Thursday, October 29, 2015

White Lady na Lumalabas Pag Hating-Gabi---na Rape?

www.flickr.com
Minsan, pumapasyal din ang mga Kalog Boys sa Norte (sementeryo sa Hilaga) kapag Undas. Sa Himlayang Pilipino, mas sosyal ang mga tao.

Pero it's more fun at the North Cemetery, ika nga ni Prof. Mas madaming tao at kwentuhan. Halos kahit saan ka bumaling, me mga kwentong kalog na napaguusapan.

Gaya nung pumutok na bali-balita sa isang parte ng Norte--isang white lady daw ang madalas lumabas sa sementeryo pag hating gabi. Kaya ayun--na rape. Andun ang mga Kalog Boys ngayon para mamasyal lang, pero mukhang masasabit sila dito.

Laking gulat ng mga Kalog Boys nung narinig yung kwento. Kaya nung ilang araw nalang at Undas na, nag-decide silang mag-overnight doon--baka sakaling makita nila yung na-rape na white lady. Alam nyo naman si Dagul, parating ma-usyoso. Gusto niya ng mga kakaibang bagay.

Nagkataon namang me friend si Mr. Bean doon na caretaker ng isang mosoleyo--doon mismo sa parte ng Norte na kung saan na-rape daw yung white lady at nagmumulto. Sa mosoleyo sila matutulog, at happy naman si Frederick--yung caretaker--dahil madami siyang makakasama. Natatakot na daw siya dahil mula nung na-rape yung white lady, nagsimula na itong magpakita ng hating gabi.

"Teka, teka," sabi ni Pareng Babes. "E di ba na-rape na nga siya kasi lumalabas siya pag hating gabi? E ba't magpapakita nanaman siya ng hating gabi? Gusto ba niyang ma-rape ulit?"

"E kelan siya magmumulto? Tanghali" tanong ni Derek. "Meron bang white lady sa tanghali?"

"At sino ba nang-rape sa kanya?" tanong ni Lewi.

Natawa si Sabas. "Kakatawa naman yan--ang mga white lady, nagmumulto daw mga yan dahil minsan, sila daw ay mga babaeng nalapastangan. Eto naman, white lady na siya na nalapastangan noon, nalapastangan nanaman ngayon! At dahil dito, magpapakita ulit siya as white lady nanaman! Magulo yata!"

"Double white lady," sabi ni Lewi.

"Ay nako!" sabi ni Dagul. "Tignan nalang natin mamyang gabi. Ano, ready na ba kayo dito matulog?"

Sagutan lahat ng "Oo," at excited pa.

Namasyal-masyal muna sila sa semeteryo at nag-tanghalian sa karinderya banda roon. Masarap ang adobong manok nila. Nung hapon, nag syesta sila sa mosoleyo at nung late afternoon na, bandang 5:30 pm, nag-umpukan na ulit sila sa labas ng mosoleyo para mag-kwentuhan. Pagka-hapunan (nag-saing nalang si Frederick at nagbukas ng mga delata) naglatag na sila ng mga dyaryo para mahigan.

Madami pa namang mga tao sa semeteryo noon--mga naglinis ng puntod nila--pero mga 11:30 pm, tahimik at madilim na. Nadidinig nalang nila sa malayo ang boses ng mga ibang nag-o-overnight din sa mga kanyan-kanyang puntod o mosoleyong binabantayan, pero konti lang ang mga yon.

At tapos, hating gabi na! Lalabas na ang white lady na na-rape!

Naka-silip na ang mga Kalog Boys sa mga bintana ng mosoleyo. Excited sila na kinakabahan. Pano kung pasukin sila sa loob?

Mamyang konti pa, ayun na! Nakita nila ang white lady, nakalutang sa hangin, laylay ang buhok sa mukha.

"Bakit laylay ang buhok sa mukha niya? pansin ni Derek.

"Na-rape nga e. Syempre shy siya. Anu ka ba?" sagot ni Totoy Golem. "Ikaw kaya ang ma-rape!"

"SShhh!" sabi ni Mr. Bean at Prof.

"Maganda ba? Di ko makita yung mukha!"

"Ako nakikita ko!" excited na sagot ni Mr. Bean.

"Ano itsura?"

"Pre, mukhang white lady!" sabi niya.

"Aba! Sumakay sa kalesa ni Mang Oka!" gulat na sabi ni Frederick. "Ba't kaya? At sinakay naman ni Mang Oka! Me relasyon kaya sila?"

"Aba! Syempre naman! Masakit yata ang katawan ng isang na-rape!" sagot ni Mr. Bean. "Mahihirapan siyang maglakad. OK yang sumakay nalang siya!"

"Parang kalokohan lang ang lahat!" duda naman ni Sabas.

"Teka, huminto sila sa puntod ni Atty. Jose Buenafe." pansin ni Frederick. "Ba't kaya?"

"Baka si Attorney ang nang-rape sa kanya? Di kaya?" sabi ni Pareng Babes.

"Di ba kayo marunong?" sabat naman ni Totoy Golem. "Syempre, kelangan niya ng attorney. Na-rape nga siya e!"

"O nga!" segundo ni Lewi. "Magsasampa siguro ng kaso."

I-iling-iling si Prof. Well, ganyan talaga ang buhay.

Alas Syete Daw Labasan na ng Mga Zombies sa Sementeryo, sabi sa News

textaural.com
 Undas noon. Lahat ng tao me date sa semeteryo. 

"Four to six thirty lang tayo ng gabi sa sementeryo sa Undas, ha!" text ni Gerry sa utol niyang si Roy. "We must be out of the cemetery before 7 pm!" dagdag pa niya.

Nagtaka siya sa text ni Gerry. Tapos sabi niya sa mga Kalog Boys na kasama niyang naka-tambay sa harap ng internet shop ni Wally sa me traysikelan: "Tignan nyo tong text ng utol ko sakin. Nakaka-bahala. Parang horror movie ang dating."

Binasa niya. Syempre, kumpulan mga trike drivers sa kanya. Tayo kasing mga Pinoy mahilig sa katatakutan, Undas man o hindi. Pagka-basa ni Roy, halos sabay-sabay nagkamot ng ulo ang mga Kalog Boys.

"Pwedeng mag-stay dun hanggang alas dose ng gabi!" sabi ni Pareng Babes. Sure na sure ang tono ng boses nya. "Bitin yan pag 7 pm lang uuwi na kayo!"

"Hanggang kinabukasan nga pwede rin e!" segunda pa ni Prof Pek.

Tumunog ulit ang cell phone ni Roy. Tinignan niya. "Si utol ulit," sabi niya. Binasa ang bagong text message: "Alas syete daw labasan na ng mga zombies--sabi sa news!"

Gulantang sila. "WAT???" halos sabay-sabay nilang sigaw. Napa-English pa sa gulat.

"Totoo ba yan?" tanong ni Mr. Bean. "Pinag-tri-tripan ka lang yata ng utol mo e. Totoo ba yang mga zombies? Sa pelikula lang yan!" Tawanan lahat.

"E di manood tayo sa TV ng news. Now na! Panood naman, Aling Lory!" hirit ni Prof Pek. May TV kasi sa karinderya ni Lory. Pumayag naman siya. Pag bukas ng TV, tamang-tama namang sinasabi ng news anchor na nakatawa pa: "Kaya alas syete tuwing gabi hanggang Undas, maglabasan na ng mga zombies sa sementeryo!"

Napa-nganga silang lahat! Totoo nga! Sabi sa news! Dinig na dinig nila! E bakit natatawa pa si anchor man?

"Totoo pala yang mga zombies na yan?" pagtataka ni Mr. Bean.

"Di lang yun--magsisilabasan daw sa sementeryo simula ngayong gabi! Kelangan masaksihan natin ito!" sabi ni Dagul. Mahilig si Dagul sa di pangkaraniwang mga bagay.

Tamang-tama naman, papasyal mga kapatid at uncles ni Roy sa Himlayang Pilipino ngayong gabi para i-check ang mosoleyo ng pamilya nila, kung ready na ba to for Undas. At dahil nag-plano na ding magpunta sa Himlayang Pilipino ang Kalog Boys para makita ang mga zombies, sinabi ni Roy ke Gerry na magkita nalang sila doon dahil sasama siya sa Kalog Boys.

E di, ang dami na nila--Mga Kalog Boys plus dalawang kapatid na lalaki at dalawang uncles ni Roy. Matapang na si Mr. Bean. Sumama siya.

Masaya ito!

Bandang 6:00 ng gabi, andun na ang Kalog Boys, excited na kinakabahan. Naka-tutok ang paningin nila sa mga nitso at libingan--sakaling magsi-bangon daw ang mga patay doon. Napansin nila, madaming police, barangay tanod at kahit military sa semeteryo. Mukhang totoo nga ang balita. Pero ba't di nila pauwiin na ang mga tao? Dilikado ito. Madaming makakagat!

Mamyang konti, dumating na sila Gerry. Nakita niyang namumutla halos lahat ng Kalog Boys at tila ligalig--sila Prof, Pareng Babes, Dagul, Totoy Golem, Lewi, Derek, Mr. Bean, at kahit na si Roy na utol niya. Ano ang mga ito--gutom na?

"OK lang kayong lahat? Gutom na ba kayo?" tanong niya tuloy.

"Bakit?" tanong ni Prof.

"E, ang puputla ninyong lahat. Para kayong nakakita ng white lady!"

"Pambihira ka, Gerry!" sabi ni Mr. Bean. "Di ka ba natatakot sa zombies?"

Lumiwanag ang mukha ni Gerry. "Ah, yun ba? Hehe, kengkoy nga e--ang korni!"

Nagka-tinginan ang mga Kalog Boys. Nagtaka sila na medyo nayabangan ke Gerry. Ang tapang naman nito, akala mo kung sino, naisip ni Dagul at Totoy Golem, mga dating siga ng Otcho. E kung sila nga kinakabahan e--ito namang Gerry na to ang tapang!

"Di ka takot sa paglabas ng mga zombies?" tanong ni Prof ke Gerry.

"Hehehe, Ok ka lang, Prof?" sabi naman ni Gerry. "Ba't ako matatakot? Bakit, natatakot ba kayo?"

"So, totoo palang me mga lalabas na zombies pag 7 ng gabi?" usisa ni Roy.

"Oo, di ba nasa news!" sagot ni Gerry. Nagkakamot na ng ulo ito. Parang big deal naman ang zombies, ika niya sa sarili.

"Aba, kelangan magsi-handa na kayo!" sigaw ni Dagul. Laking gulat naman ni Gerry. "Ha?" taka niya.

Nagsi-porma ang mga Kalog Boys na tila naghahanda sa bakbakang mangyayari. Tinitignan ni Prof ang relo niya--papalapit ng papalapit ang alas syete. At ilang sandali pa, alas syete na nga!

"Ready kayo!" sigaw ni Prof.

Mamyang konti, nang alas syete na, tumunog ang isang masayang pambatang tugtugin at nasilayan nila ang mahabang parada ng mga batang nakasuot ng iba't ibang costumes ng zombies. Sumisigaw silang "Trick or Treat" sa mga taong nadadaanan nila. Tuwang-tuwa naman ang mga taong nagbibigay ng mga pabuya sa kanila.

"Kuya, yan yung mga zombies na sinasabi sa news," ika ni Gerry. "Kakatakot 'no."

Aral ng Kwentong Kalog na to--huwag mag-conclude hangga't di inaalam ang buong kwento. Ganyan talaga ang buhay.

