Thursday, September 17, 2015

Kilusang Sabado Nights sa Plaza


Minsan, nagka-bright idea mga barkadahan dito samin. Nagkaron sila ng samahan--samahan ng mga tomador kapag Sabado nights. Ang siste, ang lahat ng manginginom dito samin ay maguumpok sa plaza pag gabi ng Sabado bitbit ang kanya-kanyang mga pulutan. Tapos, ambagan nalang sa alak.

O diba? Galeng na panukala. At syempre, hindi ako kasali. Baka ubusin ko lang pulutan nila, magalit pa sila sakin.

Pero si uncle ko kasali. Excited yun basta't inuman. Nagluluto siya ng isang kalderong pulutan para dalhin dun sa plaza--sang damukal na paksiw na isaw, kaldereta, kilawing talaba, bulalo, adobong pusit or madaming pritong taba. Masasarap! Pero pampabata.

So lahat sila dito--mga college students, young professionals, businessmen, laborers, adults gaya ni uncle, at iba pa--kasali. Masaya, kung tutuusin at bonding pa nga ng community. Solidarity kung baga. Unity. Fraternity. Brotherhood. At pihado, ang daming sari-saring kwento dun at istoryahan. I love stories and anecdotes. Type ko rin yung mga tipong kwentong bayan. Mga alamat.

Ang ayokong-ayoko lang yung yabangan at bidahan. Yung mas magaling siya or sila.

Dahil college ako non, feeling ko I missed something by not being there to enjoy the whole thing. Biro mo, andun silang lahat tapos ako wala. Ba't ayaw ko pumunta? Hindi kasi ako umiinom, at ayaw nila yung ganon. Kill joy. Sayang, na enjoy ko sana to the max yung kwentuhan, lalo na yung mga kwentong kalog--at yung mga pulutan.

Pag-uwi ni uncle, tinanong ko agad kung anu-ano ang mga pulutan--inihaw na malaking tuna, sari-saring isdang inihaw, mga barbecue at pork chops, me litson pa raw, at iba't ibang putahe. Naglawaya ako sa kwento ni uncle.

forum.philboxing.com
Tungkol naman sa mga kwentuhan, madalas daw about work and career. Serious at medyo formal. Wala sigurong kwentong kalog or konti lang--pasingit-singit lang. Syempre, I imagined, ang nanguna sa kwentuhan mga career people at businessmen. Mga bossing. Sila daw mga maliliit at laborers, tahimik lang nakikinig sa say ng mga "successful."

Well, that's life, I guess. This world is for big shots.

Kaya madalas tama din ako--mas maganda yung nagiisa ka lang or ka-kwentuhan mo 2 or 3 lang na kasangga mo talaga. At least sold out at OK na kayo sa mga kwentong kalog lang. Walang pasiklaban.

Ilang buwan lang, nadinig ko nabuwag na yung Kilusang Sabado Nights nila. Na bore na daw yung mga maliliit sa kwento ng mga big-time. Sayang, di man lang ako nakatikim ng inihaw na tuna.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!