Photo above by Jim Wilson on Unsplash.
Pano na yung mga senior citizen na hindi na makaakyat sa footbridge? Talagang babay-bayin nila ang EDSA hanggang Balintawak o Monumento para lang makarating sa Munoz?
"Hindi makatarungan yon!" sigaw nya sa umpukan ng mga tricycle drivers. "Ibalik muli ang mga U-tarn islats na yan!"
"Di naman inalis. Sinara lang. Andun pa rin yung mga U-tarn islats!" ika ni Dagul.
"Prublema ba talaga yang U-tarn islats na yan sayo, Mr. Binong?" tanong ni Sabas. "E di ka naman senior. Mas malakas ka pa sa kalabaw!"
"Kasi yung lolo ko e!" sagot ni Mr. Bean.
"Ah yung lolo mong senior?" ika ni Sabas.
"Me lolo bang hindi senior?" bwelta ni Badong ke Sabas. "Syempre senior!"
"Ba't si Derek di naman senior pero mukang lolo na?"
Tawanang maka-diablo.
"Hindi!" sabat ni Mr. Bean. "Hindi dahil senior na lolo ko. Kasi yung nililigawan niya nasa Parkwi! E di kelangan niya pang tumawid ng footbridge para manligaw!"
"Lolo mo nanliligaw pa?"
"Bakit? Bawal ba? Anong batas ang nagbabawal?" sagot agad ni Mr. Bean.
"Saan ba yang Parkwi na yan?" tanong ni Prof.
"Dyan sa Parkwi Billige, sa me Del Pilar!" sabi ni Mr. Bean.
"Ah sa me Sen Peter! Yung punirarya. Liliko sa kaliwa tapos diretso, tatawid ng tulay?" tanong ni Gerald d Dyaryo-Bote.
"Mismo!" sagot ni Bean.
"E di mag Zoom nalang sila sa internet!" mungkahi ni Derek habang nilalantakan ang mainit na mami na binili nya sa karenderia ni Aling Lori. "Enge naman nyan," sabi ni Gerald d Drayro-Bote. "Bawal! Me pandemia no!" sagot ni Derek. "Ano ko, me-Covid?" sabi naman ni Gerald. "Malay ko!" sagot naman ni Derek.
"Ganto nalang, Beano. Sabihin mo sa lolo mo makipag date nalang sa nililigawan niya. Tapos magkita sila sa SM Annex," suggestion ni Prof. "E di hindi na kelangan tumawid ng footbridge lolo mo. Tapos yung nililigawan niya mag jeep nalang to SM from Walter. Di ba?"
"Hindi yun, Prof e! Hindi yun ang prublema!" sabi nanaman ni Bean.
"E ano?"
Nagkamot ng ulo si Mr. Bean: "Walang perang pang date lolo ko. E bat pa sya tatawid ng footbridge o pupunta sa SM? Di ba? E dahil na-sabi mo yan Prof, pwede bang pa-utang para me pang date si lolo? Tutal idea mo naman yan e..."
CASTS
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!