Thursday, October 22, 2015

Gamot sa Hangin

runsickboyrun.blogspot.com
Me mga taong madalas me hangin sa tyan. Kahit ilang beses dumighay o umutot, mamyang konti me hangin nanaman sila sa tyan.

Ganon sina Sabas, Dagul at Totoy Golem.

Kaya ayaw ko silang magkakasama, lalo't me lakad ang barkada. Kapag walang choice kundi kasama sila, tinitiyak kong magkakahiwalay silang tatlo. Mantakin mong magsabay-sabay silang maglabas ng masamang hangin. Talagang itatanggi kong kasama ko sila. Terrorism yon.

E minsan, nagkataong nagkita-kita kami sa SM North. Nanlaki ang mga mata ko nang eto na silang tatlo, magkakasama, papalapit sakin at all smiles pa. Tuwang-tuwa silang makita ako. Kinabahan naman ako sa kanila, lalo na ke Totoy Golem. Pag malaking tao kasi, malakas din ang hangin noon!

Patay!

At eto pa--ang lakas ng loob nilang magyayang manood ng sine! Pag malamig kasi, gaya ng fully aircon na lugar, mas malamang magiipon sila ng hangin sa tyan. Mas delikado yon.

Buti nalang action yung palabas--sigawan, barilan at sabugan ng bomba. E di sige, OK, pumayag ako. Di ko kasi kayang biguin ang kaligayahan ng mga kaibigan ko, lalo na tung tatlong ito na mga mababangis na kriminal dati pero nagpasyang magbago na mula nung naging barkada nila ako--nung napasali sila sa Kalog Boys.

So nood kami ng sine. Bumili sila ng popcorn para daw snacks habang nanonood. Kaso, pag carbohydrates gaya ng popcorn, mas lalong lolobo tyan mo sa hangin. Napa-ngiwi ako, pero andyan na yan e. Me magagawa pa ba ako?

Medyo kalagitnaan na nung nadinig kong nagpapasabog na sila--hindi yung mga bida sa pelikula kundi yung tatlo kong kasama. Pa-simple sila, pero dahil matalas talaga ang mga tenga ko, nadidinig ko mga utot nila. Parang me timer pa--yung isa sumabog, tapos after 30 seconds yung isa naman, at after 30 seconds ulit, yung isa naman.

Dun ako tumayo at sinabing magsi-CR lang ako. Gusto ko isigaw sa sinehan na hindi ko sila kasama at kilala. Pero mali ang decision ko na mag CR kunwari. Kasi nung pagtayo, pansin ko na dun nagtinginan yung mga tao sakin. Akala nila ako yung nagpasabog!

Anu ba?!

Yung mga me silencer o "suppressor" pa naman ang matindi. Yun ang kumakalat at perwisyo talaga--hanggang likod ng sinihan umaabot. Nung nagpasabog sila ng di-silencer, nagbukasan ang mga flashlights ng mga ushers sa loob ng sinehan at kung saan-saan tinutok ang ilaw, hinahanap siguro ang source ng bomba.

Nung nakita nilang ako lang ang tumayo during the explosions, lahat ng flashlights tumutok sakin. Parang yung presong tumatakas sa kubli ng dilim tapos na ispatan ng mga spotlights.

E di syempre, tuloy-tuloy na akong lumabas ng sinehan. Nakakahiya nang bumalik. Hinantay kong matapos yung sine at inabangan ko silang lumabas. Naka-smile pa ang mga pahamak.

Tapos, sabi ni Golem sakin: "Jad, magkakakain ka ng nilagang kamote, at pati balat kainin mo. Gamot talaga yun sa hangin sa tyan. Grabe ka rin palang kabagan?"

Magpro-protesta na sana ako nang sinabi naman ni Dagul:

"Hwag ka nang ma-dyahe samin, pre! Naintindihan namin. Ganyan din kami!"

Tapos, inakbayan ako ni Sabas na para bagang kino-comfort niya ang isang nabigo sa pagibig: "Wag mong dibdibin, friend. Ganyan ang buhay,"

Tuesday, October 20, 2015

Trabaho O Libangan?

Wala pang mga tambay
sa internet shop..
Parang "Negosyo o Bayan?" sa pelikulang Heneral Luna. Ito naman, trabaho o libangan? Hindi libingan ha! (Although malapit na ang Undas).

Nagiging paboritong tambayan na rin ng mga Kalog Boys yung internet shop dyan sa me labasan, sa me terminal ng mga tricycle sa Assistant Street. Me dalawang hakbang sa pinto ng harap ng shop, tapos bangketa na. Dun sa mga hakbang at sa bangketa naka-upo ang mga tambay dyan--yung mga Kalog Boys nga at ilang tricycle drivers.

Ang parang tumatayong presidente or "kuya" ng mga tambay dyan si Lowi. Madalas siya dyan. Minsan kasama niya sina Pareng Babes at Professor Pekwa or Prof. Syempre, andyan din sila Dagul at Totoy Golem--sila ang mga tagapag-tanggol ng Taas--yung area ng Otcho na kinabibilangan ng Assistant, Finance, Accounting, Actuarial, Assets, Personnel at Adminstration Streets. Kasama na rin yung Records at parte ng Road 20.

Pero mabait naman sina Dagul at Totoy Golem. Lalo na si Lowi. In fact, mababait ang mga Kalog Boys dahil ako ang nagtatag nyan. Ako si Jaden Mero, taga Taas din. Since 1968 pa ako nakatira sa Otcho.

Minsan, me mga nakakapansin sa mga tambay at nagcri-criticize. Nagsasayang daw ng oras. Naka-tambay lang daw doon at sinasayang ang mga buhay nila. E palibhasa, mga wala din silang magawa, kaya pinakiki-alaman nila buhay ng me buhay. Madalas mga working guys itong mga kritikong ito at mga retired na empleyadong nakatira doon--mga feeling sosyal at mataas. Pag daan nila doon, napapansin nila itong mga tambay at siguro naiinggit.

Natanong ko tuloy minsan--me mga makabuluhang libangan ba kayo? Kasi kung meron, di nyo na mapapansin ang ginagawa ng ibang tao. Kaya nyo napapansin at pinapatulan--boring din siguro mga buhay nyo. Madaming tao ang naghahanap ng trabaho at gustong magtrabaho, kahit anung trabaho.

Pero bihira lang ang taong me makabuluhang libangan. Ang libangan, pinipili. Sa trabaho, madalas di ka pwedeng mamili.

"Hindi lang basta tambay yan," sabi ko minsan. "Libangan yan."

Walang sinuman ang pwedeng magsabing walang kwenta ang ginagawa ng isang tao. Lahat ng ginagawa natin, me kwenta satin. Maaaring sa iba walang kwenta ito. Pero satin, mahalaga ito. Kaya kanya-kanyang trip lang yan. Walang basagan ng trip.

Ano ang libangan mo?

Ako, mag-blog sa Kwentong Kalog at iba ko pang blog. In fact, ang pagba-blog sakin, trabaho at libangan. Yun ang the best! Yung tipong libangan lang ang trabaho mo. Naglalaro ka lang tapos kumikita ka. Yung ibang tao, kumikita ng malaki sa libangan nila--gaya ng mga PBA at NBA players. Gaya ng ibang artista.

Alam nyo, ang kulang nalang sa mga tambay at Kalog Boys dyan sa labasan yung kikita sila ng pera habang naglilibang sila sa kwentuhan. Kunwari, magtinda sila ng fishballs, kikiam, sa malamig at iba pa--yun bang parang kooperatiba.

Pero kahit di sila kumikita sa pagtatambay nila, mahalaga pa rin sa kanila ang ginagawa nila. Me kabuluhan sa kanila yon. Wag nating matahin (kahit pa malaki mata mo). Ang libangan ay isa sa mga dahilan kaya nasa katinuan ng isip ang isang tao, kahit madaming prublema yan.

Di ba nga, yang mga empleyado, subsob sa trabaho mga yan para one day makapahinga sila ng mabuti habang ginagawa nalang nila ang libangang gusto nila? O, e di sa libangan din nauuwi ang lahat ng trabaho. E itong mga tambay, naka-una na! Naglilibang na agad sila!

Ano sa palagay mo?--trabaho o libangan?

Sunday, October 18, 2015

Hindi na Daw Malulunod

beben-eleben.tumblr.com
Maaga pa, naka-tambay na sila Pareng Babes, Professor Pekwa at Lewy (na introduce ko na siya minsan dito sa Kwentong Kalog sa name na Lowi) sa me kanto, sa me traysikelan.

Naka-upo sila sa bangketa ng internet shop doon, halatang me prublema. Galing daw kasi yung utol ni Pareng Babes sa semeteryo ng Bagbag at nakitang naiba na daw yung nitso ng uncle nila.

"Panong 'naiba' yung nitso?" tanong ni Prof, naka-kunot ang noong takang-taka kung ano ibig sabihin ng 'naiba.' "Ano yun, lumaki ba o lumiit o nag-iba ang kulay?"

"Di ko alam e. Basta sabi niya, naiba daw. Baka naiba ng lugar o me iba nang nakalibing doon," sabi ni Pareng Babes.

Malayo ang tingin ni Lewy, parang malalim ang iniisip.

"Ano sa palagay mo, Lewy?" tanong ni Pareng Babes.

"Palagay ko, sexy talaga yung yayang yon, o!" sabi ni Lewy. Nakatitig pala siya sa isang babaeng papatawid sa kanila. Dumaan ito sa kanila at sinundan nila ng tingin. Me itsura nga, sabi ni Prof sa sarili. "Bago yung yayang yon dito a! Sino kaya yun?" tanong niya.

"Teka, teka," nakahalata si Babes, "pambihira! Ang pinaguusapan natin ay yung nitso ng uncle ko sa Bagbag. Kung anu-ano naman sinisingit kasi ni Lewy e!"

"O di ba me itsura talaga yung babae?"

"Alam ko!" sagot ni Babes ke Lowi. "Si Princess yun, yung bagong yaya dyan. Maganda talaga yon, galing Zamboanga. Mistisa talaga mga chabakana."

Tumungo-tungo sila Prof and Lewy, nakatitig pa rin sa yaya na andun na sa malayo.

Kinan-tsawan tuloy sila ng mga tricycle drivers na naka-puna. "Hoy! Tama na yan! Matutunaw yung babae!"

"E, tara, puntahan natin para malaman natin!" sabi ni Lewy.

"Alin, yung yaya?" tanong ni Prof.

"Yung nitso!" sagot ni Lewy. "Ikaw talaga Prof, kung anu-ano ang nasa-isip mo!"

"Ikaw tong nagsimula e!" protesta ni Prof.

Nagkasundo silang tatlo--pupunta sila ng semeteryo ng Bagbag para alamin ang misteryo ng naibang nitso. Pero kelangan nilang mag-almusal muna. Alas nuwebe pa lang ng umaga. Tutal, nag-iihaw na ng porkchops yung waitress ni Aling Lory sa karinderya niya--at naaamoy nila Babes, Prof at Lewy ang nakakagutom na amoy nito--nag-almusal na sila doon. Taya si Pareng Babes, syempre, dahil siya ang me problemang so-solve nila Prof at Lewy.

Ang sarap ng kain nila ng inihaw na porkchops at sinangag, at me matching maanghang na suka pa bilang sawsawan. Pagka-kain, sakay sila ng jeep pa-Tandang Sora. Tapos, sakay sila ng jeep pa Quirini Avenue.

Ilang minuto pa, nasa semeteryo na sila ng Bagbag. Pinuntahan nila yung nitso ng uncle ni Pareng Babes--paliko-liko ang makipot na daan, tapos dun sa me malaking puno kumanan sila, at doon sa me puno ng Aratilis, sa ilalim, naka-pwesto yung nitso.

