Friday, October 28, 2016

Baka Sila ang Dumalaw Sayo



Ang talagang dahilan daw sa pagpunta nila Mr. Bean, Pareng Babes at Prof sa sementeryo pag Undas ay yung kasabihang, "Pag di mo sila dinalaw sa Undas, baka sila and dumalaw sayo." Syempre, tungkol ito sa mga kaluluwa ng mga yumao.

E, takot sila sa multo, kaya sila na ang dumadalaw sa sementeryo.

Kaya October 29 or 30 palang, naglilinis na sila ng puntod ng mga lolo't lola at tatay at nanay ni Prof. Si Mr. Bean at Pareng Babes naman, dahil malayong pinsan nila si Prof, nakiki-todos los santos nalang sa kanya.

Nung Nov. 1, 2016, gabi, dumalaw na sila sa sementeryo. Dyan lang, malapit sa Project 8, QC. Sumakay sila ng Jeep papuntang Tandang Sora, at mula doon, papunta na sa sementeryo. Mahaba na ang pila na mga taong naglalakad sa kalye at traffic na rin. Maya-maya, nakikita na nila ang mga nagtitinda ng kandila at bulaklak---ibig sabihin, malapit na ang gate ng sementeryo.

Masaya sa sementeryo kaya di naman nakakatakot. Mas nakakatakot pa nga sa bahay nila Prof. Me mga ilang lugar lang na madilim---hindi nalagyan ng ilaw ng admin ng libingan---pero yung ibang lugar maliwanag at ma-tao naman. Dami pa ngang nagtitinda ng snacks, softdrinks, squid balls, kikyam at sama-lamig kaya walang tigil ng kaka-kain yung tatlo. Me barbecue at litsong manok pa. At syempre taho at balot.

Pag Todos Los Santos ka lang makaka-kita ng taho sa gabi.

Dami ring nagtitinda ng mga laruang ma-ilaw. Sa lahat ng dako ng sementeryo me mga nagtatawanan at nagke-kwentuhan. Napa-daan pa nga sina Dagul, Totoy Golem, Lowie, Sikyong Pedro at si Sabas---mga Kalog Boys or Otcho Boys. Kwentuhan sila at biruan. Pero sandali lang sila, nagpaalam agad ke Prof dahil pupunta pa daw sila sa Himlayang Pilipino at sisilipin kung andun ako. Ang puntod kasi ng erpat at ermat ko nasa Himlayan.

Nung 11 pm na, umuwi na sila Prof, Mr. Bean at Pareng Babes sa Project 8.

At dun na nangyari ang di inaasahan...........

Nung nasa bahay na sila ni Prof (nag-aya si Prof na dun na mag-hapunan at matulog sila Mr. Bean at Pareng Babes---halatang takot mag-isa noon si Prof), biglang sumabog ang matinding simoy ng tila kapapatay palang na kandila sa gitna nila!

Nagka-tinginan ang tatlo.

"Teka, dumalaw na tayo sa puntod nila, diba?" ika ni Prof. "Ano ito?"

Tinignan nila ang palibot ng bahay ni Prof. At doon na lumitaw ang aninag ng mga anyo ng lolo at lola ni Prof---parang see-through ang dating sa background na manipis na ulap sa gitna ng dilim.

Sigawan ang tatlo na nangangatog pa ang mga tuhod.

"Lolo....lola....di po ba dinalaw ko na kayo sa sementeryo? Ba't pa kayo nagpakita?" ani Prof.

Sumagot ang matatandang multo: "Hindi. Gusto lang naming sabihing hindi ka na namin dadalawin dahil dinalaw mo na kami kanina....salamat ha."

Monday, October 17, 2016

Mga Pulis Trainee sa 7-11



Mga bandang late morning or early afternoon, mapapansin mo silang nag iipon sa 7-11, sa corner ng Road 20 at Short Horn. Mga pulis trainees sila---naka-uniporme ng pulis, me belt, posas at suksukan ng baril, pero walang baril. Under training pa kasi sila.

Meron naman silang senior leader---minsan dalawa, minsan isa lang---na me baril.

Minsang nakatambay ako sa 7-11 at relax na sumisipsip ng four seasons na Del Monte, andun sila, nag-a-assemble. Karamihan sa kanila dumating ng naka riding-in-tendem. Siguro me mga 20 sila. Ang babata at mga magaganda at gwapo (me mga pretty girls palang nagpupulis?). Yung iba pumasok sa loob ng 7-11.


Habang naka-assemble sila dun, eto na, dumating na sila Mr. Bean at si Dagul, naka-riding-in-tandem din sa motor na hiniram nila ke Derek. At ewan ko ba kung bakit kelangang naka takip pa ang mukha nila ng itim na bonnet at naka itim na jacket pa na leather. Hinala ko, hiniram din nila ke Derek ang mga ito. Wala naman silang pambili ng ganung getup.

Syempre, pag-dating nila, napa-tingin yung mga pulis sa kanila. Oo nga naman, kahina-hinala naman talaga ang mga itsura nila.

At eto pa---pagka-park ng motor, pumasok sila sa 7-11 nang hindi hinuhubad ang mga tinted helmets nila---AT PAPUNTA SAKIN!

Sinundan sila ng tingin ng mga pulis trainees. Yung ibang trainees nasa loob ng 7-11 at naka-upo sa mga snack stand. Tapos, eto na nga. Binuksan nila Mr. Bean at Dagul yung mga helmets nila para ipakita ang mga mukha nilang natatakpan ng itim na bonnet. Ang poporma talaga!

At tapos, sabi ni Mr. Bean sakin ng medyo pabulong: "Jad, dadaan daw dito sa Road 20 mga artista, pangungunahan ni Isabel Granada!"

Di ko masyadong nadinig (ang arte kasing magsalita ni Mr. Bean. Pa-sindikato effect pa).

"Ano yun?" tanong ko.

"Makikita natin si Isabel Granada dito sa 7-11, mag shoo-shooting daw!" sabi ni Mr. Bean. "Di ba peborit mo yun?"

Isabel lang ang nadinig ko.

"Isabel?" wika ko. "Sinong Isabel?"

"GRANADA!" sabay na sinigaw ni Mr. Bean at Dagul.

Nag tayu-an ang mga pulis trainees at yung mga nasa labas naman, nag-pasukan. Grinab nila yung dalawa at pinosasan habang naka-abang naman ang iba sa gagawin ko. Syempre, hindi ako kumilos. Ayoko ngang manlaban. Nginiti-an ko lang sila. "Fan po kami ni Isabel Granada, hehe," sabi ko sa pinaka-maamo kong boses.

Sa prisinto na kami nag-paliwanag. Buti, mabait naman yung mga pulis, naintindihan ang istorya namin, at nag apologize kami. "Sa susunod wag kayong sisigaw ng ganun!" sabi ni hepe. "At wag kayong manlalaban!"

Monday, September 5, 2016

Ang Lihim ng Donya Sotera Street



Nasa karinderia ni Aling Lory si Chayong, yung mukhang mayaman na nakatira dun sa townhouse along Assistant Street. Kausap niya si Oreo, yung driver naman sa kabilang townhouse. Naalala tuloy ni Pareng Babes si De Lima at yung driver niya. Puna ni Pareng Babes, me pinaguusapan silang mukang interesting, I mean si Chayong at si Oreo (Goryo ang full name niya).

Nung naka-order na si Pareng Babes ng lunch, umupo siya sa table na malapit sa dalawa. Kunwari absorbed siya sa kinakain niya pero nakikinig siya sa kwentuhan nila. Tinatalasan ni Pareng Babes ang tenga niya sa mga tinig nila. Minsan kasi me maingay na tricycle.

Akala naman ni Pareng Babes tungkol ke Duterte or extrajudicial killings ang pinaguusapan nila or yung bomb explosion ng Abu Sayyaf sa Davao.


