Wednesday, September 23, 2015

Si Donya Buding at Si Sikyong Pedro

www.123rf.com
Astang mayaman si Donya Buding--madalas me yosi (at social pa hawak niya sa yosi), class ang pag-lakad, class ang pagka-taba at me pagka-suplada pa minsan. Donya nga. Pero actually, namumulot lang ng mga mabebenta sa basurahan si Donya Buding.

Wala namang kaso yon--marangal na trabaho yon kesa manglimos. Kaya lang, nakukuha pa niyang mag-yosi. Wala na ngang pera, me bisyo pa! Hindi pa healthy bisyo niya!

Di ko alam real name niya. Basta't nakikita ko siya, Donya Buding agad nasa isip ko. Medyo mabait din siya, kasi pag-hahalungkat siya ng basura, di niya kinakalat. At pinapagalitan niya yung ibang halungkat-basura na nagkakalat ng basura. Halos araw-araw andyan sila sa kalye namin, nag-che-chek ng basura. Minsan, trash checker tawag ko sa kanila.

Ito namang si Sikyong Pedro--isa sa mga security ng village--siya ang tiga-sita at habol sa mga trash checkers. Walang patid na habulan yan. Prrt doon, prrrt dito. Di naman nahihinto ang trash checking sa village. Sige pa rin. Pero parang na-e-enjoy na din nila ginagawa nila--sila Donya Buding at Sikyong Pedro. Habulan dito, habulan doon. Gumaganda daw health nila.

Bakit Sikyong Pedro?

Di ko alam tunay na pangalan niya. Basta, sikyo siya tapos kamukha niya yung kakilala kong "Pedro" dati. Tapos, parang tunog "Senyor Pedro," yung masarap na litsong manok dun sa kabilang ibayo. Kaya naisip ko, Sikyong Pedro. See?

Si Sikyong Pedro, dala nya pamilya nya dito sa village at pinatitira sila somewhere dun sa plaza. Me simpleng bahay sila dun, kasama yung tatay ni Sikyong Pedro. Ang tawag ko naman sa kanya, Kapitan Pedro. Tuwing makikita nya ako, nagsasaluduhan kami, kaya tingin ko tuloy sa kanya, kapitan sa Katipunan. Mga 90 years old na siya siguro.

Minsan, sa kakahabol sa mga trash checkers, nadapa si Sikyong Pedro. Subsob ang mukha. Doon na nagumpisa siyang madestino sa kabilang gate. Nagiging "bayolente" na daw siya. Siya na nga nadapa, siya pa bayolente ngayon. Natawa na lang ako. Kaya tuloy minsan, ang tingin ko sa kanya parang mukhang trash checker na din siya. Madalas yata kasing masubsob.

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!