Minsan si Mrs ang namamasyal. Minsan ako. Dun lang naman kami nagliligid sa palibot ng maliit na ospital na yon. Tyempo, si Mrs ko ang naglilibot para ma-relax nung biglang me sinugod sa ER. Mukang grabe daw, sabi ni Mrs sakin.
Pinasok agad sa ER yung pasyente at hiniga. Hinihika daw. Yung janitor ang nangunang magdala sa ER, habang umaalalay yung mga kamag-anak. Nakita ni Mrs, naghihingalo na yung pasyente. Wala pa yung duktor or nurse. Tapos, malalagutan na yata ng hininga.
Kaya itong si janitor, nag perform na ng CPR sa pasyente. One, two, three--blow. One, two, three--blow. Bumilib si sweetheart ko! Madunong si mamang janitor! Alam ni Mrs ko, kasi medtech siya. Ang galeng daw!
Pero, sinamang-palad si pasyente. Tigok. E, teka, asan si dok at nurse? Ayun, mamyang konti, dumating sila para declare na dedo na si patient. Matapos hinanapan ng vital signs, pinapasok na ke dakilang janitor yung bangkay sa morge. Parang ganun lang. Wala lang. Tapos, back to normal lahat. Tahimik nanaman. Medyo kinabahan ako. Di bale, andyan naman si Lord.
Well, yung duktor ng anak namin, magaling yun. Kaso, nung tinakbo namin sa ospital si panganay, ang pinaka malapit ay yung ospital na yon. Ok naman si eldest namin in the end, kasi magaling nga si dok, awa ng Diyos. Praise God!
Pero kawawa naman yung hikaing pasyente. Ba't ganon? At dapat me award si Mr Jani--Best and Most Daring Employee of the Year! Or, baka duktor din si mamang janitor, second course lang niya ang sanitation and floor management?
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!