Kaya sinama nila si Dagul. Sasama din sana si Totoy Golem kaso apat na sila. Five is a crowd na. Next time nalang. OK naman si Totoy Golem, maunawain. Kaya OK ang samahan ng Kalog Boys talaga.
Punta sila sa dulo na yata ng Project 6--pinaka-sulok. Pa-sikot-sikot, pa-liko-liko. Tapos, bumaba na sila ng jeep at naglakad pa. Nagtanong-tanong, saan po ba ang Villa Medusa? Tinuro sila banda roon--"Ah, doon pa yon sa me dulo!"
Sa wakas natunton din nila. Ang laki pala! Parang di kaya ng isang araw! Pero a contract is a contract, ika nila. Ang kontrata ay isang araw kaya kelangan tapusin nila ng isang araw. Alas otcho pa lang naman ng umaga kaya sinimulan na nila. Si Prof at Mr. Bean sa loob ng 2-level na bahay, sina Dagul at Babes sa bakuran.
Binuksan ng caretaker yung bahay at tinuro sa kanila kung anu-ano ang dapat linisan. "At huwag niyong paki-alaman ang pang-anim na room," mariing sinabi niya. Nagka-tinginan sila Prof at Robinson. Para namang magnanakaw sila. Tapos, lumabas na si caretaker para sila Babes naman ang bigyan ng instructions.
"Ang lawak pala nire!" sabi ni Mr. Bean. "Limang kwarto!"
"Sige, tatlong kwarto sa itaas sayo, akin yung dalawa sa ibaba plus yung CR. Yung pang-anim na kwarto sa itaas, yun daw ang masters, kaya wag mong paki-alaman yon. Maliwanag? Ano, game ka?" tanong ni Prof.
Pumayag si Mr. Bean. Seems fair naman. Hala, linis sila. Pero habang kanya-kanya silang linis ng mga kwarto, parang me nadidinig silang me kumakaluskos sa pang-anim na room--sa master's bedroom. E sabi ni caretaker, walang tao sa bahay. Di alam ni Mr. Bean na dinig din ito ni Prof sa ibaba, and vice versa. Di nalang nila pinapansin.
Sa labas, nililinis na ni Dagul yung likod habang si Babes naman sa harap. Pero feeling ni Babes, parang me sumisilip sa kanya from the window ng 6th room. Si Dagul naman, me sumisitsit daw from the window ng 6th room din, yung masters. Ah, siguro sila Prof at Robinson lang yon. Walang magawa. Pero teka--sabi ni caretaker walang ibang tao dun.
Later, nung magla-lunch time na, nag-break muna sila. Nagtagpo-tagpo sila sa garahe. Nilabas nila mga baon nila at nagka-sundo na bumili din ng i-ihawin para exciting naman ng konti. Natutunan nila sakin yung mag-isip ng something para maging lalong exciting ang trabaho. Kaya lumabas muna sina Dagul at Mr. Bean para mamili ng isang bangus sa kalapit na palengke. Habang nasa jeep, nagka-kwentuhan sila tungkol sa misteryo ng 6th room.
"Ha? Hindi pala kayo yung sumisitsit?" laking gulat ni Dagul.
Sila Prof at Babes naman, nagka-kwentuhan din about the master's bedroom. "Ha? Hindi pala kayo yung sumisilip sa bintana?" gulat na tanong ni Pareng Babes.
"Pano kami sisilip dun e naka-kandado yung masters at hindi binuksan ni caretaker. Di ba caretaker?" Hindi ito sumagot ke Prof.
Dumating na sila Dagul at Mr. Bean at nag-ihaw-ihaw na sila. Ang laki ng bagus sa halagang P100 lang. Ang taba! Dapat, P130 ito, natawaran lang ni Mr. Bean. Share-share din sila ng mga baon nilang ulam--itlog maalat ke Dagul, nilagang itlog ke Pareng Babes, tuyo ke Prof at dilatang Ligo ke Mr. Bean.
After lunch--mga bandang 3 pm--tulong-tulong na nilang nilinis yung sala, kainan at kitchen. So, andun na silang lahat sa loob ng bahay--at nadidinig nilang apat ang mga kaluskos sa itaas, sa masters. Me tao talaga, ika nila.
Nung natapos na sila, nag-wash-wash sila at hinintay ang bayad nilang tag-P500. Tapos, bago umalis, di na niya natiis--tinanong na ni Prof yung caretaker. "Sabi mo walang tao dito. Nadidinig namin me gumagalaw don sa itaas, sa masters."
"Tama naman sabi ko diba? Sabi ko 'walang tao dito.' Ba't, sino ba nagsabing tao yung nadidinig nyo?"
Nanlaki mga mata nila sa isa't-isa at tapos ke caretaker!
"A-anong ibig mong sabihin? Me mga multo?" tanong ni Mr. Bean.
"Mga sawa po yon. Imbis na aso, mga gutom na sawa po ang alaga naman dito para sa security. Lima sila."
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!