Yun pala, naka-baong yaman daw sa isang luma at abandonadong bahay sa me Tandang Sora. Muntik maluwa tuloy ni Pareng Babes yung sinubo niyang kare-kareng pata. Ano ba yan---naka-baong yaman sa lumang bahay. Meron pa bang ganon sa panahon ngayon? ika ni Pareng Babes sa sarili. Ito talagang sila Chayong at Oreo, walang mapag-usapang matino.

"I suppose binabantayan ng white lady or dwende yung yaman na yon," ika uli niya sa sarili, tatawa-tawa.

"E yun daw, pag alas dose ng gabi at napag-labanan mo lahat ng katatakutang mangyayari sayo dun sa old house na yon, me bubukas na secret door at mapapasa-iyo yung yaman sa loob," sabi ni Oreo. Paniwalang-paniwala namn itong uto-utong Chayong. Si Pareng Babes naman, sige lang ang kain ng kare-kareng pata with bagoong, barbecue at ginataang gulay.

Mas masarap pala kumain pag ganitong me nadidinig kang tele-nobela sa tabi mo, naisip ni Pareng Babes. Binanggit ni Oreo ang address ng bahay, and for some reason, tumanim ito sa utak ni Pareng Babes---Villa Noreng, papasok sa Donya Sotera.

Na-kwento niya ito ke Prof later.

Ang bad news, kinagat ito ni Prof. "Pagkakataon na nating yumaman!" ika ni Prof. "Mamyang hating gabi pumaroon tayong tatlo ni Mr. Bean!"

Patay!

Nganga si Pareng Babes. Kahit mukang kalokohan yung kwento, nakakatakot din yun ah! Naalala niya ang mga salita ni Oreo: "...lahat ng katatakutang mangyayari sayo dun sa old house na yon!" Gusto akong isama ni Pareng Babes pero buti nalang nasa city hall pa ako. Later, kinuwento niya sa akin ang lahat.

Kaya 11 ng gabi, lumakad na ang tatlo. Sakay sa otong hiniram nila ke Derek, binaybay nila ang General, ang kahabaan ng Tandang Sora at lumiko sa Donya Sotera, pag lagpas ng Banlat. Dineretso nila ito hanggang inner road at natunton nila ang lumang bahay, "Villa Noreng"---parang panahon pa ito ng kastila. Pinark nila ang oto sa me garahe. Halatang garahe ito ng karwahe o karitela de kabayo noon.

Napaka-dilim ng paligid at pawang mga iyak at tili lang ng mga di nakikitang insekto o hayup sa mga naglalakihang puno sa paligid ang nadidinig nila.

"Ba't ba na-kwento-kwento ko pa ke Prof yung nakatagong yaman dito?" ika ni Pareng Babes sa sarili.

Pumasok sila sa lumang bahay---abandonado na ito kaya malaya silang nakapasok. Akyat sila sa second floor---at doon naghintay ng 12:00. Tinignan ni Mr. Bean ang cellphone niya---15 minutes nalang 12 na.

"What?" sabi ni Pareng Babes, lalong kinakabahan.

"Ssshhh!" awat ni Prof.

Mamyang konti, nadinig nila ang marahan  at malagim na "Dong! Dong! Dong!"

Me lumang orasan pala malapit sa kanila. Aba, eto lang orasan na to e kayamanan na pag binenta nila. Siguro worth P10,000 ito!

Mamaya-maya, ayun na! Nag-labasan na nga ang lahat ng katatakutan! Lahat na yata ng klase ng maligno at multo nagpakita sa kanila. Nagyakapan silang tatlo. Pinaglabanan nila. Siguro mga isang oras din.

Pagka tapos, nung mag-give up na ang mga multo at maligno, nakiramdam sila. Hinitay nila ang pagbukas ng isang secret door.

Ayun nga! Me bumukas na pinto sa dingding! Ang secret door!

Bumuntung-hininga ang tatlo. Di sila maka-paniwala! Yayaman na sila!

Pag bukas ng pinto, me lumabas na multo! Ito yata ang pinaka-boss ng mga multo! Nakaka-takot talaga ang anyo niya. Tinignan sila ng mabuti, sumimangot at nagsalita: "Di kayo natakot! Ang yabang niyo! Tse!"

Tapos, naglaho na ito.

Naghintay sila Prof, Pareng Babes at Mr. Bean. Matagal.........nainip na sila. "Yun lang?" tanong ni Mr. Bean.

Umuwi silang bigo. Luhaan pa nga.

Pero ang yayabang nila. Kesyo napatunayan nilang ang tapang-tapang daw nila at kahit sino ay kaya nilang hamunin sa patapangan! Kahit si Duterte o General Bato! Kahit frustrated, kwentuhan sila ng pagyayabang habang umuuwi. "Wala ang lolo mo sa lolo ko!..." tipong mga ganyan.

Kinabukasan, hinarap ni Pareng Babes si Oreo. Kwinelyuhan. "Walang hiya ka! Niloko mo ako!"

Laking gulat ni Oreo. "A-anong kasalanan ko sayo?"

"Sabi mo me binaong yaman sa lumang bahay sa me Tandang Sora, sa Donya Sotera!" sigaw ni Pareng Babes. "E wala namang yaman doon! Mga halimaw meron pero walang yaman! Baka hindi mo ako nakikilala! Ako ang pinaka-matapang sa Project 8! Siga ako ng Ocho!"

Nagisip si Oreo at saka nagliwanag ang mukha nito. Tapos, natawa!

"Anung tinatawa-tawa no dyan? Napahiya ako sa mga kaibigan ko!" ika ni Pareng Babes.

"Hindi mo ako masyadong nadinig kahapon!" Sabi ni Oreo. "Ang sabi ko, me naka-baong YABANG doon. Pag bukas ng secret door at nandun ka, mapapa-sayo ang YABANG!"

Thursday, September 1, 2016

Pano na ang No-Garage-No-Car Policy Pag Napa-tupad Sa Ocho?



Isang garahe sa kada isang kotse. Pag walang garahe, di pwedeng magka-kotse. Naku, naloko na.

Malaking prublema yan sa Otcho. Madami kasi dito ginawa na nilang garahe ang kalye. Naka-handusay mga sasakyan nila sa kalye, at pang araw-araw na eksena na yan.

Yung iba nga, me tse-kot na nga sa garahe nila, me mga tse-kot pa rin sa kalye. Ka-yayaman! Sana pamigay naman ila yung iba. Hehe.

At yung mga naka-paradang mga pubic jeep dyan-dyan lang sa mga lansangan! Gaya ng kahabaan ng General Avenue. Ay naku! Papano yan pag napatupad na ang no-garage-no-car policy. To-tow daw talaga at pupulutin mo na dun sa Tarlac. Pag binawi mo sa Tarlac, sabay pasyal ka na din sa Isdaan Village, Haduan Park or sa Saipan Beach, hehehe (me beach sa Tarlac?).

Nung naglalaba kami ni Mrs ko sa City Wash isang gabi, nagkita kami ng classsmare ko sa elementary. Under-the-saya rin pala---lalaking tao naglalaba katulad ko. Napagusapan namin ang no-garage-no-car policy. E yung school bus niya daw pina-park niya sa kalye sa me plaza. Di na daw pwede sa garahe nila kasi me isang car din doon.

Sabi ko, buti ka pa ganyan ang prublema mo---kung saan ka magpa-park ng car mo. Ako ang prublema ko parati, saan ako kukuha ng tanghalian at gabihan ko. At mga pambayad ng bills. Tawa siya.

Kaya kung me vacant lot ka dito sa Ocho, ayusin mo na at pa-upahan mo ng parkingan. Kikita ka ng maganda. Sumingil ka ng P1,000 isang kotse isang buwan. O di ba? Kung 10 cars yan e di me P10,000 a month ka nang ganun-ganun lang. Tapos mag-offer ka na din ng carwash---gawin mong kontrata na.

Ewan ko kung tama, pero sa barangay level na daw ipapatupad ito pag na-approve na. Pag ganyan, e baka palakasan lang ke Kap ang mangyayari. Or, baka kumita ng husto ang ilang tanod. Sana naman ipatupad talaga ng walang palakasan.

