"Romblon kami, kuya," ika ni suki.
Nanlaki mga mata ko. "Romblon! Maganda doon!'
Halatang sumigla na silang dalawa. Nag-kwento na ng kung anu-ano tungkol sa Romblon. Nakaka-bagok ding tumunganga sa talipapa na yung tao mo lang ang kaharap mo parati. Kaya pag me naka-kwentuhan sila, ganado rin.
So, nag-kwento na nga sila, lalo na yung mahiwagang dagat daw banda roon sa kanila. Nabanggit ko kasing pag ganitong mga buwan (October to November), mahirap daw maglayag ang mga barko roon. Masyadong mahiwaga ang alon. Nung nabanggit ko yung "mahiwaga" ginanahan na silang mag-kwento.
Kaya nga binigyan ako ni suki ng matatabang parte ng manok.
Me bulubundukin daw kasi doon na me "magnet" kaya parang nahihigop ang mga barko kahit di naman malakas ang alon sa dagat. Minsan naman, bigla daw magiging ma-alon. Tapos, nawawala ang ibang mga banka o barko ng ganun nalang.
E di syempre, napahinto ako at nakinig sa kanila. Minsan, nag-aagawan pa silang mag-amo sa pagsalaysay sakin ng mga hiwaga. Pag kwentuhan nga naman, sumisigla ang mga tao. Tapos, na-singit ni suki ang tungkol sa mahiwagang gintong barko na nagpapakita sa me Sibuyan Sea. Nakita pa nga daw ito ng Philippine Navy at sinundan ng kanilang speed boat. Pero wala din.
Delikado daw sundan ito. Ma-e-engganyo ka daw kasing sundan ang all-gold ship na to. At pag sinundan mo, yari ka. Mahiwaga kang maglalaho sa karagatan. Katakot naman yan.
Marami daw hiwagang bumabalot sa karagatang yon dahil me mga ginto daw sa mga bundok na pinangangalagaan naman ng mga mahiwagang nilalang. Sabi ko, "Ah oo, napanood ko nga yan minsan sa TV! Mahiwaga nga daw!" napanood ko ito sa "Misteryo."
Ang huling nabanggit ni suki ay nung nag-shooting daw sila Eddie Garcia banda doon. Barilan daw. Pero nung natapos na at pinanood nila yung take, lahat daw sila walang ulo! Di na daw natuloy ipalabas yung pelikula.
Tawanan kami.
Ngayon, ang prublema ko, ito--di ko alam kung paano makakawala sa kwentuhan nung dalawa. E, ganadong-ganado pa naman sila. Pero kelangan ko na ring mamili sa kabilang tindahan ng mga sangkap sa adobo ko.
At last, dumating si Mrs ni suki at kinalabit siya, parang sinasabi, "Hoy! Tama na yan! Hanapbuhay ka muna!" Sunod agad si suki. Dun ko nakita, tigasin pala si suki, hehehe. Yun ang mas malaking hiwaga.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!