Friday, September 18, 2015

Wag Kang Bibili sa Tindahan ng Hating Gabi


Noong 1989, nagtayo si nanay ng tindhan after she retired sa Malacanang. Sa labas lang ng bahay yung tindahan, accessible sa kalye agad. Summer non at me liga sa plaza.

So, kahit hating-gabi, bukas pa kami kasi mga 1 am natatapos yung liga ng basketball. Didiretso mga players sa amin para ubusin ang softdrinks namin at iba pang paninda.

Ang nagbabantay sa tindahan non, ako, sister ko, pinsan at pamangkin. Newly opened ang store tapos summer pa, kaya excited pa kami.

Nagku-kwento ako para maaliw kami. Nasa me rehas ako ng store at nakikita ko ang kalye. Nakita ko, me paparating na dalawang katulong, magkayakap, parang natatakot. Bibili sila ng softdrinks.

Bigla, me naisip ako--OK na kwentong kalog to.

Nung mga 10 feet away sila from the store, nagkwento na ako ng kababalaghan. Medyo nilakas ko boses ko. Sabi ko:

"Basta, nakita daw nung mga kabataan yung white lady. Talagang white lady--nakalutang daw sa hangin!"

E di nagulat mga kasama ko. Pero nung nakita nila yung dalawang katulong, na-gets na agad nila. Me kalokohan akong ginagawa. Me kwentong kalog akong niluluto--at ito'y para takutin yung dalawang katulong.

"Pabili po ng Coke!" sabi nung isang katulong. Halatang nadinig na nila yung unang banat ko sa kwento. Makikita mo sa mukha nila--parang yung mga mabibiktima sa shake, rattle and roll. Kaya nagpatuloy ako:

"Kaya mula noon, nagpapakita na daw yung White Lady dyan sa me puno ng mangga dyan!" tinuro ko yung malaking puno ng mangga na tiyak na daraanan nila. "O, salamat ha!" sabi ko sa kanila pag-abot nila ng bayad.

Nung aalis na sila, pinahabol ko pa: "Mararamdaman mo daw yung buhok ng White Lady sa balikat mo pag andyan na siya."

Sabay bulong ng utol ko sakin: "Wala ka talagang magawa no!"

After ilang sandali pa, nadinig namin yung dalawang katulong kumaripas ng takbo at nagsisisigaw. Grabe ang tili nila kahit wala silang nakita. Nasa imagination lang nila ang lahat, nilikha ng kwentong kalog ko. Kaya wag kang bibili sa tindahan ng hating-gabi, lalo't ako ang naka-tao sa tindahan.

Tawa ng tawa mga kasama ko.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!