Kasi, maganda ang resulta kung walang permanenteng parking sa kalye, lalo na sa main thoroughfares, gaya ng Short Horn, General Avenue, Road 20 at Congressional. Gaya nung harap ng San Lorenzo Ruiz College dyan sa me Circle C. Ang daming naka-park sa sasakyan dyan. Ginawa nang parking lot. Pati yung harap ng Our Lady of the Annunciation Parish sa Mindanao Ave near Tandang Sora.

Pwede naman kasing mag-commute na lang going to these places, di ba? Sakay ka ng trike or taxi nalang. Lalo na if nangu-ngupahan ka lang tapos me car ka?

Dito lang samin akala mo me car exhibit araw-araw. Naka-linya mga cars na naka-park sa kalye.

Kami, dalawa  ang garahe namin. So wala kaming prublema.....ay meron pala. Ang prublema namin, wala kaming sasakyan. Buti nalang, walang no-car-no-garage policy, hihihi.

Friday, August 19, 2016

Babala: Killer sa Ocho na Hindi Natin Pansin


Tignan ninyo yung picture sa itaas. Me idea na ba kayo kung sino o ano yung killer sa Ocho na hindi natin pansin?

Andyan siya sa paligid natin, lalo na pag rush hour---7 ng umaga at 5 ng hapon. Pag hindi mo siya binigyan pansin, baka madali ka niya. Deadly siya!

Tinutukoy ko ay traffic.

Grabe na traffic talaga ngayon, kahit dito sa Project 8, QC! Ang traffic hot spots sa Ocho yung sa kahabaan ng Short Horn na minsan umaabot pa sa GSIS Avenue. Dyan din sa kanto ng Short Horn at Road 20 (grabe dyan!). Tapos sa kahabaan ng Short Horn hanggang Mindanao Ave.

Ang nakaka-rindi sa traffic ay yung "stress: na dulot nito. Stress can activate dangerous chemical reactions in the body na pwedeng simulan ng matitinding sakit, gaya ng heart problems, high blood pressure, kidney problems or even cancer.

Biruin mo (although hindi biro ito), stress sa traffic na nagdudulot ng pagtaas ng free radical damage sa katawan (na sanhi ng grabeng sakit), tapos yung air and noise pollution pa! Tapos nagalit ka pa sa driver kasi hindi ka binaba agad. Dagdag stress yun!

Idagdag mo pa yung, pag-baba mo sa kanto ng Road 20 and Short Horn, bibili ka ng ice cream, sundae, o yung mga mamantikang pagkain---o kaya mga junk food.

Patay kang bata ka!

Buti nalang me mga fruit stands din doon. Prutas nalang, mga batang Otcho! Ang prutas mayaman sa antioxidants na pumipigil sa free radical damage. O kaya bumili ka ng MX3 sa The Generics Pharma or sa Mercury (commercial muna hehe).

Pero da bes pa rin yung mag-relax ka lang, cool, at wag magalit o magmadali. Ang pagmamadali ay nagdudulot ng teribleng stress. So relax ka lang. Para wag ma-late, matulog at gumising ng maaga. Pag na-late ka pa rin---e hayaan mo na. Be happy pa rin---kesa magkasakit ka.

Kaya tandaan---me killer na gumagala sa Ocho na hindi natin pansin---stress sa traffic.

Si Manang Yakult

danka08.deviantart.com
Suki ko siya dati nung me tindahan ako sa Otcho. Binabagsakan niya ako ng mga yakult para ibenta---kung baga, yakult pusher si manang.

Kaya tawag ko sa kanya sa isip ko---Manang Yakult.

Napaka-sipag ni manang---siya ata ang pinaka-matagal nang Yakult seller sa Project 8, QC. Sabi niya sakin minsan, sa me San Jose daw siya nakatira---somewhere doon. Bagtasin mo lang ang Road 20 going to AMA at banda roon siya nakatira.

Dati nga medyo bata pa si manang, pero ngayon medyo me idad na. Pero active pa rin sa paninda. Palibhasa na-e-exercise sa kaka-lakad araw-araw tulak-tulak ang Yakult cart niya.

Ang di ko lang alam kung umiinom din  siya ng Yakult to stay healthy. Alam mo na yang mga nagtitinda, minsan sila mismo hindi nakakatikim ng produkto nila.

Parang karpentero---ginagawa nila bahay ng iba pero sila mismo minsan walang sariling bahay. O kaya yung sapatero.

Madalas kong nakikita si manang sa Road 20---dyan sa me Agueda Alley banda. Naghahatid ng Yakult. Pag nakikita niya ako, nag-he-hello pa rin, although matagal na panahon na nung kumukuha ako sa kanya ng Yakult ng bultuhan.

Minsan aabutan pa rin niya ako ng isang pack ng Yakult (5 bote).

Baka kilala nyo rin si Manang Yakult. Paki kumusta nyo na lang ako. Ka-nyo, si Jaden Mero, at na feature siya dito sa Kwentong Otcho.

Hirap lang, ni minsan di ko natanong pangalan niya...

Friday, July 22, 2016

Bahay sa Project 8 Nilooban ni Batman!

sharkdash.com
Alas dos ng umaga, me kung anong nakapasok sa room nila Pareng Babes at Prof. Balikwas agad sila sa higaan at binukas ang ilaw. Ano kaya yung naka-posok sa kanila?

"Pareng Babes! Ano ito?" sigaw ni Prof.

"Oh my papa!" sigaw din ni Pareng Babes.

"Paniki!" Sabay nilang sabi, sabay kuha ng tig-isang walis tambo at pilit binabambo ang kawawang paniki. Kahit paniki lang yun, me karapatang pam-paniki rin yun.

Magaling umilag si paniki! Pinapa-ikutan lang ang dalawa. Mamyang konti, hinapo na ang Dynamic Duo---I mean, si Prof at si Pareng Babes.


Lumabas nalang sila ng kwarto at bahay (iisa kasi ang kwarto at bahay nila) at kinulong sa loob si batman. "Saan tayo matutulog nito?" tanong ni Pareng Babes...............

Mga 10 am, bumangon na sina Prof and Pareng Babes. Puyat. Nasa kwarto ko sila. Binulahaw ako ng mga katok nila kaninang 3 am---akala ko mga pulis sa kanilang anti-drug campaign. Kinabahan tuloy ako.

Pati ako, puyat.

Papano na yan? Saan matutulog mamyang gabi itong dalawang mokong na to?

Pinuntahan namin ang bahay nila dyan sa Auduting Street. Dahan-dahan kaming pumasok, me walis tambo ang bawat isa samin. Hinalug-hog namin ang buong bahay---walang batman!

Naka-labas na kaya yung paniki?

Kinagabihan, mga bandang 6 pm, lumitaw nanaman ang paniki. Palipad-lipad sa kwarto nila Pareng Babes at Prof, pa-ikot-ikot lang dun. Mga 5 ng umaga at 6 ng gabi pala lipad nito.

Pag-hinampas naming tatlo, hindi tinatamaan. Malakas ang sonar sensibility ng paniki kaya gagalaw ka pa lang, alam na nila. Nakaka-ilag.

Kaya mga 8 pm, nasa Mcdo kami sa Short Horn corner Road 20. Malakas ang ulan at kidlat. Lalo tuloy nakakatakot pumasok sa bahay nila---baka mamya si Dracula pala yung paniki, hindi si batman.

Doon kami sumiksik sa dulo ng McDo at dun pinag-usapan ang paniki. Nagbubulungan lang kami. Nakakahiya kasing marinig ng mga bata sa kalapit na table na takot kami sa iisa at maliit na paniki. Ang lalaki pa naman naming mga tao.

Kasama namin si Mr. Bean, nag-order kami ng tig-isang one-piece chicken, rice, mainit na creamy mushroom soup, large pineapple juice at sundae. Sarap ng kain namin---lalo na yung mainit na creamy mushroom soup, kasi umuulan at malamig.

