Pero hindi yang picture sa kaliwa, ha. Arlegui mansion yan sa me Malacanang. Pinost ko lang dyan kasi magarang mansion yan.
Pero parang ganyang mansion siya.
Nagbantay ka na ba ng mansion sa buhay mo, kahit saglit na pag-babantay lang?
Anyway, nasa US si uncle noon at yung mga usual tao ng mansion nya nag day off lang. So, punta kaming mag-pi-pinsan dun--ako, utol kong dalawa, at pinsan kong tatlo. Nga pala, kasama din si Uncle Tom Rod, utol ni uncle na nasa US.
So pito kami. Masaya! Nagpasyal muna kami sa paligid ng mansion--to see what was new (me mga bumabalot na misteryo din kasi sa malaking bahay na yon)--at tapos kwentuhan na kami sa sala. Tawanan, syempre. Bumabanda ang alingawngaw ng tawanan namin sa mga sulok-sulok ng mansion. Minsan nga parang me humahalong ibang alingawngaw. Napapa-hinto ako para marinig kung meron nga, at napapa-tingin naman sina Banong at Ton sakin.
Pero tuloy ang tawanan. Where I am, there's lol! Forte ko kasi ang kwentuhang kalog. Mamya pa, nagpadinig na si Uncle Tom Rod (di niya tunay na pangalan)--tom-guts na daw siya. So, ako kasi ang mahilig magluto sa tropa, pumunta ako sa kusina kasama si Banong para maghagilap ng maluluto sa ref.
Hmm...konti nito, kapraso noon, tira-tira. Halatang di namalengke yung mga kasambahay bago sila nag day off--kamias, kamatis sampalok, sibuyas, kalamansi, kangkong, labanos, okra, talong, at siguro mga 2 kilong baboy. "Sinigang!" naisip ko agad. Pina-balatan at hiwa ko ke Banong ang mga sangkap. Nag-saing na ko.
"What ba iluluto mo?"
"Sinigang." sabi ko ke Banong.
"Perpek!" sabi niya. Alam niya kasi kung pano ako magluto. "Chef Jaden" tawag ng iba sakin.
Tinanong din ng mga kasama namin niluluto ko. Nung sinabi kong sinigang, parang duda mga mukha nila. "Madunong ka magluto?" ask nila. Kasi, ang itsura ko, mukhang pang-internet lang ako. Ako yung tipong di madunong sa bahay. Pero, sabi nga ni Melanie Marquez, "Don't judge me, I'm not a book."
Ang katotohanan ng lahat ay nasa pruweba. Nung hinain ko na yung sinigang at naamoy nila, they concluded unanimously--"Madunong ka pala magluto, Jad!"
"Anong madunong?" sagip ni Banong. "Magaling kanyo! Amoy pa nga lang yan, solve na kayo!"
Kain-kain kami. Ang sarap! Ang sarap lalo na ganung salo-salo kayo sa isang malaking bahay na pare-pareho kayong hindi tiga-don. Me mystery and adventure in the air pag ganon, diba? Syempre, nag-kwento ako ng mga misteryo tungkol sa bahay habang kumakain kami--mga imbento ko lang. Mga kwentong kalog. Natatawa sakin si Uncle Tom Rod. Yung iba naman, kagat na kagat sa kwento ko. Di na sila natuto.
Kaya kahit tanghaling tapat, yung mga babaeng pinsan (tatlo sila) nagpasama samin sa basement para jumingle lang. Hehehe. Effective, di ba? Kaya nga kwentong kalog king ako.
Mga almost 6 pm, medyo pa-dilim na, dumating yung mga kasambahay. After miryenda, nag-kanya-kanyang uwi na kami. Ako naman, dahil binata pa ako non, gumimik muna kaming tatlong magpipinsang lalaki. Saan? E di jumigle kami sa McDo--nakakatakot yatang jumingle dun sa mansion--tapos kaming tatlo lang sa basement? Wak na, no!
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!