Wednesday, September 16, 2015

Ba't ang Lakas Magbenta ni Merlita?

madamenoire.com
Sabi niya siya si Meryl--para swabe ang dating, class--although Merlita talaga name niya. Kelangan daw yata sa sales yon--magpa-cute ng pangalan. Pero hindi yun ang reason kaya malakas magbenta si Merlita.

Biruin mo--top siya parati sa bentahan. Hit niya lahat ng monthly quotas at sobra pa nga. Kaya ang laki ng commissions niya each payday bukod sa bonuses pa ng company sa kanya, like the travel incentives. "What's her secret ba?" tanong ko minsan sa sarili habang nilalantakan ang isang malaking crispy crust tuna sandwich at nilalagok ang isang ice-cold, tall glass of mango puree. Ganyan ako pag frustrated to the max.

OK ba?

Anyway, ganito yon. Una, babae kasi si Merlita. Panahon ng mga babae ngayon sa sales. Mas malakas talagang magbenta mga girls kesa sa boys. Ewan kung bakit pero yan ang general concensus. Noon, sales was exclusively the domain of men. Lalaki lang ang nasa sales noon. Ang mga babae, hanggang sales lady lang sa mga department stores.

Pero some time in the late 80s, nagbago ihip ng hangin. Sumubok ang mga girls sa sales management at marketing at umarangkada. Tinambakan ang mga boys--as in tambak talaga.

Second, ang mga girls sa sales ay mapusok. They know how to maximize their girl power--even over their female clientele. Somehow, na discover nila na me girl power sila and they took it to the highest level. Most men in sales kasi, basta't kumita lang, OK na. Tapos, madalas wala pang dating. Lousy kumilos at pumorma. Laki pa ng tyan.

Not with the girls. Todo ayos at makeup yan maya't maya. Ikaw ba pre nagme-makeup at nagli-lipstick? Dun lang talo ka na. Pusturyosa sila. They wanted to occupy the top seats. Yumabong na kasi noon yung tinatawag na "Women's Liberation" daw.

So, with their girl power, marunong sila mang-braso--and safely get away with it. Hindi pwede sa men yon. Subukan mong mang-braso pag di inupakan ka ng kliyente mo--lalo't maskulado. Si colonel or si general ba maba-braso mo? Pero si Merlita--sexy at malakas ang appeal--kaya nya yon, at gusto rin ni colonel at general yon. Lalo na si CEO.

Madami na akong naging bossing. Lahat sila eto siste--pag me lalaking sales agent na kakausapin sila, they say; "Sabihin mo bumalik nalang. Busy kamo ako!"

Pero pag female marketing officer: "Bata at maganda ba?"

"Yes, boss! Sexy!"

"Sige, papasukin mo. Kausapin ko!"

Third and last, hindi pwedeng "maka-lalaki" ang girls. With boys, mag-suggest sila or mag advice aggresively, baka isipin pa ng lalaking client nila nakaka-lalaki sila. Nahe-hurt ang ego minsan ng male clients, lalo't me position. At madalas, ang deciding officer ng mga companies--yung pipirma sa PO at cheke--mga boys.

Ang mga girls sa sales, they can afford to be aggressive and get away with it. Cute pa nga ang dating nila minsan sa mga male clients pag aggressive. And the same often holds true even with their female clients. Madalas, pag nakita ng female clients ang isang young and aggressive female sales agent, natutuwa. Naaalala kasi nila nung kabataan nila.

So, alam mo na ngayon ba't ang lakas magbenta ni Merlita?

Pero wag ka ma-discourage, pre. Pwede ka pa rin sumabak sa sales. Galingan mo lang at habaan ang pasensya. I know.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!