Kahit saan lumusot ang taxi, trapek! Lalo pa nga kami na-ipit sa Project 7 e.
Una, walang masakyan sa Fishermall kasi ang daming tao. Naglakad kami banda doon sa De Vera, baka me bumaba doon from mga jeepney.
Wala!
Nag-tricycle kami (medyo bingi pa yung trike driver) hanggang Frisco at doon, ang dami ding tao, mga mukhang hopeless lahat mga mukha nila!
Buti nalang me taxing pumara. Sakay agad kami ni Pareng Babes kasi parang mga zombie yung mga taong tumakbo patungo sa amin para agawin yung taxi samin.
Pero sobrang bagal yata ang pag-drive niya.
Tapos ayun, naiipit na kami sa Juan Luna at sa mga kalye doon.
No choice na kundi makipag-kwentuhang Otcho sa driver. Buti nalang ma-kwentong kalog din ito. Inaliw kami sa mga istorya niya.
Dati daw siyang driver ng punerarya. No wonder ganun ang takbo namin. Tinanong ni Pareng Babes ba't wala na siya sa punerarya. Ang dami daw nagreklamo sa pagmamaneho niya--pati mga patay naiinip. Joke niya yon. Tawa-tawa siya nung kinikwento niya to. Kung baga, biro lang kunwari ang dating niya.
Pero kami ni Pareng Babes, alam namin katotohanan yon. Kung ako ang patay, magrereklamo din ako sa Tulfo brothers.
Pero biglang liko siya sa maliit na daan at sinabi: "Dito ako noon shumo-short cut pag naghahatid ng patay sa morge."
Aba! In less than 15 minutes nasa Otcho na agad kami. Nakita na lang namin nasa Short Horn na kami! Mga P150 lang binayad ko.
OK din pala mga taxi drivers na dating driver ng punerarya. Baka nga sila ang solusyon sa trapik.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!