda roon.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!