Tuesday, November 24, 2020

Patay Kang U-Turn Slot Ka


Ngayon, obligado na si Mr. Bean bumaba sa Mercury Drug sa Congressional para umakyat ng footbridge para tumawid sa Munoz. Kasi sarado na lahat ng U-turn slot sa EDSA

Photo above by Jim Wilson on Unsplash.

Pano na yung mga senior citizen na hindi na makaakyat sa footbridge? Talagang babay-bayin nila ang EDSA hanggang Balintawak o Monumento para lang makarating sa Munoz?

"Hindi makatarungan yon!" sigaw nya sa umpukan ng mga tricycle drivers. "Ibalik muli ang mga U-tarn islats na yan!"

"Di naman inalis. Sinara lang. Andun pa rin yung mga U-tarn islats!" ika ni Dagul.

"Prublema ba talaga yang U-tarn islats na yan sayo, Mr. Binong?" tanong ni Sabas. "E di ka naman senior. Mas malakas ka pa sa kalabaw!"

"Kasi yung lolo ko e!" sagot ni Mr. Bean.

"Ah yung lolo mong senior?" ika ni Sabas.

"Me lolo bang hindi senior?" bwelta ni Badong ke Sabas. "Syempre senior!"

"Ba't si Derek di naman senior pero mukang lolo na?"

Tawanang maka-diablo.

"Hindi!" sabat ni Mr. Bean. "Hindi dahil senior na lolo ko. Kasi yung nililigawan niya nasa Parkwi! E di kelangan niya pang tumawid ng footbridge para manligaw!"

"Lolo mo nanliligaw pa?"

"Bakit? Bawal ba? Anong batas ang nagbabawal?" sagot agad ni Mr. Bean.

"Saan ba yang Parkwi na yan?" tanong ni Prof.

"Dyan sa Parkwi Billige, sa me Del Pilar!" sabi ni Mr. Bean.

"Ah sa me Sen Peter! Yung punirarya. Liliko sa kaliwa tapos diretso, tatawid ng tulay?" tanong ni Gerald d Dyaryo-Bote.

"Mismo!" sagot ni Bean.

"E di mag Zoom nalang sila sa internet!" mungkahi ni Derek habang nilalantakan ang mainit na mami na binili nya sa karenderia ni Aling Lori. "Enge naman nyan," sabi ni Gerald d Drayro-Bote. "Bawal! Me pandemia no!" sagot ni Derek. "Ano ko, me-Covid?" sabi naman ni Gerald. "Malay ko!" sagot naman ni Derek.

"Ganto nalang, Beano. Sabihin mo sa lolo mo makipag date nalang sa nililigawan niya. Tapos magkita sila sa SM Annex," suggestion ni Prof. "E di hindi na kelangan tumawid ng footbridge lolo mo. Tapos yung nililigawan niya mag jeep nalang to SM from Walter. Di ba?"

"Hindi yun, Prof e! Hindi yun ang prublema!" sabi nanaman ni Bean.

"E ano?"

Nagkamot ng ulo si Mr. Bean: "Walang perang pang date lolo ko. E bat pa sya tatawid ng footbridge o pupunta sa SM? Di ba? E dahil na-sabi mo yan Prof, pwede bang pa-utang para me pang date si lolo? Tutal idea mo naman yan e..."

CASTS

Review lang--baka nalimutan nyo na ang Ocho Boys (Kalog Boys)--eto sila: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

Wednesday, November 18, 2020

Solusyon sa Walang Tubig


Tatlong araw na yatang walang tubig sa Bahay Toro! Mawalan na ng kuryente wag lang tubig. Bat ba di nalang mga kriminal ang mawala? "Grabe naman!" ika ni Gerald (the dyaryo bote). "Ano bang planong gawin ng Maynilad? Mangamoy tayong lahat dito?" Me matinding conviction sa boses nya.