Hmm, sarap!

Tapos, napagka-sunduan ng Kalog Boys (kaming apat) na patayin na talaga yung paniki. Huhulihin namin ng net at bibitayin.

Mga 10 pm nasa bahay na ni Pareng Babes at Prof kaming apat, handang kumitil ng buhay. Pero we discovered na wala na yung paniki. Kahit saang sulok, wala siya. Kasi 10 pm na. At siguro naka-labas na siya ng bahay nung 6 pm.

Siguro lang....

Balik kami sa bahay ko. Ayaw ulit matulog nila Prof at Babes sa kanila. Bakit? Kasi, me robin naman ngayon sa kanila. Alam mo yon? ...robin....

Saturday, July 16, 2016

Multo ng Droga sa Otcho

paete.org
Alam nyo ba na me multo daw sa Otcho, gumagala pag gabi?

Ganito yon. Sa isang kanto daw (di na natin babanggitin kung saan kanto para na rin sa kapakanan ng mga nakatira doon) me isang multo daw ng babae ang nagpapakita pag magdidilim na. Mga alas sais. Galit daw ito maka-titig. Nanlilisik ang mga mata!

Tapos, sa isang kanto ulit (di din natin babanggitin kung saan), meron naman daw lalaking naka-barong na pugot ang ulo.

Sa parehong salaysay, ako daw ang puntirya ng mga multo. Saking daw nakatingin.

"Sa akin? Pati yung pugot ang ulo?" tanong ko ke Pareng babes na nag-ulat sakin.

"Oo!" sabi niya.

"Pano tititig sakin ang pugot ang ulo? Walang mata yon!"


"Aba, Jaden! Ang multo ke pugot ang ulo, me kapangyarihang makakita mga yan!" pilit ni Pareng Babes.

"At kanino mo naman nabalitaan ito?"

"Dyan sa mga tricycle drivers sa kanto--at ung sunog-baga brigade sa kabilang kanto!"

"Sino? Sila Ketong Adik?"

"Tama ka, Jaden! Siya nga at barkada niyang sunog-baga! Alam mo naman, madaming alam na bali-balita dito sa Otcho mga yon!" sabi pa ni Pareng Babes.

"Teka, sumuko na ba sa barangay sila Ketong Adik?" usisa ko. "Patulan na nila itong special offer, bago pa sila madale. Madaming natotodas ngayon."

"Ayaw nila!"

"Bakit naman?" tanong ko.

"Magagalit yung babaeng multo at lalaking pugot ang ulo..."

Tuesday, May 10, 2016

Ba't Ayaw Ko Nang Bumoto ng Sobrang Aga

commuter96.rssing.com
May 9, alas singko palang ng umaga gumayak na ako. By 5:30 am, pumunta na ako sa presinto ko. Grabe, ang aga ko! Nag-aawitan pa ang mga ibon sa pagsalubong ng bagong umaga, andun na ako sa botohan ready to vote.

Wala pang pila, pero nagbubukas palang yung presinto. Buti't me dala akong pandesal na binili ko dyan sa me Road 20 nung napadaan ako papuntang plaza.

Tapos, mga after 30 minutes, nung umupo ako sa waiting area sa botohan, nangyari na.

Nakita ko si Gorio.

Medyo nagkukumpulan na mga tao (me pila na nga e, pero buti nasa me una ako), at sa kalagitnaan nila, sumulpot si Gorio bigla at nawala. Dumaan lang ng saglit. Well, I was sure si Gorio yun. Yung tindig niya, lakad at anyo.

Naka-barong pa nga siya.

Alam nyo yung sinasabi nilang flying voters at ghost voting sa news? Akala ko noon mga taong nagpapagamit sa pandaraya tuwing eleksyon sila.

Meron din palang totoong mga flying voters.

Minsan, maaga din ako sa presinto, mga 4 am. Nakita ko me lumilipad na mga tao! Me mga pakpak. Napasigaw ako---sabi ko "Ay! Flying voters!" sabay turo sa taas.

Walang tumingin sa taas. Basta tumawa lang yung mga tao sa paligid ko.

Ngayon naman, nakita ko si Gorio.

Matagal nang patay si Gorio, nung 1990 pa. At yung suot niyang barong sa ataol, yun yung nakita kong suot niya ngayon. Kinilabutan ako.

Mamyang konti, sumulpot nanaman siya banda roon, naglalakad patungong CR. Diretso ang katawan niya, parang matigas, at hindi lumilingon---parang kababangon lang sa ataol.

Pinuntahan ko siya sa CR.

Makita ko kaya ang multo ni Gorio?

Pag pasok ko sa CR, wala siya! San nag-suot yon?

Hinanap ko siya sa labas ng CR. Laking gulat ko nung nakita ko siya---andun siya, naka-upo sa silya ko kanina. Inagawan ako ng lugar!

Kaya ngayon, nasa una siya at ako naman nasa dulo na ng pila. Nauna siyang naka-boto. Ako, inabot pa ako ng siyam-siyam.

Kaya hinding-hindi na ako boboto ng sobrang aga uli.

Wednesday, April 20, 2016

Siya ang Dapat Nating Iboto

en.wikipedia.org
Umpukan nanaman sa kainan ni Aling Lorie sa kanto. Fully booked ang mga seats. Andun ang mga empleyado, ibang trike drivers, mga vendors at syempre the Otcho Boys.

Ang topic, sino ba dapat iboto for president?

Syempre, si Prof ang namumuno sa discussion. Parang nangangampanya sa mga kumakain.

"Ganito yan e," sabi niya, "kelangan natin yung matinong magsalita, hindi nagnanakaw, me pakinabang talaga, malusog at tunay na Pilipino. Kaso mo, lahat ng kandidato, kabaligtaran!"

"Ba't ba kasi hindi tumakbo ng presidente si Gordon e," sabi ni Mr. Bean.

"Noon ko pa hinihintay tumakbo si Victor Wood!" sabat naman ni Pareng Babes.

"Prof, OK naman si Digong, di ba?" pasok ni Sabas.

"Oo nga!" sigaw ng karamihan sa mga kumakain.

"Kelangan natin yung diretso at matapang magsalita!" sagot ni Prof.

"Si Digong nga!" sabi ni Totoy Golem.

"Hindi!" sabi ni Prof. "Kelangan natin me puso para sa bayan!|

"Si Grace Poe me puso!" sabi naman ni Dagul.

"Hindi siya!" sagot ni Prof. "Kelangan natin matuwid!"

"Si Mar nasa daang matuwid!" sabi ni Sikyong Pedro.

"Hindi," sabi ni Prof. "Kelangan natin hindi umuurong sa laban!"

"Si Miriam, matapang!" sabat ni Lowie.

"Hindi din!" sigaw ni Prof. "Kelangan natin sapat ang karanasan sa laban ng mga Pilipino!"

"Alam ko na! Si Binay me karanasan!" sabi ni Gerald.

"Hindi sabi e!" sagot ni Prof.

"E sino ba dapat iboto natin?" halos sabay-sabay na sabi ng lahat.

"Si John Arcilla" ika ni Prof.

Nag-isip lahat...

Kung nag-tataka ka rin, panoorin mo ang Heneral Luna.

Monday, April 18, 2016

Ang Multo sa Otcho

www.photocircle.net
Yun yung sabi ng mga saksi---me multo daw sa Otcho!

Eto yung kwento.

Naglalakad daw si Ate Bebs (labandera ng isang residente dyan) isang araw ng 4 am. Galing siya sa Accounting Street at me nakasalubong na babae sa kanto ng Assets at Accounting--dyan sa Taas, malapit sa The Village Brew at Nori Mart na mga favorites nyo. Nasa harap mismo niya yung matandang babae na puti ang buhok, naka-talikod sa kanya, naglalakad. Tapos, ilang hakbang lang daw niya, matapos siyang titigan nung matandang babae, bigla itong nawala!

As in, poink! Biglang naglaho!

