Wednesday, September 16, 2015

Walang Awa sa Sasakyan

hairstyle-artist-indonesia.blogspot.com
KAWAWA  NAMAN YUNG MOTOR.
Hindi sila carnappers o car thieves. In fact, minsan parang mas masahol sila sa carnappers, sabi ni Professor Pekwa nung minsang nagka-tambayan mga K Boys (Kalog boys) sa tindahan ni Aling Lydia sa kanto.

Masyado daw nilang pinahihirapan ang mga sasakyan nila. Bibili ng maliit na sasakyan e ang laki ng size nila ng di hamak, ika pa ni Prof. Nag-ngangalit si Prof habang ngina-ngata ang Fita at tinutulak ito ng Fruit Soda. "Maliwanag na car abuse yon!" dagdag pa niya.

"Battered vehicle pa kamo," sabat naman ni Pareng Babes. "Me mga karapatan din yang mga sasakyan, no!"

"At me mga pamilya rin yan," sabi naman ni Mr. Bean. Gaya ni Professor Pekwa, di din tunay na pangalan ni Mr. Bean ang Mr. Bean. Bansag ko lang yon sa kanya sa isip ko. Kamukang-kamukha niya lang kasi. Pati paglakad.

Sumipsip na rin ako ng malamig na Fruit Soda ko--Aahh! Sarap! Tapos tinignan ko ang mga kausap ko--siryoso ba sila? Or siryosong ma-mental hospital? "Me mga pamilya rin yan"--iba ding bumanat itong si Mr. Bean. Di ako magtataka kung biglang mangagat nalang ito.

Kaya naman me bago akong bininyagang character para sa Kwentong Kalog--si Cruel Driver. Kapitbahay namin siya pero new neighbor. Dun siya sa bandang itaas ng street nakatira. Mukhang businesman siya, kalbo, malaki at mataba, pero ang liit ng car niya. Actually, napaka-liit na van na parang pinilit siyang isiksik sa loob.

Di ko alam kung makakalabas pa siya dun.

Pag pinapa-takbo niya yun, parang hirap na hirap umandar. At parang puputok ang sasakyan dahil sa kanya. Kawawa yung van talaga. Sabi nga ni Pareng Babes, ba't di nalang mag-commute? Exercise pa sa kanya. Parang gusto ko na ring maniwalang there's such a thing as car abuse, at me mga pamilya rin yang mga yan.

Pag siniryoso mo mga usapang Kalog boys, maloloko ka talaga. Kaya remember, kwentong kalog lang ito. Nilalarawan ang mga totoong pangyayari at mga tunay na tao pero tinatago lang sa mga bansag na pangalan.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!