Laking gulat nila sa nakita!

"Ba't naka-tayo!" halos sabay-sabay nilang nasabi. Imbis kasi na nakahiga gaya ng ibang nitso, nakatayo itong nitso ng uncle ni Babes! Para bagang yung picture sa kaliwa, pero naka-baon sa lupa yung ibaba ng nitso.

"Hindi ganyan yan nung nalibing si uncle!" sigaw ni Pareng Babes. "Naka-tihaya yan! Sino ang nagtayo nito?"

Iiling-iling sila Lewy at Prof. Malaking misteryo ito.

Sabay namang dating ni Sonny, naka-ngiti pa, labas ang bungi nito. "Ano? OK ba?" tanong niya.

Si Sonny the carpenter ang madalas gumagawa ng mga repair-repair sa Otcho. Kahit nitso pinapatulan niya, kumita lang. Buong yabang niyang inamin na siya ang inupahan ng utol ni Babes para i-repair yung nitso.

"Ba't mo naman itinayo itong nitso?' angal ni Pareng Babes.

Nagpaliwanag na si Sonny: "E, ang reklamo ng utol mo binabaha dito sa semeteryo pag tag-ulan. Madalas, hanggang bewang ang baha kaya lumulubog ang nitso. E di ayan, tinayo ko. Kahit hanggang bewang ang baha, angat naman ang kalahating katawan ng uncle mo! Di na siya malulunod!"

Matindi din si Bagyong Lando

drownintoabyss.wordpress.com
Alam ko namang me paparating na bagyo, pero hindi masyadong na-highlight sa balita. Or, hindi lang ako masyadong nakakapanood ng TV nitong mga huling araw siguro? Kaya kaninang madaling araw, nagulat ako sa lakas ng hangin. Grabe ang pag-pito nito!

Niyanig pa ang bahay namin. Kahoy lang kasi itaas ng bahay namin kaya medyo nagagalaw pag me bagyo. Kabado din ako sa bubong namin, baka kako tangayin. Kaya di ako masyadong nakatulog. Pray lang ng pray.

Ang kakaiba ke Lando, mula ala-una ng umaga hanggang alas dos ng hapon, bumabayo ito. Andun ang mata sa norte--nag-landfall ito sa Aurora--pero ang lakas ng epekto nito dito sa Metro Manila kahit na 170 kph lang ito na me gustiness na 220 kph. Kinabahan ako--nag-iba ba ng direksyon ito at papunta na ng Metro Manila?

Naalala ko ang bagyong Yoling nung late 1960s na nag direct hit sa Metro Manila.

Kapag 5 am, binuksan ko ang TV for news updates. Wala! Ano ba namang mga media ito! Dapat alam nila na pag ganto, magtataka ang mga tao ba't ang lakas ng palo ng hangin gayong sa Aurora ang landfall at aakyat ang bagyo pa-norte, sabi ng balita. E, ba't ganito sa Manila? Kelangan ng mga tao ng update para malaman nila kung nag-iba ba ng direksyon nito at tatama sa Manila.

Kaso, pag-bukas ko sa TV, ang palabas, "Si Darna at ang Babaeng Tuod"!

Hello! Anung klaseng serbisyo publiko yan sa kasagsagan ng bagyo! Dapat man lang me one-liner na balitang tumatakbo sa ilalim ng screen na nagsasabi ng typhoon update from Pagasa.

Sa isang channel naman, si Bro. Eddie Villanueva. OK, sige, nanuod muna ako noon. Pero ang tagal na, wala pang update kahit saan. So, binuksan ko ang radyo.

Alam nyo sabi ng radyo, yung isang kilalang radio station sa pagbabalita? Masarap daw ang sinangag at tuyo sa ganitong panahon. OK lang sana yon kung me update. E kaso, wala! Anung paki-alam ko sa sinangag at tuyo pag ganitong ang lakas ng bagyo?

Wala pa daw silang makuhang update tungkol sa "pinsala" ng bagyo. Hindi pinsala ang kelangan namin--updates kung asan na yung bagyo at saan ito papunta. Sabi nung anchor, di daw makarating pa yung mga reporters nila or nung disaster agency sa mga probinsiya kaya wala pa silang ma-i-report. E di sana kumuha muna sila ng updates sa Pagasa about where the typhoon presently was and its direction!

Kesa sa nag-ngangangawa siya roon ng walang katuturan! Andyan lang naman ang Pagasa sa QC.

Anyway, nung mga 7 am na, gumayak na kami ng sweetheart ko at lumabas para bumili ng makakain at maki-balita. Ang lakas ng hangin talaga, parang nasa Metro Manila ang mata ng bagyo. Punta kami ke Bong sa bakery--yung suki ko. Nag share kami ng kwentong kalog, tawanan, at sabihan ng karanasan kagabi habang malakas ang hangin.

Tapos, punta kami ni sweetheart sa kalapit na talipapa, sa babuyan at bigasan. Nakinig kami sa mga kwentuhan ng mga mamimili at mga tindero. Parang OK lang naman yung bagyo sa kanila, parang--wala lang!

Punta naman kami sa grocery. Dami ring namimili ng mga dilata. Pero dito malimit ang nagkwe-kwentuhan. Siryoso mga tao dito. Yung ibang tindahang nakadikit sa grocery sarado pa. Tapos, punta kami sa talipapang nayon (ang tawag ko dito talipapang nayon kasi parang prubinsiya ang dating, sa ilalim ng dambuhalang puno andun ang tindahan) at nakinig din sa mga kwentuhan ng mga mamimili. Dito naman, mga ulam na lulutuin ngayong bumabagyo lang ang usapan. Me tikim ng tikim ng lansones. Meron ding makulit na tanong ng tanong kung magkano ito at iyon. Wala silang paki-alam sa details ng bagyo.

O nga naman. Ang importante, me kakainin.

Wala akong nakitang mga Kalog Boys o yung iba pang mga kakilala ko, gaya nila Aling Lory at si Aling Lydia. Sarado mga tindahan nila. wala kasing pasok.

Finally, pauwi na kami. Feeling namin ni sweetheart, nag-adventure kami ng todo. Malakas pa rin ang hangin--in fact, ngayong sinusulat ko ito (4.30 pm) malakas pa rin ang ihip ng hangin. Mabagal ang takbo ng bagyo--kaninang umaga, 3 kph ang takbo nito. Ngayon daw, 15 kph.

Tawag ko nga ke Lando, bagyong tamad.

Pero ito ang kasarapan ng pag naguuulan gaya nito--ang lunch namin kanina sinangag at tuyo with talbos ng kamote and kamatis. Nakuha ko yung idea dun sa anchor man nung radio station kaninang umaga. O, di ba? San ka pa?

Wednesday, October 14, 2015

Ligid-Ligid sa Paligid pag me Time (Mga Misteryo ng Buhay)

Eto ang Quiteria, sa Quirino
Highway.
Kahapon nag adventure ako. Minsan kelangan mo lumabas at lumigid-ligid dyan lang sa paligid para ma-relax--ganun lang. Pero huwag mong ismolin ang pagre-relax. Tunay na importante yan sa health. Ang pag-re-relax ay prerequisite ng good health. Sabi ng mga eksperto yan.

So, lumabas ako para sumakay ng jeep sa General Avenue papuntang Tandang Sora. Pumara yung jeep na kinawayan ko--pero teka, ba't sya pumara agad-agad? Dati-rati pahirapang mag-para ng jeep dito. Mahiwaga! Anung kababalaghan ito? Dahil ba malapit na ang Undas at naglipana ang mga kakaibang nilalang?

Sa Tandang Sora, sumakay ako ng jeep ulit papuntang Quirino Avenue sa Quiteria. Dun sa me Shell, nag-picture-picture muna ako--para rin mapakitang totoo itong kwento ko, hindi lang ordinary kwentong kalog.

Ayun yung picture sa taas.

Actually, me kinuha akong contract para sa utol kong magtatayo daw ng lab dyan sa Quiteria. So pag-tawid ko dyan medyo pumasok pa ako ng konti sa loob at pumunta sa isang store. Andun yung contract. Nagpa-kilala ako sa mga staff. Medyo suspetsosa sila, pero nakilala din ako nung isa. Nagpunta na kasi ako dito noon. Ni-receive ko yung contract at umalis. Bumalik na ako sa Tandang Sora, pero sumulyap muna ako sa isang alley doon na parang mahiwaga.

Ang layo ng sakayan, yung pila ng jeep going to UP. Lalakad ka pa ng lampas Dr. Carlos Lanting Medical School, lagpas pa ng Mini Stop. Ang sakayan nasa tapat ng Lanting Maritime School. Pag lakad ko, napansin ko madaming kainan na parang masarap kumain--lalo na yung me offer na Milk Tea. Parang masarap yung burger nila. Me mga turo-turo din. Ano kaya, kumain muna ako?

Pero hindi nalang. Di ko type yung place. Pag di mo feel yung place, wag ka magtatagal doon. Yan ang natutuhan ko sa SIMA Streetfighting Arts.

So, banda roon, sakay ako ng jeep to General Avenue. Ang tagal din ng pila bago lumakad yung jeep. Sa harap ako sumakay, tabi nung matabang driver. Parang di mapakali yung driver--takot yata sa itsura ko. Tapos me tumabi saking cute na girl, high school lang siya sa tingin ko. Me malalim siyang iniisip. Mukang di naman in-love. Siguro tuition fee iniisip niya. Exam week na kasi.

Baba akong General at sumakay ng jeep doon going to Quiapo. Umulan pa. Tinignan ko yung ibang pasahero--parang abala sila, tingin ng tingin sa relo nila. Teka, teka--parang me misteryo silang tinatago. Ba't sila nagmamadali? Late na kaya sila o me ginawa silang bagay na kelangan na nilang makaalis sa lugar na yon?

Hmm...

Di kaya sila mga sindikato o secret agents?

Eto naman ang Save More sa
Benefits Street, Super Palengke.
Sa Benefits Street, sa me Save More, bumaba nako. Umaambon pa rin. Diretso ako sa admin office ng Super Palegke. Oops! Wala si manager! Andun lang yung assistant niya, yung mukhang tulala parati. "Ay, baka lunch time pa dadating si mam!" sabi niya sakin na halatang gusto na niya akong umalis agad. "Nagpa-general checkup siya sa St. Luke's."

"OK, kunin ko nalang telephone nyo. Tatawag nalang ako mamya sa kanya."

"Ay sir, di po namin pinamimigay telephone namin!" sabi niya. Na-insulto pa ako.

I-baon ko kaya itong kolokoy na ito sa lupa? Pero sige, OK lang.

"I mean, yung telephone number ninyo," sabi ko nalang ng mahinahon. Binigay naman niya sakin yung number. Naki-gamit muna ako ng CR tapos, lumayas nako. Pero nag thank you din ako nang naka-smile pa. O, san ka pa?

Sa Benefits Street, sa me Save More, nagpatila ako ng ulan. Nag-muni-muni sa adventure ko. Kanina, nasa Quirino Avenue ako, sa Quiteria. Ngayon naman, nasa Otcho ako, sa Save More. Magka-ibang daigdig. Magka-ibang kultura ng distrito. Pareho ko silang nalakaran, nasilayan. Mas maligalig at abala mga tao sa Quiteria, mga nagmamadali. Dito sa Save More mas relax ang atmosphere.