Nangyari uli yun isang madaling araw nanaman. At pansin niya, pag medyo umaambon, dun ito nagpapakita. Kaya wag lalabas pag quarantine curfew na. Kahit pa saang dako ka nakatira sa Project 8. Baka maligaw dyan sa inyo itong babaeng ito. Kasi pwede nang sumakay ng tricycle ngayon. O jeep. O kaya malay natin, baka me car sya.

Anyway, nagkakahulan daw mga aso sa paligid at  tapos biglang sumulpot uli si babae from nowhere sabi ni Aling Bebs. Syempre, medyo kinutuban na siya kasi second time around na to. Alam na nya mangyayari. So takot na takot daw siya. Kasi itong si Aling Bebs talagang madalas nakakakita. Baka meron daw syang 4th eye--o third ba?

Matanda daw na mataba na mahaba ang puting buhok. Madumi daw yung damit. Parang medyo galit maka-tingin. Astig, kung baga. Yun nga lang, dun sa kanto, bigla itong nawawala! Kitang-kita nya itong nawala! Nakaka-panindig daw ng balahibo, lalo't balbon ka.

Kaya mula noon, di na dumadaan si Ate Bebs doon ng ganung oras.

Yun ang laman ngayon ng kwentuhan sa tapat ng tindahan ni Aling Lydia. Nag-umpok-umpok ang mga Otcho Boys doon, sa pangunguna ni Prof na kinikilalang henyo sa lugar (pero tambay din). Gusto nilang lutasin ang hiwaga ng matandang babaeng biglang nawawala sa kanto. Ba't sa kanto? Ba't hindi sa gitna ng kahabaan ng kalsada? Di ba?

"Pano nyo lulutasin yon?" tanong ni Aling Lydia. "Huhulihin nyo?"

"Eto dapat si Sikyong Pedro and humuli don!" sabi ni Pareng Babes. Si Sikyong Pedro ang madalas naka-tao sa guard house dun sa lugar nila. Kapatid nya si Senyor Pedro na magaling naman sa ihawan at nakatira dyan sa me Short Horn.

Saktong parating na si Sikyong Pedro non sakay ng bike niya. "Ano yon?" ika niya. "Parang nadinig ko pangalan ko dyan." Syempre excited sya pag sya ang bida at talk of the town.

"Bilang dakilang sikyo ng Taas, ikaw daw dapat ang humuli sa multo ng matandang babae na nagpapakita dyan sa kanto pag madaling araw!" sabi ni Totoy Golem. "Kasi, ikaw ay isa nang alamat!" Dagdag pa ni Golem. Si Golem ang nasayang ang sobrang tangkad kasi bamban sa basketball.

"Bakit? Ano ang violation niya? Anung batas sa classroom ang nagbabawal na maglakad at biglang mawala dyan sa kanto?" sagot ni Sikyong Pedro Otchowa (SPO) sa tonong namimilosopo. "Baka walang violation, patawarin nyo nalang!"

"Kelan ka pa naging si Pilosopong Pedro?" tanong ni Golem.

"Game ako dyan kung sasama ka sakin at si Dagul sa paghuli!" challenge ni SPO (Sikyong Pedro Otchowa). "At kung magpapa-kape si Aling Lydia!"

"Bah! Wala akong kinalaman dyan, ha!" tanggi ni Dagul. "Kayo nalang dalawa! Di bale kung magandang sexy yung multo!"

Tawanan ang mga Otcho Boys.

Mamyang konti, me lumitaw na matandang babae sa kanto, naglalakad papunta sa kanila. Puti ang mahabang buhok. Mataba. "O, yan ba yung nakita ni Ate Bebs?" tanong ni Mr. Bean, na isa sa mga dakilang tambay. "Hintayin nating biglang mawala." sabi nya sabay halakhak. Nanlaki ang mga mata ng mga Otcho Boys. Hawak naman ni Sikyong Pedro ang pito nya.

Minasdan nilang lahat, hinihintay na mawala ang matandang babae sa kanto.

"Oy, hindi ako multo, no!" ika ni Donya Buding, ang matandang babae. "At hindi madaling araw ngayon!"

Sabi pa ni Donya Buding (leader ng mga pulot-basura sa Taas):

"Pero nung isang madaling araw, at nung isa pa, me nakasabay akong babae dyan sa kanto. Nasa likod ko siya. Nung lumingon ako, nakita ko ang mukha niya! Natakot ako! Napalundag tuloy ako sa loob ng isang trash can!" Natawa siya. "Na-shoot ako sa loob! Andun lang ako. Hinintay kong mawala yung babae."

Monday, April 11, 2016

Dalawang Presidente ang Iboto

www.dreamstime.com
Gagawin, sisirain din. Parating ganun.

Napansin ni Dagul na pag summer, andyan na yung mga nagbubungkal ng kalye, gagawin daw yung drainage at sabay street-widening na rin daw. Pero bakit halos tuwing summer ginagawa yun?

Ba't hindi nalang lagyan ng matibay na pipes yang drainage na yan para once and for all matapos na yan? Para hindi yung sesementuhan tapos babak-bakin din.

"E di wala silang project," sabi naman ni Totoy Golem. "Pag walang project, wala silang kita."

Tawanan yung mga tricycle drivers na naka-linya sa me harap ng Nori Mart sa General Avenue.

"Syempre, eleksyon ngayon---me mga nagpapa-pogi at meron ding mga kelangang kumita para pondo ng kampanya nila!" sabi ng ilan.

"E sino ba boboto nyo?" tanong ni Prof. "Me napupusu-an na ba kayo?"

"Ako sana si Mar," sabat ng isang driver. "Kaya lang parang gusto ko rin si Digong! Pwede bang dalawa presidente?"

"Pwede," singit ni Mr. Bean.

"Anung pwede ka dyan?" sabi ni Prof na medyo iritado. "Dapat isa lang."

"Pwede dalawa!" giit ni Mr. Bean. "Pag yung boboto duleng..."

Samalamig sa Plaza, Solve-Solve Na

www.flickr.com
Mainit diba?

Grabe! Nung isang araw, mga after lunch, nagiinuman kami ni Prof and Sabas ng iced pineapple juice sa bahay namin. naiwan lang namin sandali yung mga baso namin---aba, nung binalikan namin ang init na hawakan. Akala mo binanlian ng mainit na tubig!

Manghang-mangha kami.

"Baka 40 na tayo ngayon," ika ni Prof, tinutukoy yung temperature.

"Pano mo nahulaan, Prof?" tanong naman ni Sabas.

"Wala, yun lang pakiramdam ko."

"Wow ha, feeling young ka pa rin pala!" sabi ni Sabas.

"Anong feeling young?" tanong ni Prof.

"Sabi mo pakiramdam mo 40 lang tayo ngayon! E di ba senior ka na?" sagot ni Sabas, with matching smile pa. Lasing na yata itong si Sabas sa pineapple juice.

Di pa kami nasiyahan. Lumabas kami (terible ang init!) at pumunta sa me grocery dyan sa kanto ng General at Assistant. Me samalamig dyan, dun sa nagtitinda ng banana cue at turon (pirmi namang ubos agad yung turon nila). Tumagay p akami ng madaming sagot gulaman.

Pero eto na si Roy at si Peps. Galing daw sila ng plaza.

"Ano ginawa nyo doon, e ang init-init?" tanong ni Prof.

"Nag-kwentuhan lang. Eto nga bibili pa kami ng samalamig at babalik kami sa plaza ulit para ituloy ang kwentuhan namin," ika ni Roy. Nilalagay nila ang samalamig nila sa isang termos.

Di na kelangan magpunta sa SM or Trinoma. Sa Otcho, solve-solve na sa plaza bastat me samalamig kayo.

Thursday, March 31, 2016

Tagaytay Bulalo at ang "Sitsit" Mystery sa Hotel Room ng Otcho Boys


Syempre summer na nga kaya di pwedeng hindi mamamasyal ang Kalog Boys---or "Otcho Boys mula ngayon (kasi sabi ni Prof, sa Otcho sila nakatira kaya nararapat lang na Otcho Boys dapat ang tawag sa kanila. Nag-botohan sila at nanalo ang "Otcho Boys" sa "Kalog Boys").

