OK nung umpisa kasi something new. Kakatuwa, lalo na nung unang napansin ni Yaya Dub na Alden was actually watching her perform. The series that followed were exciting.
Kaso mo today parang tumatagal masyado. Pinapahaba nalang. Di ba sa showbiz, dapat mag "move on" na? Hence, they should also cut short the prolonged frustrated romance series and move on to the next level. But probably the ALDUB creators also are lost as to where they should lead the story. Kasi, showbiz is business nga--nagiisip sila pano pa pagkaka-kitaan ang ALDUB phenomenon.
Better make up your minds, guys, kasi the way things are moving, ALDUB may soon lose its mystery and appeal. Mag-isip na kayo ng bagong eksena. Tama na yang kidnap-kidnap.
Dati-rati dito sa kainan na dinadayo ko, hindi masubo-subo ng mga tao ang kinakain nila dahil tutok na tutok sa ALDUB--ayaw ma-miss ang mga eksena.
Ngayon, they can afford to make subo na. Siguro, ma-miss o hindi, so what? Medyo predictable na kasi ang mga esksena. Alam mo na in the end, hindi matutuloy ang meeting nila. Buti na nga lang nakaka-aliw si Wally at Jose--pati na rin si Paulo. Ingat kayo dyan, GMA!
Tapos, yung katabi ko sa table na kumakain ng paksiw na lechon at igado, nag-comment. Dati daw ALDUB lang nasa focus at nasa sidebar lang sila Jose at Paulo (sidebar, parang blog lang). E naka-halata yata sila na natatabunan na nila Yaya at Wally yung dalawa kaya later umeeksena narin yung dalawa as mga kambal daw ni Lola Nidora.
Pero patuloy ang pagsikat ni Yaya sa social media, ha. (Kaka-dinig ko lang sa kapitbahay ko ngayon, Yaya Dub na daw).
Madami pang comments yung katabi ko pero di ko na inintindi. Ang sarap kasi nung Ginataang Langka. Sobrang creamy! Yung ibang natitikman kong Ginataang Langka dry kasi.
Anyway, kaya later, umorder pa ako ng kalahati--with matching half-rice, syempre.
Pero tinututukan parin ng mga manonood na manga-ngain ang ALDUB. Basta't pag schedule na ng ALDUB, change channel na--lahat gusto GMA 7. Walang kumokontra--except yung sikyo ng village na die-hard fan yata ni Vice. E, di naman siya maka-hirit kasi di naman siya bumibili ng kahit ano sa karinderya--me baon siyang kanin tapos hihingi lang ng sabaw ke Ate Laura.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!