Si Tito at Toto, nagpapalitan kung sino ang frontliner o sideliner. Frontliner ang tawag nila sa mang-iisnatch talaga. Sideliner yung gagawa lang ng eksena o aakit ng attention para di mapansin yung frontliner. Para walang away, salitan sila araw-araw.
Kaso, nung huling snatch nila, si Tito ang nagsilbing lookout, sideliner, tapos frontliner pa. Si Toto lang ang sumalo nung bag at itinakbo ito para di alam ng biktima kung sino hahabulin. So, sino na ngayon ang frontliner at sino ang sideliner?
TITO: Oy! Nag multi-tasking ako nung huling lakad natin. Kaya toka mong mag frontliner ngayon!
TOTO: Hindi, kelangan sundin natin ang timetable--schedule kong mag-frontliner noon, kaya lang pinapelan mo. Yabang mo kasi e. Kaya ikaw dapat ang frontliner ngayon. Di ko kasalanan yon, no!
TITO: Unfair yan. Ano, double jeopardy? Delikado ako noon, delikado nanaman ako ngayon?
TOTO: Me pa double-double ka pa dyan porke't naka-abot ka ng college! Para walang away, bato-bato pick tayo!
Pumayag naman si Tito. Bato-bato-pick sila. Nanalo si Tito, so si Toto talaga ang frontliner ngayon. Kakamot-kamot ng ulo ito habang naglakad na sila papuntang Cubao. "Basta, walang iwanan ha. Alalayan tayo dapat!" sabi nalang niya ke Tito.
"Shore!" sagot naman niTito.
Mamyang konti, me na-ispatan silang lalaki. Halos naka-lawit na ang mamahaling cellphone sa bulsa sa likod nito plus me naka-lawit ding matabang wallet! Nangaakit!
"Yon o!" sabi ni Toto. "Konting cover lang kelangan, masusungkit ko agad yan!"
"Sshh! Anu ka ba?" warning ni Tito.
Paglapit nila, me napansin si Tito. "Pare, mukang patibong! Atras!"
"What! Bakit?"
"Di mo ba namumukhaan yung lalaki? Si Duterte yan!" sabi ni Tito.
"Duterte?" nagkamot ng ulo si Toto. "Nasa Davao yun, no! Di yon gigimik dito sa Cubao! Magsing-tunog nga ang Davao at Cubao, pero hindi si Duterte yan! Anu ba? Tumatanda ka na yata e!"
"Sinasabi ko sayo si Duetrte yan e. Kaya nga halos ibigay ang cellphone at wallet--dahil patibong yan. Si Duterte yan!"
"O siya, sige, sige! Aalamin ko para matigil ka lang. Kakausapin ko para makita ko ang mukha talaga!" pagyayabang ni Toto.
Nilapitan niya yung lalaki at naki-sindi kunwari. "Pare, makiki-sindi nga!"
Hinarap siya nung lalaki: "Maki-sindi? Huli ka! Bawal ang paninigarilyo dito sa QC!"
Laking gulat ni Toto na si Duterte nga ang lalaki--mukha, tapang at pag-salita. Duterteng-Duterte! Si Duterte talaga! Anong ginagawa niya sa Cubao?
"Sige," sabi nung lalaking kamukha ni Duterte. "Dun ka sa prisinto!"
"Teka sir!" protesta ni Toto. "Wala kang kapangyarihang manghuli sa Cubao. Sa Davao ka lang!"
"Cubao-Cubao ka dyan!" lalong nagalit yung lalaki. "Sinong sinasabi mong taga-Davao? Ako?"
"Di ba sir, si Duterte ka?"
"Duterte pala ha! Sige, lamunin mo yang sigarilyo mo! Tapos, ikukulong kita!"
Takbo agad si Tito, nagmamadali. Kahit anung magyari, determinado siyang umalalay ke Toto. Bumili siya ng Fruit Soda at inabot ke Toto.
TOTO: Anu yan?
TITO: Panulak..
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!