So, from now on, it's officially Otcho Boys.

Napagka-isahan din nila na sa Alfonso, Tagaytay sila mag-o-overnight. Isang sobrang lumang hotel dun. Katuwaan lang. Pero me isang masidhing layunin talaga kung ba't Tagaytay ang napili nila. At syempre, pinag-ipunan nila ito. At lahat talaga ng Otcho Boys kasama! Grabe!

Eto kami---

Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy.

O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

Kaya 15 kaming lahat na kasama sa Tagaytay adventure namin this summer! Umupa kami ng air-con van na pang-14 passengers. Pinag-kasya nalang namin mga sarili namin plus mga bagahe. Ang driver si Pepot, taga Otcho din.

Otcho Boys talaga!

Tulog kalahati ng Otcho Boys sa biyahe. After mga 3 and half hours, nasa Nuvali na kami paakyat na ng Tagaytay. Tapos mamyang konti, nakita na din namin yung Taal Lake. Haaay! Tagaytay! Nagising na lahat ng mga Otcho Boys at nagsi-hiyawan sa tanawing nakita nila. Parang painting ang itsura ng Taal Lake. Payapa.


Dumeretso na kami sa hotel namin sa Alfonson---sa Julina Hotel. Lumang-luma na ito, gawa sa mga sina-unang kahoy kaya siguro medyo mura siya---P500 a night lang, good for 20 pa yung room. Me 10 double beds. OK na OK!

Binaba na namin mga bagahe namin. Nag-unahan sa kama mga makukulit na boys at nakita namin, overlooking pala ito sa mga bundok na me pinyahan at me lawa banda roon. Sarap pa ng simoy ng hangin!

Biglang nagreklamo si Mr. Bean. "Di pa ba tayo kakain?" Di nga pala kami nag-breakfast at 12:30 pm na ngayon.

Naalala tuloy ng lahat na gutom na sila. At kaya nga pala kami andito sa Tagaytay ngayon ay dahil sa bulalo! Pinagayak ko ke Pepot yung van uli at pinuntahan na namin yung pinagmamalaking bulalohan ni Derek dito sa Tagaytay. Masarap daw talaga ang bulalo at pritong daing na bangus doon!

After mga 20 minutes andun na kami---at WOW! Overlooking Taal Lake pa! Gawa sa kahoy mga tables and chairs at labas-masok ang fresh air!



Nag-order kami ng bulalo at fried daing na bangus, at maya-maya pa, sinerve na yung bulalo! Amoy pa lang, ulam na! Humigop ng sabaw mga Otcho Boys at muntik na nilang maubos ang sabaw kahit wala pang kanin kung di ko lang sila pinigilan.


After mga 45 minutes---"Burp!" sabi ng mga tyan namin. Hinimas-himas pa ni Derek ang bola nyang tyan. Nagsi-toothpick lahat at tahimik na minasdan ang Taal sandali.

Back in the hotel, nagkanya-kanyang upo sila sa mga beds nila at tapos nagka-kwentuhan. Just imagine, 15 lahat sila, including si Pepot, na gustong mag-kwento. Lahat sila pakikinggan mo. Pero madalas, si Prof Pekwa ang nasa entablado at pinakikinggan ng lahat.

Tapos, naisip niyang mag-bible study muna kami. "Teka, ba't di tayo muna mag-bible study, Jaden?" aya niya sakin. Sino ba ako para tumanggi?

So, dun kami sa Revelation 20:7...

He who overcomes will inherit all this, and I will be his God and he will be my son.

So, nag-discuss na at samo't-saring tanong ang lumabas. Me mga tanong na OK, like pano ba magsisi ng kasalanan at maligtas. Pero mamyang konti nag-weirdo na. Kung saan-saan na napunta. Me tanong tungkol sa World War III, sa UFO at aliens, ke Michael Jackson, sa China at sa mga White Ladies.

At tuloy, natanong ni Mr. Bean: "Me multo kaya dito?"

Natahimik kami sandali. Tapos, bumanat naman si Pareng Babes: "Malamang. Napaka-luma na nitong hotel e."

Nagka-tinginan sila. Biglang tumabi si Gerald ke Roy.


"Kaka-sabi ko lang kanina, si Hesus lang ang me kapangyarihan at lahat ng demonyo takot sa Kanya," basag ko sa katahimikan. "Tapos, takot na agad kayo uli!"

"O nga!" sabat ni Prof. "Andito naman si Jaden at ipag-pe-pray tayo!"

So, kwentuhan at kulitan ulit ang Otcho Boys hanggang takip-silim. Yung iba, gaya ni Mr. Bean, natulog. Yung iba, nagkakantahan kahit sintunado---dinala pa kasi ni Sabas yung gitara niya.

Nag-dinner kami sa ibang karinderya naman, pero bulalo ulit ang pagkain. Sarap talaga ng mainit na bulalo sa Tagaytay, lalo't me kalamigan ang ihip ng hangin sa gabi.

Pagka-balik sa Julina Hotel, naglakad-lakad kami sa paligid para matunawan, tapos pumasok na kami sa hotel at naghiga-higa na sa beds namin.


Nung 10 pm na, me nakalimutan daw si Lewy sa van kaya nagpasama siya ke Pepot. Pag-akyat nila ulit, me magandang chicks daw na nakatayo sa corridor. Makikipag-kilala daw sana sila pero na-torpe sila. Hiyawan ang Otcho Boys. "Mana kayo ke Roy!" sigaw ng isa. Numero uno kasing torpe si Roy.

"Chicks? Sinong chicks?" tanong ni Prof.

"Ganda babae, Prof! Siguro katabing kwarto natin, or isa sa mga rooms!" sabi ni Lewy.

"Sabi ng me-ari ng hotel, tayo lang daw andito. Di ba ako kausap niya?" sabi ni Prof.

Tumahimik lahat. Parang gusto yatang masira ng tyan ko.

"Sige, matulog nalang tayo," announce ko nalang.

Mga bandang 2 ng umaga, me sumisitsit. Nagising lahat.

"Walang takutan ha!" sabi ni Mr. Bean. "Totoy Golem, ayoko ng ganyang biro ha!"

"Ano?"

"Alam ko kayo ni Dagul yung sumisitsit!" sabi ni Mr. Bean ke Golem.

Sumitsit ulit. At sumitsit pa. At isa pa. At tapos, me biglang sumulpot na batang babae, tumakbo mula kung saan palabas sa pinto. Ang nakakatawa, lumusot ito sa pinto kahit nakasara!

Well, napa-uwi kami bigla ng 2:30 ng umaga. Habang pababa from Tagaytay, nagmuni-muni ako. At saka ko na-realize....Julina Hotel.....julina......pero huli na ang lahat.

Wednesday, March 30, 2016

Na-Zombie nang Dahil sa Facebook Post Niya

Mag-ingat ka sa mga FB posts. Either sa mga posts mo or sa mga posts ng friends mo---lalo na yung mga "friends" na hindi mo naman talaga kilala.

Wag basta-basta mag LIKE.

Dyan na-biktima si Ciara Yamson, isa sa mga MTrackers of Project 8, QC.

Ang Project 8 ay dun sa ibayo ng Otcho---nasa parehong lugar sila pero magka-iba ng kinalalagyan. Ang mga Otcho Boys ay nasa Otcho (na Project 8 din) at ang mga MTrackers ay nasa Project 8 naman (na Otcho din).

Ano ang MTrackers? Click mo ito para makita mo.

Anyway, itong si Ciara---napaka-ganda, napaka-bata, at napaka-puting high school student---ay walang ingat sa halos lahat ng bagay, lalo na sa Facebook. Masaya kasi siya pag popular siya.


Siya ang pinaka-maganda sa school nila, sa buong Project 8 pa yata. At gusto din niya sa buong Facebook.