"WOW! Parang naliligo!" sigaw ni Badong. "Matagal ka nang nangangamoy!' Ika naman ni Pareng Babes. "Sisisihin mo pa Maynilad!"

Photo by Patrick Pahlke on Unsplash.

"Sabunutan kita dyan, e!" pabirong banta ni Gerald sa panot na si Pareng Babes.

"Pero bakit ba walang tubig?" anya ni Lowie. "Sobra-sobra na nga ang tubig ulan ni Ulysses tapos walang tubig sa gripo! Anu yan, lokohan?"

"Nililinis daw muna ng Maynilad ang burak sa tubig na nasa filtration station nila," paliwanag ni Prof. "Medyo matatagalan daw."

"Eh, ano ba solusyon mo dyan, Prof?"

"Magtipid, syempre. Tapos hila-hilamos lang muna. Lagyan muna ng supot na plastic ang pinggan pag kakain para wala nang hugasan."

"Pano ebak natin?" tanong ni Gerald. "Sa plastic na supot pa rin?"

"Di ba ikaw sanay ka na sa ilog umebak?" singit ni Pareng Babes.

"Ang solusyon dyan, wag munang kumain," ika ni Prof. "E di walang ebak."

Dumating si Roy. "Wala pa ring tubig?" tanong nya. "Absent tuloy ako sa office kasi halos 3 araw nang walang tubig. Nung una at pangalawang araw medyo OK pa eh. Pero tatlong araw?"

"Wag na ding magtrabaho muna," dagdag ni Prof sa solusyon niya.

"Edi wag na din munang pumasada!" sabi ng ilang tricycle drivers na nag-aantay ng pasahero. 

"So tigil lahat," sabi ko. Ako si Jaden.

Tumigil silang lahat. Walang kumiklos. Walang nagsasalita. Walang pumipikit. Wala rin yatang humihinga! Para silang istatuwa. "Oy, joke lang no!" sabi ko.

Yun pala, paglingon ko, andun si Quibuloy sa likod ko. Nagulat pa ko. Bat sya nasa Ocho? Napadaan ang kotse nya at napa-dungaw sya pag daan sa likod ko. 

"O, alam mo na bat walang tubig?" ika ni Prof.

"Bakit?" tanong ko pa rin.

"E kasi 'STOP!! sabi nya," paliwanag ni Prof.

ANG OCHO BOYS

Review lang--baka nalimutan nyo na ang Ocho Boys (Kalog Boys)--eto sila:

Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy.

O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

Wednesday, November 11, 2020

Ginabi Si Ulysses


OK pa nung hapon kahapon. Kahit nga alas sais ng gabi OK pa rin, although me katindihan na ang ulan. Chine-check ko parati sa news kung ano na lagay ni Ulysses. Huling nadinig ko 140 kph pa din sya at me bugsong 190 kph---at masasagi daw ang NCR. Malakas din yon ah. Safe kaya ang Project 8? Nakaka-kaba din. Pano kung mag direct hit?

Photo by Rachel Claire from Pexels.

Yun ang madalas kong maisip. 

Pero umasa pa rin akong di na sya magpaparamdam dito sa QC, or sa Project 8. Kasi nga late afternoon na wala pa rin sya. Sabi nga ni Mr. Bean at si Badong kanina sa karenderia over coffee, FAKE NEWS lang daw. Tawa sila ng tawa nung na-daan ako matapos mamili ng kandila, posporo, tuyo, itlog at bigas---mga kelangan pag me bagyo---dyan sa Road 20. Napaka OA ko daw. Panik buying. Ewan ko sa kanila. Buti pa si Sikyong Pedro namili rin para handa sya---namili ng gin, Red Horse at konting pulutan. At least nag-ready sya, di ba!