Habang nagiisip ako nang ganon, pansin ko, kanina pa pala ako pinagmamasdan nung isang ale. Naghihintay din siguro siya ng jeep. Masama tingin niya. Akala yata kriminal ako na nagiisip ng krimen. Hoy! For your information, bonafide constituent ako ng Otcho nung 1968 pa no! Ikaw, kelan ka pa dito sa Otcho?

Syempre, sinabi ko yun sa isip ko lang. Sa actual, medyo nginitian ko lang siya. Aba, parang nahiya pa! Nag-blush! Crush lang siguro ako nung ale. Sa bagay, me dating naman ako kahit papano.

Naka-sakay din ako ng jeep, tumila na kasi yung ulan. Bumaba ako sa General. Diretso ako ng Nori Mart, nag-grocery ng pang lunch namin sa bahay--balak ko adobong manok with Del Monte pineapple chunks. Pag-labas ko ng Nori, nakita ko yung favorite Choco-Choco drink ko. Napa-hinto ako. Favorite ko ito e! Bumili ako. Napansin ko rin yung malaki at puting-puting siopao nila.

"Magkano naman yang siopao niyo?" tanong ko ke tindera. Panay ang ayos niya ng mukha niya sa salamin. "Sir, P20 lang po!"

Nag-taka ako. Ang laki-laki ng siopao P20 lang? Aba, me misteryo dito! Ba't ang mura niya? Teka, bumili nga ako.

Pina-upo niya ako sa loob ng maliit nilang store. Open naman siya kaya enjoy kong pinanonood mga tricycle, kotse, van, trucks at mga taong nagdadaan habang kinakain yung siopao. Masarap siya ha! Enjoy ko ding tignan si Lowi sa kabila ng kalye, naka-upo sa me bangketa at tinititigan yung aspalto sa kalye. Malalim ang iniisip. Tuition fee din kaya prublema nito?

O nga pala, kasama si Lowi sa Kalog Boys, di ko nga lang masyadong nakikita lately. Pero eto na uli siya.

Nakita ko ding dumaan yung school bus ni Luwi, yung classmate ko sa Patrick nung elementary. Me business siyang school bus. Marami din sigurong kwentong kalog ito about Otcho kasi pa-ikot-ikot lang ito araw-araw dito.

Masarap palang tumambay at kumain ng siopao at uminom ng Choco-Choco dito pag me time. Habang pinanonood ko ang mga pangyayari sa kalye, eto naman si tindera, kwento ng kwento sakin. Ngini-ngitian ko lang siya, at sinasabi ko din, "Ay ganoon?" paminsan-minsan.

Pagka-ubos ko nung siopao, bumili na ako ng fresh chicken sa katabing tindahan at umuwi. Magluluto pa ako at me mga tatapusing articles para sa mga blog clients ko. Trabaho ulit.

Monday, October 12, 2015

Kapag Kala-Gitnaan na ng October

www.flickr.com
Pag ganitong magkakalahati na ng October, medyo umpisa na ang mga preparasyon. Pinaguusapan na sa mga bahay-bahay kung sino at kelan maglilinis sa semeteryo. "O, mag-uundaas na! Pano ba gagawin natin?"

Yung iba nagiisip na kung kaninong van ang uupahan papuntang sementeryo.

Ang mga programa sa TV at radio medyo gumagayak na rin mga yan. A-announce nila kung ano ang mga hinahanda nila para sa Undas. Pwedeng mga palabas tungkol sa kababalaghan o kaya mga balitang Undas para ma-update ang madla.

Eto ngang "I Juander" sa TV last week nagsimula na agad ng mga kababalaghan. Pati yung "Aha!" At every week na daw yan.

Itong utol ko naman, si Jon, excited na yan pag malapit na Undas nung elementary at high school siya. Medyo nag-aral din siya sa Yoyong noon kaya daw pag ganitong mag-u-Undas, madalas silang mamasyal sa North Cementery o Norte kung tawagin. Me pasok silang half day pag Sabado at pag uwian na, mamamasyal muna silang magkakaklase sa Norte.

Kasama niya mga classmates niyang sina Bombet at Jako. Minsan kasama din si Ariel. Madami na daw naglilinis ng mga nitso at puntod pag ganitong panahon, lalo na pag malapit na talaga. Yung mga iba sa sementeryo pa natutulog. Exciting!

Ang gagawin nila Jon, mamamasyal muna, titingin-tingin sa mga nitso (minsan me mga larawan pa dun nung patay) at hahanap sila ng kugar na malilim at me mauupuan. Tapos dun sila mag-she-share ng mga kwentong kalog nila. Kung hindi katatakutan e yung tungkol sa terror nilang teacher.

Sila Bombet at Jako, madals nilang ikwento yung mga crush nila sa klase--lalo na si Mauwi, yung crush ng bayan. Tapos, itatanng nila ke Jon kung me crush siya ke Mauwi. Iiling lang ang utol ko at ngingiti. Wala pang hilig sa chicks utol ko noon. Hilig lang niya martial arts at pagdo-drawing.

Tapos, nalipat si Jon sa high school dito sa Otcho. Excited pa rin siya pag Undas--kasi daw yung thrill na makakarinig nanaman siya ng mga kwento about mga patay nung buhay pa sila--gaya nila lolo at lola at mga uncles--at tapos ang daming pagkain! Ang sasarap pa!

Nagpupunta kami sa Norte pag 4 pm at tapos hanggang 12 midnight or 1 am na kami doon. Nakikita namin mga pinsan at ibang relatives namin doon, at nakikilala namin yung mga kamag-anak na di pa namin na meet. Parang isang malaking family reunion.

Tapos, nami-meet din namin mga ibang girls sa mga katabing nitso na dumadalaw din.

Kaya pag Undas na, madalas kaming magkwentuhan ni Jon tungkol sa semeteryo at kababalaghan. Madalas din yang magyayang manood ng mga TVprograms about misteryo at kababalaghan, mga documentaries. At tatawa kami pag nakakapanood kami ng mga bagay na di ayon sa bible.

Saturday, October 10, 2015

Ba't Buti Nalang Naimbento ang Bintana

photoseko.blogspot.com
Pag gising ko sa umaga, ang hanap ko agad bintana. Kaya nagpalagay ako ng small window right in front of our bed. Kita ko agad mga ibon, puno at malalayong tanawin sa umaga kasi nasa second floor bedroom namin.

Just imagine kung di naimbento ang binata.

Una, wala kang hangin except through the doors. Ibig sabihin, papasok lang ang hangin sa front and back doors (kung bukas sila) at medyo iikot lang sa loob ng bahay kung bukas din mga doors ng rooms.

E ano kung walang bintana, kung me aircon naman buong bahay?

Eto pangalawa--di mo alam kung umaga na or gabi pa. E ano, me relo ka naman or cellphone na magsasabi exactly kung anung oras na. OK, pero..

Eto pangatlo--di mo alam kung ano na nangyayari sa labas. Kunwari me bagyo, lindol, barilan o sunog, di mo malalaman unless maya't maya lumalabas ka. Just imagine, ang lakas ng bagyo pero di mo alam kung ano na nangyayari sa labas, unless buksan mo main door mo.

Delikado yun.

Or, me kumakatok sa main door mo at di mo masilip kung sino yon. Baka magnanakaw, kriminal, zombies or white lady. Kung naniningil ng utang yon, di mo makikita at di ka makakapagtago. O, joke lang yan ha, mamya me makitid ang utak na magsasabing ang utang dapat binabayaran, hindi iniiwasan. Minsan me mga taong di makakuha ng joke e.

Anyway, pano ma-e-enjoy ang harana nung unang panahon kung di naimbento ang bintana? Pano nila kakantahin yung, "Dungawin mo, O, irog..."? Saan dudungaw si irog? Sa pinto? At pano bubuhusan ng tubig nung nanay yung nanghaharana kung walang bintana? Sa pinto din? Ang hirap yatang magbuhos ng tubig sa pinto. Mas madali sa bintana--pa ibaba, me tulong ang gravity.

Tanong mo pa ke Aling Lydia dyan sa kanto.

Isa pa--isipin mo kung lahat sa loob ng bahay mo dingding. Kulob ka sa loob at para kang preso. Hindi malaya ang isip mo. Para kang nasa nitso. In fact, ang pinagka-iba nang kwarto sa nitso ay bintana, bukod sa cabinet, table o electric fan. By the way, October na, malapit na Undas. Madami tayong kwentong kalog tungkol dyan.

Kaya buti nalang nilagay ng Diyos ang idea ng bintana sa mga tao nung unang panahon. Matalino talaga si God, walang tatalo. Yung simpleng idea ng bintana, malaking blessing na dapat nating ipagpa-salamat. Thanks po, God! Kundi dahil sa Iyo, boring ang bahay ngayon--ke mansion, townhouse or class na condo pa ito--kung walang bintana.

Thursday, October 8, 2015

Kwentong Kalog ni Megan Young

www.vectorstock.com
Believe it or not, me kwentong kalog si Megan Young, shinare nya sakin minsan. Pero teka, ibang Megan Young ito, ha. Before anything else, gusto ko malaman nyo na me kasambahay dito sa village na claiming siya daw ang Megan Young ng Otcho. Sige, payag akong Megan Young siya--pero yung kenkoy version.

Avid fan siya nung totoong Megan Young na artista who plays the role of Marimar on TV.

Ang kwentong kalog niya ay pano siya na-discover ng boyfriend niyang si Tom Rod. Kapal nga e--pati boyfriend niyang payat na hardinero sa kabilang street Tom Rod daw ang pangalan--Tumas Rudesto sa tunay na buhay.

In a way, bagay naman siyang Megan Young--kasi mataba siya, kaya tawag ko sa kanya, Mega. Tapos, bata pa siya, kaya medyo young pork. So, pwede siyang Mega Young. Pero in fairness, me itsura siya, ha. At ang BF niya, si Tum Rud.

Na-discover daw siya ni Tum Rud sa GMA--General Mariano Alvarez, sa Cavite, sa isang piyesta--hindi piyestang pinagdiriwang ng isang bayan, kundi pinagpipiyestahan si Mega ng mga kapitbahay niya noon dahil nga sa lakas ng loob niyang mag-claim na ala Megan Young daw talaga siya--Megan Young ng GMA, Cavite daw.

Hehehe!

So, target siya parati ng katatawanan sa lugar nila. At gusto niya yon--kasi mas nagiging popular siya. In fact, me mga dumadayo na sa lugar nila para lang makita kung sino ba yung Megan Young daw ng Cavite! Tapos, me nag video sa kanya habang nag-a-acting kunwari ng Marimar at pinost sa Youtube. Sakto namang itong si Tum Rud nag-e-emote dahil ka bre-break up lang nila ng GF niya. Kaya pampaalis sama ng loob, inaliw niya ang sarili sa panonood sa Youtube.

Actually, horror ang pinanonood ni Tum Rud noon--sa hilera ng Shake, Rattle and Roll, Ang Bahay ni Lola, Exorcist, at iba pa, nang na tyempuhan niya yung video ni Mega. Parang kakaibang pelikula, kaya klinik niya. Ayon, nakita niya si Mega at na-discover niya.

Crush niya!

Pilit niyang hinanap si Mega online, at nakita niya ang FB, Twitter and LinkedIn accounts nito. Kinaibigan at nagtagpo sila one day! Imagine, si Tum Rud ay from Ilocos tapos si Mega ay from Cavite. Nagtagpo sila sa Manila--sa SM Manila. And then, hindi na siya pinakawalan ni Tum Rud.

Hanggang nakahanap sila ng work sa village, si Mega as household help sa Otcho, at si Tum Rud naman as hardinero sa kabilang street nga. Madalas silang magtagpo sa plaza ng village, sa taas kung tawagin.

