Tatlong araw na yatang walang tubig sa Bahay Toro! Mawalan na ng kuryente wag lang tubig. Bat ba di nalang mga kriminal ang mawala? "Grabe naman!" ika ni Gerald (the dyaryo bote). "Ano bang planong gawin ng Maynilad? Mangamoy tayong lahat dito?" Me matinding conviction sa boses nya.
"WOW! Parang naliligo!" sigaw ni Badong. "Matagal ka nang nangangamoy!' Ika naman ni Pareng Babes. "Sisisihin mo pa Maynilad!"
Photo by Patrick Pahlke on Unsplash.
"Sabunutan kita dyan, e!" pabirong banta ni Gerald sa panot na si Pareng Babes.
"Pero bakit ba walang tubig?" anya ni Lowie. "Sobra-sobra na nga ang tubig ulan ni Ulysses tapos walang tubig sa gripo! Anu yan, lokohan?"
"Nililinis daw muna ng Maynilad ang burak sa tubig na nasa filtration station nila," paliwanag ni Prof. "Medyo matatagalan daw."
"Eh, ano ba solusyon mo dyan, Prof?"
"Magtipid, syempre. Tapos hila-hilamos lang muna. Lagyan muna ng supot na plastic ang pinggan pag kakain para wala nang hugasan."
"Pano ebak natin?" tanong ni Gerald. "Sa plastic na supot pa rin?"
"Di ba ikaw sanay ka na sa ilog umebak?" singit ni Pareng Babes.
"Ang solusyon dyan, wag munang kumain," ika ni Prof. "E di walang ebak."
Dumating si Roy. "Wala pa ring tubig?" tanong nya. "Absent tuloy ako sa office kasi halos 3 araw nang walang tubig. Nung una at pangalawang araw medyo OK pa eh. Pero tatlong araw?"
"Wag na ding magtrabaho muna," dagdag ni Prof sa solusyon niya.
"Edi wag na din munang pumasada!" sabi ng ilang tricycle drivers na nag-aantay ng pasahero.
"So tigil lahat," sabi ko. Ako si Jaden.
Tumigil silang lahat. Walang kumiklos. Walang nagsasalita. Walang pumipikit. Wala rin yatang humihinga! Para silang istatuwa. "Oy, joke lang no!" sabi ko.
Yun pala, paglingon ko, andun si Quibuloy sa likod ko. Nagulat pa ko. Bat sya nasa Ocho? Napadaan ang kotse nya at napa-dungaw sya pag daan sa likod ko.
"O, alam mo na bat walang tubig?" ika ni Prof.
"Bakit?" tanong ko pa rin.
"E kasi 'STOP!! sabi nya," paliwanag ni Prof.
ANG OCHO BOYS
Review lang--baka nalimutan nyo na ang Ocho Boys (Kalog Boys)--eto sila:
Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy, Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy.
O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!