Wednesday, September 16, 2015

Misteryo ng Nawawalang Pustiso

balakista.blogspot.com
Me kumakatok sa pinto ko. Accessible kasi ang pinto ko agad from the street. Wala kasi kaming gate or bakuran or front yard. Basta pinto agad. Kaya ayun, madali lang kumatok samin.

Sinilip ko sa bintana--si Pareng Babes. Malungkot.

"O pre, anong atin?"

"Pare, nawawala ang pustiso ko," bungad agad ni Babes. "Di ako maka-alis ng bahay. Me importanteng appointment pa naman ako--bibili na itong customer ko, pre!"

Matagal akong napatitig sa kanya. "Ah, halika, pasok ka muna!" sabi ko nalang. "Kape?"

"Pag gising ko kaninang madaling araw," sabi niya habang umuupo sa small sofa namin, "nasa baso ko pa. Naligo lang ako, nawala na," dagdag niya habang nakatitig sa sahig namin. Kausap niya yung sahig namin. "Paano ito, pre?"

Nagisip ako. Pano nga ba to? Ano ba kinalaman ko sa nawawala niyang pustiso? Nasa bahay lang nila yun somewhere, at dapat sila ni Mareng Mila ang namu-mrublema nito, hindi ako. Ano? Ako ang maghahanap ng pustiso niya sa kanila?

"Hinanap mo na ba sa lahat-lahat sa inyo, pre?" tanong ko para magbigay ng clue. "Baka nasa drawer o cabinet o nahulog kaya sa ilalim ng kama or baka nasa ref?"

Nasa ref? Anung kalokohan yun? Pag di mo alam ang sasabihin, kung anu-ano tuloy nasasabi mo. Kwentong Kalog ang labas tuloy.

"Tinignan na namin sa lahat--pati sa ref at kisame--wala talaga pare," sabi niya sa malungkot at walang pag-asang tono. Ano ba, maiiyak pa yata ako.

"Pre, pwede ka namang lumabas ng bahay kahit walang pustiso. Wag ka lang tatawa," sabi ko nalang sa kanya na pilit kong binigyan ng pormal at siryosong tono, para naman hindi nakakatawa ang dating, diba?

Umiling si Babes. ""Pare hindi pwede yun. Pag nagpatawa ang kliyente mo, kelangan tumawa ka. Kelan mong bumenta."

Naisip kong bigla si Merlita. Malakas pa rin kayang bumenta si Merlita kung bungal siya at walang pustiso? Biglang naisip ko rin, pag babae pustisa dapat, hindi pustiso.

E, sino bang huling nasa kwarto mo bago ka naligo?"

"Si Mareng Mila mo."

"O, di ba niya ginalaw?"

"Hindi daw e."

"Hindi mo kaya nadala somewhere nung papunta kang banyo?"

Napatigil si Babes. Parang sabi ng mukha niya: "Oo nga no."

"Baka wala sa isip mo, nalapag mo bigla sa kusina or sala?" dugtong ko. Para kasing nagkakaliwanag na sa kanya ang lahat-lahat.

Maya-maya, eto na si Betong, yung bunso niyang anak na bata. "Tay," sabi niya, hawak ang pustiso ni Babes. "Sabi ko na lumulutang siya sa kanal e! Sabi mo noon hindi"..

Aral: Siryosohin parati ang pakikipagusap mo sa bata. Wag yung ala kwentong kalog lang.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!