So, yun ang kwentong kalog ni Mega Young. At lalabas silang madalas sa mga eksena dito sa KwentongKALOG!

Ang Pagbabalik ni Torpe

www.colourbox.com
[Eto Part 1]

Siguro mga after four years, nagulat ako--bumalik si Roy sa village one morning at tumambay sa tindahan ni Aling Lydia! Gulat din si Aling Lydia. Ininterview agad siya.

Tapos na daw ito ng college at naghahanap ng work. "Saan ka ba nag-suot?" tanong ko habang niyayakap siya--para kasing anak o pamangkin ko na rin itong si Roy. Nag-rent daw siya ng room sa University Belt at doon pumirmi. "Di ka man lang nadadalaw dito!" sabi ko.

Mas matikas si Roy kesa noon, nag-we-weights daw, at nag-mature na ang disposition. Gwapo nga e. Siguro hindi na rin torpe ito. "Ilan na ba girlfriends mo?"

Na-ngiti lang. Nag-isip. Tapos, pagka sipsip sa softdrinks, sabi niya: "Wala kuya! Studies inatupag ko para makatapos agad!"

"Talaga lang ha?"

"O naman, kuya," ngiti ulit. "Bakit, mukha ba kong chick-boy?...chicken at baboy...hahaha!"

Napatigil ako ng konti, pero sinabi ko na rin: "Bakit? Torpe ka pa rin ba? Musta na ba si Peps?"

Sinulyapan niya ako tapos tumingin sa malayo. "Di ko po alam, kuya. Wala na akong balita since pumunta sila sa Cebu. Or, nasa Davao na yata sila."

"O, tignan mo to!" sabi ko. "Wala nang balita tapos alam mo na nasa Davao na sila! Niloloko mo ko?"

Mamya pa, nagsi-datingan na mga Kalog Boys--sila Pareng Babes, Professor Pekwa or Prof for short, Dagul, Totoy Golem, at Mr. Bean. Si Sabas pumasok. Nakakatawa, andun din si Cruel Driver or Derek, yung matabang nagbi-business ng scrap sa labasan na madalas nakasakay sa pagkaliit-liit niyang micro-pickup kaya mukhang kawawa tuloy yung sasakyan. Cruelty to vehicle yon!

Nakiki-Kalog Boys na rin si Derek.

Si Aling Lydia naman, kanina pa nakikinig ng tahimik samin ni Roy. Tahimik lang siya pag binabayaran mo mga orders mo. Nag-iingay lang yan pag umutang na si Mr. Bean.

Lahat sila masayang nakita ulit si Roy. Kinamusta nila. Yinakap. Ang laki na daw ni Roy at macho na. Professional na daw pala ito. At marami pang iba. Mamyang konti, di rin sila nakatiis--kinamusta nila si Peps.

"Di na ba babalik sila Peps dito?" tanong ni Aling Lydia.

"Di ko po alam, Aling Lydia," sabi ni Roy, me guhit ng lunkot sa tono niya at sa mukha. "Dun na yata sila titira talaga sa Davao."

Habang nagsasalita si Roy, me nadidinig akong harurot ng big bike sa di kalayuan. Ang yabang naman nung nagba-bike na yon, ika ko sa sarili. As in harurot talaga paandar niya sa bike niya. Galit na galit yung bike. Pero parang palapit ng palapit. Teka, papunta yata sa kalye namin.

Mamyang konti, napatigil kaming lahat. Ayan na yung big bike. Macho talaga ang tunog. Macho din yung nakasakay--tinted ang red helmet, naka-black leather jacket, gloves na black, hapit ang legs sa maong, at naka boots pa! Sino to, si Bong Revilla?

Huminto ito sa harap mismo namin. Yabang naman talaga! Porma! Halatang naba-bad trip na sila Dagul at Totoy Golem--baka upakan nila ito!

Pero teka...parang...parang...

Pagka-alis ng helmet niya, nilaro ng biker sa hangin ang mahaba niyang brown na buhok. Haba ng hair at sumusunod sa galaw ng chick! Babae pala! At mukhang pagka-ganda-gandang babae! Sino ito?

"Peps!" sabay-sabay pa kami. Gulat na gulat kami sa itsura niya! Ano to, tomboy na?

Ang ganda-ganda na niya, dalaga na talaga! Mukha ngang artista. At sexy--mukhang nagwo-workout. Hindi--hindi tibo ito. Babaeng babae! Naka rugged look lang kasi nga naka big bike. Pero halata mo, babae siya. In fact, mukhang mahinhin kahit pa naka big bike siya.

Si Peps, mahinhin? E galawgaw dati ito e!

"Hello po, mga Kalog Boys!" bati niya. Kolehiyala accent pa! At sexy na cute ang boses! Lumaking napaka-ganda ni Peps! At mukhang mahinhin na mahiyain--pero alam mo kalog din. Maaaninag mo pa rin ang pagka-pilya niya behind the innocent smiles.

"Hello po, Aling Lydia!" Nag "Hi" si store owner at tinadtad agad si Peps ng tanong. Interview agad.

Tapos, napatigil ang lahat sandali. Dahan-dahan, binaling ni Peps ang tinging niya ke Roy. "Hi po Kuya Roy! Kumusta ka na?"

Putlang-putla naman si lalaki. Pinagpapawisan. Halatang kabado. Torpe pa rin pala ito! Walang pinagbago!

"Ahh, hi, Peps! Kumusta? I-ikaw pala yan!"

"Eto, graduate na po ako ng college. Medical technology sa Immaculate Concepcion, kuya. Dito ko gusto mag-work sa Manila kaya po uupa ako ng apartment dyan lang. Dito na po kasi ako nasanay," sabi ni Peps. Para kaming mga batong tulala sa pag-kinig sa salita niya. Ganda ng boses niya!

"Graduate? Graduate ka na agad?" tanong ni Roy. "Di ba college na ako noon high school ka palang yata?"

"Parati po akong nagsa-summer, Kuya Roy. Atat na kasing mag-work!" sabay kilig-tawa nito.

"Ang ganda naman ng motor mo at getup!" pansin ni Aling Lydia.

"Ay! Oo nga pala po! Hilig ko po mag-motor! Yan po ang isa sa mga libangan ko sa Davao! At mahilig din po ako sa ganitong getup, hihihi!"

"Sige po, pupuntahan ko muna yung apartment ko dyan. Nauna na po mga gamit ko dyan. Nice seeing you all po!" Tinignan niya kami isa-isa. Tuwang-tuwa ang Kalog Boys. Tapos, sinulyapan niya si Roy. Naka-ngiti ang mga matang pusa niya.

Pagka-alis ni Peps, pabirong tinulak namin si Roy. "Hindi ka nanaman umimik dyan! Tameme ka nanaman ke Peps!"

Parang malungkot si Roy: "E kasi, sobrang galang. 'Kuya' pa rin tawag sakin, tapos me 'po' pa!"

"Mas lalo siyang gumanda, no, Roy?"

Wednesday, October 7, 2015

Nadumi Ka na ba sa Daan?

giphy.com
Third year college ako noon nung una kong nasagupa ang karanasan na to--yung madumi ka sa daan.

Well, hindi naman talaga sumabog right there and then. Hindi siya bumigay--pero ayan na, sasabog na at pag di ka pa na-upo sa trono agad, tiyak magkakalat ka.

Nasa NTB ako noon ng FEU, sa 7th floor. Umalis kasi ako ng bahay noon ng di bumibisita sa CR namin. Hindi din ako nag breakfast noon. Diretso nako sa FEU kasi sabi ko isa lang naman yung subject ko at one hour lang. Uuwi agad ako. Safe.

E kaso, nasabit pa ako sa kwentuhan. Kwentuhang kalog kami ni Lito Panlilio (asan na kaya siya?), yung classmate ko na madami ding kwento sa buhay. Ayun, napa-tagal ako hanggang naramdaman ko, ayan na siya--me karga na ako at pababa na. Kaya nag-paalam agad ako, Pababa pa lang ako from the 7th floor, na-feel ko iba na to. So, dahan-dahan ako naglakad.

Sakay ako sa Lerma ng jeep pa-Otcho at pilit pinipigil ang pagbaba.

Mag-taxi nalang kaya ako?

Teka, wala akong ganong pera, at paguwi ko baka mamya wala ding pera erpats ko pambayad sa taxi. Makagalitan pa ako. Tiniis ko nalang yung jeep. Medyo traffic pa. Pilipit ang upo ko sa jeep at malamig ang pawis. Sinubukan kong matulog kunwari. Wa-epek.

Sa Frisco, parang bibigay na ako. In fact, balak ko maglakad nalang sa Munoz papuntang Congressional at kung abutan man ako sa daan, OK lang. lalakad na lang ako pauwi. Wala namang makaka-amoy pag naglalakad ka sa kalye, di tulad kung nasa jeep ako. At maamoy man ng mga tao pag nasa kalye ka, malay ba nilang ikaw yon? E sari-saring baho naman talaga ang nasa lansangan.

Pero bandang Munoz, ayan na! Bumaba ako at dumiretso sa CR ng palengke.

Yung lumang Munoz noon, grabe pa yung CR nila--kadiri. Sa bagay, mga Batang Munoz lang gumagamit noon at mga Sputnik at Sige-Sige. Pati na rin mga BCJ sa lugar. Mga halang ang kaluluwa. Kaya pati pag-dumi doon, alang kwenta na sa kanila.

Fully booked yung CR pag dating ko, buti nalang me bakante. Walang pinto mga toilet doon noon so kitang-kita ka, parang sa preso.

Kaso, kaya pala bakante yung isang toilet, e punong-puno! Up to the rim! Kaya standing room only ka. Pero hindi ako sanay ng standing room only, so half seated ako. Binaba ko lang sa binti ko yung pants ko. Tapos, nilabas ko na. Pumilas ako ng ilang pahina ng notebook ko at ginamit ang mga yon. Pero kulang, so inubos ko na lahat ng pages.

Haay! Success!

Ang kaso mo, dumikit yung underwear ko sa rim. Isusuot ko pa ba yon? E di hinubad ko at iniwan doon. Nag-pants ako nang walang underwear. Nag-iwan ako ng remembrance. O, di ba?

Anyway, nasunog na yung Munoz na yon. Nagkaron na ng bagong Munoz. Pero madalas, pag dadaan ako ng Munoz Market, nangingiti ako at naaalala---minsan me isang gamu-gamo..

Pag dumaan ka ng Munoz at me nakita kang napapa-ngiti, malamang ako yon.

Kahit papano, me natutuhan ako sa karanasang yon--hindi na ako alangang dumumi pag nasa labas ako ng bahay. Kayang-kaya ko na gumamit ng kahit anong CR. Kahit saan. Dati, di ko masikmura yon, Big deal sakin. Pero, dahil dun sa baptism of fire kong yon sa Munoz, nasanay na ako. Now, I can use any toilet--sa fastfood, palengke, mga buildings dyan, sa call center, sa hotel, hospitals, sa mga offices, (di ko pa na-try sa eroplano) at kahit na sa bahay-bahay, makiki-CR ka. Kaya mo yon?

Kelangan kaya mo, lalo't emergency at lalabas na. Lalo na pag nasa sales ka.

Actually, matagal na akong sanay sa ganyan, natutuhan ko nung boy scout ako. Laging handa. Kahit saang sulok ng gubat ginagawa namin yun--kahit dun sa ilog malapit sa private school na pinasukan ko noon sa Otcho. Actually, enjoy pa ako noon.

