Ordinarily, OK sana yung biyahe sa bus--madaming magagandang tanawin sa mga bayan ng Isabela sa Norte. Mga ka-lawak na bukirin, luntiang gubat, mga old rustic houses that reminded you of life long ago, mga kalabaw at iba pa. Yung mga ka-sakayan ko, OK din. Me mga dalang makukulit na manok, bigas, gulay, mga prutas at iba pa. Ordinary bus kasi sinakyan ko. No choice.
Masaya sana--kaso mo, iba ang sitwasyon ko--pag di ako nakarating sa airport on time, maiiwan ako!
E birthday pa naman ni sweeetheart ko noon! Di pwedeng di ako makarating ng Manila that day and time! So pray ako ng pray ke Lord, pero cool pa rin ako. Ganon madalas itsura ko--kahit super tense na ang situation, I naturally look cool lang. Wala naman kasi matutulong ang pagka-taranta, sabi ni Lord.
Tingin ako ng tingin sa wrist watch ko. Naku po, 15 minutes nalang! Tapos, di ko pa alam saan sakayan ng trike papuntang airport. Buti nalang, me matandang babaeng nagmagandang loob--sasamahan daw niya ako sa sakayan ng trike.
Finally, nakababa na ako. Sinamahan ako ni Good Samaritan sa sakayan ng trike at pinabaunan pa ako ng magandang ngiti. Sweet naman. Tinignan ko relo ko--mga 7 minutes!
Buti 3 minutes lang ang biyahe. Yung 4 minutes nasa compound na ko ng airport. Pero lalakad pako dala ang luggage ko sa departure area. Kaya ba ng 4 minutes? Naririnig ko na yung warning sa paging system. One minute nalang. WHAT??? Siguro late yung relo ko!
Takbo na!
Nakasulat sa mukha ng lahat ng tellers sa airport---"Late ka na! Ano ba? Buti umaabot ka pa! Buhay ka pa!"
Sabi naman ng mukha ko--"Oo, Oo na! Alam ko no!"
Sa departure area, nagre-ready na yung plane. Tamang-tama, agad pinaakyat na mga pasehero. Huuh! Just in time, man! See you soon, sweetheart! Miss na miss ko na si sweetheart ko after spending 3 days sa Isabela talking to clients and government officials. Training director ako noon ng isang fertilizer company.
Sa plane, katabi ko mag-ina. Cute yung little girl. makulit. Nginingitian ko. Pleased naman si mother sa smile ko--kala niya siguro para sa kanya smile ko. Di no! Para ke baby mo smile ko!
Lumipad na kami after the nakakatakot na kumbulsyon ng plane. Babagsak kaya ito? Bahala ka na, Lord ha. Una maliwanag sa labas, kita mo mga bundok at maliliit na bahay at sasakyan. Pero after mga 30 minutes near Manila, I saw nothing but white! Malakas ang ulan! Yumayanig ang plane. Mag seatbelt na daw kami, sabi ni captain.
Sinulyapan ko mga stewardess. Nakaupo sila at naka seatbelt na, pero me peke sa mukha nila. Kunwari nagtatawanan sila pero halatang pilit ang tawa nila. Nababasa ko ang pag-aalala sa likod ng cool faces nila. Magaling akong bumasa ng mga mata. Expertise ko yan, dulot marahil ng years of training ko sa Filipino martial arts.
Dapat lalapag na kami eh. Pero na extend pa. Ang tagal naming pa-ikot-ikot sa ere. Tapos white lang sa labas ng bintana. Ang lakas ng ulan! Nag-aalala na si mother sa tabi ko. Pero si baby niya enjoy lang. Tinignan ko si mother ng reassuring look ko, sinasabing, "Don't worry, everything's going to be fine." Parang napayapa naman siya.
Or was it the other way around? Ako yata yung napayapa ng smile niya. Anyway, di ko na matandaan. Siguro, both ways, para walang away. OK?
At last, lumapag na kami. Thank you, Lord talaga! Iba Ka! Nagmamdali akong pumasok sa NAIA airport para makalabas na. Ang sarap ng feeling na nasa Manila ka na ulit. Tinitignan ko paligid ng airport, naka-ngiti ako. Nagtataka mga tao. Thank you, Lord talaga!
Sa labas, pila sa taxi. Nayayamot na ko--miss ko na si sweetheart talaga. Tapos--oops! Ba't amoy suka! Lagot! Sumabog yata yung baon kong apple cider vinegar. Ba't kasi isang bote pa ang dinala ko! Sa pila sa taxi, hinahanap ng mga tao saan nanggagaling yung amoy suka. Nakikihanap din kunwari ako. Malay ba nila, e lahat kami me luggage.
At last, nasa taxi na ako. Nilagay ko sa back compartment luggage ko para matago yung amoy suka. Tinignan ko mga tall buildings around--aba! Yung upper floors nila covered with clouds! Ganon ka-baba ang ulap! Kaya malamig! "Parang Baguio!" sabi ko sa cab driver.
Text, text kami ni sweetheart.
At last, nakarating na rin ako sa QC office namin at dun sa entrance palang sa ground floor, nakita ko na si sweetheart, naghihintay sakin! Oh God, thank you! Ang sarap ng buhay! "Happy birthday, sweetheart ko! Tsup!"
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!