"Talagang nililiguan ng mga tao yan, kuya!" sabi ni Bong na taga-bakery (yung suki kong bakery sa village), lalo na ng mga bata!" Nasa bakery niya ulit ako at bumibili ng pandesal.
Madalas akong tumambay ng sandali doon para sa kwentuhang kalog at tawanan. Alam nila akong palabirong neighbor.
"Yak!" sabi ko. Di ko ma-imagine yung dumi ng ilog. Doon kasi ang labasan ng lahat ng kanal dito sa village at kahit na sewer yata. So me mga lumulutang-lutang na kung anu-ano don! Tapos doon da-dive yung mga bata!
At me mga baon pa silang pagkain. Dun sila nagla-lunch--picnic baga--kasi me mga bato-bato doon na pwedeng upuan at pahingahan. Nasa ilalim pa ng malaking punong mangga. Me lilim. At the best siya pag me bunga yung mangga! O di ba?
Tapos sabay dive.
Sa ilalim naman ng tulay sa ilog, me mga squatters (yun yung mga pawid at "cabins" na nasabi ko kanina). Sabi ng iba, doon daw nakatira yung mga kawatan--ewan ko kung totoo. Pero hindi sila dapat nakatira doon.
Minsan, pag baha daw at nabubulabog yung mga lungga ng sawa sa ilog, naliligaw daw yung iba sa bahay nila Bong. Buti nalang daw magaling yung mga pusa nilang itim pumatay ng sawa. Kaso yung isang pusa, nawawala kaninang umaga. Panay daw ang layas at nanliligaw. Sabi ko, talagang ganon ang mga pusang lalaki, lalo't mating season.
Yung mga squatters under the bridge, madalas daw nakaka-kita ng mga ahas sa ilog.
So, totoo nga--me mga ahas sa ilog.
"Pwede ka palang mag-tayo ng resort dyan sa likod mo, Bong! Kikita tayo dyan!" sabi ko.
Tapos, me kanong dumating, bibili yata ng pandesal. "O, tamo!" dagdag ko. "Me turista ka na agad!" Tawa si Bong. Yung kano naman, di alam ang nangyayari. Sabi lang niya: "Do you still have pandesal, Bhong?"
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!