Pero nung nagbinata na ako, di na. Naging medyo class na ako. Na-revive na lang noon ngang third yeat college ako, yung experience ko sa Munoz.

Kaya wag ka matatakot. Kung nadudumi ka sa daan, maghanap ka ng fastfood or hotel or office building. Mas OK sa mall. Madalas akong me baong tissue paper, just in case. Kung wala, e di bumili ka sa 7-11 or mini Stop. Or, yung ticket mo sa bus.

Minsan, natatanong ko lang sa sarili--pano kaya yung mga holdupper or gun-for-hire? Pag nasa lansangan sila at biglang nadudumi, saan kaya sila nagpupunta? Pano sila papasok sa mall or buildings na me bitbit na baril?

Adventure sa Baguio

adventureh.wordpress.com
[Eto yung Part 2]

Ang dami kong kinita! More than P200 K! Dahil binata pa ako non, di ko alam saan ilalagay ang pera ko. Wala pang Sun Life Financial noon. E di sana ininvest ko lahat doon. Ayaw ko naman sa bangko kasi wala akong tiwala sa bangko talaga. Kukunan lang nila yon, babawasan ng kung anu-anong charges, hanggang maubos pera mo.

Kaya naisip ko, just enjoy!

Niyaya ko tuloy sila Pareng Babes, Sabas, at Professor Pekwa na umakyat ng Baguio. Laking gulat nila sa bigla kong pagyaya. At syempre, natuwa sila. All-expense-paid vacation! San ka pa? Nag-ready agad sila ng mga gamit nila at madaling araw kinabukasan, umiskyerda kami sakay ng Dagupan Bus mula Cubao.

Ang saya-saya namin! Naka-upo silang tatlo sa tatluhan at ako naman sa kabilang upuan, sa dalawahan, pero malapit ako ke Sabas na nasa dulo ng tatluhan. Katabi ko, magandang chick, pero di ko type.

At ang dami naming dalang sitsirya! Para kaming nagtitinda ng kropek. Kwentuhan na kami ng mga kwentong kalog namin at tawanan--syempre mahina lang. Ayaw din namin maka-bulahaw sa iba. Nung una, itsura muna ng siyudad nakikita namin sa bintana ng bus. Pagka-lagpas namin ng Malinta at Valenzuela, mukhang probinsya na!

Mga bukid, mga puno, mga pawid!

Etong si Pareng Babes, and daming kwento tungkol sa village--mga misteryong ginagawa ng mga kapitbahay at ibang kasambahay doon, lalo na daw yung kasambahay ni Mr. Durado at hardinero ni Mrs. Damayan--at me secret tagpuan din daw itong dalawang mga amo nato! Pambihira itong si Pareng Babes talaga!

Tapos, ito ring si Professor Pekwa, madami ring kwento! Kami ni Sabas, taga-pakinig at tawa lang. Ayokong mag-kwento si Sabas kasi medyo weirdo mag-kwento ito, parang kwento ng mga baliw na mamamatay tao. Pag nagku-kwento pa siya, yung itsura ng mukha niya parang sinasabi, "Papatayin ko kayong lahat!" Kaya sinisiguro kong taga-tawa lang siya. Nag leave siya sa office para makasama, at appreciate ko yon. Kelangan din kasi ng taong ito ng break. Sobrang stressed out.

Nagpalabas ng video ang bus, "Four Friends' Last Trip" ang title. Di kilala mga bida at parang pamilyar ang kwento. Anyway, enjoy naman, comedy na suspense bandang huli. Nung nasa Pampanga na kami, naka-tulog kaming apat. Pati yata yung chika sa tabi ko nakatulog din.

Pag-dating ng Pangasinan, nag-stop-over ang bus for lunch at kumain kami sa OK na restaurant syempre--hindi sa canteen lang. Kuha kami ng lechon kawali, sinigang, dinuguan at leche flan. Tuwang-tuwa sila. Feeling galante, binayaran ko na rin yung lunch nung katabi kong chicka. Pumayag naman siya. Pangalan daw niya, Cheska. "Happy birthday, kuya ha!" pabirong sabi niya.

Bandang 1:30 ng hapon, nung nasa bus na ulit kami, biglang nag-text si Dagul. Ba't daw di namin sila sinama, sila ni Totoy Golem? Sabi ko, o di sige, sumunod kayo. Me pera ba silang pang-abono muna?

Meron daw. At sumasama rin daw si Mr. Bean. Sabi ko, sige, pero sila lang. Wag na silang maingay kako. OK daw. Susunod daw sila sa Baguio at doon, text-text nalang.

Naku, tuwang-tuwa ang mga kasama ko. Ang saya-saya daw nito, magsasama-sama ang Kalog Boys! OK lang yon, ang dami ko yatang pera! More than P200K! Ang daming happenings nito!

Dumating kami sa Baguio ng 3pm, napaka-traffic kasi. Lakad-lakad muna kami. Wow, ang lamig! Iba talaga ang Baguio. Nasabi ko noon, pag-nag-asawa na ako, dito sa Baguio ang honeymoon!

Mamyang konti, nagreklamo na ang dalawa--bigat daw ng mga bag nila, di ba daw pwedeng mag-check-in na muna kami? OK, sige, check in muna. Syempre, naghanap kami ng medyo class na hotel. Me pera naman e, di ba? Kaya lang wala, fully booked lahat. Akyat panaog kami sa Session Road at kung saan-saan pa. Wala. Zero. Saan kami ngayon?

Yung isang hotel na pinuntahan namin sa Session Road me magandang receptionist. Ang ganda talaga niya! Ni-refer kami sa isang bahay na pwede daw naming upahan. Magandang bahay daw at class. Ang kagandahan pa, P800 a night lang, di gaya ng ibang hotel na P1,000 a night tapos room lang. Nag-sketch siya para mapuntahan namin yung lugar. Nag thank you si Pareng Babes at binigyan kami ni Miss Beautiful ng maladkit na tingin at matamis na ngiti.

Nag taxi na kami, me pera naman e, di ba?

Matapos ang pa-ikot-ikot naming biyahe sa mga gilid ng bundok at bangin, natunton din namin yung kalye--Gettysburg Street. Pumatak ng P300 ang taxi. Wow! Ang layo nga nito! Ibig sabihin, magta-taxi kami papalabas at papapasok sa lugar, kasi walang public jeep. Pero OK lang, me pera naman nga. At magandang adventure ito! Nasa tuktok yata kami ng Baguio! Ang taas at lalong malamig!

Me isang magara at mataas na bahay sa lugar na yon at mukang ito na yung sinasabi ni Miss Beautiful dun sa Session Road--ang Villa Lucrecia. Bukas ang gate kaya pumasok na kami. Me kalawakan din ang hardin at madaming pine trees sa paligid na tila umaabot sa mga malalayong bundok na natatanaw namin. Hanggang doon kaya ang mga ito?

Sa malaking pinto ng villa, kumatok kami. After mga 5 minutes, me nagbukas ng pinto--maliit na lalaki, mukang 60 years old na, me salamin at mukang kagigising lang. Nagtatanong ang mga mata niya kung bakit kami andun.

"Sir, ni-refer kami ni Miss Betty Sandoval. na meet namin siya..."

"P900 per night ito!" bigla niyang sagot kahit hindi pa ako tapos magsalita.

"E sir," banat ni Prof, "sabi ni Miss Betty P800 per night lang daw?"

"Hindi, P900 per night ito, Maghanap kayo ng iba kung ayaw nyo," sabay isasara na sana ang malaking pinto.

Pinigilan ko siya. "OK na po! Kukunin na namin!"

Wala kaming choice. Andun na kami, ang layo ng lugar, at walang ibang bahay doon. Anyway, me pera naman ako.

Pinatuloy niya kami. Ang laki ng loob, parang maliit na mansion--lumang mansion nga lang. Luma lahat--mga furniture, gamit, kubyertos, kusina, sofa, mga rooms, at pati mga gripo at tiles ng banyo. Parang, yung mga 1950s ang dating ng villa. Inabot ko ang bayad pang 3 days and two nights--P2,700--at inabot niya sakin ang mga susi ng bahay. "Just make yourself at home sa villa," sabi ni Mang Luisito (yun daw ang name niya) at tapos lumabas na siya sa main door.

Dahil medyo padilim na rin, binukas ko ang ilaw--wala. Walang kuryente. Pinahabol ko ke Sabas si Mang Luisito, tutal kalalabas lang niya. Takbo naman agad sa labas si Sabas para hanapin ang supladong caretaker. Mamyang konti, nag text na sila Dagul. Nasa Baguio City na daw sila, sa Session Road. Pina-sakay ko na lang sila ng taxi at pinasabi sa driver na dalhin sila sa Gettysburg Street, sa Villa Lucrecia.

"Jad, last money namin P350 nalang!" sabi ni Dagul. "At di pa kami nag-la-lunch!:

OK lang yan, sabi ko. Pagdating nyo dito ako bahala sa bayad sa taxi. At P300 lang ang taxi namin kanina, dagdag ko pa.

"Jad!" sigaw ni Pareng Babes. "Me fire place pa dito. Para tayong nasa Amerika!" tuwang-tuwang siya.

"Oo, pero sa Amerika me kuryetnte. Dito mukhang magkakandila tayo!"

Pansin ko, ilang minuto na wala pa si Sabas. Saan nagsuot yung taong yon? Pinasundan ko lang si Mang Luisito, di na bumalik. Medyo kabado ako ke Sabas kasi nga medyo weirdo. Baka mamya tumalon bigla sa bangin yon. Sana hindi ko na nautusan.

Mga 6:30 pm, dunating na taxi nila Dagul. Parang hirap na hirap ang taxi. Paglabas nila, kasama nila si Derek at si Gerald, yung dyaryo bote. Tinitigan ko si Dagul, nanlalaki ang mga mata ko. "E, kawawa naman sila, gusto nilang sumama e!" sabi niya. Kaya pala hirap na hirap ang taxi, kasama nila si Derek, the Cruel Driver na super taba. Lahat ng sakyan niyang kotse, kawawa.

OK sige, kahit kasama sila Derek at Gerald. Me pera naman ako.

Excited silang makita ang Villa Lucrecia! Parang big-time bakasyonista daw sila! Gandang-ganda sila sa villa.

Pina-hintay ko yung taxi nila dahil kelangan me bumili ng pagkain at ilang gamit--flashlights, kandila, posporo, uling, at iba pa. Nag-prisinta sila Prof at Pareng Babes. Sinama na rin nila si Gerald. Pagka-alis ng taxi, pinahanap ko naman si Sabas kina Dagul at Totoy Golem. Kami naman ni Mr. Bean at Derek, nag-check-check sa sulok-sulok ng villa.

Me 8 bedrooms ang villa, malaking sala (na me fireplace), dining, kitchen, grill place, family room, library, attic, terrace overlooking ang mga bundok, at 4 na CR. Ang laki rin ng garahe at paligid--yung tipong maliligaw nga ang isang tao na tulad ni Sabas. Di mo alam kung hanggang saan ang likod nito--baka abot pa sa Cordillera.

Mamyang konti, bumalik na sila Dagul at Totoy. Wala daw si Sabas, kung saan-saan na sila umikot sa bakuran. At meron daw palang lumang kamalig sa bandang likod, malayo sa mansion. Wala rin daw si Sabas doon. Wala ding laman yung kamalig kundi mga lumang drums. O nga pala, meron din daw creek at sementeryo banda roon.

Pero asan si Sabas?

[Itutuloy sa Summer Vacation  ng 2016. Abangan!]

