Thursday, November 19, 2015

Me Sumabog sa MRT Kanina!

www.flickr.com
Ang sarap ng nilutong kare-kareng bituka ng baka ni Prof! Grabe, as in grabe ang sarap! Talagang napalambot niya yung mga bituka at tamang-tama ang pagka-gisa ng bagoong!

Alam naman natin nasa bagoong din ang sarap ng kare-kare. Tapos ang sarap pa ng pagka-luto ng kanin!

Kaya nung nag-tawag na si Prof para subukan ang kare-kare niya kaninang umaga, dagsaan ang Kalog Boys!

Talagang LAMON ang ginawa!

Grabe sumubo sina Dagul at Totoy Golem! Ganun din sina Pareng Babes, Mr. Bean, Lewy, Sabas, Derek, Roy at iba pa--pati si Gerald na dyaryo-bote naki-kain na rin. Andun din si Sikyong Pedro.

Kaya nga humirit ako ke Prof. Sabi ko, penge naman pang baon. Me lalakarin kasi ako sa Makati, e plano kong dun na mag lunch. Tutal, ang dami namang kare-kare at kanin, why not mag-baon nalang ako?

OK lang ke Prof.

Humirit ako ng madaming bagoong! As in isang hiwalay na ba-unang tupperware!

So, nilagay ko sa backpak ko at humayo na. Nalalasahan ko pa ang linamnam ng kare-kare sa dila ko!

Sarap!

Sa MRT, grabe pila at siksikan. Nung nasa platofrm na ako at ayan na yung train, aba, gitgitan na at tulakan!

Di ko ugaling manulak, lalo na ng mga babae. Pero itong si sexy, ginitgit ako. At tapos, yung iba pang mga sexy, ginitgit na din ako.

Naku! Natangay yung backpack ko, sumabit sa mga balikat ng ibang tao, at nag-tumbling sa floor.

Pag-bagsak ng bag, SUMABOG!

Ayun, kaya me sumabog sa MRT kanina!

Nag-kalat ang kare-kare at bagoong everywhere! Nangamoy!....Ang sarap!

Ang daming nadulas sa kare-kare. Gumulong pa sila sa bagoong! Nagka-dikit-dikit sa mukha nila yung kanin.

Biglang dumagsa ang TV networks--GMA 7, ABS CBN, at iba pa.

Nag-trending pa sa Twitter. Sikat ako pero sayang yung kare-kare.

Well, ganyan talaga ang buhay.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!