Ako si Jad, ang me akda ng Kwentong Kalog.
Di kasi ako nakatulog nung gabi nitong November 2, All Souls Day. Ang lakas ng mga alulong ng mga aso ng kapitbahay. Di ba me ibig sabihin daw yan, sabi ng mga matatanda?
Mga kaluluwang naglilibot daw.
At walang patid yun ha--alulungan sila from siguro 9pm hanggang madaling araw. Kaya ginawa ko, sumilip ako sa jalousie namin--nasa attic namin ako.
Wala akong nakita.
Well, syempre nakita ko yung itim na aspalto sa kalye at yung ilang naka-park na mga kotse ng kapitbahay. Maliban doon, wala na.
Kaya nagpasya akong lumabas.
Dahan-dahan kong binukas ang front door namin at naglakad sa gilid ng sidewalk. Actually, dun ako naglakad sa tabi mismo ng mga bakod sa harap ng mga bahay, nakukublihan ako ng mga halamanan. Tinignan ko ang buwan--medyo bilog siya.
At malamig ang hangin.
Sige, lakad pa ako pababa sa kanto. Tapos banda doon sa store ni Aling Lydia, nakita ko ang dalawang anino malapit sa kanto--sa ilalim ng puno. Nagbubulungan. Sa matinding katahimikan, madidinig mo mga boses nila. Pero di mo maintindihan.
Lumapit pa ako.
Nang malapit-lapit nako, nakilala ko mga boses nila. Si Sabas at si Dagul! Ba't kaya gising pa sila? Kababanggit lang ni Dagul tungkol sa "aswang" daw.
Lumapit pa ako, at doon ko nadinig ng malinaw ang kabuuan ng sinasabi nila:
"Ba't kaya bukas pa ang ilaw ng kwarto ni Jad?" tanong ni Sabas.
"Naku!" sabi ni Dagul. "Baka aswang!"
Mga pahamak talaga!
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!