Sunday, January 16, 2022

Nag-Positive si Mr Bean


Bad news. 

Nag-positive si Mr. Bean. Sinipon ito at medyo nanamlay, kaya na-isip nyang pa swab. Ayun! Positive. Sapul! Bullseye! Kasi eh!!! Nagtataka sya dahil maingat naman daw sya. Naka-mask parati and all. Kaya parang di sya maka-paniwalang positive sya. Hasel kasi sa kanya mag-quarantine. Aksaya oras daw.

"Maingat???" sigaw ni Sabas. "Maingat ba yung ganon? Labas ng labas ng walang mask. Me mask nga nasa baba naman nya parati. Parang di ka na rin naka-mask non! Tapos hilig pang maki-siksik sa matataong lugar. Ayaw mag-chansing! Kung saan matao andun sya!"

"Puso mo, Sabas!" paalala ng mga tricycle drivers. "Anung chansing?" tanong ni Roy. 

"Chansing...edi yung dapat layu-layo kayo!" sagot ni Sabas.

"Distancing!"

"Yun na nga! Chansing!" giit niya.

"Ano ba dapat ginagawa ng mga positive?" tanong ni Dagul habang inaayos na ang kanyang mask. Nung nabanggit ang mask sa baba, nilagay nya sa ilong at bibig ang mask. Nasa baba din nya kasi. 

"Si Jaden ang me mas alam dyan!" singit ni Gerry.

Kaya sabi ko: "Dapat nasa bahay ka lang ng 10 days pag bakunado ka. Di ka pwedeng lumabas o humalo sa mga tao o kung sino man. Dapat nga sa loob ka lang ng room mo. Pag hindi ka naman bakunado, 14 days naman."

"Yun ang quarantine, di ba Jad?" 

"Tumpak Roy! Kaya dapat me taga-luto ka at taga-abot ng pagkain. Dapat lagyan nyo ng sistema pano di ma expose ang nag-aabot ng pagkain. Kung ikaw lang sa bahay mo, ikaw na din magluto ng food mo. Pero mas maganda kung me kasama ka sa bahay para namo-monitor ka--lalo na me lagnat ka." sabi ko.

"Teka," napa-isip ng malalim si Sabas. "Pano ang CR kung isa lang ito at me mga kasama ka sa bahay?" Importante kasi ke Sabas ang CR, first and foremost. Minsan nasabi nya na mawala na lahat wag lang CR. Di baleng walang makain basta me CR.

"Importante me sistema kayong matindi. Striktong pag-gamit ng CR," wika ko. "Tuwing matapos gumamit ang positive, dapat sprayan lahat sa loob ng banyo--ang faucet, walls, floor, tabo, door knob at pinto. Lahat ng nasa CR dapat ma-disinfect mabuti. Kaya dapat me alcohol o Lysol. Magastos ma-positive. Mas maganda kung me sariling tabo at sabon ang positive." 

"Siguro maganda din, Jad, kung yung mga walang Covid, naka mask parati pag gamit ng CR!" ika ni Derek. 

"At kahit saan sila sa bahay dapat naka mask sila. Ako doble masks ang payo ko parati. Para sure," sabi ko.

(In a few moments).........

Biglang nagtakbuhan ang mga tao sa paligid. Pati ang mga Ocho Boys, nung nalingon, ay nagtakbuhan, habang sumisigaw na parang mga baliw. Sa isang iglap, nagmistulang deserted ang tricykelan at ang kalye. Parang Walking Dead. Kaya tumingin ako sa direksyon kung saan nagtinginan sila bago nagtakbuhan.

Si Mr. Bean naglalakad. Tas, wala pang mask!!!!!

Lumayo ako at nagtanong: "Sir Bean! Bat ka nasa labas? Wala ka pang mask!"

"Kaya nga ako lumabas. Bibili ako ng mask!"

"Wala ka bang pwede utusan?"

"Kaya nga ako lumabas, Uutusan ko sana si Sabas. E tumakbo naman."

"Sana nagpa-deliver ka nalang sa Grab o Lalamove!"

"Kaya nga ako lumabas. Papa text sana ako ke Sabas para magpa-deliver sya para sakin!"

Wala na kong masabi ke Mr Bean. Ang galing mangatwiran. Ilang segundo pa, nawala na din ako na parang bula......


MGA TAUHAN: Ako (si Jaden Mero, and me-akda ng Kwentong Otcho), si Prof Pekwa, Pareng Babes, Mr. Bean, Badong, Sabas, Roy and Gerry (mag-utol), Sir Tony (teacher), Totoy Golem, Dagul, Derek, Gerald d Dyaryo-Bote, Victor the taho vendor, Sikyong Pedro, si Lewy (o Lowie), si Boy at si Bisoy. O nga pala, si Boy at Bisoy ay mga bagong members ng Otcho Boys---although si Boy ay matagal na sa Otcho. Yun nga lang, matagal ding nawala dahil umuwi sa Butuan. Pero bumalik na siya. Si Bisoy (Bisayang Baboy ang tukso sa kanya kasi mataba siya) ay nangungupahan naman sa likod-bahay nila Boy.

Photo by krakenimages on Unsplash.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!