Pero sa me Roosevelt Avenue tapos going in sa Otcho sa Congre, andyan na ang mga haybols. Dito na nagsisimulang mabuo sa imagination ko ang mga istorya-istorya sa mga bahay. Bawat bahay, meron nyan. Kunwari, sa bahay nato me istoryang nagaganap or me istoryang kinikwento sa naka-gather na kasambahay.
Iba't-ibang mga istorya yan. Me tungkol sa pamilya, sa work, sa mga kamag-anak, sa abroad, sa school, sa probinsya, sa outing nung nakaraan lang or outing last year, tungkol dyan sa me kanto or dun sa katabing barangay or village, or baka tungkol sa kababalaghan, multo or white lady daw.
Alam mo naman ang Pinoy, madaming istorya-istorya yan.
Or, sa me garahe ng mga bahay--siguro me mga nagiinuman, at syempre di nawawala istoryahan dyan. Kung anu-anong istoryahan. Yung isang bahay na akala mo madalim sa labas at tahimik, yun pala me nagiinumang 3 or 4 sa me likod with matching ihaw-ihaw pa.
Or sa kusina or dirty kitchen nagiinuman.
Gaya sa amin. Nung college ako, mahilig maginuman ang erpat, mga uncle at kuya ko sa likod bahay. Me iniihaw na malaking bangus sa baga habang pa shot-shot sila ng beer or gin. Tapos, pag OK na yung bangus, pakurot-kurot at pa-sawsaw-sawsaw sa toyo with kalamansi. Tapos istoryahan at tawanan. Mga istoryarero mga Pinoy.
Ako naman, palibhasa di umiinom, pakurot-kurot lang sa bangus at panakaw-nakaw ng iba pang pulutan gaya ng mani, kropek o tirang ulam. Minsan me inihaw ding tahong. Masarap din ang inihaw na atay.
Nakikinig lang ako at nakiki-tawa. Masarap makinig sa mga kwento, lalo't me action pa, at masarap silang obserbahan. Enjoy ko talaga. Napag-aaralan ko tuloy ang iba't ibang personalidad at karakter ng tao. Madalas, pala-bida sila.
Kaya pag umuuwi ako sa gabi, I imagine every home I see na me mga nagi-istoryahan. Baka sa isang room or sa sala ng bahay. Baka sa basement or attic or sa likod bahay. Lahat ng bahay tiyak ko me istorya-istoryahang nagaganap--pwera lang kung tulog na sila. Kanya-kanyang kwento yan.
Now, imagine if you could hear them all! Madalas, I imagine na nadidinig ko lahat ng kwentuhan. At minsan, I also imagine that each household storytelling is connected to the other.
Ganito yan.
Si Juan kunwari at si Pedro at Maria, sa bahay nila, nagkwentuhan. Aba, nadinig ito ni Totoy, at siya namang pumunta sa kapitbahay para ikwento and kwentuhan nila Juan, Pedro at Maria. Tapos, napasa-pasa na ang kwentuhan hanggang nakaabot ito sa kanto--at sa kabilang kanto pa! Kaya ang buong neighborhood nag-kwe-kwentuhan sa iisang topic.
Tapos, magtatawagan sila or text sa cellphone nila para maging konektado mga kwentuhan nila. Or, magtatawagan sa landline para kumpirmahin ke ganito at ganyan ang mga kwento.
Yan ang mga nai-imagine ko sa mga bahay-bahay kaya naaaliw ako sa biyahe at di napapansin ang traffic.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!