Palibhasa, artistahin talaga. Mestiza.

Pero one day, nagkamali siya ng friend-accept at likes niya. Dahil dito, nagkaron siya ng stalker na hinabol siya hanggang sa bundok---sa bundok pa yata ng mga zombies at bampira!

Tiba-tiba ang mga zombies at bampira sa kanya dun!

Ako ang lumikha nitong e-book story na to. Ang title niya: "The Facebook Post Mystery Adventure." Ako si Jaden Mero, isa sa mga bida sa MTrackers at isa sa mga writers din ng MTrackers of Project 8.

Pero ako lang ang may akda ng Kwentong Otcho at nitong e-book na ito. Suspense talaga ito! At kung gusto ninyong mabasa ito, bilin nyo.

Mura lang siya, P300. Sa English siya naka-sulat at mada-download ninyo sa PDF.

Kung bibili ka, click mo itong link na ito. Magbabayad ka sa Paypal namin. Tapos mong magbayad, dadalhin ka sa page na andun yung PDF download link.

Kung di mo ma-download, papadala nalang namin sayo through email yung e-book. Sabihin mo lang samin.

OK?

Tuesday, March 22, 2016

Himala sa Otcho Nitong Mahal na Araw

en.wikipedia.org
"Mahal na Araw"...ba't ba Mahal na Araw ang tawag e sa English naman Holy Week? E di dapat Loved Day (o Costly Sun?).

Yan ang muni-muni ni Pareng Babes minsan pag Semana Santa na. Dati, nagbabasa ng Pasyon ang mga Kalog Boys ng Otcho. Pero ngayon, muni-muni nalang. Mula nang nawala na ang mga orig at mga damatan ng Otcho--sila Aling Pepay, Aling Merced at Aling Mitring--nawala na rin ang tradition ng Pabasa.

Naalala ko nung bata pako (teenagers kami sa high school), me tatlong lugar sa Otcho kung saan nadidinig yang Pabasa--dun yata sa me gawing Records Street, tapos sa me Ofelia yata, at dun sa me bandang Branches. Naka-mic yung mga nagbabasa kaya dinig ko sila mula umaga ng Miyerkules hanggang hapon ng Biyernes. Habang naka-salampak lang ako sa sopa ni lola at nag-aantay mag-Sabado (dahil Sabado pwede na kaming mag-ingay at maglaro) nadidinig ko ang umaalon-along mga boses nila.

Nakaka-aliw naman. Ang totoo nga, na-mi-miss ko sila today. Hinahanap-hanap ng tenga ko ang mga tinig nila pag ganitong Mahal na Araw.

Ngayon, andun nalang at mag-uumpok ang mga Kalog Boys sa tindahan ni Aling Lydia o kaya sa kainan ni Ate Lorie. Minsan andun sila sa barbershop sa Claims o kaya sa me Road 20. Hihingi sila ng Indian Mango kela Mang Rubio dyan sa Assistant tapos ngangatain nila habang nagkwe-kwentuhan.

Ganyan nalang ngayon ang Holy Week nila.

So, ngayong Holy Wednesday, hinahanda na ng mga yan yung mga Indian mango nila, sa-malamig na sago't gulaman, kornik at fishballs. Bawal ang karne kaya wala muna silang barbecue.

Malamang andun silang lahat ngayon sa bahay ni Prof at inaayos ang lahat-lahat (at nag-aasaran din, lalo na sila Dagul, Totoy Golem at Mr. Bean). Tapos, mamya, dadalhin na nila lahat sa kainan ni Ate Lorie or tindahan ni Aling Lydia.

Ngayon, eto ang himala...

Walang nag-mumura!

Kasi, kanina nadaan ako sandali sa bahay ni Prof pagka-palengke ko sa Super Palengke dyan sa Benefits. Nakinig ako sa kwentuhan nila habang nagbabalat sila ng isang kaing yata yun ng Indian mango. Aba, nag-uusap-usap sila pero walang nag-mumura!

Parang nakaka-miss tuloy yung mga murahan nila. Hehe...joke.

Ganito usapan nila. Watch this...

"E kung di ka pala naman...ahh...ah...kaka-iba...tinamaan ka ng hangin, hindi ganyan magtalop nyan!" sigaw ni Dagul ke Mr. Bean.

"Oy, oy, oy! Mga...ah...ah....hilong talelong kayo! Mahal na Araw ngayon, wag kayo maingay!" sabat naman ni Prof.

"Palibhasa para kayong mga...ah...ah....mga kandidato....mga plastic! Akina na nga yang fishballs at ma prito na!" sabi naman ni Derek.

"Oy! Oy! bukas pa pri-prito yan! Gusto mo bang malanta yan bukas, ha, kulas ka!" sabi naman ni Mr. Bean.

Well, at least, kahit nagtutuksuhan at nag-aasaran pa rin, iniiwasan nilang mag-mura talaga. Kaya naman pala nila e. Sana panghabang-buhay na!

Thursday, February 18, 2016

Mas Masahol pa Daw sa Hayop, Biruin Nyo?

www.lifehack.org
Nag-bangayan itong sila Pareng Babes at Derek habang naka-tambay sa store ni Aling Lydia. Yung dalawang aso kasi nag-landi-an sa harap nila sa kalye. Tapos sabi ni Prof, bastos daw yung mga aso, mas masahol pa sa tao.

Aba, e di nagalit si Derek. "Oy, tao ako. Anung ibig mong sabihing mas masahol pa sila sa tao? Hinahamak mo ba kami?"

"Oy, wag ka sumali sa usapan. Kami lang ni Lydia ang naguusap!" sagot ni Prof.

"Aba, at bakit hindi ako sasali sa usapan? Ano ako, hayop?"

"Wala akong sinasabing ganyan, Ang sabi ko lang ke Lydia, mas masahol pa sa tao itong dalang aso na to!" balik naman ni Prof ulit.

"Ibig mong sabihin, labis na ang kasamaan ng tao? Mas mabait pa ang mga hayop sa kanila?" ask naman ni Derek.

"Bakit? Hindi mo ba alam?"

"Ang alin?"

Umayos ng upo si Prof at nagsimula: "Di mo pala alam. Ganito yan. Nung unang panahon, nag-usap ang bundok at dagat. Tinanong ng dagat, 'Ano sa palagay mo ang kulay ng bitwin?' Sumagot naman ang bundok: 'Ano pa,  e di kulay pilak.' Ganun na lamang ang tamis ng pagsasamahan ng bundok at dagat..."

Nagpatuloy sa kwento si Prof. At palibhasay Prof ngang tinuturing sa Otcho, nakinig naman sina Pareng Babes at Aling Lydia. Me authority, ika nga, kasi si Prof, kahit di naman talagang professor. Naka-salamin lang kaya mukang genius.

Lumayo na ng lumayo sa talagang usapan, hanggang nakarating na sila sa panahon ng Kastila at Hapon, tapos ke Arnold Schwarzenegger, at nagtapos sa, "The Martian," yung palabas ni Matt Damon.

Tawanan silang tatlo. Ginabi na sila.

"O pano, ma-una na ako at gabi na. Inaantok nako," ika ni Prof.

Nung wala na si Prof, nagusap ang dalawa.

"Ano na nga ba yon?" tanong ni Pareng Babes.

"Alin?"

"Yung pinag-uusapan namin ni Prof kaninang umaga?" sabi ni Babes.

"Yung bundok at dagat?"

Wednesday, February 10, 2016

Minsang Nag-Outing ang Kalog Boys

Pansin mo ba yung naka-silip
sa second floor? Yun yung misteryosong girl na kapapasok
lang sa main door sa ibaba. Naiwan niyang bukas ang pinto.
Nakapag-bakasyon ka na ba sa ganyang bahay, yung nasa picture sa taas? Isang summer, naaalala ko, nagka-tuwaan ang Kalog Boys. Nagka-isa kaming mag-ipon at puntahan itong bahay na to na highly recommended by Mr. Bean dahil sa adventure at misteryong dulot nito. Dikit daw niya ang me-ari, so OK lang.