Eto na. Nung alas syete, nag iba na ihip ng hangin. Lalo na nung 9:00 pm. Ginabi si Ulysses, madami atang dinaanan pa. Lagalag. Delikado yung me malakas na bagyong tatama malapit sa inyo pag gabi na. Ayaw maniwala nila Mr. Bean at Badong na peligroso yon. Kaya nung kasagsagan na---mga hating-gabi at ala una ng madaling araw---tumodo na si Ulysses, hanggang alas sais ng umaga. 

GRABE! Ang tagal din noon ha! Parang nagustuhang tumambay ni Ulysses sa QC at Ocho.

Sumilip ako sa bintana ng 1:00 am. Madilim tas mahangin. Nakita ko yung mga nagsisi-likas. Pati nga yung White Lady dun sa puno ng Balete sa kanto lumikas na rin dahil basang-basa na sya. Bitbit nya mga paraphernalia sa pananakot--mga wigs, ketchup, white dresses (naputikan na yung iba) at mga makeup. Pumara ng tricycle, pero kumaripas naman ng harurot yung driver. Naglakad nalang si White lady---buti me payong sya.

Halos di ako nakatulog---hindi dahil ke Ulysses o sa White Lady---dahil sa mga text ni Mr. Bean at Badong. Nilipad na daw ng hangin ang bubong at muskitero nila, ano daw dapat nilang gawin. At brownout, tapos wala pa silang makain, gutom na daw sila. Sabi ko, matulog. Yun ang dapat nilang gawin. At yun ang deserve nila. Pero di ko na sinabi yun.

Bandang alas sais ng umaga, nung di na delikado lumabas, pinatuloy ko na sila sa bahay ko. Basang-basa sila at nangangatog sa lamig. Nag-kape kami habang ngi-ngisi-ngisi ako sa kanila. Mamyang konti, dumating na din sina Totoy Golem at Dagul. Wala daw silang makain. Para namang bago yon. Me bagyo o wala, wala talaga silang makain. Inutusan ko silang bumili ng pandesal at itlog sa bakery, dagdag sa almusal namin. Pinagluto ko silang apat. Masaya naman sila.

Tapos, nag-almusal na kami ng 7:30 am habang nakikinig ng radyo at nagkwe-kwentuhan. Masarap ang pritong itlog at tuyo sa sinangag at pandesal. Mainit na kape. Tapos kwentuhan, tawanan habang nakikinig sa radio, sa balita at sa drama. Pati nga si Prof naki-salo samin nung nadaaan sya e. Mga importanteng bagay yan para malampasan ang mga bagyo sa buhay.

Monday, November 9, 2020

Pano Mangaroling Ang Naka Mask sa Pasko?


As usual nagka-umpukan mga barkada dyan sa kanto, sa me guardhouse. Katatapos lang ng Undas kaya ngayon, Pasko naman ang topic nila. Nagrereklamo nga sina Totoy Golem at Dagul dahil wala daw silang kinita nung Undas dahil walang masyadong tao sa sementeryo--sa Baesa at sa Himlayan. 

Photo above from filipinotimes.net.

Kaya sana daw sa Pasko maka-raket sila.

Review lang--baka nalimutan nyo na ang Ocho Boys (Kalog Boys)--eto sila:

Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy.

O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

So, pinagusapan nila ang diskarte sa Pasko:

PROF: Pano kayo dedelihensya sa Pasko e obligado kayong naka mask at face shield?

AKO: Oo nga, pangit na nga boses nyo, di pa maiintindihan dahil sa mask at shield.

SIKYONG PEDRO: Pagbabati nalang halimbawa? Pano kayo babati sa Pasko?

MR. BEAN: Madali lang yan!

PROF: Paano?

MR. BEAN: E di "Merry ChristMask!"

PROF: E sa Tagalog?

LOWIE: Maligayang MASKo!

PROF: Pano social distancing? Hindi makakalapit yung kakarolingan nyo pata magbigay ng pera dahil social distancing.

MR. BEAN: E di Gcash!

"Haay nako!" sabi ko nalang. "Di nyo ba alam bawal na mangaroling tong Paskong ito? Next year nalang!"