Tuesday, October 6, 2015

Ba't Munggo sa Lunes?

markmalyon.blogspot.com
Pag dating ko sa kainan nila Aling Lory sa me labasan, laking gulat ko--ginisang munggo ang menu gayong Lunes palang! Di ba dapat Biyernes pa ang munggo? Tinignan ko ang mga kumakain--mukang sold out naman sila sa ganon.

Walang reklamo.

Pero me dumating na iba pang manga-ngain, at pagkatapos nilang silayan ang menu sa mga kaldero, nagtanong sila: "Munggo? Di ba Lunes palang?" Parang asar ang mga boses nila.

"Bakit, me batas ba na nagbabawal sa munggo pag Lunes?" tanong ni Aling Lory. "OK yan, healthy! Para mabasawan naman mga taba sa katawan ni Mr. Robinson!"

Pagka-banggit ng pangalan niya, muntik mabilaukan si Mr. Bean. Habol niyang ininom ang tubig niya. "Nananahimik akong kumakain dito, ako ang pagdidiskitahan mo!" sabi niya ke Aling Lory. Ang ganda ng ngiti ni kainan owner, palibhasa naisahan niya si Mr. Bean. "E kasi ikaw ang parating di nagbabayad dito. Oy, Robinson, kelan mo babawasan utang mo? Ang haba na!"

Hehe, pala-utang si Mr.  Bean talaga. Kahit ke Donya Buding na namumulot lang sa basura, me utang siya.

Madaming kumakain sa kainan ni Aling Lory--mga estudyante, teachers, empleyado (mga empleyado ng Maynilad at isang sky cable company), mga kapitbahay, ang Kalog Boys, at me mga foreigners pa. Punung-puno ang loob at labas ng kainan na minsan naming tinatawag na Sisig dahil ito ang specialty nila.

"Bilib ako sa kainan nyo, Aling Lory!" sabi ko.

"Bakit?"

"International na!" sabi ko sabay tingin sa mga kumakain, lalo na sa mga banyaga--mga Amerkano, Chinese, Koreans, bumbay, at me mga negro pa, mga Nigerian yata. Lakas ng tawa niya.

Pansin ko, lahat sila me order na munggo, pati foreigners. Sa bagay, masarap na, mura pa. Trenta lang ang order ke Aling Lory nito, pwede pang half, kaya P15 lang me ulam ka na. Kahit foreigners nagtitipid na rin. Kinakain na rin nila yung dahon ng amplaya sa munggo. In fact, pati nga mga high school students kinakain na rin yung dahon--e dati tinitira nila yon, kinakain lang ni Obama, yung pusa nila Aling Lory. Di daw bagay ang lasa non sa Mountain Dew.

Madalas, parang headquarters din itong kainan ng mga tambay sa Assistant Street, ng mga students, at ng mga Kalog Boys (although ang tindahan nila Aling Lydia ang talagang headquarters ng Kalog Boys--dun sila talaga nakaka-utang pirmi, lalo na si Mr. Bean, Yung utang-kapal ba na taon bago bayaran). Pag malakas ang ulan, pag gabi na, pag summer, o anu pa man yan, nakatambay sila sa Sisig, kwentuhan at halakhakan. Masarap tignan. Minsan parang gusto ko maki-sawsaw sa kwetuhan pero me mga deadlines ako sa mga blog clients ko.

Minsan, makikita mo yang sila Aling Lory at kitchen staff niya at ilang mga dabarkads, nagbubulungan pag bandang 5 or 6 pm na, at mukhang misteryoso mga pinagbubulungan nila. Parang me kababalaghang nangyayari sa village. Parang masarap alamin. Kaya lang, pag naki-tambay ka, tatayo na siya at iaalok sayo ang mga natirang ulam, gaya ng ginisang munggo, kahit Lunes pa lang.

Teka, ba't nga pala nakasanayang pang-Biyernes lang ang ginisang munggo? Dahil pag Biyernes, dagsa ang munggo sa Balintawak. At dahil din sa Mahal na Araw (at ito ang pangunahing dahilan) bawal ang baboy kaya ginisang munggo madalas ang menu pag Biyernes Santo. So, ginawa nilang ganon every Friday na. At healthy daw, kasi gulay at konti lang ang sahog na baboy nito.

Pero hindi sa Sisig. Ang munggo nila, kadaming sahog na pork sisig at chicharon, at yung mga tira-tirang taba at karne sa mga ulam na hindi masyadong nabenta. Ang tawag ko dito, Recycled Munggo.

Monday, October 5, 2015

Unang Ligaw Tingin ni Torpe ke Pilya

twitter.com
Natandaan mo pa ba yung una mong ligaw tingin?

Natatawa ako pag naaalala ko yung unang ligaw tingin ni Roy ke Peps. Mga kabataan silang lumaki sa Otcho at parte ng mga younger barkadahan dito sa me amin. Madami kasing barkadahan dito--bawat area ng Otcho meron. Minsan bawat schools din. Madami kasing schools dito. Me barkadahan din ng mga tricycle drivers at mga dyaryo-bote. Mga labandera't plantsadora. Mga mag-tataho.

Anyway, itong si Roy, crush na si Peps kahit nung second year high school palang ito. Si Roy college na nun--mga second or third year college yata. Unang kita palang daw niya ke Peps, tinamaan ni siya, sabi niya sakin minsan. Nawala ng sandali si Peps--nag-aral sa Cebu at Davao--at nung bumalik graduate na.

Nung bumalik sa Otcho, mas lalong gumanda ang mistisang dalaga kaya lalong nahulog ang loob ni Roy dito.

Ang prrublema, noon at ngayon, puro ligaw tingin lang si Roy! No more, no less!

Yung una niyang ligaw tingin ke Peps, naka-upo daw siya sa bubong ng bahay nila. At dun daw niya una nakita si Peps, nasa tapat nila, sa kalye, nakikipag-habulan sa mga classmates nitong pumupunta sa kanila. Magaling daw tumakbo si Peps at maligsi--di mataya-taya ng mga kalaro niya. Ewan daw ni Roy--dahil dun (sa ligsi tumakbo ni Peps at dahil masiglang nagsasayaw ang mahabang pony tail nito sa hangin tuwing tatakbo)) nagka-crush siya sa dalagita. Siguro 12 palang si Peps noon at 17 si Roy.

Bukod sa mistisa, maputi at medyo artistahin si Peps, lista rin at pilya minsan. Pero mahinhin. Yun daw ang mga hanap ni Roy sa babae.

"Ang galing-galing niya talagang tumakbo, Kuya Jad!" ika niya sakin. "Grabe talaga!"

Actually, madaming magaganda sa amin, mga mukhang artista rin, pero ke Peps talaga tumibok ang puso nitong si Roy. Noon ko lang nakitang ganun si Roy sa babae. Natatawa ako pag nakikita kong tumitiklop ang binata pag andyan na si Peps. At kahit ang layo-layo naman sa kanya ng dalagita, pawis na pawis si Roy at namumula. Sinusubukan ko itong tawagin para lumapit pero hindi ako pinapansin. Di siya makalapit kahit konti ke Peps.

twitter.com
E minsan--dahil pilya nga itong si Peps--tumakbo siya papalapit ke Roy--kunwari me tinitignang ibang bagay para maka-peke--at biglang hinawakan siya sa kamay. "Taya!" sigaw ni Peps, kahit wala namang habulan. "Ay, kuya, bakit ang lamig-lamig ng mga kamay mo?"

Gulat na gulat ang binata, halatang kinakabahan. Torpe talaga ang damuho! Di na siya nakagalaw o nakakibo.

Later, tinanong ko bakit di siya nagsalita. Opportunity na niya yon! Sabi niya, "E kasi ang tawag niya sakin kuya. Ibig sabihin, kapatid lang ang turing niya sakin. Hindi niya ako gusto as boyfriend." Tuminigin ito sa malayo. "At matanda ang tingin niya sakin--kuya daw."

Nagkamot ako ng ulo.

Ilang buwan pa, nabalitaan kong umalis na daw ang family ni Peps at pumunta sa Cebu para manirahan. Simula noon, di na masyadong tumatambay si Roy sa tindahan ni Aling Lydia.

[Itutuloy dito]

Saturday, October 3, 2015

Mga Pwedeng Gawin Pag Me FLU Ka

www.clipartsheep.com
Nagka-Flu ako kahapon dahil sa malupit na sipon at ubo. Nakalimutan ko ang sabi ni nanay nung buhay pa siya--di ka pwedeng gumawa ng kahit ano pag me trangkaso ka, kahit pa pagaling ka na. Mabibinat ka.

E, gumawa ako kahapon ng something--ayon, nabinat ako. Parang feeling ko mamamatay nako. Kaya nag-decide ako, sa bed lang muna ako. So, parang first time ko yata nag-marathon sa TV. Friday, bumabagyo si "Kabayan," kaya walang pasok, so nagbabad ako sa TV.

Ang totoo, kahit nga TV bawal din daw, sabi ni nanay. Pero di ko na kakayanin yon. Mababagok ako talaga. Sinubukan kong magbasa ng books ko pero sumama ang pakiramdam ko--bumigat at uminit mga mata ko. Kaya TV nalang ang last refuge ko.

Well, tinulog ko muna nung una, kasi nga bumabagyo at malamig. Sarap matulog. Tapos, nanood ako ng news tungkol sa bagyo. Actually, naka-nood din ako ng Unang Hirit, lalo na yung SUGATAN nila. OK din, at na-surprise ako ke Mang Tanny, ha! Tapos natulog muna ako ulit.

Mamyang konti, yung AlDub na after lunch. Di ko ugaling manood talaga nito kaya lang, that noontime no choice na. At OK naman sakin yung batang si Yaya Dub. Ok samin ni sweetheart ko, kaya nood kami.

Tapos, yung luto-lutuan (yung Sarap with Family yata yun), and then yung Misteryo, Mars, at hanggang sa Bubble Gang (na hindi ko natapos dahil super antok na ako).

Hanggang kaninang umaga, di ko pa kaya. I tried na gumawa na sa bahay at mag-sulat na ng blogs, pero nahilo ulit ako. So I decided to lie in bed muna ulit. Asar ako ng konti. Ayoko ng ganon sana. Pero, it turned out medyo rewarding naman ang mga TV programs na nakita ko, lalo na yung 100 Percent Pinoy at yung TonyPet's Favorite Eating Places na ka-tandem niya kanina si Betong na kunwari katulong niya. Tawa ako ng tawa. OK din pala sa comedy itong si Tonypet.

Tapos, I watched yung Maynila and then I left the room na and went down kasi sobrang init na sa taas ng bahay (sa attic room namin) at noon time. Hindi na kasi umuulan. No more bagyo.

After drinking lots and lots of water and turmeric tea since yesterday, naglabasan din yung mga malaladkit na plema sakin and then I started feeling OK na early this afternoon. Lumakas na talaga ako, no more hilo. Thank God! Now, I can type on my keyboard without feeling sick again. Yan pala ang mga pwedeng gawin pag me flu ka--tubig, natural healthy drinks, sodium ascorbate, rest, tawa ng tawa, at relax ka lang sa TV.

Syempre, kasama ko manood si Lord, no!

Kaya pag me flu ka na me matinding ubo't sipon, subukan mo muna yung mga suggested lunas ko above. Wag muna antibiotics agad. Pinipilit na ako ni sweetheart na magpa-check na agad pero ayaw ko kasi for sure bibigyan ako ni doc ng antibiotic. Kaya I prefer natural remedies muna at prayer. Awa ng Dios, effective naman.