Kabisado daw niyang puntahan at bayad lang daw sa sasakyan ang kelangan plus ilang dilata at bigas para sa baon. Overnight lang. 

E di payag naman ang Kalog Boys!

So, biyahe kami one summer. Hire kami ng van na kasya 14 ka-tao. Aircon, wow! Ambag kami ng tig-P500. Talagang binuno ng Kalog Boys ito. Pinag-ipunan ng matagal.


So, andun silang lahat--sila Prof, Dagul, Totoy Golem, Pareng Babes, Mr. Bean, si Lewy (o Louie), si Sabas, Derek at Roy. Humabol din sila Gerald, Sikyong Pedro at kahit si Badong na kina-aasaran ng marami. Ayaw sana ng Kalog Boys isama si Badong pero napaki-usapan ko.

So, 14 kaming lahat, plus si Tom Jones, yung driver. Siksikan sa van. Ang saya!


Dinaanan namin ang maraming bukid at tanawing nayon, mga ilog at bulubundukin. Mga bahay na luma at gawa sa semento at nipa. Yung iba nipa hut talaga. Ganda talaga sa probinsiya.


Tapos after mga 5 hours, dinaanan namin itong bayan na to. Dito na din kami nag-lunch. Ang gagara ng mga sina-unang bahay. Na-imagine ko yung mga panahon ng Kastila, Amerkano at Hapon.

Pero teka, malayo pa ba yung mysterious house na sinasabi ni Mr. Bean?

Malapit na daw.


Pagka-daan namin sa kubo na to...


Natunton na namin yung bahay. Ito na nga siya. Pero nung malapit na kami, me nakita si Pareng Babes na biglang pumasok sa main door sa ibaba. Nagulat si Mr. Bean. Dapat daw walang tao dito dahil ni-reserve ito sa amin this day. Sino kaya yun?

Tapos, mamyang konti, napansin ni Dagul na bumukas ng konti yung bintana sa second floor at me sumilip nga. Medyo natakot kami.

So, lumabas na kami ng van at kumatok sa main door. Nagulat kami nung lumabas itong girl na to...


Ba't me ganito dito? Sino ito. Pagka-tanong namin, siya daw ang caretaker ng bahay. Tapos, winel-come kami, American accent pa. "Welcome to the Mystery House. How may I help you?"

Syempre, na-in-love agad si Pareng Babes and the rest of the boys--except Roy, ang pinaka-bata at matipunong member ng Kalog Boys--at pinaka-pogi.

Mukang di siya interested talaga. Mukang faithful siya ke Peps. Palibhasa pareho silang softdrinks--I mean ang tunay na pangalan ni Roy ay Royal at si Peps ay Pepsi. 

Pinapasok kami ni Ruth (pangalan nung American accent girl) at sa second floor eto nakita namin.


You see the ghostly face on the wall?

So, ayon. Dito kami nag-spend ng overnight vacation at talaga namang adventure and mystery ang nangyari samin dito. Kwento ko later. Anyway, mahaba pa ang summer...

Tuesday, February 9, 2016

Ba't In-Love Ako sa Summer

www.youtube.com
Ayan na, magtatag-init na naman. Excited na naman  ako. Amoy ko na ang simoy at misteryo ng summer--yun bang tumingin ka lang sa lansangan na-aaninag mo na ito. Lipas na ang tag-ulan at dahan-dahan natutunaw na rin ang lamig ng February.

Although, syempre, malamig pa rin sa madaling araw. Kanina nga ang lamig e. Sobra. Nakita kong naglalakad sila Totoy Golem at si Prof bibili siguro ng pandesal ke Bong. Nangangatog sila sa lamig. Si Totoy ke-laki-laking tao nilalamig.

Minsan lang, parang ang bilis dumaan ng summer. Mamyang konti pasukan nanaman sa school ng mga bata dito, naka-uniformna sila imbis na shorts, sinelas at shirt lang. Minsan, nakaka-panlambot pag pa-wala na ang summer.

Ang dami kasing alaala ang hatid ng summer--noong bata pa ako sa Otcho, yung mga bakasyon ko sa La Loma at San Juan, La Union, nung high school, nung college, at yung mga ligaw-ligawan blues. Nung nagpa-tuli kami ni Arturo, yung mga summer camps, nung umakyat kami ng barkada ko noon sa Baguio, at syempre yung mga sweet times namin ng GF ko.

Lahat yan I remember pag summer na. Kaya dinadahan-dahan ko ang mga araw ng summer.

Gaya nyan, pihado aakyat kami ng Tagaytay this summer, baka dalawang beses pa. At baka mapunta din kami ng Rizal, Laguna, sa RRC. Madami kaming gimik ng mga Kalog Boys pag summer.

Mantakin mo--sila Prof, Dagul, Golem, Pareng Babes, Mr. Bean, si Lewy (o Louie), si Sabas, Derek at Roy--baka si Gerald din, Sikyong Pedro at kahit si Badong na kina-aasaran ng marami. Dalawampu!

Aba! Masaya yon!

Yun nga lang, kelangan ng pera. At pag pera ang pinag-usapan, madami ang aangal dyan.

frank.itlab.us
Masaya din yung gawi nila Prof, Pareng Babes at Mr. Bean, yung sasakay sila sa iisang bike at pilit nilang pagkasyahin mga sarili nila doon. Gaya ng picture sa kaliwa.

Bike ni Babes yun na kakarag-karag. Pag sinakyan nilang tatlo, kawawa talaga. Pero kung saan-saan sila nakakarating gamit yun--minsan kahit hanggang Pangasinan pa.

Pero pag si fat-guy Derek ang sasakay, tinatakot nilang nilalabag daw niya ang Cruelty Act Against Bikes sa civil code daw. Mga loko talaga. Pero masaya ang ganon, tawanan.

Kaya, eto, February 10 na. Ilang araw nalang summer na talaga. Sakin kasi, pag-lampas ng February 14, summer na officially. Umpisa na ng saya, adventure at misteryo.

Sunday, February 7, 2016

Bakit Malakas ang Hangin

mycartoonthing.com
Pag ganitong February, lumalakas ang hangin, lalo na sa Otcho. Hindi dahil sa hanging amihan o climate, pero kasi andyan si Badong. ang hari ng hangin sa Otcho. Pero, on second thought, of course medyo dahil sa amihan an rin at climate. Damay na rin yun.

Si Badong ay tiga-amin, malapit sa street namin, at minsan sumasama siya sa Kalog Boys. Minsan lang, kasi parang halata niya rin na asar sila Totoy Golem at Dagul sa kanya. Takot siya sa dalawang siga na to na nagbago na rin mula nung sinaman ko sila sa bible studies ko.

Minsan nga, "Bading" ang tukso nila ke Badong kasi pag ang lalaki daw e sobrang daldal at puro lang dakdak, parang hindi daw lalaki. So bading daw. Natatawa lang ako pero minsan naaawa rin ako ke Badong.

Minsan lang.

Kasi mahangin naman talaga. Gusto siya parati ang bida at siya parati ang tama. Siya lang ang magaling. Walang ibang bukang bibig kundi siya at yung mga bagay na na-a-accomplish niya.

Pero me ganon talagang mga tao. Parte na sila ng buhay. Sila ang dahilan kaya minsan nasasanay tayong mag-pasesnsya---pero yung iba naman, kaya sila napupundi agad. Nakakasawa din kasi minsang ikaw na lang na ikaw ang iintindi sa mga mayayabang.

Pero ika nga ni Lord, love your enemies. Kaya kahit mga unlovables, matutunan na nating pag-tyagaan minsan. Yan ang kewentong otcho natin today sa Chinese New Year's Day.

At, oo nga pala, Februaru na kaya malapit na an g summer! Excited na ang Kalog Boys sa summer! Sana patuloy na maging mahangin sa summer--nang hindi si Badong ang dahilan.