Mas exciting!
Kunwari, ang price ay P1.2M. Gagawin kong P1.8M. Ba't ang laki ng patong ko? Kasi tatawad pa ang buyer. Babaratin ka. Kaya pag P1.8M at tumawad ng P1.3M, syempre aarte ako na kunwari palugi. Pero wag ka, papayag rin ako. At least me P100K ako, di ba?
So, ganun lang.
Pero madalas, hindi ganun lang yon. Mas madalas yung kikita ka lang ng P20K or P40 K or P10K at madugo yon. Ka-daming drama non at tawaran at minsan sasabunin ka pa. Tapos lalakarin mo yung transfer ng titulo, yung capital gains, at kung anu-ano pa. Madalas maiiwan sayo P5K or something nalang. Buti nalang sideline lang ang pag-aahente. Blogging talaga ang bread and butter ko. Me mga business blogs ako. Itong KwentongKALOG, pang alis stress ko lang to.
At kung saan-saan din ako napapadpad na lugar. Gaya ng minsan, me pinabenta saking lumang bahay sa dulo ng Novaliches nung binata pa ako (madalas, lumang bahay ang pinapa-benta sakin. Yung me-ari pupunta ng States at kelangan mabenta na property niya. Yung ganon).
So, unang gagawin, pupuntahan mo yon, picture-picture sa labas at loob, upload online, tapos aalok mo rin sa mga connections mo. Meron kasing mga ma-perang walang ginawa sa buhay nila kundi mamili ng lupa. Sila yung mga connections ko. Sila rin yung barat madalas. Ibebenta rin kasi nila yon matapos gawan ng improvements.
Minsan, kundi ka nila babaratin, susulutin nila client mo. Didiretso sila sa client. Wala ka ng magagawa. Talo ka. Before you know it, magkakatawaran na sila at nabenta na ni manunulit yung property. Ganon lang talaga buhay. I learned how to live with it. Noon naba-bad trip pa ako. Ngayon, nagkikibit-balikat nalang ako.
So, eto nga yung old house sa Novaliches. Parang tulad nang picture na nasa itaas, pero hindi yan ha. Parang ganyan lang. Mga 5:30 palang ng umaga umalis na ako. Mas maganda pag maaga pa lang, andun ka na at nagpi-picture. Di pa mainit at fresh pa utak mo. Kelangan kasi kunan mo ng best angles niya yung bahay, and it will help a lot kung mabilis kang magisip.
Makikita mo, habang papunta ako sa Novaliches, majority naman ng tao papalayo sa Novaliches, papunta sa mga work nila. Lahat sila nagkukumahog magmadali. Ako naman, pa-easy-easy lang. Wala akong oras na hinahabol. Yan ang sarap ng wala kang amo, wala kang boss. Walang gaanong stress. Kaya mag-KALOGrapher ka nalang din na me sideline na real estate or anu pa mang sideline yan. Maghanap ka lang ng kwentong kalog, i-blog mo, tapos mag-alok ka rin ng paninda online. I tell you, maganda rin ang kita paminsan.
Nung umagang yon, halos ako lang yata ang papuntang looban ng Novaliches--lahat sila abalang paalis sa Novaliches.
Una, puro buildings pa makikita mo sa labas ng bus--mga fastfoods, shops, palengke, groceries, offices at hospitals. Mamyang konti, mga subdivisions. Tapos, mga bagong subdivisions na madaming bakanteng lote. Tapos, mga puno at lumang bahay--parang prubinsiya na.
Dumating ako ng 7 am. Sa loob ito ng isang subdivision na dulo na yata ng daigdig. Mga luma din ang mga katabing bahay at halos karamihan walang nakatira. Ma-puno rin--mga acacia, ipil, mangga at me mga narra pa sa hilera ng kalye. Tahimik, maliban sa mga huni ng mga ibon.
Ilang pa-liko-liko pa, ayun na yung bahay sa number 47. Wow, old house talaga, 2 levels at merong attic. Parang yung mga napapanod mo sa mystery suspense movies. Bukas ang gate at puro tuyong dahon ang nagkalat sa paligid. Walang naglilinis, nasabi ko sa sarili. Baka me sawa pa dito.
Mabenta kaya ito?
Isinuot ko yung susi sa front door, pinihit, "click!" Bumukas ang pinto.
Amoy luma sa loob--yung napag-lipasan ng panahon. Wala ng mga furnitures. OK pa naman ang structure ng bahay, kelangan lang ng linis and re-painting, OK na ulit ito. Umakyat ako sa taas. Kahit umaga, parang nakaka-kaba lang ng konti. Di naman ako matatakutin, kaya lang, parang me nakasunod sakin--yung ganon ba. Imagination ko lang yun, syempre. Actually, parati naman ganon sa trabahong ito. Pag nasa old house ka, parang me kung anong nakasunod sa likod mo.
Sanayan din minsan. At ang iisipin mo, ano yung price na akma sa property, hindi yung kababalaghan ang iniisip mo. Di ka naman pumunta dun as Ghost Buster. Andun ka as ahente ng property.
Sabi ng me-ari, P1.2M nga daw ang price niya at bahala na akong mag-patong. Mukhang OK naman itong bahay at malaki naman ang sular niya, kaya pwede na P1.3M. Pero tatawad pa mga buyers, kaya P1.8M nga. Pagka-tapos ko mag-picture-picture, umalis nako. Sa labasan, merong Special Tapa House at dun muna ako nag-breakfast. Masarap din yung tapa at singag nila, medyo matigas lang yung tapa. Tapos non, in-up load ko na mga pictures online. Pagkaraan lang ng 2 hours--habang nasa bus ako pauwi--me nag-call na. Saan daw ba ito at pwde ba daw tumawad pa?
[Itutuloy dito]
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!