Pero kung di mo kaya, magpa-check ka na agad sa doc mo--lalo na kung me mataas kang lagnat. And now na! Pag mataas ang lagnat mo--try mo tumuntong para maabot mo.

At alam mo kung ano ang mabisang sodium ascorbate Vitamin C? Well, magtanong ka na lang sa favorite mong drugstore. Kasi, useless ako mag-recommend ng brand. Wala naman akong kikitaing commission.

Thursday, October 1, 2015

Minsan Tiba-Tiba Ka Rin

theredpillconsortium.blogspot.com
[Eto yung part 1]

Syempre sabi ko, pwede pang tumawad--"Nego pa yan," inulit ko pa. Ibig sabihin, negotiable pa. OK, tatawag nalang daw siya ulit.

Madami pang tumawag na inquiries sa bahay na pinapa-benta sakin. Me tumawad pa ng P800K. Pero itong isa ang muntik akong mabilaukan. Nag ring cellphone ko, tapos, ang tanong agad:

"Ano last price mo?"

"Yung bahay ba tinutukoy mo? Sa Novaliches?" tanong ko. Malay ko ba, baka mamya akala niya call boy ako, or yung lalaking mababa ang lipad. Kaya siniguro ko muna.

"Yun nga," mabilis niyang sagot. "Ano last price niya?"

"One point four," sabi ko rin agad. Kelangan me ready ka nang sagot para professional ang dating.

"OK, meet tayo halfway," sagot niya. "One point two."

"Hanggang one point three lang pwede, pre," sabi ko. Actually, papayag pa ako ng P1,250,000 para at least me P50K ako, pero nag-OK na siya sa one point three! Ba! Mukang tiba-tiba yata ako dito ha!

Gusto nya daw makita yung bahay, kaya nag sched kami ng tripping. After office hours lang daw siya pwede kaya nagkita kami ng 5pm isang araw somewhere sa Quirino Avenue. Maganda kotse niya at mukha namang me kaya talaga. Pormal at diretso makipagusap tong lalaking ito. Gusto daw niya ng bahay sa malayong lugar na me privacy at tahimik talaga pero hindi naman outside Metro Manila. Kaya sabi ko, perfect itong property na to sa kanya.

"Tignan natin," malamig na sabi niya, parang yung mga salita ng mga boss ng sindikato.

Medyo madilim na nung nakarating kami. Lalong tipong haunted house ang dating ng bahay tuloy. Sabi ko sa sarili, patay! Baka hindi magustuhan, kasi nakakatakot ang itsura. Pero tinignan ko reaction ng mukha ni buyer--ang ganda ng ngiti niya.

"Wala na ba talagang tawad, pre?" tanong niya.

"Yun na yon, bro."

"One point three," sabi niya sa sarili habang hinahaplos ang baba niya at nagiisip. Pero naka-ngiti pa rin siya. "Clean title to, ha?"

"Clean title ito," sabi ko habang tutungo-tungo.

"Sige, paki handa mo na papeles."


Nung inabot ko ang title na nasa name na niya at yung deed of sale at iba pang documento, niyaya muna niya akong kumain sa Max sa SM North. Bahala daw akong umorder. "Ba!" sabi ko sa sarili. "Di yata't tuwang-tuwa talaga ito sa nabili niyang property! E, kung ako ang me pera, di ko bibilin yung bahay at lote na yon--parang pugad ng zombies at mga maligno! Pero eto, papakainin pa ako sa Max!"

Nag-order ako ng fried chicken (syempre) sinigang na baboy at spring rolls. Dinagdagan niya ng kare-kare, chopped suey at sisig tofu. Tapos, nag ice cream pa kami!

"Me pamilya ka na, Mr. Illustre?" tanong ko.

Na-ngiti siya--yung parang ngiti ng boss ng sindikato na me papatayin--at sinabi niya: "Actually, I'll get married in 5 months. I want to surprise my would-be wife about the property. Pagagandahin ko siya with all the features my wife wants in a house."

Tumungo-tungo ako habang nilalantakan ang mga gulay ng sinigang. Pagka-kagat ko ng fried chicken, tinanong ko siya: "Me architect ka na, sir?"

Pormal niyang pinunasan ng table napkin ang bibig niya, at sumagot: "Actually, wala pa nga. Can you recommend someone, Mr. Jaden Mero?"

"Jad na lang, Mr. Illustre!"

"Sige, Jad. And just call me Pete."

Siniguro ko munang makasubo ng mga gulay ng kare-kare with a little bagoong at saka ako nagisip. Architect? Pwede si Marvy dito! In fact, inalok na ako ni Marvy minsan na pag meron daw akong referral, he will give me 5 percent commission ng total cost! Pera nanaman ito, kung sakali!

Pumayag makipag-meet si Pete ke Pareng Marvy tungkol sa design and construction ng bahay. Sana magka-deal sila. Pag-uwi ko, tinawagan ko agad si marvy para kontakin niya si Mr. Pete Illustre. After a day, tumawag si Marvy sakin--it's a go daw! WOW! Biro mo, na-hit ko yung P100K commission sa pagbenta ng property, ngayon naman mahi-hit ko yung 5 percent commission!

After 3 days, tumawag ulit si Marvy sakin. "Pre, three point five and total cost ng project! In-approve na ni Mr. Illustre! Kaya me P175K commission ka sakin!"

Lahat-lahat, P275,000 ang kinita ko noon! Easy money lang kung baga. Of course, nahirapan ako sa paglakad ng mga papeles, pero it was all worth it! Laki ng kita ko!

Ano ginawa ko sa pera? Dun ang simula ng kwentong kalog ko.

[Itutuloy]

Kakaibang Ahente ng Lupa

renz15.wordpress.com
O nga pala, nasa real estate din ako, bukod sa blogging. Nope, hindi ako realtor--ahente lang. Pero kakaibang ahente ng lupa to, pre. Hindi ako yung karaniwang ahente na konektado sa isang company. Solo flight ako. Ibig sabihin, pinabebenta sakin ng me-ari ang lupa at bahay nila. Pinapatungan ko nalang.

Mas exciting!

Kunwari, ang price ay P1.2M. Gagawin kong P1.8M. Ba't ang laki ng patong ko? Kasi tatawad pa ang buyer. Babaratin ka. Kaya pag P1.8M at tumawad ng P1.3M, syempre aarte ako na kunwari palugi. Pero wag ka, papayag rin ako. At least me P100K ako, di ba?

So, ganun lang.

Pero madalas, hindi ganun lang yon. Mas madalas yung kikita ka lang ng P20K or P40 K or P10K at madugo yon. Ka-daming drama non at tawaran at minsan sasabunin ka pa. Tapos lalakarin mo yung transfer ng titulo, yung capital gains, at kung anu-ano pa. Madalas maiiwan sayo P5K or something nalang. Buti nalang sideline lang ang pag-aahente. Blogging talaga ang bread and butter ko. Me mga business blogs ako. Itong KwentongKALOG, pang alis stress ko lang to.

At kung saan-saan din ako napapadpad na lugar. Gaya ng minsan, me pinabenta saking lumang bahay sa dulo ng Novaliches nung binata pa ako (madalas, lumang bahay ang pinapa-benta sakin. Yung me-ari pupunta ng States at kelangan mabenta na property niya. Yung ganon).

So, unang gagawin, pupuntahan mo yon, picture-picture sa labas at loob, upload online, tapos aalok mo rin sa mga connections mo. Meron kasing mga ma-perang walang ginawa sa buhay nila kundi mamili ng lupa. Sila yung mga connections ko. Sila rin yung barat madalas. Ibebenta rin kasi nila yon matapos gawan ng improvements.

Minsan, kundi ka nila babaratin, susulutin nila client mo. Didiretso sila sa client. Wala ka ng magagawa. Talo ka. Before you know it, magkakatawaran na sila at nabenta na ni manunulit yung property. Ganon lang talaga buhay. I learned how to live with it. Noon naba-bad trip pa ako. Ngayon, nagkikibit-balikat nalang ako.

So, eto nga yung old house sa Novaliches. Parang tulad nang picture na nasa itaas, pero hindi yan ha. Parang ganyan lang. Mga 5:30 palang ng umaga umalis na ako. Mas maganda pag maaga pa lang, andun ka na at nagpi-picture. Di pa mainit at fresh pa utak mo. Kelangan kasi kunan mo ng best angles niya yung bahay, and it will help a lot kung mabilis kang magisip.

Makikita mo, habang papunta ako sa Novaliches, majority naman ng tao papalayo sa Novaliches, papunta sa mga work nila. Lahat sila nagkukumahog magmadali. Ako naman, pa-easy-easy lang. Wala akong oras na hinahabol. Yan ang sarap ng wala kang amo, wala kang boss. Walang gaanong stress. Kaya mag-KALOGrapher ka nalang din na me sideline na real estate or anu pa mang sideline yan. Maghanap ka lang ng kwentong kalog, i-blog mo, tapos mag-alok ka rin ng paninda online. I tell you, maganda rin ang kita paminsan.

Nung umagang yon, halos ako lang yata ang papuntang looban ng Novaliches--lahat sila abalang paalis sa Novaliches.

Una, puro buildings pa makikita mo sa labas ng bus--mga fastfoods, shops, palengke, groceries, offices at hospitals. Mamyang konti, mga subdivisions. Tapos, mga bagong subdivisions na madaming bakanteng lote. Tapos, mga puno at lumang bahay--parang prubinsiya na.

Dumating ako ng 7 am. Sa loob ito ng isang subdivision na dulo na yata ng daigdig. Mga luma din ang mga katabing bahay at halos karamihan walang nakatira. Ma-puno rin--mga acacia, ipil, mangga at me mga narra pa sa hilera ng kalye. Tahimik, maliban sa mga huni ng mga ibon.

Ilang pa-liko-liko pa, ayun na yung bahay sa number 47. Wow, old house talaga, 2 levels at merong attic. Parang yung mga napapanod mo sa mystery suspense movies. Bukas ang gate at puro tuyong dahon ang nagkalat sa paligid. Walang naglilinis, nasabi ko sa sarili. Baka me sawa pa dito.

Mabenta kaya ito?

Isinuot ko yung susi sa front door, pinihit, "click!" Bumukas ang pinto.

Amoy luma sa loob--yung napag-lipasan ng panahon. Wala ng mga furnitures. OK pa naman ang structure ng bahay, kelangan lang ng linis and re-painting, OK na ulit ito. Umakyat ako sa taas. Kahit umaga, parang nakaka-kaba lang ng konti. Di naman ako matatakutin, kaya lang, parang me nakasunod sakin--yung ganon ba. Imagination ko lang yun, syempre. Actually, parati naman ganon sa trabahong ito. Pag nasa old house ka, parang me kung anong nakasunod sa likod mo.

Sanayan din minsan. At ang iisipin mo, ano yung price na akma sa property, hindi yung kababalaghan ang iniisip mo. Di ka naman pumunta dun as Ghost Buster. Andun ka as ahente ng property.

Sabi ng me-ari, P1.2M nga daw ang price niya at bahala na akong mag-patong. Mukhang OK naman itong bahay at malaki naman ang sular niya, kaya pwede na P1.3M. Pero tatawad pa mga buyers, kaya P1.8M nga. Pagka-tapos ko mag-picture-picture, umalis nako. Sa labasan, merong Special Tapa House at dun muna ako nag-breakfast. Masarap  din yung tapa at singag nila, medyo matigas lang yung tapa. Tapos non, in-up load ko na mga pictures online. Pagkaraan lang ng 2 hours--habang nasa bus ako pauwi--me nag-call na. Saan daw ba ito at pwde ba daw tumawad pa?

[Itutuloy dito]