Tuesday, November 10, 2015

Kaya Yumayaman si Derek

www.pinterest.com
Kapag tapos na ang Undas, me kakaiba ng simoy and hangin sa Otcho--simoy ng Pasko. Minsan pag baba ko sa me labasan--dun sa me traysikelan--me nakita akong Christmas lights na nakasabit na at nakasindi agad.

Halatang excited yung me ari. Pati yung grocery sa labasan me mga tindang pamasko na rin--pero meron pa din silang tindang kandilang pang Undas. Minsan kasi kahit November 10 me nagpupunta pa rin sa sementeryo--humahabol sa Undas.

E, eto na si Pareng Babes, me napansing garland na me apat na candles, at ang isa e kulay puti daw--gaya ng nasa picture sa kaliwa.

Tanong niya, pang Pasko ba yan o Undas pa rin?

So, pinuntahan namin yung me ari. Doon yun sa aircon na barbershop sa Short Horn--na, by the way, nagiging isa sa mga favorite tambayans ng mga Kalog Boys.

Isang 10-minute tricycle ride lang andun na kami.

Ang me ari si Derek (yung matabang nagmamaneho ng ke liit-liit na sasakyan, cruelty to vehicles nga). Siya din yung me junk shop sa Otcho. Nagkataon naman, andun din sa barbershop sila Prof, Dagul, Totoy Golem at si Roy. Dadating din daw yung iba. "Ano ba ang meron," tanong ni Pareng Babes.

"Init," sabi lang ni Dagul.

"Init? Anong init?"

"Init ng panahon. Ang init sa labas! E dito aircon," sagot ni Totoy Golem ke Babes.

"E teka, ba't ba yung garland mo sa pinto me kandilang puti?" tanong ni Babes ke Derek na me ginugupitan.

"Apat na asul dapat yan. E ang isa ay P30. Ang dala ko ay P100 lang. E ang puti ay P10. E di tatlong asul at isang puti ang binili ko," sabi ni Derek.

Kamot ng ulo ang mga Kalog Boys. Pati yung ginugupitan. Kung iisipin mo, ganyan talaga ang buhay.

Mahusay sa Math si Derek, kaya naman yumayaman.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!